Chapter Two
[Mayumi]
"HINDI na ba talaga kita mapipigilan?" Tanong ni Mama habang dala-dala ang maleta ko papunta sa labas ng bahay.
Tumayo ako pagkatapos ko isintas ang aking sapatos at saka pinagpag ang aking damit. Tinignan ko naman si Mama na kanina pa ako pinapasadahan ng tingin.
"Ma, sayang naman yung opportunity 'di ba?" Nakangiti kong saad at naglakad palapit sa kanya.
I wrapped my arms on her body and hugged her tightly.
"Mag-iingat ka doon. Mahanap mo man ang papa mo o hindi, just enjoy your stay in Japan," rinig kong bulong niya habang mas hinihigpitan ang masasarap na yakap mula sa kanya.
Kumawala ako sa mga yakap at saka muling ngumiti kay mama habang nanatili ang mga hawak ko sa may balikat niya.
"Mag-iingat ka rin ah, Mama."
Umuwi ako sa bahay namin nang may tuwa at galak sa aking puso. Mas mabilis pa sa kabayo ang aking mga takbo papasok ng bahay.
"Mama! Mama!" Masigla kong tawag kay mama nang hindi man lang nabibitawan ang aking bag at hindi man lang naaalis ang aking sapatos.
Paulit-ulit kong tinawag si mama habang nasa kamay ko ang envelope na bigay sa akin ng manager.
"Mama!" Muli kong tawag habang pabalik-balik ako mula sa sala papuntang kusina.
Nakarinig ako ng mga hakbang mula sa hagdan at nagmadali akong bumalik sa sala para hintayin siya.
"Yumi! Napano ka? Anong nangyari?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala nang makalapit sa akin.
Tiningnan ko naman siya at saka naluluhang ngumiti. Mabilis akong yumakap sa kanya at saka tuluyan nang lumabas ang mga luha. Luha na punong-puno ng tuwa.
Ilang saglit ay bumitaw siya sa mga mahihigpit kong yakap at saka ako hinarap.
"Anong nangyari?" Nag-aalala pa rin na tanong niya.
Umiling naman ako habang naluluha pa rin. Yumuko ako at saka tinignan ang aking hawak na envelope. Sinundan niya naman iyon nang tingin at nakita ko ang pagmulat niya ng mata nang makita ang mga laman n'on.
Bumalik ako ng tingin sa kanya at saka malapad na ngumiti. "Ma! Magtatrabaho na ako sa Japan!" Pag-amin ko.
Bakas pa rin sa mukha niya na 'di makapaniwala sa aking sinambit. "Anong ibig mong sabihin? Wala ka naman nabanggit sa akin na may pinag-applyan kang trabaho doon." Puno ng pagtataka ang mga boses niya.
"Thuk-Thuk gave me an opportunity to work in Japan. I will be an exchange employee in one of their branch in Japan. Next week na ang flight ko, Mama," paliwanag ko sa kanya.
Nakikita ko ang pag-iiba ng kanyang expression. "Tinanggap mo?"
Mabilis naman akong tumango. "This is my chance para mahanap ko si papa."
Mapait naman siyang ngumiti sa akin. Natapos ang araw na 'yon na alam kong hindi payag si mama sa desisyon ko. Ngunit sa bawat paglipas ng araw ay unti-unti kong pinaramdam sa kanya na buo na ang desisyon ko.
Nakarinig kami ng sunod-sunod na pagbusina mula sa isang sasakyan na kakarating lang sa harap ng aming bahay. Sabay kaming napalingon ni mama doon kasabay nang pagbukas ng bintana sa sasakyan.
"Yumi! Tara na! Baka mahuli ka pa sa flight mo," rinig kong tawag ni Ate Sha.
Sabay naman kaming natawa ni mama at saka mabilis na ginuyod ang maleta na aking dala. Isang malaking maleta at isang backpack ang pinaglagyan ng mga dadalhin ko sa Japan.
Lumabas ang driver ng sasakyan at saka tinulungan kami na ilagay sa likod ang aking mga bagahe. Ang natira na bag sa akin ay ang hand bag na lagi kong ginagamit sa trabaho.
Bumukas ang pintuan ng sasakyan at saka naunang pumasok si mama sa loob. Bago ako pumasok ay 'di nakatakas ang pagpasada ng mga tingin ni Ate Sha sa akin mula ulo hanggang paa.
Nakasuot kasi ako ngayon ng black na crop top long sleeve at saka fitted na high waisted jeans. Idagdag mo pa ang black boots na aking suot. Sa kaliwang kamay ko ay hawak-hawak ko ang isang makapal na jacket na hanggang tuhod ang haba. Isusuot ko iyon kapag nakapasok na ako ng eroplano.
"Sa mga outfit mo na ganyan, baka hapon ang mahanap mo doon ah," biro ni Ate Sha na nakasuot lang din ng isang simpleng pang-alis.
