Chapter Three

[Mayumi]

"Papa!!!" Sa isang iglap ay nabitawan ko ang aking mga dalang gamit at saka mabilis na tumakbo sa kaliwang bahagi ng daan. 

Hindi ko rin inalis ang aking tingin sa matandang lalaki na nakita ko kanina.

"Mayumi! Where are you going?!"

Rinig kong tawag sa akin ng lalaking sumusundo sa akin. Hindi ko naman pinansin iyon dahil patuloy ko lang sinusundan ang imahe ng matandang lalaki.

"Hey! Hey!... You! You! Please take care of these baggages!" Muli kong rinig mula sa lalaki kanina. 

'Di ko maintindihan ngunit tila bumabagal ang takbo ng oras. Sa bawat hakbang ko ay tila mas napapalayo ako sa matandang lalaki na aking sinusundan.

"Excuse me!" Saad ko sa bawat taong makakabungguan ko sa pagtakbo. 

Malapit ka na, Yumi.

"Papa!" Tawag kong muli ngunit sa isang iglap ay dumagsa ang napakaraming tao sa aking harapan. Ang kanilang paglakad ay walang katapusan papunta sa kaliwa't kanan. 

Nawala ang tingin ko sa aking sinusundan at nang maubos ang mga tao sa aking harapan ay 'di ko na muling nakita ang matandang lalaki.

Hinihingal ako na tumigil sa gitna ng daanan ng mga tao at ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod.

"Papa!" Naiiyak kong bulong sa sarili.

'Di ko namalayan ang pagbagsak ko sa sahig habang nananatiling tulala sa daan kung saan ko huling nakita ang matanda. Napayuko naman ako nang maramdaman ang mga tingin ng mga tao sa akin. Ramdam ko ang bigat ng aking puso at tila anumang oras ay babagsak na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Nakakahiya ka, Yumi! Unang araw mo sa Japan gumagawa ka ng eksena!

"Mayumi!" Ang mga boses na 'yon ang nakapagbalik sa akin sa reyalidad. Narinig ko ang mga hakbang nito sa aking likod.

"Are you crazy?! Why did you run?" Bakas sa boses niya ang pagod at pagka-inis dahil sa paghabol sa akin.

Wala na naman mailabas na isang salita ang aking bibig hanggang sa maramdaman ko ang mga kamay niya sa magkabila kong balikat at saka dahan-dahan akong inalalayan sa pagtayo.

"You know what?! I've never chase a woman before!" Inis niyang saad.

"I did not tell you to chase me," mahina kong sambit.

Lumingon siya sa akin kahit nakatingin lang ako sa kawalan. Magsisimula pa lang siya na lumakad ngunit natigilan na sa kanyang narinig mula sa akin.

Narinig ko ang mahina niyang pagngisi. "But you are my responsibility."

Napaawang ako ng labi nang marinig iyon. Tila umatras din ang mga luha na aking pinipigilan. Responsibilidad niya ako? Sabagay siya pala ang sumundo sa akin.

Ilang saglit ay nakita ko na lang ulit ang sarili ko na papasok na ng sasakyan. Ang lalaki kanina ang nagdala ng aking mga bagahe at nilagay iyon sa likod ng mini van.

Agaw pansin din ang mini van na sasakyan namin ngunit nanatili lang akong tahimik hanggang makapasok na sa loob. Napakunot naman ako ng noo nang makita ang lalaki na pumasok din sa back seat at tumabi sa akin.

Napalingon siya sa akin at saka sandaling nagtama ang aming mga mata. "Bakit? Ayaw mo akong katabi?" Tanong niya matapos umupo nang komportable.

Napamulat ako nang marinig ang mga katagang iyon sa kanya. "Do you speak Filipino?!"

"Oo naman noh! Ano akala mo sa akin hapon? Mas gwapo pa ako sa hapon eh." Malakas na hangin ang namuo sa loob ng sasakyan dahil sa kanyang sinabi.

"Yabang! Mukha kasing wala sa itsura mo ang pagiging Pilipino," sagot ko naman.

Napalingon ako sa labas ng sasakyan habang ito ay umaandar. "Saan punta natin niyan?" Tanong ko naman agad bago siya makapagsalita ulit.

"Osaka. Sa apartment at resto. Mahaba ang byahe mula Tokyo to Osaka kaya magpahinga ka muna," paliwanag niya.

