Chapter #7


Astoria's P.O.V

"Astoriaaaaa!" Isang malakas na sambit sa aking pangalan ang siyang bumungad sa akin pagkapasok ko sa Condo ko.

"What is it?" tugon ko naman saka umupo sa couch sabay inat.

Maghapon akong naglinis ngayong araw. Ramdam ko ang pangangalay ng likuran ko sa maghapong nakayukod sa kakapunas sa sahig.

"Hanggang kailan ka ba magpapanggap? Pinakakaba mo ako sa nangyayari sa'yo. Alam mo ba na muntik na akong atakihin sa puso nang makita kong naglinis ka ng glass wall, at take note, sa labas pa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay boss kapag nalaman niya." mahaba niyang talak sa akin.

"Don't worry, you don't have to tell him. He already knows about it." bagot kong tugon sabay higa sa couch.

Kahit hindi sabihin sa kaniya. Malalaman at malalaman niya ang mga pinagagawa ko nitong nakalipas na mga araw.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Narinig ko ang pag-upo niya rin. Hindi na ako nagulat sa panenermon ni Sia. Inaasahan ko na rin ito sa kaniya. Alam ko ring nakahanda na ang mga sasabihin niya sa akin.

And yes, I am pretending that I am working as  a cleaner.

~~~~ flashback ~~~~

Nahinto ang aking mga paa sa paglalakad ng mayr'on akong nakitang pamilyar na mukha.

Hael with his family. Mukhang maayos na ang kaniyang pamilya. Limang taon na rin ang nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Hael. Ang makipaghiwalay sa kaniya ay isang napakagandang nagawa ko.

We both now have a new and good life. Thanks to him. Thanks to him for not being loyal to our relationship. 

"Astoria," Nawala ang aking tingin sa aking tinitingnan.

Nakita ko si Sia, ang secretary ko.

"The car is here." pag-i-inform niya sa akin.

Tumango ako sa kaniya. Kinuha niya ang hawak ko. Pagkabigay ko ay kinuha ko ang cellphone ko at nag-type ng message.

Nang itago ko ang cellphone ko ay nasa labas na ako at nasa harapan ko na ang isang kotse. Pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok ako sa loob, ganoon din si Sia pero sa passenger seat sa umupo.

"Tell everyone that I am coming, but don't tell them when. I'll visit them with a different identity." saad ko,

Tumingin sa akin si Sia.

"Post in online for urgent hiring for cleaners for three days. I'll apply and pretend to be one. I want to do an observation first." dagdag ko.

Nakita ko ang kaniyang pagtango at agad na sinunod ang aking inuutos.

~~~~~ end of flashback ~~~~

Nagpanggap ako na isang cleaners sa S&S Fashion Company to observe all my employees and catch the traitorous person. 

Walang nakakilala sa akin bilang kanilang CEO dahil ngayon pa lang ako pumunta sa kompanya. Kaya naging madali para sa akin ang magpanggap sa ibang katauhan.

Sa tatlong araw kong pag-stay ay marami akong napansin na dapat baguhin.

Hindi lang ako sa kompanya pumasok.

Pinasok ko rin ang S&S Fashion Store, kung saan na-encounter ko ang asawa at ina ni Hael. Naalala ko ang mga sinabi nila at sa tuwing naririnig ko 'yon ay hindi ko maiwasang hindi matawa.

I'm not into Hael anymore. I don't care about him. He has his own life, and I do too. I am very happy with my current life.

"How's the two Mrs. Cañete?" bigla kong naitanong.

"They are currently in the hospital. Because of the fire alarm, everyone panicked. Nagpaunahan silang makalabas. Nakisabay din sila kaya lang dahil sa malakas ang agos ng mga tao ay naipit sila cause them to get some minor injuries like bruises and small wounds." mahabang wika ni Sia.

"How about you? How's your wound?" tanong niya rin.

Naimulat ko ang aking mga mata saka naalala na mayr'on pala akong natamong sugat mula sa ina ni Hael. Nakalimutan ko na ang bagay na 'yon.

Napa-upo ako sa couch at tiningnan ang braso ko.

"It's not serious." tanging tugon ko saka tumayo.

"Let's continue after I take a bath." saad ko saka pumasok sa aking kuwarto sabay deretso sa banyo.

Pagkapasok ko ay hinubad ko lahat ng suot ko at tumapat sa shower room, binuksan ang shower saka tumapat dito.

"Akalain mo nga naman, Astoria. Limang taon na ang nakalilipas at nasa ganitong kalagayan ka pa rin. Buti na lang, nakilala ng anak ko itong si Ada. Dahil kung hindi, kasama mo ang anak kong magdidildil ng asin sa kahirapan." wika ni Mrs. Cañete.

"Hindi na ako nagulat sa trabaho mo ngayon. Una pa lang alam kong dito ka na babagsak, sa pagiging isang janitress at taga-linis sa kung saan-saan. Ang pinagtataka ko lang, saan ka kaya tumago sa loob ng limang taon?" patuloy niyang dakdak.

"Kaya nga, mama." sang-ayon ni Ada.

