Chapter #3


Astoria's P.O.V

Nagmamadaling lumusot ako sa main door ng building. Mahuhuli na kasi ako sa trabaho ko ngayong araw. Saktong pagkalabas ko ay siya namang pagtunog ng hawak kong cellphone.

Sandali akong tumigil para tingnan kung sino ang nag-message na agad ko namang binuksan.

Pagkabasa ko ay napatingin ako sa aking harapan. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi ng mayr'on akong nakitang taxi na puwede kong masakyan.

Lumapit ako sa taxi.

"Hi, ma'am." nakangiting bati sa akin ng driver saka pinagbuksan ako ng pinto.

"Kuya sa S&S Fashion Company po," magalang kong sambit sabay pasok sa loob.

Pagkaupo ko pa lang ay mabilis akong nagtipa sa screen keyboard ng phone ko at binigyan ng reply ang nag-message sa akin.

Napatingin ako sa labas ng maramdaman kong umandar na ang sinasakyan ko. Sinilip ko ang suot kong relo.

Shocks!

Mahuhuli talaga ako.

Kasi naman, e.

Huminto ang sasakyan kaya bumaling ako sa unahan. Naka-red light pa. Sumandal na lamang ako sa upuan at naghintay na umandar ulit na nangyari naman kaagad.

Ilang minuto pa ang lumipas ay narating ko na ang destination ko. Agad kong binuksan ang pinto saka kumaripas ng takbo patungo sa kompanya na aking papasukan.

Pagkapasok ko, nakita kong nakaipon na sa may lobby ang mga cleaners ng kompanya. Mukhang nagsisimula ng mag-orientation. Dahan-dahan akong humakbang at tiniyak kong hindi ako maririnig para hindi ako mapansin na late ako.

"You are?" Awtomatikong nahinto ako sa aking pagpupuslit, napapikit at napalunok na lamang ako ng laway.

Alanganing ngumiti at nagpakita ako sa babaeng nagsasalita. Ramdam ko ang mga tingin ng mga magiging kasamahan ko.

"Come forward," masungit na utos nito sa akin.

Wala akong magawa kun'di ang lumakad patungo sa harapan.

"Name?" masungit na tanong niya ulit.

"A-Astoria Del M-Mundo po," utal na sagot ko sabay ayos ko sa suot kong salamin sa mata.

Tiningnan niya ang kaniyang hawak na parang listahan yata.

"You're late," masungit niyang akusa.

Mabilis akong yumukod.

"Pasens'ya na po, hindi na po mauulit. Pasens'ya na po talaga!" hingi ko ng paumanhin.

"You're out," saad niya na ikinalaki ng aking mga mata sa gulat.

"Po?" react ko.

"We don't accept latecomers here." malamig at masungit niyang dagdag.

"P-Pero---" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala naman akong puwedeng idahilan sa kaniya.

Hindi na niya ako pinansin at muli siyang nagpukos sa mga nasa harapan niya. Napabagsak-balikat na lamang ako. Minsan na nga lang ako magkaroon ng malaking raket ay naging bato pa.

Malungkot na tumalikod na lang ako. Marahan ang aking ginawang hakbang.

"Let her in." Agad na huminto ang aking mga paa sa aking narinig. Mabilis din akong napalingon sa nagsalita. Isa siyang babae.

"We added more cleaners to clean the whole company in a short time. We must clean the whole area as soon as possible. The CEO is coming without an exact date. Our CEO might surprise us. If the CEO came and our place was not yet clean, all of us would be dead." mahabang pahayag ng babae na mayr'ong halong pagbabanta.

"Finish your orientation. Let them start as early as they can. Give them three days to finish their job. Are we clear here?" dagdag pa ng babae.

"Yes, Secretary Sia," tugon ng babaeng masungit.

Hindi nagtagal ay tumalikod na siya saka umalis na.

"You!" untag sa akin ng babae.

"You heard her, right?" masungit pa rin niyang sambit.

Tumango na lamang ako saka mabilis na nakipila.

"You can now start cleaning in your assigned areas. Remember, you only have three days to finish your areas." saad ng babae.

Area?

E, ako? Saan ako maglilinis?

Nataranta ako ng nagkaniya-kaniya na silang sama sa kani-kanilang grupo at tumungo na sa kanilang paglilinisan. Hindi ko alam kung saan ako sasama.

"You!" Mabilis akong lumingon sa nagsalita.

'Yong babae pa rin na masungit.

"Sa kanila ka sumama." wika niya saka tinuro ang isang grupo na papaalis pa lang.

Sinundan ko naman ang kaniyang tinuturo. Nagtaka ako dahil sa mga grupo ng mga lalaki nakaturo ang kaniyang daliri.

Tama ba siya ng tinuturo?