Natawa naman ako at saka na pumasok sa loob ng sasakyan. "Madali lang humanap ng hapon pero ang hanapin ang tatay mong hapon ay mas mahirap," pabiro ko namang saad.
Natawa na lang din sila sa aking sinabi at saka tuluyan nang umandar ang sasakyan patungo sa airport.
Habang nasa byahe ay chineck ko naman lahat ng mga kailangan ko mamaya. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita na nandoon lahat sa hand bag ang mga kakailanganin ko. Halos lumuwa na nga ang mga laman dahil sinakop ng DSLR ang kalahati ng bag.
"Wag ka masyado maggagala doon kung ikaw lang mag-isa. Mahirap na baka 'di ka na makabalik," paalala ni mama pagkatapos kong isara ang zipper ng aking bag.
"Ma! Masaya gumala mag-isa. No need to worry," sagot ko naman.
Hindi na kasi mapatid ang pagpapaalala niya sa akin mula kanina at minsa'y nakikisawsaw rin si Ate Sha.
Nailingon ko naman ang aking mga mata nang makita kung nasaan na kami. Nagliwanag ang aking mga mata dahil sa magagandang establishments at ang preskong daan ng Clark. Tila isa itong ekslusibong lugar para sa mga mamamayan. Dito rin kasi matatagpuan ang isang sikat na airport sa buong bansa.
Ilang minuto pa ang lumipas at natanaw na namin ang Clark International Airport. Mabilis na umarangkada ang sasakyan papasok ng entrance at saka saglit pang lumibot sa buong paligid.
Maya-maya ay tumigil ang sasakyan sa pinakaharap ng departure area ng airport. Mabilis naman nagtungo sa likod ng kotse ang driver at nilabas ang aking mga bagahe.
Lumabas na rin ako kasama sila Mama at Ate Sha. Umalis naman ang kotse at nagpaalam ang driver na ipa-park muna ang sasakyan.
Tumingala ako at nalula sa matayog na building ng airport. Ilang saglit ay bumalik ako ng tingin nang maramdaman ang mga kamay ni mama na sumaklob sa aking palad.
Nginitian ko siya at saka na kami pumasok sa loob. Nang makaupo kami sa isang waiting area ay tumingin ako ng oras sa aking relo.
"Gusto niyo ba munang kumain?" Tanong ko pagkatapos silang tignan.
"Wag na, anak. Malapit na rin naman ang flight mo," sagot naman ni mama.
"Ay oo nga pala, Yumi. Bilin ni Manager ay meron daw susundo sa 'yon don sa airport ng Japan. Empleyado rin ata ng Thuk-Thuk," bigla namang saad ni Ate Sha.
"Salamat, Ate."
"Good Morning, Passengers! This is the pre-boarding announcement for flight Three A Zero to Tokyo, Japan. We are now inviting those all passengers with this flight. Please have your boarding pass and identification ready to begin boarding at this time. Thank you!"
Ang anunsyo na iyon ay hudyat na kailangan ko ng pumasok sa boarding area. Nginitian ko naman sila at ang ngiti na iyon ay tila ngiti nang nagpapaalam. Tumayo na ako at saka hinawakan ang aking maleta habang sa kabilang kamay ay ang mga papeles na kailangan.
"Ingat ka, Yumi!" Rinig kong sambit ni Ate Sha.
Tumango lang ako saka simpleng ngumiti. Nagsimula na akong humakbang patungo sa isang hallway papasok ng boarding area. Rinig ko naman ang pagsunod nila mama sa akin.
Bago ako pumasok ay muli ko silang nilingon. Nakita ko ang pagwagayway nila ng kamay habang nakangiti. Itinaas ko rin ang aking kanang kamay at saka rin ito winagayway sa kanila.
Tuluyan na akong pumasok nang marinig muli ang final boarding annoucement sa buong airport. Mabilis ang pagkabog ng aking dibdib habang kasalukuyan kinukumpirma ang aking mga papeles. Ang maleta ko rin ay naipasok na sa isang machine.
Matapos ang ilang minutong pagche-check ay nakahinga ako nang maluwag dahil walang naging aberya. Kinuha kong muli ang aking bagahe mula sa machine at naglakad na papunta sa eroplano na aking sasakyan.
Iba't ibang pasahero ang aking nakikita habang naglalakad. Ang iba ay mga pinoy at ang ilan naman ay tila mga hapon. Rinig na rinig din ang mga huni ng mga takong na nagmumula sa mga flight attendants na nangunguna sa amin.
Habang palapit kami nang palapit sa eroplano ay dinadala nang malakas na hangin ang aking buhok. Maya-maya ay tumigil sa paglalakad ang ilan at nakita ko ang pagbukas ng isang eroplano ng pinto nito.