"Bakit kaya hindi ka bumalik doon? Wala ka na bang makain sa iyong pinagtataguan dahil nagawa mong lumabas?" tanong ni Ada habang patuloy na tinetesting ang kaniyang suot na heels.

"Mayr'on ka bang nagugustuhang heels sa iyong paligid? Sabihin mo lang dahil ibibili kita ng mayr'on ka namang maisuot kung sakali mang mayr'on kang pupuntahang event." pagmamalaki ni Ada.

"Nah! Huwag mong sayangin ang iyong pera sa katulad niya. Kahit anong gawin niya ay hindi ka niya kayang pantayan." sabat naman ni Mrs. Cañete.

"Sapat na ba 'yan?" masungit at mariing tanong ni Ada.

"Five hundred thousand, layuan mo ang asawa ko. Huwag na huwag kang magpapakita sa kaniya." mariing utos niya.

Napangiti na lamang ako ng muli kong naalala ang mga sinabi ni Mrs. Cañete. Hindi pa rin nagbabago ang ina ni Hael at mukhang nakahanap siya ng match niya. Natagpuan na  niya ang perfect daughter-in-law na gustong-gusto niya.

Matapobre ang ina ni Hael. Pinakaayaw niya sa mga magugustuhan ng kaniyang anak ay isang mahirap na katulad nila. Hindi na rin ako nagulat kung kaagad niyang nagustuhan si Ada. Ada came from the a rich family.

Farliyah Ada Cassette-Cañete is a famous model. She is the daughter of the former CEO of the Cassette Group Company. Ayaw niyang hawakan ang kanilang sariling kompanya kaya ibinigay ito kay Hael Cañete. That is why he is now the CEO of Cassette Group Company. He is also popular in the Business Industry.

"Mahal pa rin kita, Astoria." Nahinto ang aking mga paa sa aking narinig.

"Mahal na mahal pa rin kita. Sa Limang taong lumipas, ikaw pa rin ang babaeng mahal ko. Ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko." dagdag niya.

"Oo, kasalanan ko. Inaamin ko. Nagkamali ako, dahil sa aking hindi pag-iingat ay nawala ang lahat ng mayr'on tayo." patuloy niya.

"Pero Astoria, handa akong bumawi. Handa akong itama ang pagkakamali ko. Puwede tayong magsimula muli. Makikipaghiwalay ako kay Ada." sambit niya pa.

"Sabihin mo lang sa akin na handa kang sumama sa akin." saad niya pa.

"Hindi ko anak si Haenna. Hindi ko anak ang batang dinadala ni Ada noon. Sinabi lang niya sa akin na ako ang ama ng bata pero ang totoo ay hindi pala." mabilis niyang dagdag.

Too late, Hael.

Hindi ko na problema kung hindi niya bata ang inangkin niyang anak niya.

He still cheated on me.

Ang totoo, alam ko ng nagtataksil sa akin si Hael. Ako ang mismo ang nakakita nito. Bago pa sa akin sabihin na niloloko ako ni Hael ay nakita ko na ito.

Pagkalipas ng dalawang linggo sa kan'yang pag-alis sa probinsiya ay binisita ko na siya at ang pagtataksil niya ang siyang bumungad sa akin. Bumalik ako sa probinsiya na parang walang nangyari, na parang wala akong nakita.

Noong una ay nahirapan akong tanggapin ang katotohanang niloko niya ako. Na nagawa niya akong lokohin sa kabila ng kaniyang mga pangako. Hanggang sa tinanggap ko na hindi ko kayang tapatan at pantayan ang mayr'on ang babaeng naging dahilan ng kaniyang pagtataksil.

Pagkalipas ng ilang buwan ay muli akong bumalik para makipaghiwalay sa kaniya. Mabuti na lamang ay nauna na siya. Hindi na ako nahirapan makipaghiwalay sa kaniya.

Hindi na rin ako nagulat ng sabihin niya sa akin noon na nagkaanak siya sa ibang babae. Inaasahan ko na 'yon at isinama ko na sa mga possibilities at alam kong iyon ang magiging dahilan ni Hael sa pakikipaghiwalay.

Naka-move on na ako kay Hael. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay iyong hindi marunong maging loyal sa isang relationship. Ayoko sa taong hindi marunong makuntento sa isa.

Nagkamali?

Para sa akin ang pagkakamali ay hindi totally pagkakamali. Minsan, it's your choice. Pinili mong magkamali kahit pa alam mo na ang puwedeng mangyari.

Cheat?

It's your choice, it's not a mistake. O hindi kaya ay nabubulag ka sa nasa harapan mo at sinasadya mong takpan ang maaaring consequences nito at kapag nararanasan mo na ang mga consequences ng 'yong actions, sasabihin at idadahilan ng isang tao ay nagkamali siya. Na hindi niya sinasadya bagay na isang malaking kasinungalingan.

Sa lumipas na limang taon, I am happy and content. At hindi ko ipagpapalit ang kasalukuyan kong buhay para lamang balikan ang nakalipas na.

It's a waste of time.

Hael is not worth it, and he proved it. I thought he was the one I was looking for, but I was wrong. An unworthy person is worth forgetting. 

TheKnightQueen 🍀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top