"Ano pa ang tinatayo-tayo mo riyan? Late ka kaya sa kanila ka sumama." saad niya,

"Pinasok mo ang trabaho na ito kaya huwag ka riyan mag-anga-anga at gawin mo ang 'yong trabaho." silyak niya sa akin kaya kusang napatakbo ako sa tinuro niyang grupo.

Lihim na napalunok na lamang ako ng laway. Ang mga kasama ko kasi puro mga lalaki talaga. Nang nilingon ko 'yong babae ay wala na ito. Nanlumo ako.

"Halika na, iha." Rinig kong sambit na ikinalingon ko sa kaniya.

Nagdadalawang-isip ako kung ihahakbang ko ba ang aking mga paa o hindi pero sa huli ay wala akong nagawa.

Sumunod na lamang ako sa kanila. Nasa thirty sila at pang-thirty one ako sa kanila. Nahati sa dalawang grupo ang kanilang bilang ng sumakay sila sa elevator. Naunang magsara ang isang elevator.

"Pasok na, iha." nakangiting sambit ng may katandaan sa kanila.

Mukha naman siyang mabait. Inihakbang ko ang aking mga paa para pumasok sa loob. Napalunok ako ng aking laway ng magsara agad ang pinto ng elevator.

"Huwag kang matakot, iha. Walang mangyayaring masama sa'yo rito." wika ulit ng kumakausap sa akin.

"Hi," Tumingin ako sa nagsalita.

"I'm Nick, bago lang din ako rito. Isa rin ako sa mga kumuha ng extra taga-linis dito." mabait na wika ng isa sa kanila.

Mukhang kaedaran ko siya.

"Astoria naman ang pangalan ko." pakilala ko rin sa aking sarili.

Nakita ko kasing naghahanap ang kompanyang ito ng mga cleaners. Urgent hiring sila kaya sinubukan ko kaagad. Isang oras lang ay nawala kaagad ang post nila sa online. Malaki kasi ang nakalagay na sahod. Sayang din kong pakakawalan ko pa, at saka three days lang naman.

"Ako naman si Kiko." Bumaling naman ang tingin ko sa unang kumausap sa akin. Iyong may edad na.

"Bago rin po ba kayo rito? Or matagal na?" kuryos kong tanong.

"Matagal na akong nagtratrabaho rito. Mga thirty years na rin." Nanlaki ang aking mga mata sa pagkamangha.

"Thirty years? Ganoon katagal?" mangha ring tanong ni Nick.

Natatawang tumango si Mang Kiko.

"Hindi na ako umalis dito. Maganda kasi ang sahod dito kumpara sa ibang kompanya." sambit niya,

"Ay nga pala, sino sa inyo rito ang takot sa heights?" magalang na tanong ni Mang Kiko.

Nagtaka naman ako sa tanong niya. Dumako naman sa akin ang tingin ni Mang Kiko.

"Hindi po ako takot sa heights." magalang ko namang tugon.

Bumuntong hininga si Mang Kiko.

"Hindi ko alam kung bakit sa aking grupo ka isinama ni Ma'am Visha. Hindi ko alam kung kakayanin mong linisin ang nakatuka sa atin." dismayang wika ni Mang Kiko.

"Marahil nagalit siya sa'yo." dagdag pa niya na ikinakunot ng aking noo.

"Pero hindi lang naman ikaw ang siyang itinapon sa aking grupo. Ibinibigay niya talaga sa akin ang mga nahuhuli sa oras. Pinakaayaw niya kasi 'yon." patuloy ni Mang Kiko.

"Saan ba tayo nakatuka?" biglang singit ng isang lalaki.

"Wala namang sinabi si Ma'am Visha kanina. Basta ibinigay lang niya ang mga baguhan sa bawat leader na kaniyang sinambit." sabat naman ni Nick.

"Narito na tayo. Malalaman ni'yo na ang sagot sa tanong mo." wika ni Mang Kiko.

Huminto na rin kasi ang elevator. Kaagad na lumabas si Mang Kiko. Pagkalabas ko ay hangin kaagad ang bumungad sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nasa itaas kami ng parte ng kompanya at iyon ay rooftop.

"A-Anong gagawin natin dito?" Kinakabahan kong tanong.

Napansin kong naghahanda na ang naunang nakarating dito.

May nakikita akong mga tali at kung ano-ano pang kagamitan.

"Ang lilinisin natin ay mga glass wall." Rinig kong sambit ni Mang Kiko.

Nang ma-realize ko kung ano ang ibig sabihin ni Mang Kiko ay unti-unting namilog ang aking mga mata.

"Ano ho?" Hindi lang ako ang nag-react. Maging 'yong ibang mga baguhan din.

Anak ng!

TheKnightQueen 🍀





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top