Tumango lang ako at nanatili ang aking tingin sa labas. May mas itataas pa ba ang mga buildings na nakapaligid sa daan? 'Di ko pa rin maiwasan na mamangha.

Lumipas ang oras na nakatitig lang ako sa labas at paminsan minsan ay kumukuha ako ng pictures kapag may nadadaanan kaming magandang perfect shot.

"Why did you run earlier?" Biglang tanong ng lalaki na katabi niya sa sasakyan.

Napalingon siya sa lalaki at simpleng ngumiti. "Before I answer your question… What's your name again?"

Natawa naman saglit ang lalaki at saka sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kaliwang kamay.

"Marco."

"Ah oo, naalala ko na!"

"So bakit ka nga tumakbo kanina? It seemed your chasing someone."

Mapait akong ngumiti sa kanya habang hawak-hawak ang camera sa aking kamay.

"Well… I thought I saw my papa. Kamukha kasi nung matanda si papa kaya akala ko magkikita na ulit kami. That's why I chase the man," paliwanag ko habang inaalala ang nangyari kanina. Maybe it's still not the right time.

"Your dad is in here? How?" Bakas sa mukha niya ang pagtataka nang tanungin niya iyon sa akin.

"I'm half Japanese. One reason why I'm here is to find him," mahina kong sagot sa kanya sa muling tumingin sa labas.

Tumango-tango naman siya. "Do you know his address here in Japan?"

Madaldal din pala 'tong isang 'to. Lumingon ako sa kanya at umiling. "No communication at all since I was seven years old."

Huminga naman ako nang malalim at saka humikab. "Malayo pa ba tayo? Ilang oras ba ang byahe mula Tokyo to Osaka?" Dagdag kong tanong sa kanya.

"Eight hours."

Napabulagat naman ako sa aking narinig. "Ano?! Ang layo naman! Wala pa atang dalawang oras yung lumipas!" 

Natawa naman siya sa aking reaksyon. "Kaya nga pinagpapahinga ka 'di ba? Ayaw kasi makinig kanina pa picture nang picture," reklamo rin niya. 

"I don't want to. Sayang yung pagkakataon na mag-explore. First time ko rito kaya every single view is a important and worth to see."

Napabuga lang siya sa hangin at umiling. "Okay! Sabi mo eh."

Pinanliitan ko naman siya ng mata at sandaling lumapit sa kanya. "Teka nga! Kung maka-utos ka parang ang tanda tanda mo na. Ilan taon ka na ba? Taga saan ka sa Pilipinas? Ano posisyon mo sa Thuk-Thuk?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay at saka ako tinignan nang masama. "Sinong matanda?! Ako? Hindi noh! Sa gwapo kong 'to mukha akong matanda? No way!"

Natawa naman ako sa inaakto niya. "Ilan ka  na ba? Thirty?"

"Hoy! Mayumi! Twenty-nine pa lang ako! Wag kang ano diyan," asar na asar niyang sagot.

"So may asawa ka na?" Natatawa kong tanong ulit.

"Wala! Ano ngayon kung walang asawa?!"

"Ah wala ka pang asawa? Kung wala ka pang asawa, edi matanda ka na!"

Halos bumulusok ang ilong niya dahil sa pang-aasar ko sa kanya. Akalain mong nakitaan ko agad siya ng kahinaan niya kahit kanina ko pa lang siya nakilala. Nanatili siyang masama ang tingin habang ako ay tumatawa sa kanya.

"Ikaw asawahin ko eh." May binulong siya ngunit 'di ko narinig dahil sa aking pagtawa.

"Ano sabi mo?"

"Wala!"

Sandaling tumahimik sa loob ng sasakyan. Hindi ko rin nga naririnig na magsalita ang driver. Pati si Marco ay sandali rin tumahimik at nakatitig lang sa labas.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nagliwanag ang mata ko nang makakita muli ng mga cherry blossoms sa daan. May nadaanan din kaming isang street food area kung saan napakaraming tao ang nagdadagsaan.

Tumingin naman ako kay Marco at mukang naka-idlip siya. Tinapik ko ang kanyang braso at sinubukang gisingin siya.

"Marco! Nagugutom ako!" Tawag ko habang niyuyugyog ang katawan niya.

