Chapter Nine
[Mayumi]
Tila nablanko ang utak ko nang makita ang picture ni Papa at Marco. Sigurado ako na si Papa ang kasama niya. Pero paano? Kailan pa?
Tinitigan kong muli ang tatlong picture na sinend sa akin. Ang hugis ng mukha ng matanda at ang mga ngiti nito ang nagpapatunay na si papa nga ang nasa larawan. Sa mga oras 'yon ay akong napako sa kina-uupuan at 'di alam ang gagawin.
Maya-maya ay pinindot ko ang number ng nag-message at saka iyon tinawagan. Gusto ko malaman ang totoo. Bakit kasama ni Marco si Papa? Bakit hindi ko alam ang lahat ng ito? Pinunasan ko naman agad ang mga luhang dumadaloy sa aking mukha. Don't cry now, Yumi!
Pa-ulit ulit na pag-dial ang ginawa ko sa number ngunit wala akong nakuhang kahit isang sagot. Hindi man lang nag-ring nang isang beses ang pagtawag ko sa number.
Nag-sent na rin ako ng message ko sa number para alamin kung sino siya at saan niya galing ang picture na 'yan.
"P-Prank ba 'to?" Pabulong kong tanong at saka muling tinawagan ang number.
Ilang saglit ay pumasok sa isipan ko ang taong mas kailangan kong tanungin sa bagay na 'to. Dali-dali akong tumayo at patakbong naglakad palabas ng apartment. Pagkatapos ko i-lock ay nagtungo ako sa harapan ng apartment ni Marco.
Ilang beses ko iyon kinatok at sinubukan buksan. Gamit ang card lock ng aking apartment ay sinubukan kong gamitin iyon sa pinto ng apartment ni Marco. Halos manginig pa ang kamay ko habang binubuksan ang pinto. Ilang saglit ay nanlambot ang aking mga paa nang mag-error ang card lock ng pinto.
"Arghhh!" Singhal ko at saka marahas na tumungo sa elevator.
Halos maghalo-halo na ang pumapasok sa aking isipan. Si Papa. Si Marco. Ang restaurant. 'Di ko alam kung ano ba ang uunahin ko. Napahilamos ako ng mukha hanggang buhok habang hinintay na huminto ang elevator.
Ang tanging pumapasok sa aking ay ang mga katanungan na walang malinaw na kasagutan. Napatikom ako ng bibig habang pinipigilan ang sarili na lumuha ulit.
"May celebration pa ang restaurant, Yumi! Kumalma ka," bulong kong muli sa aking sarili.
Bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa akin ang magandang araw. Sana ganyan din ang buhay, sana lagi nalang maganda ang bungad nito sa lahat. Bumuntong hininga ako at saka na lumabas.
Naglakad ako hanggang sa makapasok ng retaurant. Bumungad naman sa akin ang ingay ng music at ang ingay ng mga nagkakasiyahan na emplayado. Napapalibutan din ang buong restaurant ng mga iilang customer.
Habang sinusuyod ko ang daan patungo sa counter ay may iilan na bumabati sa akin. Nahagip ng mata ko si Tristan at saka mabilis na lumapit sa kanya.
"Tristan!" Malakas na tawag ko.
Lumingon naman siya agad at ngumiti. "You're here! I thought you are with Marco," saad niya.
Kumunot ang noo ko sa kanya. "No. I'm not. By the way, where is he?"
Nagkibit-balikat siya at umiling-iling. "I don't know but he said he will come back around afternoon."
Huminga ako nang malalim at saka ngumiti. Nagpaalam din naman siya at tumango na rin ako. Dumiretso ako sa kitchen at pinatong ang dala kong bag sa cabinet. Bago ako makaalis ay narinig kong muli ang pagtunog ng aking cellphone. Mabilis kong kinuha ang phone sa bag at nakita ang isang tawag mula sa unknown number.
Sinagot ko iyon agad at hinintay ang tao na magsalita sa kabilang linya.
"Hello! Yumi?"
Napakunot ako ng noo nang marinig ang boses ng isang babae.
"Hello? Who's this?"
"It's me! Megumi!"
Lumiwanag nang kaunti ang aking mukha sa narinig.
"Hi! Ms. Mayumi. Why did you call? Do you need anything? Are you going to order for a delivery?" Sunod-sunod na tanong ko.
Natawa naman siya nang kaunti.
"No. I'm fine. Are you busy right now?"
Napakagat naman ako ng labi nang lingunin ako ang dagsa ng tao sa restaurant. "Well, we're celebrating the anniversary of the restaurant right now but I can still have some time to talk with you."
Narinig ko ang paghinga niya nang malalim sa kabilang linya.
"Thank you! But honestly, I need to tell you something, Yumi."
'Di ko maintindihan ngunit nagsimula naman bumilis ang tibok ng aking puso.
"S-Sure, Ms. Megumi. What about it?"
"It's about your dad, Yumi."
