Chapter #6


Astoria's P.O.V

Pagkarating ko sa aking bagong pinapasukan ay agad akong nagpalit ng damit na panglinis. Buti na lang hindi ako na-late ng dating. Dahil kung nahuli na naman ako, tiyak na tatalakan na naman ako.

Kasalukuyan akong narito at natanggap bilang cleaners o janitress dito sa isang sikat na store kung saan mga mamahaling heels ang kanilang benebenta.

Kung titingnan ang bawat isa ay talaga namang mapapanganga ka na lamang sa laki ng presyo ng bawat isa pero hindi ka naman lugi kasi talaga namang original at magaganda ang kanilang design at maayos ang kanilang pagkakagawa.

Mga mamayamang tao lamang ang siyang mayr'ong kakayahang makapasok dito.

Agad akong nagsimula sa aking gawain. Mabilis ang aking naging paglinis dahil wala pang-dumarating na customer.

Three days na rin ako rito. Pagkatapos ko sa S&S Fashion Company ay masuwerteng tinawagan nila ako at sinabing pasok daw ako bilang janitress kaya agad ko namang pinasukan.

Aba'h hindi puwedeng tumanggi. Trabaho na ang siyang lumalapit, e.

"Good morning, ma'am." Rinig kong bati ng isang saleslady.

Natigil ako sa aking pag-ma-mop saka napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon.

Mukhang mayr'on na silang customer.

Nagkibit-balikat na lamang ako saka nagpatuloy sa aking pagpupunas ng sahig.

"Wala na bang mas maganda riyan?" Rinig kong tanong ng customer.

"Sandali lamang po. Kukuha po ako ng mga bagong dating naming mga heels." tugon ng saleslady nila.

"Faster! I want the new designs." utos ng babaeng customer.

"Ouch! Ano ba 'yan? Hindi ka ba marunong maglagay ng heels sa paa?" masungit at mataray na wika ng babae.

"Ayusin mo nga! Masasaktan ang daughter-in-law ko." segunda naman ng kasama ng babae.

"Palitan ni'yo nga ang babaeng ito! Hindi marunong ng tamang gawain. Gusto ko ang babaeng 'yon." dagdag pa nito.

"Naku, ma'am. Pasens'ya na po, ma'am, pero hindi po siya saleslady dito. Janitress lang po siya rito." tugon ng babae.

Lihim na natigilan ako nang marinig ko ang salitang Janitress. Tiningnan ko ang aking paligid. Sa sobra kong pagpukos sa aking paglilinis ay hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako.

"Dito pa rin siya nagtratrabaho at kayo ang may hawak sa kaniya." ani pa ng kasama ng babae.

"Yes po, ma'am." sagot ng isa pang babae na sa tingin ko ay manager na rito.

Naramdaman at naririnig ko ang mga yabag na papalapit sa akin at isang kamay ang siyang humawak sa aking braso.

Nagulat ako ng hinila niya ako bigla dahilan para mabitiwan ko ang mop na hawak ko. Patapon niya akong binitiwan. Napa-upo ako mismo sa harapan ng babaeng customer. Nang umangat ang aking tingin. Nakilala ko kaagad kung sino siya.

Si Ada, ang kasalukuyang asawa ni Hael. At ang kaniyang kasama ay ang ina naman ni Hael.

"Look what we have here, mama." komento ni Ada habang nakangising nakatingin sa akin.

"Sakto pala ang pagpunta natin dito. Narito lang pala ang babaeng ito, at buhay pa pala ang bruhang ito." saad naman ni Mrs. Cañete saka ibinigay sa akin ang magkapares na mamahaling heels.

"Kunin mo!" silyak sa akin ni Mrs. Cañete.

Tarantang kinuha ko naman ito.

"Isuot mo 'yan sa paa ni Ada." masungit na utos sa akin.

"Bilisan mo!" muling silyak sa akin.

Tiningnan ko ang nakahandang paa ni Ada.

"Iyan na ba ang pinakamagandang heels na mayr'on kayo? Isusuot 'yan ng daughter-in-law ko sa darating na Awarding Ceremony bukas ng gabi. Dapat maganda ang kaniyang suot." mahabang pahayag ni Mrs. Cañete.

Nagulat ako ng sipain ako bigla ni Ada. Muli akong napa-upo sa sahig at nabitiwan ko ang hawak kong heels.

"Ang bagal mo naman. Huwag ka nga riyang aanga-anga. Gawin mo ang trabaho mo." may kalakasang silyak sa akin ni Ada.

Muli akong lumuhod at kinuha ang nabitiwan kong heels.

"Akalain mo nga naman, Astoria. Limang taon na ang nakalilipas at nasa ganitong kalagayan ka pa rin. Buti na lang, nakilala ng anak ko itong si Ada. Dahil kung hindi, kasama mo ang anak kong magdidildil ng asin sa kahirapan." wika ni Mrs. Cañete.

Hinawakan ko ang paa ni Ada saka ginawa ang kanilang gustong gawin ko. Tahimik kong pinakikinggan ang kanilang mga sinasabi. Hindi naman kasi ako ang mapapagod sa kakasalita at hindi rin ako ang nagsasayang ng boses at laway.

Nagawa ko na 'yon kanina sa anak niya. Ayoko ng ulitin pa sa kanilang dalawa. Hindi na ako nagulat nang makita ko sila.

