Chapter #8
Astoria's P.O.V
Pagkahinto ng sasakyan, kaagad bumaling ang tingin ko sa labas. Sa second entrance ako nagpatigil. Ayoko sa mismong main at front entrance na dumaan. Baka ma-highlight pa ako roon. Marami pa naman doon na mga cameras at mahuli pa ako ng mga ususera't ususero in short mga reporters.
Hindi pa naman ako kilala sa media. Ngayon pa lang din kasi ako pumunta at dumalo sa ganitong event kahit pa limang taon na akong CEO ng S&S Fashion, at kahit na every year na mayr'ong awards ang kompanya.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Nick.
Naalala ni'yo pa ba si Nick? 'Yong nagpakilala at kumausap sa akin. Nagulat ako nang makita ko siya bilang cleaners din.
Ang totoo ay personal driver ko si Nick. Siya rin 'yong driver d'on sa taxi na laging naghihintay sa akin sa labas at sa tuwing lalabas ako ay nariyan na siya agad.
Personal taxi ko talaga 'yon na inihanda niya. Para hindi mahalata at masira ang plano ko. Taxi ang siyang ginawa niyang service ko araw-araw.
Ngayong tapos na ako sa aking pagpapanggap, normal na kotse na ang gamit at minamaneho ni Nick.
Lumabas na ako mula sa loob.
"After you park the car, go inside." utos ko.
"Sa loob mo na lamang ako hintayin. Nabigyan ka ba ni Sia ng invitation?" patuloy kong ani.
Ngumiti siya at tumango bilang tugon sa akin.
Humarap na ako sa aking papasuking lugar. Nagsimula na akong humakbang hanggang sa narating ko ang dalawang nakatayo tila binibantayan nila ang entrance.
Kinuha ko ang aking invitation saka ipinakita sa kanila. Tumango ang isa sa kanila saka sabay na tumabi upang makaraan ako.
Agad akong pumasok.
Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya da halip na sa mismong event ako dumeritso ay patungo sa restroom ang siyang aking pinuntahan.
Nang matagpuan ko na ang aking hinahanap ay kaagad akong pumasok sa loob, at ang pinakaunang cubicle ako pumasok saka ginawa agad ang aking dapat na gawin.
Hindi naman nagtagal ay natapos na ako. Binuksan ko ang pinto ng cubicle saka agad na tumungo sa sink sabay bukas ng faucet. Naghugas ako ng mga kamay ko.
Habang ako ay naghuhugas ng kamay bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. Mabilisang tingin ang ginawa ko. Base sa kaniyang magarang kasuotan ay kasama rin siya sa mga dumalo sa event.
Nagpatuloy ako sa aking paghuhugas not minding the woman who just get in.
Mukhang magre-retouch lang naman siya ng kaniyang make-up na hindi naman ako nabigo kasi naglagay siya ng lipstick sa kaniyang labi.
Pinatay ko na ang gripo saka kumuha ng tissue na ipinampunas ko sa aking kamay.
"Don't worry, that award will be with us. Our company will be the most outstanding company in the world." Rinig kong wika ng babae.
"Yeah, I'm coming back. I just finished retouching my make-up." patuloy niya saka iniligpit ang kaniyang mga ginamit sa kaniyang pagre-retouch. Pagkatapos ay muli siyang tumingin sa salamin to check herself again.
Dumapo pa nga sa akin ang kaniyang tingin saka tinarayan ako. Tinaasan ba naman ako ng kaniyang kilay as if mayr'on siyang nakita na hindi dapat makita.
Napailing na lamang ako ng umalis na siya.
Mukhang hindi niya ako kilala. Well, ako kilala ko siya. Isa siya sa mga kalaban ko sa negosyo, a competitor. She is also a CEO. Ngunit hindi lang siya kalaban ko sa business. She is also something else.
Too bad we met at the wrong time; maybe next time I can introduce myself to her.
Kinuha ko na ang aking clutch bag at lumabas na rin. Agad akong tumungo sa direksiyon kung saan nagaganap ang awarding.
Kasalukuyan na kasing nagsisimula sa pagbibigay ng mga awards.
