Chapter #16


ASTORIA'S P.O.V

"No! P-Please, don't!"

"Let me go home."

"I wanna go home, Sir."

"D-Don't! Please, don't!"

"No, P-Please! Don't do this t-to me."

"I-I'm s-scared. Please b-bring me back to my m-mommy."

Nagising at napabangon ako nang mayr'on akong narinig nang malakas na putok ng baril. Agad na binuksan ko ang lampshade.

Kinalma ko ang aking sarili nang ma-realize kong nasa kuwarto ako. Napahilamos ako sa aking mukha.

Umalis ako sa kama at tumungo sa banyo. Binuksan ko ang gripo saka naghilamos ng mukha. Napatingin ako sa salamin. Tinitigan ko ang aking sarili. Iwinaksi ko ang aking ulo para mawala ang mga pumapasok sa utak ko na imahe.

Naghilamos ako muli at pagkatapos ay kumuha ng face towel saka pinunasan ang mukha sabay labas ulit.

Pagkalabas ko ay napatingin ako sa phone ko na nag-ri-ring. Bigla akong napalingon sa wall clock. Ten thirty pa lang pala ng gabi.

Lumapit ako sa phone at kinuha ko ito. Nakita kong si Davian ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.

"Love?" bungad kong ani.

"Sunshine, what are you doing? Did I wake you up?" tugon niya,

Davian is with his friends. Ang sabi niya ay mayr'on daw silang gathering tonight na ngayon lang daw nangyari.

"No," tipid na sagot ko saka umupo sa gilid ng kama.

"Are you still working, sunshine?" pagdududa niyang sambit.

Natawa ako,

"I am. I'm sorry, I'm not sleepy." I bite the bottom of my lips because I lied to him. 

Humiga ako sa kama.

Hindi na rin naman ako makatutulog nito. Tapusin ko na lang 'yong pagre-review ko sa mga documents na hindi ko pa natatapos habang hinihintay ang kaniyang pag-uwi.

"Change your clothes, baby." Napabangon ako bigla at napa-upo.

"Why?" takang tanong ko.

"Do you want to come here?" tanong niya.

"Can I?" excited na tanong ko.

Gosh! I'm bored here.

"Go ahead and change your clothes. Nick will bring you here." saad niya,

Namilog ang aking mga mata sa saya.

"Ayieee, captain." saad ko,

Pinutol na namin ang linya. Agad akong nagbihis. Nagmamadaling bumaba ako ng hagdan saka lumabas ng bahay.

Pagkalabas ko ay gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil nakita ko si Nick na naghihintay na sa akin.

"Let's go," nakangiting pag-aya ko kay Nick.

Agad niya akong pinagbuksan ng pinto. Pumasok naman kaagad ako sa loob. Ilang sandali pa ay naupo na siya sa kaniyang trono at pinaandar na ang sasakyan.

Minutes later, we've arrived.

Pagkahinto ng sasakyan ay agad akong tumingin sa labas. Tumigil kami sa tapat ng isang bar. Medyo kumunot ang aking noo.

A bar?

Pinagbuksan ako ng pinto ni Nick. Lumabas kaagad ako pero ang mga tingin ko ay nasa papasukin kong lugar.

It's really a bar.

Papasok na sana ako ng mayr'ong humarang sa akin. Napabaling ang tingin ko sa kanila. Dalawang lalaking may kalakihan ang humarang sa akin. Sa tingin ko ay guard sila rito.

"Bawal pumasok, ma'am." ani ng isa.

"She's with me." Napalingon ako sa aking likuran. Lumapit sa kanila si Nick. Mayr'ong pinakita si Nick sa dalawa. Mabilis na tumabi ang dalawa.

"Let's get inside, ma'am." aya ni Nick.

Pinauna niya akong pumasok. Habang pumapasok ako ay pinakikiramdaman ko ang paligid. Since bar ito. I expected na maraming taong maingay. Yes, mayr'on siyang tugtog pero wala akong nakikitang mga tao.

