Chapter #4
Astoria's P.O.V
Parang gusto ko na lamang magpalamon sa lupa. Wala na akong nagawa ng isuot sa akin ang mga kailangan isuot para sa safety sa aming paglilinis.
Tumingin ako sa iba pang narito. Mga nakapalibot na sila sa buong rooftop. Mga nakatayo na rin sila sa dulo at handa ng bumaba hanggang sa nakita kong paisa-isa na silang nawala sa kanilang kinatatayuan.
Buwis buhay pala rito. Kung alam ko lang, sana hindi na ako pumasok dito. Makakuha naman ako ng pera sa kahit saan. Oo nga't malaki ang sahod dito pero magkamali ka lang, deads ka na.
Nasa seventy palapag pa naman itong kompanyang ito.
Bigla kong naalala 'yong nag-assign sa akin dito.
"Ready ka na?" tanong ni Mang Kiko.
"Ilang taon ka na po, Mang Kiko?" natanong ko bigla.
"Sixty. Bakit mo natanong?" sagot niya na ikinabaling ko sa kaniya.
"Sixty? Bakit dito ka nakatuka? Delikado para sa'yo ang ganitong trabaho. I mean, puwede ka na nilang ilagay sa loob." saad ko,
Isang ngiti lamang ang kaniyang isinagot sa akin.
"Ganiyan ang buhay, iha." tanging sagot niya sa akin.
Sumampa na rin ako at tumalikod na. Saka inihanda ang aking sarili sa aking pagbaba.
Sumampa rin si Mang Kiko tila tinitingnan niya ang aking ginagawa.
"Talaga bang hindi ka takot sa heights?" tanong niya na parang nag-aalala siya sa akin.
Hinawakan ko ang lubid. Ang tanging hahawak sa aking buhay habang naglilinis ako ng glass wall mamaya.
"Hindi po pero ito ang unang beses kong paglilinis ng glass wall sa isang mataas na gusali." pag-amin ko sabay talon.
Itinigil ko sa tapat ng glass wall ang aking sarili. Napabuntong-hininga na lamang ako at pinipigilan kong huwag tumingin sa ibaba dahil tiyak akong wala akong makikita sa ibaba.
Kinaha ko na lamang sa aking baywang ang panlinis at agad na naglagay ako sa salamin ng sabon saka pinahid.
Ginawa ko na lamang ang aking tungkulin. Tahimik na nililinisan ko ang glass wall. Kung minsan ay nahihinto ako dahil humahangin bigla. Todo kapit tuloy ako sa lubid.
Tukneneng naman, oh!
Mataas na rin ang araw kaya babad kami sa init. Ramdam ko na ang pawis at init mula sa aking kasuotan.
Wala man lang akong makausap dito. Mayr'on kasing distansiya ang bawat isa sa amin. Kung gusto mong makausap ang isa sa kanila ay sisigaw ka talaga para marinig niya.
Napapalibutan naming mga cleaners ang buong kompanya.
Tumingin ako sa ibang kasamahan ko at namilog ang aking mga mata na ako na lang pala ang nahuhuli.
Sandali! Ang bibilis bilang maglinis, ah.
Nasa taas pa ako.
"Aish!" naibulong ko na lamang sa aking sarili.
Binilisan ko na rin ang aking paglilinis nang makahabol ako sa kanila. Mukhang mga professional ang mga kasama ko, o dahil kailangang bilisan dahil tatlong araw lang ang binigay nilang oras sa lahat ng cleaners.
Nagpukos na lang ako sa paglilinis hanggang sa nagulat ako ng mayr'ong humila ng lubid ko pataas hanggang sa marating ko ulit ang rooftop.
Napansin kong narito na rin ang lahat ng mga kasamahan ko. Kumakain na sila. Wala sa sariling napatingin ako sa aking relo. Namilog ang aking mga mata na twelve noon na pala.
"Hindi mo yata napansin ang oras, Astoria." Rinig kong wika ni Mang Kiko kaya napalingon ako sa kaniya.
"Naging abala po ako sa paghahabol sa inyo. Ang bibilis ni'yo pong maglinis." nahihiyang saad ko.
Natawa siya sa sinabi ko.
Nakakahiya naman kasi kong ako lang ang mabagal sa amin. Binabayaran pa naman kami rito.
"Mayr'on ka bang dalang pagkain?" tanong niya.
Mabilis akong umiling.
"Ganoon ba? Bukas ay magdala ka na ng baon mo. Ang mga katulad natin ay hindi puwedeng bumili sa cafeteria ng kompanya." saad ni Mang Kiko.
