Chapter #21


ASTORIA'S P.O.V

Kasalukuyan kong tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Katatapos ko lang maligo at makapagbihis. Maayos na ang pakiramdam ko. Bumalik na lahat sa normal.

Hindi ko alam kung anong oras na kami nakabalik sa kuwarto, kaya ayan tuloy tanghali na ako nagising.

Nang satisfied na ako sa aking ayos. Humarap na ako sa pinto at humakbang patungo roon. Sa pagbukas ko ng pinto at nang hahakbang na ako palabas, bigla akong napahinto. Mabilis na dumako ang aking kamay sa aking bibig habang ang isang kamay ko sa aking tiyan.

Bigla akong nakaramdam ng pagkaduwal. Nang feeling ko na hindi naman siya matutuloy ay marahan kong inalis ang kamay ko sa aking bibig saka marahang hinimas ang aking tiyan.

Muling naulit kaya napahawak ako ulit sa aking bibig.

"Sunshine?" Narinig ko ang boses ni Davian na papalapit.

Marahan ko ulit na tinanggal ang aking kamay sa bibig ko at muling pinakiramdaman ang tiyan kong parang hinahalukay sa sama. Wala pa naman akong kinakain, ah.

Akala ko okay na.

"Something wrong? Are you okay?" he  worriedly asked.

Hinawakan niya ang kamay ko na nabawi ko kaagad dahil naitakip ko muli sa aking bibig and this time, mabilis na akong napatakbo sa  tapat ng sink saka dumuwal.

Panay lang ang duwal ko na hangin lang ang inilalabas marahil dahil wala pang laman ang tiyan ko.

Umagos ang luha ko sa gilid ng aking mata dahil sa sama ng nararamdaman ko. Ganito rin ang nangyari sa akin n'ong time na naghahanap kami ng pagkain ni Davian sa kusina. Lahat ng niluto niya ay isinuka ko lang din.

Naramdaman ko ang marahang paghimas ni Davian sa aking likuran. Siya na rin ang humawak sa buhok ko. Ilang sandali lang ay natapos na rin ako sa pagduduwal.

"Water, please." agad kong hingi kay Davian.

Pagkarinig niya ay mabilis siyang lumabas at nakabalik din kaagad. Kinuha ko ang basong may lamang tubig saka ininom ito.

Nanghihina akong napasandal sa sink. Nanginginig na ibinaba ko naman ang hawak kong baso. Kinuha ito ni Davian sa kamay ko at siya na ang nagpatuloy sa paglapag nito. Ipinikit ko ang aking mga mata nang umikot na naman ang tingin ko sa paligid.

"D-Davian," mahinang tawag ko kay Davian.

"I'm right here." mabilis niyang tugon sabay hawak sa akin. Marahan niya akong pinasandal sa kaniyang dibdib.

Naramdaman kong binuhat niya ako. Ang sunod kong naramdaman ay ang pag-upo ko sa kandungan niya. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok habang nakasiksik ako sa leeg niya smelling his natural scent. His natural scent helps me to calm down.

Hinintay kong kumalma ang tiyan ko at maging maayos ang pakiramdam ko. Lumipas ang minutong walang nagsasalita sa amin hanggang sa tingin ko ay okay na ako.

Gumalaw ako at marahang umalis sa pagkakasiksik sa kaniya. Agad na inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Balik normal na ulit ito.

"Feeling better?" malambing na tanong sa akin ni Davian.

"Yeah," I weakly answered.

Ipinatong ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib saka ipinikit ang aking mga mata. After I threw up, I felt that my body become weak.

"Do you want something? Cravings? I already prepared your breakfast, but I'm not sure if your stomach will like it," he softly stated.

"Love," ani ko,

"Hmm? What is it? Tell me," Davian replied.

"Can you,,," I stopped for a while and looked at him. "Can you get me a pregnancy test?" I requested.

I want to confirm if my thoughts and my feelings are correct. Lately, I've been like this. I feels weird.

"Just a moment." Tumayo si Davian saka marahan niya akong inupo sa gilid ng kama. Pagkatapos ay lumapit siya sa bedside table.

I remember that my menstruation is already delayed days ago pero dahil naging busy ako ay nakalimutan ko na ang bagay na iyon. Ngayon ko na lang ulit na naalala.

Napahawak ako sa aking impis na tiyan.

Did our baby come at the wrong time?