Panay ang tingin ko sa paligid hanggang sa tumigil sa isang direksiyon kung saan nakita ko roon si Davian kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Inihakbang ko ang aking mga paa patungo sa kanila. Nakita kong tumayo si Davian saka sinalubong ako. Agad na pumulupot ang kamay niya sa baywang ko at hinalikan ako sa labi.

Hinawakan niya ang kamay ko saka tinangay sa kinaroroonan nila. Alinlangan akong nakatingin sa bawat isa sa kanila. Lahat kasi sila ang tahimik saka titig na titig sa akin na tila ba'y sinusuri ako.

"She's here." saad ni Davian.

"Sunshine, they are my friends since highschool. That person is Wren." Tinuro niya ang isang lalaki.

Tumango naman siya.

"Ang katabi niya ay si Dell at ang babaeng nasa tabi niya ay ang kaniyang fiancee, her name is Laine." patuloy niyang pakilala sa kaniyang mga kaibigan.

"Cassiel, Yancy, Elmer-Yancy's Husband, Hasin, and the last one is Scott." he continued.

"And everyone, meet Astoria, my wife." pakilala niya naman sa akin.

"Hi," maikling saad ko.

Nagulat ako ng biglang tumayo si Hasin.

"Astoria? Your name sounds familiar?" wika niya saka inisip niya kung saan niya narinig ang pangalan ko.

"Oh!" He snapped his finger.

"Aren't you the famous CEO of S&S Fashion Company?" dagdag niya pa.

"She is," Si Davian na ang sumagot sa tanong ni Hasin.

"I can't believe that you hide her from us." singit ni Yancy.

Tumayo siya saka lumapit sa amin. Hinawakan niya ang kamay ko. Nagulat ako ng bigla niya akong hinila patungo sa kinauupuan nila. Itinabi niya ako sa tabi ni Cassiel, kung hindi ako nagkakamali.

"Here," Inabutan ako ng cocktail drink ni Laine.

"I'm sorry, I don't drink." pagtanggi ko.

Umiling si Laine saka kinuha niya ang kamay ko saka pinahawak ang glass ng cocktail. Wala na akong nagawa kun'di ang hawakan ito.

"So, how long are you and Davian married?" tanong ni Cassiel.

Napatingin ako sa kaniya.

"Where do you meet him?" Yancy asked.

"How do you meet him?" Laine questioned.

Iyong mga tanong nila ay nasundan pa nang nasundan hanggang sa hindi ko na alam kung alin at kaninong tanong ang una kong sasagutin.

"Alright! Alright! Girls, don't make my wife feel uncomfortable." singit sa amin ni Davian saka kinuha niya ako mula sa mga babaeng kasama ko.

"Davian!" ani ni Laine.

"Scott, I'm going to borrow your bar counter." paalam ni Davian sabay tangay muli sa akin patungo sa sinabi niyang bar counter.

Pinaupo niya ako sa stool tapos siya ay pumasok sa loob. Isinuot niya ang isang apron.

"What are you going to do?" curious kong tanong.

"We'll make your drink." nakangiting sagot niya.

"All drinks there are alcoholic. You are not allowed to drink that." wika niya habang nagsisimula na siya sa kaniyang gustong gawin.

"But I can drink it." ani ko,

"No." mabilis niyang pagtutol tapos mayr'on siyang tiningnan.

Tiningnan ko naman ang kaniyang sinulyapan.

"Hey! I am not pregnant." bigla kong nasabi.

"For now, but after a month you will." simple at casual niyang tugon.

Namilog ang mga mata ko sa kaniyang sinabi.

"Davian!" mariin kong saway sa kaniya.

I know we are working on it, pero hindi naman 'yon agaran.

Nilapagan niya na ako ng maiinom. Agad ko itong kinuha at ininom. Napabaling ako sa direksiyon ng kaniyang mga kaibigan. Nasamid ako nang makita kong lahat sila nakatingin sa direksiyon namin.

"Hey! Be careful." saad ni Davian.

