Chapter #9


Hael's P.O.V

"Now, let's proceed to the MOST OUTSTANDING COMPANY Awards." Rinig kong wika ng host sa stage.

Iyan ang awards na pinakahihintay ng lahat. Lahat ng mga narito ay gustong makuha ang Award na 'yan, including me. Dahil kapag nakuha mo ito ang iyong kompanya ay makikilala ng lahat at ang mga investors mismo ang kusang lalapit sa'yo. Hindi ka na mahihirapan sa paghahanap ng mga investors at partnerships.

"Anong kompanya kaya mapupunta ang awards na ito? Who's your guess? Is it your own company?" sambit ng babaeng host na.

"I strongly believe that it will be on us. Hael is doing his best to have it." Rinig kong wika ni Ada sa aking tabi.

I highly doubt it. Hindi ako naglalagay ng mataas na hopes na makuha ito ng kompanya namin.

Dumako ang tingin ko sa S&S Fashion Company. Mahirap kalabanin ang kompanya na 'yan. Ngayon gabi ay nakarami na silang Awards. Last year ay nakuha nila ang awards na hinahangad ng lahat.

"Alright! We won't take it any longer. We will announce the company that gets the award." the first host stated.

Napatingin ako sa stage.

"The Most Outstanding Company this year 2024 goes to....." He stopped for a while.

Naramdaman kong hinawakan ni Ada ang aking kamay na nasa ibabaw ng mesa.

"None other than,,, S&S Fashion Company!!!" the host announced.

My little hopes went down as I heard the company. Agad na dumako ang spotlight sa binanggit na company.

"That company again!" himutok ni Ada.

"Baka naman dinadaya na tayo ng kompanya na 'yan, e." dagdag pa ni Ada.

S&S Fashion Company is the most well-known company in the entire business industry. Kahit saan at kilala sila. Inaamin kong magaganda ang kanilang gawa.

However, no one knows who their CEO is. Wala pang nakakakilala nito.

"Congratulations S&S Fashion Company." wika pa ng host.

"And now we already know which company is the most outstanding for this year." Rinig kong patuloy na wika ng host.

"Tawagin naman natin ang tatanggap ng kanilang award." dagdag ng host.

The host smiled.

"I'm sure everyone will be surprised because tonight the one who will receive the awards is their CEO." makahulugang saad pa ng babaeng host.

Ang lahat ay automatically na natahimik. Ang lahat ay nagkaniya-kaniyang bulungan.

"Tsk!" Rinig ko mula kay Ada.

"May we call the CEO of S&S Fashion Company to receive the Awards... Astoria Winslow, the CEO of the S&S Fashion Company." malakas na announced ng host na aking ikinabigla.

Biglang kumabog ang aking dibdib ng marinig ko ang pamilyar na pangalan.

Astoria?

"Astoria? Your ex, Hael? No way!" Rinig kong wika ni Ada.

Mabilis na nailibot ko ang aking tingin sa buong paligid looking for Astoria pero wala namang akong nakitang pigura niya.

Kumunot ang aking noo.

"Baka naman kapangalan lang niya, Hael." patuloy na wika ni Ada.

Ang lahat din ay hinanap ang taong tinawag. Ang iba ay bumaling sa entrance baka sakaling doon siya lumabas pero walang lumabas galing doon.

Nahinto ang aking tingin sa isang babaeng nag-iisang nakatayo malapit sa S&S Fashion Company na table.

Marahan siyang humarap sa stage saka humakbang patungo roon.

Astoria?

"Wow! I can't believe that the CEO of the most well-known company is a woman." komento ng babaeng host.

"Not just a woman. She's is a goddess." namamangha namang komento ng lalaking host.

Binigay sa kaniya ang Award na nakangiting tinanggap naman niya ito. Humarap siya sa amin na mayr'ong malapad na ngiti.

"Good evening, everyone." bati niya pagkabigay sa kaniya ng mic.

That voice?

Pagmamay-ari ito ni Astoria.

Hindi ako puwedeng magkamali.

"I'm sorry, but I'm not good at giving speeches in front of everyone. This is the first time that I personally received this award for our company, and everyone knows that." she politely said, and chuckled.

"Thank you for recognizing S&S Fashion as the Most Outstanding Company. As the CEO of the S&S Fashion Company, I promised that we would do our best to spontaneously give our customers the best quality that they deserved." she sweetly stated.

"That's all. Once again, thank you for these awards." she added.