I really can't just leave and disappear. If I am pregnant. Leaving by my husband's side is not a good idea. I can't protect our baby by myself. I need Davian.

"Here," Natauhan at dumako ang tingin ko sa nasa harapan kong pregnancy test.

"What do you think will be the results?" ani ko pagkakuha ko ng PT.

Lumapit sa akin si Davian saka binuhat ako muli.

"You're pregnant. I am sure of it." sagot niya sa tanong ko.

"You predicted it?" sambit ko pagkababa niya sa akin sa loob ng banyo.

"When I touched your tummy. I feel something from it. I guess it's our baby." he explained.

Napangiti na lamang ako.

"At saka, whether you take a pregnancy test or not. I am going to bring you to the hospital for the check-up. I already made an appointment." he added.

He already has a plan for me today.

Hindi ako makapupunta sa company ngayon para i-check kung ano na ang nangyayari. Hindi ko pa natatawagan si Sia.

Binuksan ko na ang pregnancy test at sinimulang gawin kung ano ang nasa procedure. A minute passed ay natapos ko ng sundin.

"How is it?" Davian asked.

I am now waiting for the results. May nakita na akong one lines and a moment later, the second line slowly appears.

I looked at Davian's face. He is patiently waiting for the results.

"It's a positive. You are right. I am pregnant." I announced the results.

His lips slowly formed a wide smile.

"Thank you," Niyakap niya ako sa tuwa.

Natatawang yumakap din ako sa kaniya. Mas nauna pa niyang na-realize na buntis ako kaysa sa akin but still his reaction ay parang ngayon niya lang narinig at nalaman na buntis ako.

"I'm going to be a father." Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin saka hinalikan ang aking noo.

"Thank you for giving me an opportunity to be a father," he sincerely stated with a sweet and gentle voice.

I gave him a smile. I should be the one who will be thankful to him because he is the one who gave me a chance to have a family.

I promise, no matter what happens. I'll protect our family. I won't let them ruin our home.

NEVER!

*********

Pagkagising ko ay si Davian kaagad ang hinahanap ko. Nasa loob ako ng kotse. Tumingin ako sa labas. Nasa parking lot kami. Hindi ko alam kung saan kami huminto.
Nakatulog kasi ako habang nagbyabyahe.

Tinanggal ko ang seatbelt saka binuksan ang pinto. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko ito mabuksan. Naka-locked ito.

Sinubukan kong buksan ulit pero hindi talaga siya mabuksan. Lumipat ako at tinungo ang pinto sa tabi ng driver seat. Naka-locked din ito. Muli akong bumalik sa passenger seat saka sinubukan ulit buksan ang pinto.

Sandali akong tumigil at biglang pumasok sa isip ko ang phone ko.

"Yes! My phone! Where is my phone?" bulong ko sa aking sarili saka hinanap ang cellphone ko sa bawat sulok ng kotse.

Lumingon ako sa backseat pero wala akong nakitang gamit or bag ko. Mabilis na nilingon ko ang pinto sa tabi ng driver seat. Mayr'on kasing kumatok mula roon.

Kumunot ang noo ko dahil nakatayo lang ang taong kumatok. Katawan niya lang ang nakikita ko.

Namilog ang aking mga mata ng unti-unti niyang inilalabas ang isang kamay niyang nasa likuran niya. Namilog nang husto ang aking mga mata nang makita kong marahan niyang itinutok sa akin ang baril.

Tarantang pilit na binubuksan ko ang pinto habang ang mga tingin ko ay sa nakatutok sa aking baril. Nagtaka ako ng bumaba ang baril niya. Sinundan ko ng tingin ang baril niya.

Nagulat ako at nataranta na ang target niya ay ang anak ko.

"No! N-Not my b-baby!" sunod-sunod ang naging pag-iling ko habang pilit ko pa ring binubuksan ang pinto hanggang sa napahinto na lamang ako ng namayani ang isang malakas na putok ng baril.

Nakita ko ang isang butas sa bintana. Marahan kong ibinaba ang tingin ko sa aking tiyan. Mabilis na lumandas ang mga luha ko nang makita ko ang dugo sa aking tiyan.

"N-N-No! Nooooooooooo!" malakas kong sigaw.

***

             "Sunshine!" Napamulat ako ng aking mga mata. Kaagad akong napalingon sa labas ng bintana sa tabi ng driver seat hinahanap ko ang lalaking tumutok sa akin.