Napamulat siya nang kaunti. "What?" Malamig na boses ang ginawad niya sa akin.

"I'm hungry."

"Sa apartment ka na lang kumain."

Bago pa ako makasagot ay ang tyan ko na mismo ang sumagot sa kanya. Bigla kasi naglabas ng tunog ang aking tyan. Napabuga siya sa hangin at saka kinausap ang driver ng sasakyan. Tumigil ang sasakyan sa giĺid ng daan. 

Binuksan ni Marco ang kabilang pintuan at saka na lumabas. Sumunod naman ako sa  kanya na parang bata na nasisiyahan sa nangyayari. Naglakad kaming dalawa patungo sa kanto na punong-puno ng mga tindang pagkain.

Tahimik naman si Marco habang nakasunod ako sa kanya. Maya-maya ay tumigil siya sa harap ng isang kanto at napanganga ako dahil sa sobrang daming pagkain.

Halos malula at maglaway ako sa mga masasarap na pagkain na aking nakikita. Napalunok naman ako saglit at saka tumingin si Marco sa akin. 

"Pili ka na ng gusto mo," utos niya.

"Ako lang? 'Di ka kakain?" Tanong ko sa kanya. Pasulyap-sulyap ako sa mga tinda at hinintay siya na sumagot.

Umiling naman siya. "Nope. Ayoko."

"Eh? 'Di ka pa ba nakakain dito? Dali try natin pareho!" Aya ko sa kanya.

Hindi pa siya nakakasagot ay hinila ko na siya. Kaliwa't kanan ang ginagawa kong tingin habang ang ngiti sa aking labi ay 'di maalis. Walang pamilyar na pagkain sa akin maliban sa sushi na tinda ng iilan. 

Ngunit dahil nagugutom ako ay nag-try na ako kumain ng kahit ano makita kong masarap. Si Marco ay nakasunod lang din sa akin.

Para akong bata na tuwang-tuwa sa mga pagkain na nakikita ko. Hindi ko man lang iniinda ang pagod sa byahe mula Pilipinas kanina.

Nahagip ng mata ko ang isang pagkain na hugis bilog na niluluto sa pabilog din na mga pan.

"Iyan gusto mo?" Tanong ni Marco na nasa likuran ko. Tumango naman ako sa kanya.

Siya ang kumausap sa tindera at kumuha ng order namin. Sampung piraso ata ang laman ng isang box na pinaglalagyan ng pagkain na 'yon. 

'Di namin namalayan na nakarating kami sa dulo ng kanto at halos kaunti na lang ang nagtitinda sa dulo. Bumalik kami sa pinakaharap at dumiresto na sa sasakyan.

Tatlong klase rin ng pagkain ang nabili namin ay dinala na lang namin iyon sa loob ng sasakyan. Tila naka-achieve naman ako ng isang goal sa unang araw ko rito sa Japan.

Mula nang makapasok ulit kami sa van ay hindi maalis ang aking ngiti. Pati nang matapos kami kumain ay bakas pa rin ang tuwa sa aking mukha.

"May lahi ka ngang hapon," rinig kong bulong ni Marco matapos iligpit ang pinagkainan namin.

Natawa na lang ako sa kanya at saka na umandar ulit ang van. Ilang saglit ay nakaramdam na ako ng pagod sa aking katawan. Mapungay na rin ang aking mata at magdidilim na rin sa labas. 

Unti-unti naman nagsisibukas ang mga ilaw sa mga buildings na mas nakakapagbigay ng ganda sa paligid. Tila araw-araw ay pasko sa  lugar na ito dahil sa mga sumasayaw na ilaw sa paligid. 

Nakaramdam naman ako ng antok habang nakatitig lang ulit sa labas. 'Di ko na rin namalayan ang pagpikit ng aking mga mata at tuluyan nang nakatulog.

Sa muling pagmulat ko ng aking mga mata ay kasabay din nito ang pagtigil ng sasakyan. Hindi ko pa naimumulat nang buo ang aking mata pero rinig ko na ang tawag ni Marco sa akin at kasabay n'on ang pagbukas ng sasakyan. 

Huminga ako nang malalim at saka tuluyan nang gumising. Madalim ang paligid ngunit ang mga ilaw sa kalsada at mga building ang nagsisilbing liwanag.