Inilapag ko sa ibabaw ng counter ang iniinom ko. Kinuha ko naman agad ang tissue na ibinigay niya. Ipinunas ko ito sa aking labi.

"I am fine, love." ani ko,

"Nga pala, napansin kong kayo lang ang narito. Naka-exclusive ba sa inyo itong bar ngayong gabi?" kuryos ko ulit na tanong.

"Yes," sagot niya.

Napatango-tango ako,

"Scott owned this place." he added.

Kaya pala hindi mahirap gawing i-exclusive sa kanila ang buong lugar. Akala ko ni-rent nila 'yong lugar, e.

Hindi nagtagal ay bumalik na muli kami sa kaniyang mga kaibigan.

***********

"How do you get married to Davian?" biglang tanong ni Cassiel kaya napalingon ako sa kaniya.

"Yeah, I'm curious too." segunda ni Yancy.

"Same here. Sorry na-excite lang kami kanina kaya naging sunod-sunod 'yong mga tanong namin. Nilayo ka tuloy sa amin ni Davian." saad ni Laine.

Ngiti lamang ang sinagot ko sa kaniya.

Kasalukuyan kaming nakahiwalay sa boys. Binigyan namin sila ng privacy. You know sometime guys have something to talk about their works.

Napadako ang tingin ko kay Davian. I smiled.

"It's an arrange marriage." sagot ko sa tanong ni Cassiel.

"Hmm? Arrange marriage?" pagtatakang tanong ni Yancy.

"Ganito kasi 'yon," ani ko,

"I actually came from a province. I am also not from a wealthy family." I added.

"Paano at saan kayo nagkakilala?" tanong ni Laine.

"At the hospital," sagot ko ulit.

Sabay-sabay silang napatingin sa akin.

"Mom, I mean, my mother-in-law saw me faint in front of her car, but she thought she bumped me. She panicked and brought me to the hospital. Davian hurriedly came to the hospital, thinking that his mother was the one who was hospitalized." pagkukuwento ko.

"His mom likes me, so he arranges a wedding for the both of us. Since we are both single, we agreed." dagdag ko.

"Ilang taon na kayong kasal?" sabat na tanong ni Yancy.

I knew it. Ang dahilan kung bakit nag-suggest sila na magbukod ng table ay para sa mga tanong nilang gustong mabigyan ng katanungan.

"Five years," tipid na sagot ko.

Namilog ang mata nina Yancy at Laine.

"What? Five years? Mas nauna pa kayong ikasal sa amin ni Elmer. Three years pa lang kaming kasal, e." react ni Yancy.

"Nagpakasal kayong dalawa kahit hindi ni'yo mahal ang isa't isa? I'm sure napilitan lang si Davian sa kasal dahil Tita likes you." Sabay-sabay namin tiningnan si Cassiel.

"I'm sure Davian didn't love you." she added.

"Cassiel," Napansin kong hinawakan ni Laine ang kamay ni Cassiel.

"Relax," bulong pa ni Yancy na narinig ko naman.

Hindi sila mahirap hulihin. Nasa tapat ko silang tatlo. Magkakatabi silang tatlo. Alam kong close sila sa isa't isa dahil matagal na silang magkakasama. Mahirap sa kanilang tanggapin ako dahil bago lang ako sa kanila. Wala naman silang choice dahil asawa ako ni Davian.

Lihim na napangiti ako.

"You are right, Cassiel." Napadako ang tingin sa akin ng dalawa.

Cassiel looked at me with her serious mode. Actually, kanina pa siya ganiyan kahit n'ong bagong dating ko lang.

"We married each other without love. I just met him once, and after a few days, we married. That time I didn't know him, but years had passed. We fell in love with each other." tugon ko.

"If you don't want to believe it, I understand. After all, you are his ex-girlfriend, and you are still in love with him." pagtuloy ko na ikinagulat nilang tatlo.

Lihim na napangisi ako. Akala niya ba wala akong alam tungkol sa kaniya. I know everything about her.

🍀 TheKnightQueen 🍀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top