Kumunot naman ang noo ko.
"Po? Bakit hindi puwede?" tanong ko.
"Astoria," Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Nick,
Mayr'on siya sa aking inabot na paper bag.
"Para sa'yo yata 'yan. May nagpapaabot," wika niya, agad ko naman itong kinuha.
Pagsilip ko sa loob ay nakita kong lunch box ang nasa loob.
"Salamat," pasalamat ko.
Tumango si Nick saka nagpaalam na rin at bumalik sa puwesto niya.
Bumalik ulit ang tingin ko kay Mang Kiko. Wala na siya sa kaniyang kinatatayuan. Mabilis ko siyang hinabol. Huminto siya sa parang shed na silongan dito sa rooftop.
Tumabi ako sa kaniya ng umupo siya. Kumuha na rin siya ng kaniyang pagkain.
"Mang Kiko, hindi ni'yo pa po sinasagot ang tanong ko." magalang na pangungulit ko.
Tumingin siya sa akin sabay balik sa kaniyang kinakain.
"Bakit hindi po kayo kasama sa mga puwedeng kumain sa cafeteria?" tanong ko.
"Iyon ang patakaran ni Ma'am Visha." sagot niya.
"Mababa ang kaniyang mga tingin sa mga katulad nating mga taga-linis lang ng kompanya. Para sa kaniyang hindi tayo nababagay at nabibilang sa mga katulad nilang mayr'ong mataas na pinag-aralan." dagdag niya,
Napakunot ang aking noo sa dahilan ng Visha na 'yon.
"Ang babaw naman po ng reason niya." hinaing ko.
"Siya! Kumain ka na nang makapagsimula ka muli. Maliit lang na oras ang break-time natin. Mapapagalitan tayo kapag tumagal at lumagpas tayo sa break-time." saad niya saka binilisan ang kaniyang pagkain.
Tumingin ako sa paligid at nahintuan ng aking tingin ang mga camerang nakabantay sa amin. Kaya pala, kahit nasa taas ka na ay makikita ka pa rin kapag nagtinamad ka.
Matagal akong tumitig sa CCTV. Kalaunan ay nagsimula at tinapos ko kaagad ang aking pagkain. Pagkataposng bawat isang kumain ay nagsibalikan na muli kami sa aming ginagawa.
*****
Sa sunod na araw ay hindi na ako nagpahuli. Nagdala na rin ako ng pagkain kasi tama si Mang Kiko. Hindi nga puwedeng kumain sa kanilang cafeteria ang mga taga-linis lang.
Sa glass wall pa rin ako nakatuka pero ngayon ay sa loob na. Si Nanay Lena naman ang leader sa paglilinis ng glass wall dito sa loob. Asawa rin siya ni Mang Kiko. Nagulat nga ako ng malaman ko 'yon.
Pareho silang nakatuka sa glass wall pero sa labas si Mang Kiko at sa loob naman si Nanay Lena. Matagal na silang nagtratrabaho rito at dito nga nila nakilala ang isa't isa. Sa pagtratrabaho rito ay nagawa nilang mapagtapos ang kanilang tatlong anak. Ang sabi niya ay dito rin sila nagtratrabaho.
Totoo ang kanilang sinabi kasi nakita kong magkakasabay silang kumakain. Nakakatuwa nga kasi balewala sa kanila kung pinagtitinginan sila ng kanilang mga katrabaho kasi kasama nila ay isang taga-linis lamang.
Maliban kina Nanay Lena ay wala na akong ibang nakakausap. Bawal daw kasi ang makipag-usap sa kahit na sino. Kapag nahuli raw kasi ni Ma'am Visha na nakikipagdaldalan ka lang kahit sa oras ng break-time ay awtomatikong tanggal ka na.
Sumunod na lamang din ako sa kanilang patakaran at ginawa ng tahimik ang aking tungkulin.
*****
Sa ikatlo at huling araw ko ay sa bawat department na ako nakasama. Mukhang mayr'ong galit talaga sa akin si Ma'am Visha kasi sa mahihirap na gawain niya ako inilalagay. Wala rin akong naging permanent na areas. Ang mga mata niya rin ay nasa akin. Kung nakakabutas nga lang ang kaniyang mga mata ay matagal na akong butas-butas.
Ewan ko ba sa kaniya at ako ang pinag-iinitan niya.
Mabilis namang lumipas ang buong araw. Sumapit kaagad ang gabi. Kaming mga cleaners na para sa tatlong araw lang ay ang siyang nahuli. Ibinigay na kasi sa amin ang aming sahod.
