Chapter #18
ASTORIA'S P.O.V
Kasalukuyan akong abala sa pagpirma ng mga documents and papers. Hindi ko siya pinipirmahan kaagad, binabasa at sinusuri ko muna ang mga ito kaya natatagalan akong matapos.
Tumayo ako dahil mayr'on lang akong kukunin saglit ngunit bigla akong napahawak sa sandalan ng swivel chair at sa mesa. Bigla kasing dumilim at umikot ang paligid ko.
Ipinikit ko ang aking mga mata at marahang iwinaksi ang aking ulo. Muli kong binuksan ang aking mga mata pero ganoon pa rin ang nararamdaman ko.
Wala akong nagawa kun'di ang umupo ulit. Ilang minuto ang hinintay ko bago bumalik sa normal ang paningin ko. Tiningnan ko ang suot kong wristwatch.
Alas-tres na pala ng hapon.
Napahawak ako sa aking batok saka marahang hinilot ito.
Wala pa pala akong kain simula pa kaninang umaga. Nagkakape lang ako. Tiningnan ko ang tasa ko. Wala na itong laman.
"Are you okay?" Rinig kong tanong mula kay Sia.
"Can you give me another cup of coffee?" ani ko sa kaniya.
"Coffee? Again? I'm sorry pero hindi ka pa kumakain ng lunch. At saka, Are you okay? You look pale." nag-aalala niyang wika.
"What do you want to eat? Dadalhin ko rito kaagad. Kapag nalaman ito ni boss ay malalagot ako." tarantang dagdag niya.
Wala si Davian. Pumunta siya ng US, mayr'on daw siyang business or something there. Three days na siyang naroon, pero pabalik na siya ngayong gabi.
"No need. A cup of coffee is enough." pagpigil ko sa kaniya.
"Pero nakarami ka ng hingi ng coffee." wika niya pa.
Huminga ako nang malalim saka tumingin sa kaniya. Magsasalita pa lang ako ay mayr'on akong narinig na malakas na tili mula sa labas. Sabay kaming napalingon sa labas ni Sia.
Napatayo ako at dali-daling lumabas. Sumunod sa akin si Sia. Kumunot ang noo ko dahil marami akong nakikitang mga empleyado sa restrooms.
"What's going on?" I asked.
Ang lahat ay bumaling ng tingin sa akin. Binigyan nila ako ng daan para makapasok sa loob. Bumungad sa akin ang dalawang babaeng magkayakap. Umiiyak ang isa habang yakap siya ng isa pa. Mga takot ang kanilang mga mukha.
Tiningnan ko ang tinitingnan ng isang babae. Tumingin ako sa cubicle. Kumunot ang noo ko dahil mayr'ong dugong lumabas mula sa loob. Mabilis akong lumapit at tiningnan ang loob. Bumungad sa akin ang isang patay na babae.
Tiningnan at sinuri ko ang babaeng patay. Dinaanan ng matalim na bagay ang kaniyang leeg dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Lumabas ako sa cubicle.
"Mayr'on pang isang patay sa dulo." wika ni Sia na ikinalingon ko sa kaniya.
Tiningnan ko ang pinakadulong cubicle. Pinuntahan ko ito at tiningnan. Isang lalaking patay naman ang siyang bumulaga sa akin.
"Sia, find who did this." seryoso at malamig kong utos sa kaniya.
Mabilis siyang tumango at ginawa kaagad ang pinag-uutos ko.
Hinarap ko ang lahat ng empleyado.
"Don't panick. Call the police and stay in your positions." utos ko sa kanila.
Mabibilis na hakbang ang ang ginawa ko para makabalik kaagad sa office ko. Pagkabalik ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko saka tinawagan si Nick.
"Come here," utos ko sabay baba ng phone.
Muli akong napahawak sa mesa ng bigla na naman akong makaramdam ng hilo.
Shit!
Hindi naman ako nakararamdam ng gutom.
"Madam," Napalingon ako sa pinto.
Sumandal ako sa table para mayr'on akong suporta dahil umiikot pa rin ang paligid ko.
"Someone fell from the top of the building." bungad niyang report sa akin.
Mabilis na dumako ang aking tingin sa kaniya.
"Fell?" nagtatakang sambit ko.
I bite the buttom of my lips.
"There are two dead people inside the restroom. I'll give you that job, Nick." utos ko sa kaniya.
"Don't worry, I'll handle it." mabilis niyang tugon saka agad na lumabas.
Sa klase ng pagpatay sa dalawang biktima sa restroom at sa hinulog mula sa rooftop ng building. I know who is the killer.
Natigilan ako ng mayr'on akong makita na isang malaking gift box. Kumunot ang noo ko. Kailan pa nagkaroon ng kahon dito?
Nilapitan ko ito. Sa ibabaw nito ay mayr'on akong nakitang papel na mayr'ong nakasulat.
Malen'kiy podarok dlya tebya, prezhde chem ty umresh'.
Tumaas ang dulo ng aking kilay. I thought they stopped already? Pinatahimik nila ang buhay ko ng dalawang buwan.
Tinanggal ko ang pagkakalaso ng ribbon. Pagkatapos ay tinanggal ko ang takip. Nabitiwan ko ang takip at napatakip sa aking ilong, napahakbang pa ako paatras.
Nalanghap ko kaagad ang malangsang amoy na nagmumula sa loob ng kahon. Marahan muli akong lumapit at sinilip ang nasa loob ng kahon.
It's a fucking human head!
Bullshit!
