Chapter Thirteen
THE LAST CHAPTER
[Mayumi]
Tatlong beses na katok ang ginawa ko nang makarating ako sa harapan ng bahay namin. Dala-dala ang aking mga gamit pati na ang pusong may halong pait.
Bumukas ang pinto kasabay nang pagsalubong ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Halos tumalon ako palapit sa kanya at saka pinulupot ang aking nga kamay sa kanyang likuran. Mahigpit na yakap ang ginawad ko hanggang sa tuluyan na muling bumagsak ang mga luha sa aking mata.
"Mama," tawag ko habang dinadama ang mga haplos niya sa aking likod.
"Ba't di ka nagsabi na uuwi ka na? Eh 'di sana nasundo kita," saad ni Mama sa gitna ng aming mga yakap.
Isang paghagulgol naman ang naging sagot ko sa kanya kaya nanatili kami sa posisyon na iyon ng ilang minuto.
"Wala na si papa, Ma."
Naramdaman ko ang pagbitaw niya ng kanyang kamay at saka niya ako hinarap. Kunot ang kanyang noo at bakas sa mukha niya ang pagtataka.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi mo ba siya nahanap? Hindi kayo nagkita?" Sunod-sunod niyang tanong.
Muli naman bumagsak ang mga luha sa aking mata. "Wala na siya, Mama. He already left us. He's now peacefully sleeping above," naiiyak kong sagot sa kanya.
Walang pagdadalawang isip na kinuha niya ang mga gamit ko sa aking likod at saka iyon pinasok sa loob. Hindi siya kumibo sa aking mga sinabi ngunit bakas sa mga mata niya ang lungkot at pighati.
Sumunod ako sa mga hakbang niya patungo sa loob ng aming bahay habang bitbit ang aking bagahe. Iginala ko ang aking mata sa loob ng aming bahay nang makapasok ako. Walang pinagbago.
Ilang buwan lang ako nawala sa Pilipinas ngunit tila ilang taon ang lumipas dahil sa mga nangyari. Nang mailapag ni Mama ang mga bagahe sa sala ay muli siyang humarap sa akin.
Puno ng mga tanong ang kanyang mga titig ngunit nang umupo siya sa may sofa ay isang tanong lang ang naitanong niya sa akin.
"Anong nangyari, Yumi?"
Umupo ako sa tabi niya at sinimulan nang ikwento ang lahat ng nangyari. Wala akong pinalampas na detalye sa bawat mga salitang binibitawan ko sa kanya.
Simula nang dumating ako sa Japan. Pati nang makilala ko si Marco. Lalo na ang mga panahon na naging masaya ako na kasama siya. Sinabi ko rin ang mga oras na naghahanap kami kay papa hanggang sa malaman ko ang katotohanan.
Patuloy ang pag-agos ng mga luha sa bawat mabibigat na katagang aking sinasalita. 'Di ko rin pinalampas na sabihin yung panahon na nakilala ko si Meg. Ang natatangi kong kapatid kay papa. At pinakahuli sa lahat ay yung oras na nakita ko si Papa na wala ng buhay.
Lahat iyon sinabi ko kay Mama. Pati ang pagsisinungaling sa akin ni Marco at ang pag-aaway ng puso't isip ko na patawarin siya.
"Sa pananalita mo, mukhang napa-ibig ka sa kanya, Yumi," saad ni Mama pagkatapos ko ilahad sa kanya lahat ng pinagdaanan ko sa Japan.
Yumuko ako at saka lihim na pinunasan ang mga luha sa aking mata. Mahina akong suminghot at humikbi hanggang sa maramdaman ko ang mga yakap niya sa akin.
"Pero sobrang sakit ng ginawa niya, Mama. Masyadong nasugatan yung puso ko pero nakikipagdebate naman ang isip ko."
"Naintindihan ko yung nararamdaman mo. Masakit talaga ang unang pag-ibig, Yumi. Lalo na sa sitwasyon mo, mas doble ang sakit dahil sa pagkawala ng papa mo..."
Tanging pagluha ang mga naisagot ko sa mga sinasabi ni Mama sa akin.
"It takes time, Anak. Tama yung ginawa mo na pag-alis dahil sa paglipas ng mga araw maghihilom din 'yan." Bumitaw muli siya sa mga yakap at saka niya dinala ang kanyang kamay sa aking mukha.
Ang malambot niyang kamay ay pinunasan ang mga bakas ng luha sa aking mukha. Sumilay din ang ngiti sa kanyang labi. Ang ngiti na nagsasabi sa akin na may pag-asa pa. May pag-asa pa na magpatuloy sa takbo ng buhay.