"Sunshine," Hinanap ko siya sa buong labas ng kotse. Hinawakan ko ang pinto saka binuksan pero mayr'ong humawak at pumigil sa akin kaya hindi natuloy ang paglabas ko.

"Sunshine! what's going on? Calm down! Come back to your senses." Naririnig kong sambit pero hindi ko ito pinakikinggan.

Tiningnan ko ang nakahawak sa akin. Hinawakan ko siya.

"My baby? How's my baby? They--- H-He killed o-our baby." pagpapanik kong wika habang ang mga luha ko ay walang tigil na umaagos.

"Sunshine, calm down." wika niya sa akin.

Umiling ako at nagpatuloy sa pagpapanik lalo na nang makita ko muli sa aking isipan ang duguang tiyan ko.

Hinawakan niya ang mukha ko, "Sunshine, look at me. Look at me." utos niya.

"N-No!" Pilit niya akong pinatingin sa kaniya kaya dumako ang mga tingin ko sa kaniya. Doon ko na-realize na si Davian ang kasama ko.

"Shhhh! It's a dream, sunshine." saad niya,

A dream?

Medyo humupa ang nararamdaman kong pagpapanik.

"Our b-baby?" mahina kong tanong.

"Our baby is okay and safe. Nothing happened to our baby. Look at your belly. He or she's safe inside you." he clearly stated.

Marahan akong tumingin sa aking tiyan. Wala akong nakikitang dugo or what. Hinawakan ko ito. Nakaramdam ako ng biglang pagkirot mula rito.

"I,,, I t-thought,,," Niyakap ako ni Davian.

"Shhhh! Nothing will happen to our child, okay? I promise you that." he seriously stated.

Nang nakatiyak ako na walang nangyaring masama sa anak ko at panaginip lang 'yong naranasan ko. Medyo kumalma na ako pero hindi pa rin ako kampante.

"Where are we?" mahinang tanong ko habang nakasandal ako kay Davian.

I placed my hands on my belly and gently caressed it. 

"In front of the pharmacy. I stopped here for a while. I bought you some vitamins. You sleep peacefully and deeply that's why I didn't wake you up. When I came back, you were dreaming," he immediately explained. 

Marahan akong umalis sa pagkakasandal sa kaniya saka nasulyapan ko ang isang maliit na paper bag na lalagyan ng binili niyang vitamins.

"I wanna go home." pagmamakaawa ko sa kaniya.

"We will, sunshine." Marahan niya akong ibinalik sa pagkakaupo sa passenger seat at muling isinuot sa akin ang seatbelt.

"Are you feeling unwell? You look pale. Are you feeling lightheaded again? Feeling of throwing up?" sunod-sunod niyang tanong as he gently caressed my cheeks.

Ibinaba niya ng kunti ang inuupuan ko. Dahan-dahan akong sumandal at tumagilid ng higa. Ipinikit ko ang aking mga mata.

"I am fine. Gusto ko ng makarating sa bahay." saad ko,

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa aking pisngi saka hinawakan niya ang kamay ko.

Narinig ko ang pagbukas ng engine at ang marahang pag-andar na ng kotse. Iminulat ko ang aking mga mata saka tumingin kay Davian. Isang kamay lang ang ginagamit niya sa steering wheel. Napansin ko ang panaka-naka niyang pagsulyap sa akin.

Katulad nga ng sinabi ni Davian. Mayr'on kaming appointment ngayon sa ob-gyne. Kaaalis lang namin doon at pabalik na kami ng mansion.

Exact seven days pa lang ang baby namin. Ang sabi ng doktor ay iwasan ko raw na ma-stress lalo na ang mag-overthink. I should avoid all the things that might cause of stresses. Nasa fetus stage pa lang ang baby namin kaya double ingat ang kailangan ko.

Sinubukan kong sabihin na dumaan muna kami ng kompanya bago umuwi pero hindi siya pumayag. Hindi na ako nakipagtalo pa kay Davian. Hindi rin naman ako mananalo sa kaniya. He even said that the company is the number one stress giver ko kaya pinagbawalan na niya akong pumunta sa kompanya until I give birth.

"Are you sure that you are okay? You really look pale." nag-aalala niyang tanong sa akin.

Simpleng tango lang ang sinagot ko sa kaniya saka marahan akong pumikit ulit.





🍀 TheKnightQueen 🍀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top