Pagkalabas ko sa building ng S&S Fashion Company ay uminat ako ng katawan. Feeling ko ang sakit na ng aking katawan sa walang tigil at sa mabilis na kilos sa paglilinis.
Humugot ako nang malalim na hininga saka tuluyan na akong umalis sa harapan ng S&S Fashion Company.
Pinili ko na lamang na maglakad-lakad. Habang naglalakad ako ay panay ang tingin ko sa paligid. Nawalan ako ng oras na gumala-gala. Sakto! Mayr'on akong Pera ngayon.
Napansin kong mayr'ong pinagkakaguluhan sa bandang unahan. Nakuryos ako kaya agad akong lumapit. Napangiti ako na isang street foods pala ang kanilang pinipilahan.
Natakam ako sa mga nakikita kong kikiam, kwek-kwek, hotdogs, isaw, fishballs at marami pang iba.
Lihim na napasimangot ako at inisip kong puwede ba akong kumain nito pero sa bandang huli ay isinambahala ko na lamang ito. Ngayon na lang din ako nakakain nito.
"Ate, puwede po ba akong makahingi ng lalagyan?" tanong ko kay Ateng tindera.
"Oo naman. Alin ba rito? Small, Medium or large paper bowl?" tugon niya.
Tinuro ko 'yong nakita kong pinakamalaking paper bowl na agad naman niyang inabot sa akin.
"Pili ka na lamang riyan sa mga nakatusok, or kaya roon sa bagong luto. Puwede mo namang ipainit sa kaniya." sambit ni Ate saka itinuro ang kaniyang kasama na abala sa pagluluto.
Nakangiting tumango ako.
Pumili ako sa mga nakatusok at tig-lilima ang kinuha ko tapos pinainit ko kay Kuya. Ilang minuto lang ay natapos na ako sa pagbili. Pagkabigay ko ng bayad ay umalis na ako sa pakikipagsiksikan.
Mas natakam ako kaya agad akong naghanap ng lugar na puwedeng kainan. Nakakita naman kaagad ako. Pagkaupo ko sa parang wooden sofa style ay nilapag ko ang ibang dala ko pa. Hindi kasi kumasya sa isang lalagyan ang mga pinili ko. Naging tatlo ito.
Kumuha agad ako ng isang stick saka kinain.
"Hmmm! Yummy!" saad ko habang nakangiti.
Na-miss ko ng sobra ang pagkain nito. Ito kasi ang madalas kong kainin sa probinsiya noon. Naging paborito ko nga ito, e.
"Astoria," Natigilan ako sa aking pagkain saka nilingon ang tumawag sa akin.
Agad kong nakilala ang lalaking gumambala sa akin.
"Hael," casual na sambit ko sa kaniyang pangalan.
"I finally found you." saad niya,
Mabilis akong tumayo at lumayo sa kaniya ng lumapit siya at mukhang yayakapin niya ako.
Lihim na umasim ang aking mukha.
"Anong kailangan mo?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kaniya.
Abala ako sa pagkain ko.
"You still love eating street foods." saad niya,
"Ano naman?" tugon ko,
"Kumusta ka?" tanong niya.
Tiningnan ko siya saka ngumiti ako.
"Sobrang maayos." Tiningnan ko ang kaniyang kabuo-an.
Nakasuot siya ng pang-business attire.
"At mukhang ikaw din." dagdag ko.
"I am now a CEO, sa kompanya ng pamilya ni Ada." wika niya,
"Mabuti naman. Mukhang tamang babae ang siyang napili mo." saad ko saka itinapon ang paper bowl sa basurahan.
Hindi ko na kinuha ang natitirang binili ko. Malapit kasi 'yon sa kaniya. Mukhang napansin niya ang aking tinitingnan kaya tumingin din siya roon. Kinuha niya ito, lumapit at inabot sa akin. Tiningnan ko lang ang inaabot niya.
"Salamat na lang pero sa'yo na lang. Gift ko sa muli nating pagkikita." saad ko saka tinalikuran ko siya.
"Astoria," tawag niya muli sa akin.
"Saan ka nakatira? Puwede ko ba mahingi number mo? Puwede bang maging magkaibigan tayo ulit?" sunod-sunod niyang tanong.
Mayr'ong tumigil na taxi sa aking tabi. Agad akong sumakay. Umandar din kaagad ang aking sinasakyan pagkasakay ko.
Lihim na napangisi ako.
We meet again, Hael.
TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top