Chapter #14
ASTORIA'S P.O.V
Marahang dumako ang tingin ko sa labas. Kitang-kita ko ang buwan. Napakaganda nito, bilog na bilog at ang liwanag nito ang siyang tanging ilaw dito sa aking office.
Gabing-gabi na pero hindi pa ako bumabalik ng bahay. Pinili ko na lamang na rito manatili ngayong gabi sa kompanya.
Mag-isa lang din naman ako sa bahay. Pareho lang naman. Kapag narito rin ako ay magagawa at matatapos ko pa ang mga gawain ko.
Pinatay ko ang laptop saka isinara. Napasandal ako sa swivel chair at ipinikit ko ang aking mga mata kalaunan ay tumingin ako sa wall clock. Malapit na palang mag-two ng madaling araw.
Wala pa akong tulog at hindi pa ako inaantok.
Ipinikit ko na lamang muli ang aking mga mata para mapaghingahan ang mata kong halos maghapong nakatutok sa screen ng laptop.
"Sumulpot ka lang sa probinsiya namin at tinanggap ni Lola Cass bilang tunay na apo niya. Tiyak akong hindi ka naman talaga apo ni Lola Cass dahil ang tunay na apo ni Lola Cass ay matagal ng patay." mahaba niyang salaysay.
"Iyan ang tunay na dahilan kung bakit hindi kita gusto para sa anak ko. Hindi ako nakatitiyak kung sino ka talaga at saan ka nanggaling." mariin at seryosong dagdag niya.
Totoo ang mga sinabi ng ina ni Hael. Ako ay sumulpot lamang sa kanilang lugar. Si Lola Cass ang siyang nakakita sa akin at tinuring niya akong tunay na apo niya. Sa bawat taong magtatanong kung sino ako ay sinasabi niyang apo niya ako.
Matanda na si Lola Cass ngunit may kalakasan pa siya. Iyon nga lang ay makalilimutin na siya at iyon ang tingin ng mga tao sa kaniya kaya pinaniwalaan na lamang ng lahat ng taong sa probinsiya na apo nga ako ni Lola Cass.
Kahit ang totoo ay wala talagang kamag-anak si Lola Cass dahil namatay na ang mga ito. Ngunit laging sinasabi ni Lola Cass na buhay pa ang mga ito.
Na nagtratrabaho ang kaniyang anak sa Maynila at ang kaniyang apo ay nag-aaral pa at kasama niya.
Ang iba nga ang tingin kay Lola Cass ay baliw dahil kung minsan ay nagsasalita or mayr'on siyang kinakausap kahit wala namang kausap. Dahil nga sa edad niya ay pinabayaan na lamang nila ito.
Naging maayos si Lola Cass ng makasama niya ako. Hindi na nila ito nakikitang nagsasalita ng mag-isa.
Gumuhit sa ngiti sa aking labi nang makita ko sa aking isipan ang mga matatamis na ngiti ni Lola Cass. Ang kaniyang malalambing na salita. Ang kaniyang mga tawa at pagbungisngis.
Mahal ko si Lola Cass kahit hindi ko siyang tunay na Lola. Minahal niya ako kahit hindi kami magkadugo. Dahil sa kaniya nakalimutan ko kung sino talaga ako. Naranasan kong mamuhay ng simple at payapa. Ngunit ang mga iyon ay panandalian lamang.
Nawala ang aking ngiti ng mapalitan ang masasayang alaala sa gabing 'yon. Ako ang may kasalanan kung bakit siya namatay. Ako ang nagdala sa kaniya sa kaniyang kamatayan.
Umagos ang luha sa aking pisngi.
All my life, ang tanging gusto ko lang ay mahanap ko ang lugar na para sa akin. Higit sa lahat malayo sa aking pinagmulan at nakagisnang buhay.
Pinunasan ko ang aking pisngi at umalis sa pagkakasandal. Binuksan ko ang aking drawer. Bumungad sa akin ang natanggap kong sobre.
Marahan ko itong kinuha at binuksan. Kinuha ko ang nasa loob nito. Mariin na lamang akong napapikit pagkabasa ko sa nakasulat.
Shit! They really found me.
Wala sa sariling napalingon ako sa picture frame namin ni Davian.
Alam ko sa sarili kong ang kapayapaan na mayr'on ako ngayon ay panandalian lang. Na kagaya ng una ay mapuputol din.
Noong una ay hanap ko lugar para sa sarili ko. Ngayon, ang tanging hiling ko na lamang ay makasama si Davian. All I want is to stay with him forever. Kahit nasaan akong lugar basta kasama ko siya.
I love him. I truly love him. I can't live without him, but I can't put his life in danger. Ayokong ako muli ang magdala sa kaniya sa panganib. Ayokong matulad siya kay Lola Cass.
Kumuha ako ng lighter saka unti-unting sinunog ang sobre.
Napasandal ako muli sa swivel chair.
What should I do now?
Leave him? Or stay with him?
Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip, mayr'on akong naramdamang presensiya ng isang tao. Kumunot ang aking noo sa mga hakbang na nararamdaman ko. Pinanatili kong nakapikit ako at hinintay ang paglapit niya sa kung sino man siya.
