Chapter Twenty-Five
Tinignan ko ang malaking mansyon sa harapan ko. Gusto kong malula dahil doble pa ang laki nito kumpara sa simbahang pinanggalingan ko. I was only ten back then, and I grew up as an orphan that's why I was ignorant to see a house this big.
"Dito ka na titira simula ngayon, Stellar. Magiging maganda ang buhay mo rito, hija." sabi sa akin ni Mother Alice noong pinapasok kami sa loob. Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil matagal ko itong hinintay. I waited so long for a family to adopt me, and the time has finally come.
Hindi naman sa ayaw ko sa ampunan, pero sino ba naman ang may gustong manatili doon habang buhay? Sanggol pa lamang ako nang dalhin ako sa simbahan dahil namatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. Sampung taon akong nanirahan doon at ngayong may umampon na sa akin, labis-labis an kasiyahang nararamdaman ko.
Sinalubong kami ng isang meztizang babae. Napakaganda ng ngiti niya sa akin kaya sinuklian ko rin ito. Napagtanto kong nagdadalang tao siya dahil sa umbok ng kanyang tiyan, at napakurap ako nang mapatingin sa kanyang gilid kung saan nakatayo ang isang dalaga. Kung tama ang hula ko, higit sa labing anim na taong gulang na siya.
Napakaganda niya ngunit hindi ko napigilang matakot dahil sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. She was looking down on me, her face was calm yet her eyes were ablaze.
"Good morning, Mother Alice. I suppose this is Stellar?" malumanay na bungad ng ina. Ang anak naman niya ay matalim parin ang titig sa akin kaya napayuko ako.
Mother Alice patted my head. "Opo, Madame Hera. Siya po si Stellar Lumina, at nagpapasalamat ako nang lubos dahil siya ang napili niyong ampunin. Napakabait niyang bata." pagmamalaki nito.
Nilapitan naman ako ni Madame Hera at maingat niyang hinaplos ang aking pisngi. I blinked twice. "Hello, baby. My name is Hera and from now on, you will be living here with us. Tawagin mo akong mommy, okay?" wala sa sariling napatango ako sa kanya. Mahilig akong magbasa ng mga patapong libro sa simbahan kaya natuto akong magsalita at makaintindi ng Ingles.
Lumuhod naman si Mother Alice sa harap ko at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "Anak, magpakabait ka. Huwag mo kakalimutang magdasal palagi."
I subconsciously hugged her, the one and only nun who loved and took care of me all my life. Pinanood ko siyang makaalis ng mansyon, at napaiyak ako dahil hindi pa yata kaya ng bata kong isip na mamuhay nang hindi siya kasama.
Ang tagpong iyon ay pinagsisisihan ko. Ang sabi niya sa akin, magiging maganda ang buhay ko rito. Nagkamali siya.
Lumipas ang ilang taon. Naging maayos ang pagtrato sa akin ng pamilya Venice, ngunit ang labis na ipinagtataka ko ay hindi parin nila pinapalitan ang pangalan ko. Ako parin si Stellar Lumina. Kahit kailan ay hindi nila ipinagamit sa akin ang pangalan ng pamilya nila, ngunit hindi ko na lamang ito ininda dahil sapat na sa akin ang tirahan, pagkain at pag-aaral na binibigay nila sa akin.
"Who's that, Gaia?" narinig kong tanong ng kaibigan ng Ate ko noong dinalhan ko siya ng pagkain sa klase nila.
Gaia was the first-born in the Venice family. Noong unang beses ko pa lamang na tumapak sa tahanan nila, alam ko nang ayaw niya sa akin. Hindi naman niya ako pinapakialaman. Halos hindi niya nga ako kibuin sa bahay. We've been living under the same roof for years, but she haven't changed one bit.
"The adopted." tipid niyang sagot. She grabbed the lunchbox then waved her hand dismissively. "You can go."
Hindi ko na lamang dinamdam ang pakikitungo niya sa akin. Ngunit habang tumatagal, unti-unti kong napagtanto ang katotohanang... hindi talaga pamilya ang turing nila sa akin. Pakiramdam ko ay inampon lang nila ako para gawing utusan ni Gaia Venice. Hindi naman sa umaangal ako pero... hindi ito ang inaasahan ko.
"Stellar, pinapasabi ni Kyle na doon tayo gagawa ng project sa bahay nila. Are you free?" tanong sa akin ng kaklase kong si Conan Solaire. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko nang lapitan niya ako.
"Ah, sige. Pero magpapaalam muna ako." sagot ko sa kanya. Tipid lang siyang tumango sa akin bago umalis. Pasimple ko naman siyang sinundan ng tingin at lihim akong napangiti.
Conan Solaire was popular among the girls. I cannot deny the fact that he's good-looking, plus he's smart and responsible. Mabait naman siya pero mukhang mapili siya sa kaibigan kaya hindi lahat ng tao ay naglalakas-loob na kausapin siya.
At isa ako sa mga taong humahanga sa kankan
"Akala mo kung sino kang mayaman samantalang ampon ka lang naman!"
Three girls suddenly ganged me up on the bathroom. Napaiyak ako nang sabunutan ako ng isa sa kanila. She pulled my hair then scratched my face. They pushed me inside the cubicle then continued assaulting me. Halos hindi na ako makatayo sa sobrang sakit. Grade 8 pa lang ako noon pero parang gusto ko nang mamatay.
