Chapter Fourteen
Pareho kaming walang imik ni Atticus sa loob ng elevator. I tried my best to act normal, but it was difficult. In this situation, even breathing was a luxury.
Siya ang unang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin. "Aster will tag along. Ayos lang ba?"
"Oh," Nilingon ko siya. "I don't mind."
Napaubo siya. "He's been a trustworthy source of information recently. We owe him a great deal."
"I'm not sure if that's a good thing, though." malumanay kong sagot. "Confidentiality is also part of his job, but he's risking his badge for us."
"For you, Stellar." Atticus stressed my name. "It's all for you. He's risking his badge for you. Gusto rin niyang mahanap ang pumatay sayo."
Bumukas na ang elevator at naunang lumabas sa akin si Atticus. Tahimik ko siyang sinundan habang papalabas kami ng condo. Napabuntong hininga ako.
Isa kang malaking tanga, Gaia Venice.
Nilapitan namin ang kulay abo niyang Hilux na nasa pinakadulong parte ng parking lot. Sa likod naman ng sasakyan, doon nakaupo sina Aster at Sandro.
I politely greeted him.
"Good morning!" Aster chirped.
"Morning." I contented myself with the flat and boring voice of Sandro. I know that he doesn't like Gaia. I wonder why.
"It's nice to see you again, Officer." I said with sincerity.
Halos kuminang naman sa pagkakangiti ang mga ngipin ni Aster. He gave me a salute. "At your service."
"Are you sure you'd be okay there?" biglang singit ni Atticus sa amin. Doon kasi sila sasakay sa likuran ng sasakyan, iyong walang bubong. There's no seatbelt or anything that will assure their safety.
"We're good." Sandro answered in a straight face.
I couldn't help but laugh at the view. Nakakatawang makita na pormal na pormal pa silang dalawa sa suot nila pero para lang silang mga tambay na nakaupo sa likod ng Hilux. Nakasuot ng suit and tie si Sandro samantalang suot naman ni Aster ang uniporme niya.
I went inside the car with a heavy heart. I did my best to erase unnessecary thoughts. I need to focus on my case.
Pumasok na rin si Atticus sa loob. He glanced over me while starting the engine. Iyong tingin niya sa akin, para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.
"Bakit?"
He sighed. "For some reason, I feel sad today."
I didn't say anything in response.
Habang nasa biyahe, naririnig namin iyong dalawa sa likod na nag-uusap. Seryosong seryoso ang usapan nila at mukhang nagtatalo sila.
"Naiintindihan kong kliyente niyo si Conan at ginagawa niyo ito para mapalaya siya, pero sa kanya na mismo nanggaling na may nangyari talaga sa kanila ni Stellar noong gabing iyon." Aster interjected on the heated conversation.
"So?" Sandro retorted sardonically.
"Hindi niya itinanggi. At kahit itanggi pa niya, wala ring maniniwala sa kanya dahil positive sa autopsy report ng NBI. Kay Conan talaga iyong semilia na nakuha sa katawan ni Stellar. That's evidence itself!"
Pinakinggan ko lang silang dalawa.
"But that's not enough evidencr to declare it as rape, Aster. Kulang ang ebidensya na yun para sabihing pinagsamantalahan talaga ni Conan si Stellar." Sandro explained calmly.
"Ano? Kulang parin ba iyong semilia ni Conan bilang ebidensya? Anong gusto mo, may scandal video pa?"
"You're not getting my point." May bahid na ng inis sa boses ni Sandro, tila nauubusan na ng pasensya sa kausap.
"Ipaliwanag mo nang maayos!"
"Ang sinasabi ko, paano kung hindi naman talaga niya pinagtangkaan si Stellar? What if she agreed willingly to have sex with him?"
Aster clicked his tongue in disapproval. "That's possible. Pero kung totoo iyang sinasabi mo, kung talagang ginusto rin ni Stellar na makipagtalik kay Conan, hindi siya tatakbo paalis. Kaya nga 'to naging rape and murder case, Sandro."
Mukhang nagkakapikunan na talaga silang dalawa.
"Pinilit ni Conan iyong babae na makipagtalik, nanlaban si Stellar, tumakbo paalis pero naabutan siya sa parking lot kaya doon siya pinatay ni Conan sa sobrang galit. Iyon ang nakalagay sa police report." pagpapatuloy ni Aster.
Napailing si Sandro. "Sounds plausible, but not convincing. I won't believe a piece of paper prepared by amateurs like you. Papatunayan namin sayong inosente si Conan Solaire."
Napatalon ako sa gulat nang hampasin ni Atticus ang manibela at galit na nilingon ang dalawa. "Can you please shut the fuck up? Ang iingay ninyo!"
The rest of the ride has been quiet. Ultimo sa paglunok ay ingat na ingat ako dahil baka mairita sa akin si Atticus. Mahirap na, baka pag-initan ako.
Atticus stopped the car in front of an apartment complex. He turned to me. "Do you want to come with us?"
"Malamang. Anong gagawin ko rito sa kotse, magdadasal?"
I was rendered speechless when he opened his compartment then took a gun. Muli siyang tumingin sa akin.
"Do you still want to come with us?" pag-uulit niya.
We stared at each other for a few seconds. "I'll take that as a yes, then. Tara na, labas." Bumaba na siya.
I swallowed hard before stepping out of the car. I was so nervous! Bakit kailangang may baril? Papatay ba kami ng tao?
Maybe I was too easy to read because Atticus chuckled. "Relax, Stellar. Hindi tayo papatay ng tao. This is for security purposes." I felt relieved.
Naglakad na kami at ako ang nasa gitna nilang tatlo. I blinked twice when I also saw a gun hidden underneath Sandro's coat. At dahil pulis si Aster, may nakahanda rin siyang baril. Hindi ko alam kung bakit kailangang may mga baril pero kinakabahan talaga ako.
Huminto kami sa tapat ng isang pinto sa ikalawang palapag.
"Is this legal?" I queried but no one answered. Aster whistled then smirked to me. I was about to repeat my question when Atticus gestured me to keep quiet.
He knocked thrice on the door. Mas lalo lang akong pinakaba ng mga katok niya.
"Ano, legal ba ito?" inis kong bulong kay Aster.
Napangisi naman siya. "Miss Gaia, palagi mong tandaan... May mga bagay na hindi nadadaan sa batas."
I screamed in horror when I heard three consecutive gunshots. Naalarma ang mga kasama ko at agad nila akong pinayuko.
"What do you need from me? Leave me alone!" Isang boses ng isang babae ang umalingawngaw sa loob ng apartment. For all I know, she's the one who fired the shots.
Atticus cursed under his breath. "I told you so. Papalag siya. Dapat talaga hindi na lang ako kumatok at pumasok na lang tayo agad sa loob." napapairap niyang pahayag.
Sandro shook his head. "We must mind our manners."
"Talagang naisip mo pa ang GMRC ngayon?" Si Aster.
Hindi ko alam kung paano pa nila nakukuhang magtawanan samantalang ako halos mabaliw na sa pwesto ko. Tinignan ko nang masama si Atticus.
He burst into laughter. "Don't give me that look, you brat. I asked you if you wanted to come." katwiran niya sa akin.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top