Kasabay nun ang pagkabit ng isang hagdan papasok sa loob. Sa pangunguna ng mga flight attendants ay isa isa naman na pinapasok ang nga passengers sa loob. Sumunod ako sa pila habang patuloy na sumasayaw sa hangin ang aking buhok. Nang makahakbang ako sa unang palapag ng hagdan ay bumungad sa akin ang mga magagandang ngiti ng mga flight attendants.
Ginala ko ang aking mga mata nang makapasok sa loob ng eroplano. Mabilis ko naman sinuot ang aking jacket nang nagsitaasan ang aking mga balahibo dahil sa lamig. Bakas sa mukha ko ang pagkamangha habang naglalakad papunta sa aking designated seat.
"This seat, Ma'am." Turo ng isang crew sa isang bakanteng upuan.
Nginitian ko siya at saka umupo sa tinuro niya. Mabuti na lang ay sa tabi ng bintana ang napuntang seat sa akin. Bago umandar ang eroplano ay nagbigay ng panibagong anunsyo ang isang cabin crew kaya agad ko naman nilagay ang backpack ko sa comportment mula sa aking itaas.
Itinuon ko ang aking atensyon sa bintana habang hinihintay ay pag-angat namin sa ere.
Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman ko ang pag-ikot ng aking sikmura at ang mahinang pag-alog ng eroplano. Hudyat na iyon na tumataas na kami sa ere.
Mas lumiwanag ang aking paningin nang makita ang puting mga ulap sa ere. Walang ibang nakikita kundi ang asul at puting kulay sa paligid. Minsa'y kapag bumababa ang lipad ay nakikita ang magandang tanawin sa ibaba.
Habang nasa byahe ay kumuha ako ng ilang litrato sa aking phone. 'Di pa rin maalis sa aking mukha ang pagkamangha. Ganito pala ang unang pakiramdam na makasakay ng eroplano.
Lumipas ang dalawang oras na byahe sa ere ay lumitaw sa aking gilid ang isang cabin crew at napansin ko rin ang babaeng katabi ko sa seat. 'Di ko man lang nakita kanina ang kanyang pagdating.
Humingi lang ako ng isang juice at pagkain. Isang ngiti naman ng iginawad ko nang magtama ang mga mata namin ng babae. Kitang-kita sa kutis niya ang pagkahapon at isama mo pa ang bumabagay na singkit niyang mga mata. Mapapansin din na isa siyang turista sa Pilipinas na babalik sa bansang pinanggalingan niya.
Mabilis na lumipas ang mga oras pagkatapos kong kumain nang kaunti sa eroplano. Halos nasa anim na oras din ang naging byahe mula Clark patungo sa Haneda Tokyo International Airport.
Maya-maya ay nag-anunsyo na ang pilot ng take-off. Lumingon ako sa bintana nang maramdaman ang unti-unting pagbaba ng lipad ng eroplano. Napabulagat ako nang makita ang nasa ibaba na aming lalapagan.
"Ang ganda," bulong ko sa sarili.
"Is it your first time here?" Rinig kong tanong ng babae.
Nilingon ko naman siya at saka ngumiti. "Yes. First travel abroad," simpleng sagot.
Ilang saglit ay naramdaman ko ang pag-ikot-ikot ng aking sikmura at ang mabilis na paglapag ng eroplano. Halos 'di ako makahinga dahil sa mabilis na pangyayaring 'yon. Naramdaman ko pa ang mga hawak ng babae sa akin dahil bigla na lang akong napapikit sa mabilis na pag-take-off ng eroplano.
Nang maimulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang mga passengers na bumababa na ng eroplano. Nakatayo naman ang babae na kumausap sa akin kanina habang hawak-hawak ang kanyang gamit. Mabilis akong tumayo at saka kinuha ang aking gamit sa compartment.
Pagkatapos ay tumayo ako sa likuran niya at sumunod sa agos ng linya.
"Enjoy your stay here in Japan because I enjoy my stay in your country," masayang saad niya sa akin kahit hindi siya lumilingon.
"Thank you," simpleng sagot ko.
Nang makarating naman kami sa doorway ay isang masayang pagbati ang inihandog sa amin ng mga flight attendants. Tanging munting ngiti ang isinukli ko sa kanila ngunit tila na-estatwa ako nang maakit ang aking paningin sa napakagandang tanawin.
Ang aking bibig ay hindi na maisara at ni walang salitang lumalabas mula rito at tanging ang pagkamangha lang ang aking maigagawad.
Nasa harapan ko lang naman ang isa sa pinakakilala at pinakamagandang tanawin dito sa Japan. Isa sa nga pinakasikat na bulkan sa buong mundo. Ang Mt. Fuji. Ang bulkan na kung saan ang sa taas ng kalatahing parte nito ay binabalutan ng snow.
"Ma'am? Is there anything wrong?"