*****
Ang mga araw ay naging mabilis sa loob ng aming tahanan. Nanatili lang ako nakakulong sa bahay sa loob ng mahigit isang buwan. Isang buwan na tanging kain at tulog lang ang aking ginagawa. Si Mama ang lumalabas para magtrabaho at ako naman ang gumagawa ng trabaho rito sa bahay.
Walang kaalam-alam ang mga katrabaho ko sa Thuk-Thuk na naka-uwi na ako. Alam ko naman ang mangyayari sa akin kapag nalaman na nila. Matatanggal na rin naman ako sa trabaho dahil hindi ko tinapos ang kontrata sa Japan.
Sa loob ng isang buwan ay parati akong binabangungot ng mga pangyayaring gusto ko ng kalimutan. Sa pagdaan ng mga araw ay tila mas lalo lang nangungulila ang puso ko sa taong sumira nito.
Ang mga ala-ala naming dalawa ay tila nakabaon na sa aking puso at mahirap nang hukayin sa limot.
Nakatitig ako sa kisame ng aking kwarto nang makarinig ako ng mga katok sa pinto.
"Anak! Alis na ako! Nag-iwan ako ng pera pambili mo ng pagkain," tawag ni mama mula sa labas ng aking kwarto.
"Sige po! Thank you! Mag-ingat po kayo!"
Wala akong narinig na sagot sa kanya makalipas ang ilang minuto kaya tumayo ako sa pagkakahiga at bumaba sa kama.
Bago ako lumabas ay kusang lumapit ang aking mga paa sa salamin na nakadikit sa aking cabinet. Tinitigan ko ang aking sarili at bakas sa aking katawan ang pangangayayat. Ganito ba epekto ng broken heart? Napailing naman ako at mapait na ngumiti.
Sa walang kadahilanan ay dinampot ko ang twalya na nakasabit sa likod ng pinto at saka dumiretso ako sa banyo ng kwarto. Naligo at nag-ayos ako ng sarili sa 'di malaman na dahilan.
Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at saka kumain ng almusal. Pagkaubos ko ng kape ay nagsimula na ako maglinis ng bahay. Inumpisahan ko na ang mga araw-araw na ginagawa ko rito sa bahay.
Sinimulan ko ang trabaho sa aking kwarto. Isa-isa kong niligpit ang mga nagkalat na papel at damit sa sahig pati na rin ang mga libro na hindi ko matapos-tapos na basahin.
Ilang oras ang ginugol ko sa paglilinis sa kwarto kaya naman halos tanghali na rin nang matapos ako. Bumaba ako sa kusina para magluto ng pagkain ngunit bago pa ako makarating doon ay nakarinig ako ng pa-ulit-ulit na katok sa pinto ng aming bahay.
"Sandali!" Singhal ko dahil sa bawat katok nito ay nagkakaroon ng nakakairitang tunog para sa akin.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang babaeng hindi ko inaasahan na pupunta rito ngayong araw.
"Ate Sha!" Masayang bati ko sabay takbo palapit sa kanya at saka siya yinakap.
Napapikit ako nang maramdaman din ang mga yakap ni Ate Sha. Ilang saglit ay nakarinig ako ng malakas na pagtikhim sa aking harapan. Napamulat ako at tumingala.
"Justin!" Bati ko sa lalaking kasama ni Ate Sha. Bumitaw ako sa yakap ni Ate Sha at saka yinakap si Justin.
Nang bumitaw siya ay labis ang ngiti na ginawad ko sa kanila. Pinapasok ko sila sa loob ng bahay at pina-upo sa may sala.
"Anong ginagawa niyo rito? Ba't di kayo nag-message? Eh di sana nakapag-ready ako!" saad ko sa kanila nang pinaghanda ko sila ng juice sa may kusina.
"Ikaw nga ang 'di nagsasabi na umuwi ka na pala! Kung 'di pa sinabi sa amin ni...Aray! Ano ba Justin?!"
'Di nakatakas sa akin ang mga tininginan nila ni Justin nang mailapag ko ang pitsel at baso sa maliit na lamesa na nakapagitna sa kanilang dalawa.
"Sino nagsabi?" Tanong ko naman at hindi pinansin ay mga titigan nilang dalawa.
"Ah si Manager. Sinabi ni Manager sa amin kahapon," sagot naman ni Justin.
"Alam na ni Manager? Paki-sabi sa kanya pupunta ako sa Thuk-Thuk para formal na magpaalam. Pasensya na kayo. May nangyari kasing 'di maganda kaya napa-uwi ako," paliwanag ko sa kanila pagkatapos ko umupo sa tabi ni Ate Sha.
"Alam namin," sabay na saad ni Justin at Ate Sha.
Napamulat ako at napakunot ng noo sa sinabi nila. "Anong alam niyo? Alam niyo yung nangyari sa akin sa Japan? Paano?"