Hindi ko nakayanan ng sikmura ko iyong amoy kaya napatakbo ako sa loob ng banyo at agad na tumapat sa lababo para dumuwal.
Binuksan ko ang gripo at naghilamos ako ng mukha. Nanghihinang sumandal ako sa sink pagkatapos kong sumuka. Inilabas ko lahat ng ininom long kape.
Sampung minuto ang lumipas bago ako nahimasmasan at naging kalmado na muli ang sikmura ko. Ngunit, nanghihina ang aking tuhod kaya marahan ang aking paglabas sa banyo.
"Astoria!" Patakbong lumapit sa akin si Sia.
Inalalayan niya ako. Pinigilan ko siya sa paghakbang at tumungo ang tingin ko sa kahon. Agad kong tinakpan ang ilong ko ng maamoy ko ulit ang mabahong amoy mula sa kahon.
Shit!
"Take that t-thing away from t-this place." utos ko kay Sia.
"Yeah, but let me help you first. Namumutla ka." saad niya,
Kumuha siya ng mauupuan ko. Dahan-dahan niya akong inupo. Napahawak ako sa aking sikmura dahil nagsisimula na naman itong sumama.
"Madam," Pumasok si Nick na agad na napalingon sa kahon. Nilapitan ni Nick ang kahon.
"What the hell!" gulat na bulalas ni Nick nang makita niya ang nasa loob ng kahon.
"Hurry, Sia! Hindi ko kaya ang amoy." mabilis kong utos.
"Nick, ilabas mo ang kahon na 'yan. Bilis!" Nataranta namang sumunod si Nick. Mabilis niyang kinuha ang takip at itinakip ito sa kahon. Kinuha at inalabas niya ito.
Hindi na kaya ang nararamdaman ko sa aking sikmura kaya muling napatakbo ako sa loob ng banyo para sumuka ulit.
Wala naman akong isinusuka, puro hangin lang pero iyong tiyan ko ay parang hinahalukay.
"Astoria, are you okay?" Naramdaman kong marahan niyang hinimas ang likuran ko.
Pagkatapos kong sumuka ay marahan akong naupo. Hinintay kong kumalma ang tiyan ko.
"Water, please." mahina ani ko.
"Okay. Okay, wait here." Tumakbo siya palabas ng banyo at ilang saglit lang ay nakabalik na siya dala ang isang mineral water.
"Dito ka muna. Tatanggalin ko lang iyong naiwang amoy." wika niya pagkabigay niya sa akin ng tubig.
Muli siyang tumalikod pero bigla siyang muling humarap sa akin.
"Oh! Your phone. Mr. Winslow is calling." Napatingin ako sa phone ko. Tumatawag nga si Davian.
Kinuha ko ang phone. Pagtingin ko kay Sia ay nakalabas na siya.
Sinagot ko ang tawag ni Davian.
"H-Hi," nanghihinang bati ko.
"Hey! What's wrong? You are sounds different. Are you okay?" nag-aalala niyang tanong.
"I'm fine." mabilis kong sagot.
"Astoria, don't lie to me." mariin niyang tugon.
Napapikit ako ng aking mga mata.
"Are you hurt? Sunshine, speak! I need to know your condition." anas niya pa.
"I am not hurt. J-Just ----" Naputol 'yong sasabihin ko ng bigla na naman akong nahilo.
"Just what?" Rinig kong ani Davian.
"Just suddenly feel dizzy, but I am okay, don't worry." pagpapakalma ko sa kaniya.
"Alright! I know already what happened there. I'm coming back. Stay at your office and do nothing." utos niya.
I knew it! Agad niyang malalaman ang nangyari ngayon.
"Narito na ang mga police." Napalingon ako sa pinto.
Tumango ako kay Sia. "Give me a minute." I added.
Tumango si Sia, saka umalis kaagad.
"Police are here. They are going to ask about the crime." ani ko sa aking kausap.
"No, don't talk to them. Go home. You are not feeling well. I'll handle them right after I arrive." wika niya,
"I can't do that. They are already here and I can't just leave." I quickly response.
"Where are you?" he asked.
"Sa loob ng bathroom." sagot ko.
"Nahihilo ka pa ba?" nag-aalala niyang tanong ulit.
"A little," pag-amin ko.
"Don't come out. Stay there," utos niya,
"But," Tutol pa sana ako pero naging mas seryoso na ang boses niya.
"Don't be stubborn, Sunshine. Listen to what I say. Sia and Nick will bring you home. Don't worry about the company's situation. I'll handle it." sambit ni Davian.
"O-Okay," pagsuko ko.
Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Sia.
"Ayos ka na ba? Mr. Winslow want me to bring you home." wika ni Sia pagkalapit sa akin.
"Where are they?" tanong ko kay Sia.
"Chairman is currently talking with them." sagot niya na ikinalingon ko sa kaniya.
"Davian is here?" gulat kong ani.
Tumango siya bilang sagot.
Kumunot ang aking noo. Marahan akong tumayo saka lumabas na ng banyo. Pagkalabas ko ay wala naman akong naabutang police at Davian. Tanging si Nick lang ang nakita ko.
"Kailan dumating si Davian?" tanong ko kay Nick.
"Kararating niya lang." kaagad na sagot ni Nick.
"Let's go, ma'am. Boss strictly said that I should bring you home. Si boss na raw bahala rito." magalang na sambit ni Nick.
Napabuntong-hininga na lang ako. Lumapit ako sa desk ko para kunin ang gamit ko.
Lihim na sumimangot ako. I want to see him first before I go home.
🍀 TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top