"Hindi na ako nagulat sa trabaho mo ngayon. Una pa lang alam kong dito ka na babagsak, sa pagiging isang janitress at taga-linis sa kung saan-saan. Ang pinagtataka ko lang, saan ka kaya tumago sa loob ng limang taon?" patuloy niyang dakdak.

Nagawa ko nang maisuot ang heels sa paa ni Ada. Tumayo siya para tingnan at sinubukang ilakad. Kita ko ang ngiti sa kaniyang mukha.

"Kaya nga, mama." sang-ayon ni Ada.

"Bakit kaya hindi ka bumalik doon? Wala ka na bang makain sa iyong pinagtataguan dahil nagawa mong lumabas?" tanong ni Ada habang patuloy na tinetesting ang kaniyang suot na heels.

Nanatiling walang imik ako. Talagang pinabayaan ko sila sa kanilang pagsasalita.

Hindi ba sila napapagod?

"Wala na itong kaparehas? Ayokong mayr'on akong kaparehong suot." maarteng tanong ni Ada sa saleslady.

"W-Wala po, ma'am. Nag-iisang design at sukat lamang po iyan. Suwerte ni'yo po, kayo po ang unang nakakuha." mabilis na tugon ng nag-a-assist sa kaniya.

"Okay, I'll get this one." nakangiting sambit ni Ada.

Lumapit siya sa akin at inilagay niya sa aking harapan ang kaniyang paa. Agad ko namang ginawa ang kaniyang gustong ipahiwatag.

Pagkatanggal ko ng heels sa kaniya. Kinuha niya ang kaniyang purse bag saka naglabas ng isang card. Ibinigay niya ito sa saleslady na kinuha naman ito kaagad. Tumungo sa cashier ang saleslady.

Umupo muli si Ada sa kaniyang kinauupuan kanina.

"Nakita mo ba 'yon, Astoria?" tanong ni Mrs. Cañete.

"Mayr'on ka bang nagugustuhang heels sa iyong paligid? Sabihin mo lang dahil ibibili kita ng mayr'on ka namang maisuot kung sakali mang mayr'on kang pupuntahang event." pagmamalaki ni Ada.

"Nah! Huwag mong sayangin ang iyong pera sa katulad niya. Kahit anong gawin niya ay hindi ka niya kayang pantayan." sabat naman ni Mrs. Cañete.

"Mrs. Cañete, narito na po." Inabot ng saleslady ang binili niyang heels, kasama sa inabot ang kaniyang card.

Nakangiting kinuha niya ito, pero bago pa man siyang tumayo ay tinapunan niya ako ng isang pirasong papel. Tumama pa ito sa aking mukha. Nang tingnan ko ito.

"Sapat na ba 'yan?" masungit at mariing tanong ni Ada.

Isang cheque ang kaniyang tinapon sa akin. Nakita ko ang halagang nakasulat sa cheque.

"Five hundred thousand, layuan mo ang asawa ko. Huwag na huwag kang magpapakita sa kaniya." mariing utos niya.

Nakatingin lamang ako sa cheque.

Five hundred thousand?

Lihim akong napangiti na kalaunang naging ngisi.

Hinawakan muli ni Mrs. Cañete ang aking braso saka marahas niya akong itinayo mula sa aking pagkakaluhod. Ramdam ko ang pagbaon ng kuko ni Mrs. Cañete sa aking braso.

"Narinig mo ba 'yon? Huwag na huwag kang magpapakita sa anak ko. Huwag mo ng guluhin ang pamilyang mayr'on siya. Tandaan mo, hindi kayo nababagay sa isa't isa. Hindi ka nababagay sa anak ko. Pahihirapan mo lamang siya. Kung gusto kong maghirap, huwag mo na siyang idamay." mariing banta niya sa akin sabay tapon muli sa akin sa sahig.

"Tara na, Ada." Pag-aya ni Mrs. Cañete sa kaniyang pinagmamalaking daughter-in-law.

Parehong mayr'ong ngiti sa labi silang umalis. Naririnig ko rin ang kanilang mahihinang pagtawa tila masaya sila sa kanilang ginawa.

"Naku, pasens'ya na." agad akong dinaluhan at tinulungang tumayo ng saleslady na nag-assist sa dalawa.

"Regular at VIP customer kasi namin si Mrs. Cañete. Ganoon talaga siya, maarte at masungit. Lalo na 'yong lagi niyang kasama na mother-in-law niya." sambit sa akin ng saleslady.

"Okay lang," matipid na tugon ko saka bumaling sa nasa sahig na cheque.

Kinuha ko ito at muling tiningnan.

"Hindi naman sa nangingi-alam at nanghihimasok ako, ah." alanganing sambit niya.

"Dati kong boyfriend ang asawa niya." sagot ko sa kaniyang curiosity sabay punit sa cheque na hawak ko.

Nagulat at namilog ang kaniyang mga mata sa kaniyang narinig.

Dumako naman ang aking tingin sa aking braso. Tiningnan ko ito. Nagkaroon nga ng sugat dahil sa kukong bumaon dito.

Inalis ko ang aking tingin dito at nagbilang sa aking isipan. Hindi pa man ako tapos magbilang ay narinig ko na ang tunog ng fire alarm.

Kaagad na naging alerto ang lahat. Kaniya-kaniya silang labasan. Mga nagmamadali pa sila. Hindi ako kumibo sa aking kinatatayuan. Nakangiting pinagmasdan ko ang mga nagtatakbuhang tao.

Lihim na napangisi ako at naiiling na napangiti.

Ang bilis niya talagang kumilos.

TheKnightQueen 🍀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top