Nawala ang atensyon ko sa bulkan nang tawagin ako ng flight attendant. Lumingon naman ako agad sa kanya at saka yumuko.
"Nothing. Thank you."
Sayang! 'Di ko natitigan nang matagal!
Nang makababa at habang naglalakad ay muli akong tumingala. 'I'll see you again, Mt. Fuji. At kapag nangyari 'yun ay buong-buo na kitang makikita.'
Pumasok kami sa loob ng airport papunta sa arrival area at halos lumuwa muli ang aking mata sa aking nakikita. Ang buong airport ay napapalibutan ng mga glass wall kasabay ng malamig na temperatura sa lugar.
Bago makalabas ng arrival area ay may machine na nag-scan sa aming katawan kasunod no'n ang pag-scan ng mga papeles namin. Habang naghihintay ako na matapos ay hinanap ko ang babae na nakatabi ko sa eroplano ngunit ni anino niya ay 'di ko na nakita.
Muli kong ginala ang aking mata habang guyod-guyod ng isang kamay ko ang aking maleta. Doble ang laki ng airport na ito kumpara sa laki ng airport sa Pilipinas. Sa kabilang dulong parte ay may isang train station kung saan marami rin pasahero ang sumasakay.
Nagkalat din ang mga tindahan ng pagkain at mga souvenirs sa buong lugar. Nakadagdag din ng kagandahan ang mga high tech na mga kagamitan katulad ng scanner sa bawat dadaanan.
Umupo ako sandali sa waiting area at saka kinuha sa bag ang aking DSLR. Binuksan ko iyon at saka nagsimula nang kumuha ng mga pictures.
Sa sobrang tuwa ay halos magtatalon pa ako sa aking kinauupuan. Bawat litrato na kinukuhanan ko ay tila isang memorya na hindi mawawala sa buong buhay ko.
Makalipas muli ang ilang minuto ay tumayo na ako. Sinukbit ko ang string ng camera sa aking leeg at naglakad papunta sa kanang bahagi ng airport. Kahit 'di ko gaanong naiintindihan ang mga nakasulat sa bawat sulok ay may English translation naman ang mga iyon.
'Di pa rin maalis ang aking ngiti habang sinusuyod ko ang daan palabas. Kumpol-kumpol din ang mga tao na halos magkakasalungat ang mga dinadaanan.
Tumigil ako sandali bago tuluyang makalabas kahit kitang-kita ko na ang kagandahan na naghihintay sa akin. Pumikit ako at huminga nang malalim.
"Papa, I'm here. I hope to see you soon," bulong ko.
Pagkadilat ko ay humakbang ako palabas. Sumalubong sa aking ang malamig na simoy ng hangin kasabay nang pagtangay nito sa aking buhok. Kahit 'di panahon ng snow ay ramdam pa rin ang lamig sa paligid.
Pinasadahan ko ng tingin ang maraming tao sa aking harapan pati na rin ang buong paligid. Tumingala ako at tinitigan ang matatayog na buildings tapos ay nakita ko rin ang mga puno ng cherry blossoms na nakatayo at nakahilera sa gilid ng daan.
Ngumiti ako nang makita na marami ang sumasalubong sa mga bagong dating ng airport. Marami rin kotse ang nakapark sa magkabilang gilid nang malawak na field.
Nagsimula na akong maglakad para hanapin ang sinasabing sundo ko mula sa Thuk-Thuk. Bawat tao na may hawak ng isang papel ay pinapasadahan ko ng tingin.
Natigil ako nang makita ang isang lalaki na may hawak na puting papel. Nakasulat sa papel na iyon ang aking pangalan. Ang lalaki na may hawak ng papel ay medyo may katangkaran at may katandaan kumpara sa akin.
Lumapit ako sa harapan niya at saka yumuko.
"Konnichiwa!" (Hello!)
Bumaling siya ng tingin sa akin at saka ako ngumiti sa kanya. "I'm Mayumi De Vero Hakamori from Philippines."
Napamulat siya matapos akong marinig. "Hi! Oh yeah! Mayumi, right?"
Mabilis naman akong tumango sa kanya habang suot ang malawak na ngiti.
"Hello, Mayumi. Welcome to Japan. I'm Marco at your service." Malamim ang boses nito at bagay na bagay ang pagsasalita niya sa English.
Bigla naman akong napalingon nang mapansin sa aking peripheral vision ang isang pamilyar na itsura. Isang pamilyar na lalaki ang aking nakita at halos maputi na ang mga buhok. Siya ay patungo sa kaliwang direksyon ng daan.
Napamulat ako at napa-awang ng bibig sandali ngunit nang makalayo na siya ay doon na bumilis ang kabog ng aking dibdib.
"Papa!" Tawag ko at saka mabilis na sinundan ang lalaki na aking nakita.
~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top