Nagkatinginan ang dalawa at tila nag-uusap ang mga mata nila. Maya-maya ay bumaling sila ng tingin sa akin.
"Yumi...ano kasi..
kaya kami nagpunta rito kasi may gustong kumausap sa 'yo," ani ni Ate Sha na nag-iiwas ng tingin sa akin.
Muli ko naman narinig ang mga pagkabog ng aking dibdib nang sabihin iyon ni Ate Sha.
"S-Sino?"
"Sinabi niya sa amin lahat, Yumi. Pati ang nagawang niyang kasalanan sa 'yo. Pati ang nangyari sa papa mo. Lahat, Yumi. Kaya nandito kami kasi sinabi na rin ng mama mo ang lagay mo," paliwanag ni Justin.
"Gusto ka lang namin maging masaya, Yumi," ani Ate Sha habang nakatitig sa akin ang mga mata niyang puno ng lungkot at awa.
Hindi ko pa napoproseso sa aking utak ang mga sinasabi nila ay bumukas na ang pinto ng aming bahay.
Tila bumagal ang pagtakbo ng oras nang dahan-dahan kong nilingon ang aking mga mata sa pinto kung saan pumasok ang isang lalaki na may hawak na pulang rosas. Nakasuot siya ng isang formal na damit at ang ayos ng kanyang buhok ay siyang nakakapagpakisig sa kanyang mukha.
Sa oras na nagtagpo ang aming mga mata ay tila may liwanag na bumabalot sa aking paligid. Ang kanyang buong pagkatao ay nagniningning sa aking paningin kasabay nang mabilis na pagtibok ng aking puso.
Kusang tumayo ang aking katawan at unti-unting humakbang palapit sa kanya. Sa bawat paglapit ko ay nakatitig lang ang mga mata ko sa kanya. Sa 'di malamang dahilan ay naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha sa aking mata.
"Marco," bulong ko nang makalapit na ako sa kanya. Sa isang iglap ay tila nawala lahat ng sakit sa aking puso at napalitan iyon ng pagkasabik sa taong matagal ng inaasam nito.
Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi matapos niyang ibigay ang bulaklak sa akin. Walang pagdadalawang-isip na tinanggap ko iyon.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko habang nakatitig lang sa kanya at tila nawala ang presenya ng mga kaibigan kong nakatingin din sa aming dalawa.
"I did not come here to fight with you. I came here to formally ask for your forgiveness, Yumi. I'm not a perfect guy and I made mistakes that hurt you the most..."
"But when you left and went home in Philippines, I've realized how much I've been loving you since I met you," mahaba niyang saad sa aking harapan.
Tuluyan nang bumuhos ang mga luha na kanina pa pinipigilan ng aking damdamin. Halos napapakagat pa ako ng labi dahil sa ayaw kong humagulgol sa mga salitang binibitawan niya.
"I'm really sorry, Yumi. I know that my sorry is not enough but like what I've said before...one more chance and I'll do everything just to make you happy."
Natawa naman ako nang maalala ko ang mga panahon na masaya kaming magkasama. Yung panahon na ang mga puso namin ay kusang nag-uusap sa gitna ng katahimikan.
"Hindi ko alam paano ako haharap sa 'yo pero tinatagan ko ang loob ko. Bakit kasi kung kailan tumanda na ako saka ka dumating sa buhay ko?"
Parehas kaming natawa sa gitna ng aking pag-iyak. Naramdaman ko naman ang mga kamay niyang humahaplos sa aking mukha. Sa mga hawak niya ay tila may kung anong bagay na nagwawala sa aking tyan at ang aking puso ay nagdidiwang.
"Umuwi ka ng Pilipinas para lang dito?" Tanong ko nang 'di maialis ang titig sa kanya.
"Like what I've said, uuwi lang ako ng Pilipinas kapag nahanap ko na ang babaeng gusto ko makasama habang buhay..."
Kusang ngumiti ang aking labi nang sabihin niya iyon kasabay nang pagpula ng aking pisngi.
"...At nahanap ko na siya, Yumi. Nahanap na kita. Ikaw yung babaeng gusto ko makasama habang buhay."
Nagtagpo ang aming mga kamay hanggang sa muli kong maramdaman ang mahigpit niyang yakap sa akin.
Yakap na hinding-hindi ko pagsasawaan na maramdaman mula sa kanya. Yakap nang may lubos na pagmamahal at bumubuo sa aking pagkatao.
Sa mga nangyari sa buhay ko, na-realize ko kung gaano kagaling ang tadhana. Mahirap hanapin ang isang tao na pilit mong hinahanap, ngunit ang taong hindi natin inaasahan na darating ay siya pala ang taong matagal nang hinahanap ng ating puso.
"Nahanap na rin kita, Marco. Nahanap ko na yung taong bubuo ng aking puso."
~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top