Malapit na siya sa akin. Hinintay ko ang kaniyang gagawin at nagpanggap na natutulog.
"Why is my sunshine still here?" Awtomatikong nawala ang pagiging alerto ko nang marinig ko ang boses ni Davian.
Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang nakangiting mukha niya ang nakita ko. Nakasandal siya sa mesa.
"Love," sambit ko,
"Why didn't you come home?" tanong niya sabay hinalikan ang aking noo.
Agad akong yumakap sa kaniya nang mahigpit. Binuhat niya ako at siya ang naupo sa swivel chair saka pinaupo niya ako sa kaniyang kandungan.
"Did you cry?" bigla niyang tanong.
Agad kong pinunasan ang aking pisngi at tinuyo.
"What's wrong?" pag-aalala niyang tanong.
"I thought bukas ka pa makauuwi?" pag-iiba ko ng topic.
"I'm worried about you. Pagkarating ko sa bahay ay hindi kita nakita roon kaya agad akong pumunta rito. Did you work too much again? How many times do I have to tell you that don't work too much?" panenermon niya sa akin na ikinatawa ko naman.
"Sunshine," he stated with warn tone.
"Sorry, love." mabilis kong paghingi ng tawad sa kaniya saka pinigilan ang sarili kong tumawa.
"I'm serious," seryosong sambit niya.
"You always drown yourself here. Look at you now. You are still here working. What time is it now? It's almost three am, and you haven't slept." patuloy niyang sermon sa akin.
Napanguso naman ako.
"What about you? Ikaw rin naman, ah. You're spending fifty more hours inside the plane. Marami ka ring ginagawa. Minsan nga hindi ka pa natutulog." depensa ko naman.
"It's different, Astoria." mabilis niyang tugon.
Hindi na ako nakatugon pa kasi pangalan ko na ang kaniyang binanggit meaning ay seryoso talaga siya.
Lagi niya akong senesermonan lalo na kapag nadadatnan niya akong gising pa sa ganitong oras.
Simula ng tinanggap ko ang pagiging CEO sa S&S Fashion ay ginugol ko ang oras ko rito dahil alam kong darating ang araw na titigil ako at baka hindi na muling tumapak pa rito.
"What if mawala ako bigla. What will you do?" bigla kong wika na ikinahinto niya sa panenermon.
Kumunot ang kaniyang noo.
"Are you thinking of leaving me, Astoria?" seryosong tanong niya.
"Don't ever dare do that. You can't just leave me." he firmly stated.
"What are you going to do if I'm gone?" patuloy ko.
"Stop it, Sunshine." pigil niya.
"I'm serious, Davian." sambit ko,
He sighs and looks at me directly into my eyes.
"I am going to find you wherever you are. You can't hide from me, Astoria." seryoso niyang sagot sa akin.
I smiled with his answer and satisfied with it. Sapat na sa akin ang sagot na 'yon. But, will he still give me the same answer when he knows the truth? Niyakap ko siya na agad niyang sinuklian. Hinaplos niya ang aking buhok at hinalikan ang ibabaw ng aking ulo.
"If there's something bothering you, you can tell me. I'm going to listen. If you have a problem, I'll help you." Pinaharap niya ako sa kaniya.
Hinawakan niya ang aking pisngi. He slowly caressed my cheeks using his thumb.
"I am your husband, Sunshine. You can rely on me, remember that." he stated seriously.
Nakangiting tumango ako sa kaniya.
Napahawak ako sa kaniyang balikat ng halikan niya ang aking labi. Gumalaw ang aking kamay patungo sa kaniyang batok nang lumalim ang kaniyang halik.
"Let's go home." sambit niya pagkatapos ng aming halikan.
Tumango ako bilang tugon. Tumayo siya ng hindi ako binababa. Kumapit na lamang ako sa kaniya at nagpabuhat na lamang. Kinuha niya ang shoulder bag ko saka inilagay sa kaniyang balikat.
Humakbang na siya patungo sa elevator. Pumasok kami sa loob. Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.
"Don't stay here like this again." Napangiti na lamang ako ng bumalik na naman siya sa panenermon sa akin.
"No, I won't." mabilis kong tugon.
"I want you to always pick me up." I added.
Narinig ko na ang pagbukas ng elevator. Ipinikit ko ang aking mga mata. Ang sunod kong narinig ay ang pagbukas ng pinto at ang marahan niyang paglapag sa akin sa passenger seat.
Iminulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa aking mga mata ang guwapo niyang mukha. Kasalukuyan niyang isinusuot sa akin ang seatbelt. Tumingin siya sa akin.
"Sleep," malambing niyang utos.
Ngumiti ako saka muling ipinikit ang aking mga mata. Ibinaba niya ng kunti ang inuupuan ko para mas maging komportable ako sa pagtulog.
Hinayaan ko na lamang ang aking sarili na makatulog sa aking kinalalagyan.
Inalis ko na muna sa aking isipan ang problema ko.
For now, I want to spend more time with him habang mayr'on pa akong natitirang oras. Saka ko na lamang proproblemahin 'yon kapag nasa harapan ko na mismo at kung wala na talaga akong takas.
If I can no longer hide myself from them, I'll face and deal with them.
🍀 TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top