Nang marinig ko iyon ay napamulat ako at nagsimula nang maglakad patungo sa likod ng restaurant. Mas lalo pang bumilis ang kabog ng aking dibdib at halos manginig ang aking mga kamay habang hawak ang cellphone na nakapatong sa aking tenga.
"How do you know about my dad? Where is he? How did you know him?" Sunod-sunod na tanong ko.
"It's not important anymore. What is important now is your dad, right? You will find out everything inside the office of Marco."
Nanlalambot ako sa mga naririnig mula sa kanya. Ang pagbugso naman ng mga luha sa aking mata ay 'di ko na rin mapigilan.
"Marco? So, he knows where is my father?"
"Everything, Yumi. Look for the brown folder and your questions will be answered."
"How will I know if you're saying the truth? I don't even know you, Ms. Megumi. We just met twice," matapang na saad ko dahil hindi lubos na mag-sink-in sa akin na sinasabi niya ang lahat ng ito.
Narinig ko ang pagngisi niya sa kabilang linya. Pero ang mga ngisi na iyon ay may pighati na mas lalong nakapagpagulo sa aking isip.
"Just trust me, Yumi. I just want you to know the truth."
Hindi pa ako nakapagsalita ulit ay binaba na niya ang tawag pero 'di nakatakas sa akin ang mahina niyang paghikbi bago matapos ang tawag.
Natulala ako ng ilang segundo habang nakatayo sa likod ng kitchen. Sinusubukan kong i-process lahat sa isip ko ngunit bumabalik lang ang mga alaala ni Papa sa aking isip.
Ilang saglit ay huminga ako nang malalim at pinunasan muli ang luha sa aking mga mata. Kailangan ko malaman ang katotohanan na sinasabi ni Megumi.
Buong tapang ako na pumasok muli sa kitchen. Walang bakas na luha ang ipinakita ko sa mga empleyado na lumingon sa aking pagpasok. Simpleng ngiti ang ginawad ko sa kanilang lahat habang iginagala ang aking mga mata.
Isang tao lang ang makakatulong sa akin na makapasok sa office ni Marco. Ang tao na pinagkatiwalaan niya ngayong araw.
Lumapit ako nang makita ko siya sa counter. Umupo ako sa kanyang tabi hanggang sa mapansin niya ang aking pagdating.
"Tristan, do you have a key in Marco's office?" Bungad na tanong ko agad sa kanya.
Bakas naman ang pagkagulat sa mukha niya nang marinig iyon.
"Y-Yes," nagdadalawang-isip na sagot niya.
"Marco called me a while ago. He asked me to get a file from his office and he told me to get the key from you," paliwanag ko naman agad kahit hindi pa siya nagtatanong.
Nagliwanag ang ekspresyon niya nang marinig ang utos na iyon. Napangisi ako nang may dinukot siya sa bulsa ng kanyang pantalon.
Kumabog ang dibdib ko nang makita ang isang susi na kanyang hawak. Isang ngiti naman ang ipinakita ko kay Tristan habang hinintay siyang ibigay iyon sa akin.
"Here. Do you need help?" Tanong niya habang inilalagay ang susi sa nakapalad kong kamay.
Umiling ako at ngumiti. "No. I can handle it. Thank you, Tristan."
Nang maghawakan ko na nag susi ay agad din akong nagpaalam sa kanya. 'Di naman agad ako pumasok dahil ramdam ko ang mga pagmasid niya sa akin.
Nagsayang ako ng ilang minuto sa pag-aasikaso ng mga customer bago pumasok sa office. Hinintay ko muna na mawala ang atensyon ni Tristan sa akin.
Matapos kong inilagay ang tray na hawak ko sa kitchen ay pinagmasdan ko ang lahat. Abala na sila sa kanilang mga kanya-kanyang ginagawa. Mabilis akong naglakad patungo sa pinto ng office. Malayo iyon sa kitchen kaya sinigurado ko na walang makakakita sa akin.
Agad kong nilagay ang susi sa doorknob at saka iyon binuksan. Tumingin muli ako sa magkabilang side at nang mapansin na walang nakatingin sa akin ay mabilis akong pumasok sa loob.
Huminga ako nang malalim at saka ni-lock ang pinto. Kinapa ko sa pader ang switch at saka binuksan ang ilaw. Tumambad sa akin ang lamesa ni Marco sa gitna at sa kaliwang gilid ay ang bookshelf. Sa kabila naman din ay ang computer set niya katabi ang ilang cabinets.
Dumako ang tingin ko sa lamesa. Nagkalat ang iba't ibang papeles at mayroon din na magkakapatong na folder.
"Brown folder," bulong ko nang maalala ang sinabi ni Megumi.
Nagtungo ako agad sa lamesa at saka inisa-isa ang mga folder na nakapatong doon. Bawat laman ng folder ay inisa-isa kong tinignan. Binasa ko rin ang lahat ng laman ng bawat folder na aking tinitignan.
Halos manlumo ako nang tungkol lahat sa restaurant ang laman ng mga folder. Mga bank accounts, mga personal informations ng mga empleyado at mga stock holders ng restaurants ang aking nabasa sa lahat ng folder na nasa lamesa.