Late na ako bagay na sinadya kong gawin. Ayokong magtagal pa kaya sa mismong awarding ang pinili kong oras sa aking pagdating, at isa pa, marami namang represent ang kompanya sa pag-receive ng awards. Naroon ang ilang member ng board of directors at si Sia ay naroon din.
Palakpakan ang siyang aking naabutan sa aking pagpasok sa event. Nakapatay ang ilaw, nasa stage nakatutok ang lights. Naroon din ang attention ng lahat.
Sa tabi ako dumaan. Sa bawat hakbang ko ay nararamdaman kong napapabaling sa akin ang iba. Hindi ko ito pinansin hanggang sa marating ko na ang aming table.
Agad kong pinigilan si Sia at senenyasan siyang manahimik.
Tiningnan ko ang mga nakaupo sa aming assigned table. Ilang member nga ng board of directors ang mga narito.
"Excuse me," agaw attention ko sa kanila.
Sabay-sabay silang napatingin sa akin.
"Yes?" tugon ng isa sa kanila.
"Can I have this vacant seat?" mahinahon at magalang kong tanong sa kaniya.
Dumako ang kaniyang tingin sa tinutukoy kong vacant sit.
"Sure," sagot ng kaniyang katabi.
"What? That chair is for our CEO." saway naman sa kaniya ng tinanungan ko.
"Aish! Let it be. We all know that he or she won't come tonight. That person never showed up for us. That's why someone else should use that chair." tugon nito sa kaniya.
Tumingin sa akin lalaking sinaway ng aking napagtanungan.
"It's okay. Just sit comfortably." wika niya sa akin.
"Thank you," I politely response to him.
Umupo na rin ako saka lihim akong tumingin sa buong paligid. Tunay ngang maraming dumadalo sa Annual Recognition Awards. Lahat ng mga business owners ay mga narito.
Lihim na napangisi ako dahil nakikita ko ang mga kaaway ko sa negosyo.
Sinilip ko ang aking suot na wristwatch. Wala pang thirty minutes akong narito pero gusto ko ng umalis. Pagkadako ng tingin ko sa mesa, mayr'on na akong nakitang eight na awards sa ibabaw nito.
Mukhang maraming nakuhang awards ngayong taon ang S&S Fashion.
"Now, let's proceed to the Most Outstanding Company Awards." Rinig kong wika ng host sa stage.
Dumako na rin doon ang aking tingin.
"Anong kompanya kaya mapupunta ang awards na ito? Who's your guess? Is it your own company?" sambit ng babaeng host na katabi ng unang host na nagsalita kanina.
"Alright! We won't take it any longer. We will announce the company that gets the award." the first host stated.
Binuksan niya ang kaniyang hawak at tiningnan ang nakasaad doon. Pagkatapos ay ngumiti siya saka muling tumingin sa bawat isa sa amin.
"The most outstanding company this year 2024 goes to....." He stopped for a while. Dumako ang tingin ng host gawi namin.
"None other than,,, S&S Fashion Company!!!" the host announced.
I smiled when I heard our company name.
Biglang napunta sa table namin ang spotlight.
I heard claps from my surroundings, but I know they were not happy with our achievement because they wanted these awards for themselves.
"Congratulations S&S Fashion Company." wika ng pangalawang host.
"And now we already know which company is the most outstanding for this year." Rinig kong patuloy na wika ng host.
"Tawagin naman natin ang tatanggap ng kanilang award." dagdag ng host.
The host smiled.
"I'm sure everyone will be surprised because tonight the one who will receive the award is their CEO." makahulugang saad pa ng babaeng host.
Kaagad na naging tahimik ang buong kapaligiran nang marinig nila ang sinabi ng host tungkol sa CEO ng S&S Fashion Company.
"What?" Sabay-sabay na react ng mga nasa tabi ko.
Agad na bumaling sa akin 'yong taong pinayagan akong umupo.
"I--- I'm so sorry, but that chair is for our CEO." kaagad niyang hingi ng paumanhin sa'kin at tila ba pinaalis niya ako sa aking kinauupuan.
Kinuha ko ang clutch bag kong ipinatong sa ibabaw ng mesa saka tumayo na.
Tumalikod na ako at hahakbang na sana ako para umalis nang makahanap ako ng ibang puwesto kaya lang narinig ko ng tinawag nila ang pangalan ko.
🍀 TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top