"Nasaan tayo?" Tanong ko pagkatapos lumabas ng sasakyan. Ginala ko naman ang aking mata at katulad kanina ay matatayog na buildings muli ang sumalubong sa akin.

"Nasa Osaka na tayo. Sa apartment kung saan ka tutuloy," sagot ni Marco sa akin. 

Lumingon ako sa pinanggalingan ng kanyang boses at nakita ko ang halos sampung palapag na building sa aking harapan. Sa pinaka-ilalim no'n ay nakatapat kami sa isang restaurant na nakasara na.

"Ito ang Thuk-Thuk?" Turo ko sa restaurant na nakasara. Nakapwesto ito sa pakurbang daanan mula sa isang kanto patungong kanang bahagi ng isa pang kanto.

Tumango lang si Marco at saka nagsimula nang maglakad habang bitbit ang aking mga bagahe. Kumurba siya sa kabiang kanto at tanging nagawa ko ay sumunod sa kanya. Sobrang tagal pala ng naging byahe ko ngayong araw. 

Tumigil siya sa isang pintuan at nang bumukas iyon ay sinenyasan niya akong pumasok. Muli akong sumunod sa kanya. Nang makapasok kami ay napagtanto ko na isa itong elevator. Pinindot niya ang ikalimang palapag at paglipas ng ilang minuto ay tumigil sa pag-angat ang elevator. Bumungad sa akin ang isang hallway at sa magkabilang gilid ay puro pintuan ang aking nakikita.

Naglakad ulit siya sa may hallway at tanging pagsunod ang aking nagawa. Tumigil siya sa pinakadulong pintuan sa may kanan at saka binitawan ang aking mga gamit. May kinuha siya sa kanyang bulsa habang nakatapat kami pareho sa pintuan.

Gamit ang card na mula sa bulsa niya ay bumukas ang pintuan. Ang tanging ginawa niya lang ay itapat ang card sa isang screen na kasing lapad ng card.

"Ang galing," bulong ko. Binigay niya naman ang card na iyon sa akin at saka muling binuhat ang mga bagahe papasok sa loob.

Dahan-dahan naman kong pumasok sa loob at sumalubong sa aking ang lamig. May aircon! Suot ko na naman ang nakakamangha kong itsura dahil hindi mukhang apartment ang aking titirhan. Mukhang five star hotel na sa Pilipinas ang itsura.

"Dito ako titira?" Tanong ko nang makarating ako sa sala kung saan naroon si Marco.

"Oo. Kaya ngayon matulog kana at maaga pa ang simula ng trabaho mo bukas. Hindi ka nagpunta rito para maggala." Natigilan ako sa biglang pagiging seryoso ng kanyang mukha.

Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya nang maglakad sa aking gilid.

"Nagpunta ka rito para magtrabaho. 'Yan ang alalahanin mo, Mayumi."

Iyon ang mga huling salita na binitawan niya matapos kong marinig ang pagsara ng pintuan. Nang matauhan ako ay mabilis kong ginuyod ang aking gamit papasok sa isang pintuan. 

Mabigat man sa puso ang narinig ko kay Marco ay 'di ko na lang inalintana. Tama naman ang aking hinala nang makita ng isang kama na aking pinasukan. Binagsak ko ang maleta sa sahig at saka na sinimulan mag-ayos ng gamit.

May isang cabinet naman sa gilid na paglalagyan ng mga damit. Mabilis pa sa alas kwatro ang aking ginawa na pag-aayos. Ramdam ko na rin kasi ang pagod.

Natigilan ako sa pagdampot ng aking damit nang makita ang isang picture frame. Dinampot ko iyon at saka sandaling tinitigan. Larawan iyon ni papa. Ang tanging larawan na meron ako sa kanya.

Nagsimula naman mamuo ang mga luha sa aking mata nang bigla sumagi sa isip ko ang pangyayaring matagal ko ng binaon sa limot.

Yinakap ko ang picture frame na iyon habang malinaw sa akin ang mga alaala ng pag-iwan niya sa amin. Kusang bumagsak ang mga luha sa aking mata at hinayaan ang sarili na humagulgol sa gitna ng gabi.

Sa mga oras na iyon ay kusang pumikit ang aking mata na may luha habang hawak ang larawan ng aking ama.

~~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top