"Hey! What the hell are you doing?!"
Kumalat ang balitang ampon lamang ako ng mga Venice. Hindi ko alam kung ano bang pakialam nila pero simula noon, naging iba ang trato sa akin ng mga kaklase ko. Tila ba pinapamukha nila sa akin na hindi ako bagay makisalamuha sa mga mayayamang katulad nila, hanggang sa umabot na sa puntong sinaktan na nila ako.
"Are you okay, Stellar?"
Pero ang inaakala kong pamilya ko, wala man lang ginawa. Ni hindi na sila nag-abalang tignan ang kalagayan ko.
Inawat ni Conan Solaire ang mga babaeng nanakit sa akin. Pinagbantaan niya ang mga ito at sinabing umalis na. Mukhang natakot naman sila dahil naglaho sila na parang bula sa harapan namin.
"Ayos lang ako. Salamat."
Tinulungan niya akong makatayo at kumunot ang noo niya. "Bitches everywhere. Pasalamat sila at hindi ako pumapatol sa babae. Kung nagkataong bakla ako, baka nasampal ko na sila."
My eyes widened at his words. Natawa naman siya sa reaksyon ko at patuloy niya akong inalalayang maglakad.
He became my only friend. Napakabuting tao ni Conan at wala akong maipipintas sa kanya. My first impression of him was totally wrong. He stroke me as introverted and quiet, but it was the opposite. Napakadaldal pala niyang tao.
I was happy.
"Nandito ako sa ospital kung saan intern ang ate ko." sabi ko kay Conan na napahikab naman sa kabilang linya.
"Bakit? Punta ka na lang dito. Let's watch The Notebook."
Bumukas naman ang elevator at maraming pumasok kaya gumilid ako nang konti. Para kaming mga sardinas dahil medyo masikip na sa loob.
Natawa naman ako sa pag-aaya ni Conan. "Wholesome, grabe!"
He chuckled. "I wanna see you blush."
"Mangarap ka."
He was just about to rebut when my phone beeped. Napagtanto kong namatay na pala ito dahil sa dead battery. Napakamot ako sa ulo ko at napapailing na binalik ito sa bag.
Suddenly, the lights went out.
I inhaled sharply.
"Oh, fuck. Not today." bulong ng lalaking katabi ko sa loob ng elevator. Lahat naman ng mga nakasakay ay nabahala at kapwa nangapa sa kadiliman.
Huminto sa pag-akyat ang elevator at mukhang nagkaroon ng aberya kaya hindi ko naiwasang kabahan. Ang sikip dito sa loob dahil maraming tao! Hindi ko kayang tumagal sa ganito!
Napahawak ako sa dibdib ko. I was afraid of the dark, but I was even more frightened with enclosed spaces. Hindi ako nakakatagal sa mga ganitong klase ng lugar dahil nahihirapan akong huminga at nagiging iregular ang tibok ng puso ko.
"Are you okay, Miss?" The stranger beside me seemed genuinely concerned when he noticed the abnormal rise and fall of my chest. Sinabihan niya ako na huwag mag-panic.
I desperately gasped for air. "H-Hindi ako makahinga..."
"Shit," He held me by the arm. "Are you claustrophobic?"
I quietly nodded in response.
Naramdaman ko ang pagkilos niya. Binuksan niya ang bitbit niyang briefcase, kumuha ng kapiraso ng papel at tsaka ako pinaypayan. Halos mapasandal na ako sa pader dahil sa sobrang sikip. Kanya-kanya namang reklamo ang iba naming kasama sa loob.
"Take a deep breath." The man softly remarked, gently caressing my shoulder. "Close your eyes and imagine something fixed and peaceful, like a ticking clock or an open field. Calm down."
Sinunod ko ang mga sinabi niya at aaminin kong nakatulong ang mga ito.
He shielded me from the others who were still in a state of panic. Hindi siya huminto sa pagpaypay sa akin at patuloy din niyang hinimas ang likod ko, pilit akong pinapakalma.
Normally, I'd be alarmed.
But I didn't sense any malice in his touch.
"Feeling better?" malumanay niyang tanong.
"Yes. Thank you so much."
Bagama't madilim, namataan ko parin ang pagtaas ng isang gilid ng labi niya.
He cleared his throat. "Anyway, this distance is quite... awkward. I'm sorry. Even if I want to move away, I can't. Sobrang sikip talaga." The stranger whispered to me.
"It's okay." I assured him, trying to suppress the blush on my face. Sobrang lapit niya sa akin at ramdam ko rin ang hininga niya sa balat ko! "Sana makalabas na tayo agad."
"I hope so. We can all die from suffocation if they don't help us soon."
Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya.
"Do you mind if... I ask your name?" nahihiya kong tanong.
He chuckled heartily then offered his hand on the dark. "I'm Atticus. You are?"
Tinanggap ko ang kamay niya at tulirong napatitig dito. "My name is Stellar."
Still holding each other's hands, the lights suddenly went back.
And then our gazes met in the short distance between us.
"Oh," His lips parted in admiration. "You have such beautiful grey eyes."
"Really?" I lowered my gaze in embarrassment. "Thank you."
"The name Stellar suits you well." He smiled to me. "Very beautiful... Just like the stars."
That time, my heart almost exploded. And I knew that it wasn't due to my claustrophobia.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top