Tumigil ako nang matapos ang halos twenty na folder na aking binuklat. Kinagat ko ang aking labi at inisip kung saan posibleng ilagay ang importanteng bagay.
"Kung may itatago ako na ayaw ko malaman ng iba, saan ko ilalagay?" Tanong ko sa sarili habang iginagala ko ang aking paningin sa buong office.
Bago pa may makaalam ng aking ginagawa ay hinalughog ko ang mga cabinet sa lamesa ni Marco. Inisa-isa kong buksan ang mga iyon at hinahanap ang brown folder.
Biglang pumasok sa isip ko nang makita na may hawak si Marco na brown folder nang pumasok ako sa apartment niya noon. Naalala ko na tinanong ko pa sa kanya kung ano ang laman n'on. Baka iyon nga ang sinasabi ni Megumi! Inalala ko ang itsura ng folder na nakita ko nang araw na iyon.
Nagpatuloy ako sa paghalughog ng cabinet. Pati ang mga cabinet sa may tabi ng computer ay hinalughog ko na rin. Naramdaman ko naman ang pagtagaktak ng aking pawis at ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib.
"Shet! Nasaan na ba 'yon?!" Singhal ko sa bawat folder na aking kinakalkal.
Natigil ako nang dumapo ang tingin ko sa isang maliit na cabinet na hindi ko pa nabubuksan. Mas nayanig ang kabog ng aking dibdib habang palapit ako nang palapit sa cabinet na iyon. Tanging ang aking paghinga ko lang ang aking naririnig sa buong office.
Nang makarating sa harapan ng cabinet ay agad ko iyon binuksan. Bumungad sa akin ang folder na kanina ko pa hinahanap. Nanginginig kong itinaas ang aking kamay at saka iyon dahan-dahan na inilabas mula sa cabinet.
Napalunok ako nang mahawakan ko na nang buo ang folder. Dahan-dahan ko iyon binuksan kahit ang mga kamay ko ay halos mamanhid na sa panginginig.
Pinagtikom ko ang aking bibig at pinipigilan ang sarili na bumuhos ang luha. Inisa-isa ko ang laman ng folder. Ang una kong nakitang papel ay isang home address.
Naroon ang pangalan ni papa at ang address niya. Tumulo ang luha ko nang makita na malapit lang dito sa Osaka ang address na iyon. Bakit? Bakit hindi ko ito agad nalaman?
Sumunod na bumungad sa akin ang mga pictures. Halos mga larawan iyon ni Papa at mas nanlumo ako nang makita ang mga larawan na iyon na nasa hospital. All this time, alam lahat ito ni Marco?
Nanginginig ang kamay ko na hinawakan ang huling papel na nakalagay sa folder.
"Medical Certificate," ang unang nabasa ko sa pinakataas ng papel. Napa-upo ako nang sinimulan kong basahin ang laman ng papel.
"Mr. Mitzuka Hakamori was diagnosed with Lung Cancer in Osaka Hospital. He had an surgery last three months ago but due to the complications, he was comatose. The doctors were still observing his condition."
Tila nabuhusan ako nang malamig na tubig nang mabasa ang nakasulat sa papel. Halos humagugol ako sa sakit na dulot ng aking damdamin. At tila may libo-libong karayom ang bumabaon sa aking puso at 'di makapaniwala sa nangyari.
Patuloy ang pagbuhos ng aking luha habang nakatitig lang sa mga printed pictures ni Marco na kasama si Papa. Ilang saglit ay nakarinig ako ng kalabog sa pinto. Bukod doon ay narinig ko ang pagkakagulo ng mga tao sa labas.
"Yumi!!!" Sigaw ng taong buong puso kong pinagkatiwalaan.
Hindi ako sumagot sa mga tawag niya. Nanatili lang akong nakaupo sa sahig habang patuloy na lumuluha. Binabalot ng pait at pighati ang aking puso.
Maya-maya ay narinig ko ang malakas na kalabog ng pinto. 'Di rin nakatakas sa akin ang malakas na pagbagsak sa sahig ng pinto. Mariin akong pumikit nang marinig ang mabibigat na hakbang patungo sa akin.
"Mayumi," muling tawag ni Marco sa akin.
Alam ko na alam niya kung ano ang nangyari. Sa itsura ng office niya ngayon ay 'di na naipagkakaila ang aking natuklasan.
Buong lakas akong tumayo habang nakatalikod sa kanya. Isinara ko ang aking kaliwang palad kasabay nang paglukot ko sa papel na aking hawak.
Naramdaman ko ang kamay niya sa aking braso at tila dumaloy lahat ang aking dugo sa ulo. Napapikit ako nang marahas na humarap sa kanya.
Inalis niya ang kamay niya sa aking braso at nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha.
"I'm sorry."
Sa pagkakataon na iyon ay isang malakas na sampal ang naidapo ng aking palad sa kanyang mukha.
"Why? W-Why did you lie to me, Marco?"
~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top