Inabot niya ang mic sa host saka bumaba na ng stage.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa kanilang table.

"Hael, don't tell me you are believing that she is Astroria, which we both know." Rinig kong wika ni Ada.

Nanatiling nakatingin ako sa CEO ng S&S Fashion Company.

Mabilis akong napatayo nang makita kong umalis na siya.

Kusang lumakad ang aking mga paa para habulin siya.

"Hael, where are you going? Hael! Hael! Hael!" Hindi ko pinansin ang mga tawag sa akin ni Ada.

Gusto kong kompirmahin kung siya nga ba talaga si Astoria. Ang babaeng kilala ko.

Pagkalabas ko ay hindi ko siya nakita. Hinanap ko siya hanggang sa marating ko ang back entrance. Binilisan ko ang aking mga hakbang nang makita ko siya.

"Astoria," malakas na tawag at pag-agaw ko ng atensiyon sa kaniya.

Mukhang hindi niya ako narinig dahil hindi siya tumigil kaya naman mas binilisan ko pa ang paghahabol sa kaniya.

"Astoria, sandali!" tawag ko muli.

Sa aking pangatlong tawag ay huminto na siya saka lumingon sa akin.

"What is it again, Mr. Hael Cañete?" agad niyang sambit pagkaharap na pagkaharap niya sa akin.

Nahinto ako sa paglalakad at tiningnan ang kaniyang kabuo-an. Ibang-iba siya ngayon kumpara no'ng huli ko siyang makita.

"Is that you, Astoria?" tanong ko.

Tumawa siya sa aking tanong.

"So, sinundan mo ako para kumpirmahin kung ako ba ang Astoria na kilala mo. You are here in front of me again to confirm if I am your ex." sambit niya.

"Sorry to disappoint you, pero ako ang Astoria na kilala mo. I am your ex, Hael." she stated.

"How?" wala sa sarili kong tanong pa.

"She maybe marry someone who is rich that's why she's now also a rich woman." sabat ng taong nasa likuran ni Hael.

Sabay na tiningnan namin ang nagsalita.

Bumungad sa akin si Ada. Agad siyang lumapit sa akin at ipinulupot ang kaniyang kamay sa aking braso.

"Maybe a sugar daddy." pang-iinsulto pa ni Ada kay Astoria.

I become speechless.

Anong nangyari sa kaniya sa loob ng limang taon ng kaniyang pagkawala?

"I am indeed a married woman, but sorry to say, he is not what you expected, Mrs. Cañete." Rinig kong tugon ni Astoria kay Ada na aking mabilis na ikinalingon sa kaniya.

"You're married?" hindi makapaniwalang saad ko.

Tumingin siya sa akin saka pinakita niya ang kaniyang kaliwang kamay.

"I am," mabilis at proud niyang sagot.

Nakita ko sa kaniyang daliri ang isang singing.

"And I've been married for five years." dagdag niya pa.

"Five years?" takang tanong ko pa.

"Ahuh! Five years." nakangiting sambit ni Astoria.

"Wow! So ikinasal ka sa parehong taon kung kailan din kami ikinasal ni Hael?" hindi makapaniwalang sabat ni Ada.

"Exactly! Nauna lang kayo ni Hael." casual na sagot ni Astoria.

Biglang tumawa si Ada, samantalang ako ay mas lalo pang nanahimik sa aking mga naririnig.

"You accused Hael of not being loyal to your relationship with him, despite the fact that you are doing the same thing. You also cheated on him. " sambit ni Ada.

"I've known that Hael was cheating on me. Bago pa siya makipaghiwalay sa akin ay naka-move on na ako. Bakit ko pa patuloy na mamahalin ang taong manloloko?" tugon ni Astoria sabay baling ng tingin sa akin.

Bigla akong nanliit para sa aking sarili.

"Nasagot ko na ba ang curiosity ni'yong dalawa? Puwede na ba akong makaalis?" tanong niya sa amin.

"And oh, before I forgot. Iyong binigay mo sa aking cheque ay aksidenteng napunit ko, pero huwag kang mag-alala, papalitan ko na lang. If you have time, let's meet to talk about it." she said.

Pagkatapos ay tinalikuran na niya kami saka sumakay sa kotseng kanina pa naghihintay sa kaniya.

"Argh! That bitch!" inis na inis na wika ni Ada.

Tahimik na sinundan ko ng tingin ang sasakyan niyang papalayo.

I think I am late in getting her back.

🍀 TheKnightQueen 🍀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top