Chapter #13
ASTORIA'S P.O.V
Tiningnan ko ang Restaurant na papasukin ko. Lihim na napangiti at napailing na lamang ako. Lumakad na ako papasok sa loob.
"Good afternoon, ma'am." bati sa akin ng guard pagkabukas niya ng pinto.
Nginitian ko siya at binati rin.
Inilibot ko ang aking tingin sa buong restaurant. Nang wala akong makita sa ibaba ay dumako ang tingin sa itaas.
Inihakbang ko ang aking paa patungo sa hagdan saka umakyat. Pagka-akyat ko ay si Ada Cañete agad ang nadapuan ng tingin ko.
"Tsk!" Nagsama pa siya ng kasama.
Katabi niya kasi ang kaniyang mother-in-law. Kagaya ng aming napagkasunduan. Magme-meet kami to deal something.
I'm not surprised if she is with Hael's mother.
Tinungo ko ang kanilang table.
"Hello to the both of you. It's nice to see you again." agad kong bati sa kanila.
Umupo ako sa upuan saka inilapag ang dala ko sa ibaba.
Pagkatingin ko sa kanila ay nginitian ko sila. Napansin ko ang pagsuri sa akin ni Mrs. Cañete, Hael's mother.
"Ibang-iba ka na." ani sa akin ng ina ni Hael.
"Tsk! Ginawa niya tayong tanga mama no'ng nagpanggap siyang taga-linis. Hindi naman pala siya totoong janitress." sabat ni Ada.
Tumingin ako sa mesa. Mayr'on na silang na-order na pagkain.
"Nakapag-order na kami ng makakain. Kung wala kang nagugustuhan ay mag-order ka na lang ng gusto mo." maarteng wika ni Ada.
"It's okay. I don't eat outside lalo na kapag hindi luto ng asawa ko." tugon ko naman.
I don't trust anyone. Lagi akong nag-iingat lalo na sa pagkain. Kaya hindi ako kumakain ng hindi luto ni Davian. Wala rin naman akong ganang kumain kapag alam kong hindi si Davian ang nagluto.
"Tsk! Husband? At sino namang sugar daddy ang nabingwit mo para makapagyabang ka ng ganiyan?" sabat bigla ng ina ni Hael.
"Guess, Mrs. Cañete." nakangising sambit ko.
"Oh, thanks by the way, Mrs. Cañete. Salamat sa hindi pagiging loyal ng anak mo. I found my husband, my man." dagdag ko.
Lihim na dumako ang tingin ko sa kaniyang kamay na naikuyom niya.
"Huwag na huwag mong sasabihing hindi naging loyal ang anak ko sa'yo. Minahal ka niya at pinaglaban sa paghihigpit ko. Maraming beses akong sinuway ng anak ko para lang sa'yo." galit at mariin niyang tugon.
"Tsk! Yet he cheated on me right after he left." mabilis kong tugon.
Ngumisi siya, "Dahil namulat na ang anak ko sa katotohanang hindi ka niya talaga mahal. Na mas better sa'yo si Ada na mahalin. Isa ka lang na babaeng mahirap pa sa daga. Isang babaeng napulot lang ni Lola Cass sa kung saan." proud niyang sagot.
Lalo akong napangisi.
"Paano ka nakasisiguro na isang mahirap nga ako ng panahon na 'yon?" saad ko,
Kahit hindi ko nakilala ang pamilya ni Davian. Kaya kong mabuhay mag-isa. At kung pera ang pag-uusapan, walang problema.
"Sumulpot ka lang sa probinsiya namin at tinanggap ni Lola Cass bilang tunay na apo niya. Tiyak akong hindi ka naman talaga apo ni Lola Cass dahil ang tunay na apo ni Lola Cass ay matagal ng patay." mahaba niyang salaysay.
"Iyan ang tunay na dahilan kung bakit hindi kita gusto para sa anak ko. Hindi ako nakatitiyak kung sino ka talaga at saan ka nanggaling." mariin at seryosong dagdag niya.
Mapaklang napangiti ako.
"Well, that reason save your son's life." makahulugang sambit ko.
Kinuha ko mula sa aking purse bag ang isang tseke. Inilapag ko ito sa pagitan nila. Sabay silang napalingon sa inilapag ko.
"Iyan ang tsekeng binigay sa akin ni Ada. Napunit ko kasi ng araw na 'yon. Ibinabalik ko lang." ani ko,
"500 million? 500 thousand lang ang tsekeng iyon." nagtatakang wika ni Ada.
"Exactly! 500 thousand lang ang ibinigay mo sa akin kapalit ng paglayo ko sa asawa mo." saad ko,
"Ngayon, 500 million ang ibinabalik ko ngunit," Sandali akong tumigil at tumingin sa kanilang dalawa. "Kapalit nito ay ilayo ni'yo sa akin si Hael. Tiyakin ni'yong hindi siya makalalapit pang muli sa akin. Ang asawa ko na ang kaniyang kalaban, at hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ng asawa ko oras na hindi niya ako tigilan."
Lihim na nailibot ko ang aking tingin sa aking paligid dahil mayr'on akong naramdamang kakaiba. Ramdam kong mayr'ong nakatingin sa akin.
Shit! Hindi dapat ako magtagal pa rito.
"My husband can do everything in just a snap. He can make your company suffer or go bankrupt in an instant. At kapag sinabi kong gawin niya ang gusto niyang gawin sa buong pamilya mo. He will do it without a mercy." mariing banta ko.
"Are you threatening us?" matigas na wika ni Ada.
"You are not my relatives for me to give you my mercy. You're not even part of my life. Take it as my serious warning." I seriously added.
Kinuha ko ang inilapag ko tabi ng aking inuupuan saka inilagay sa ibabaw ng mesa, sa tapat ni Ada.
"Take it. It's my gift for your wedding five years ago. Sorry, hindi ko kayo nabigyan sa araw ng inyong kasal. Ngayon ko lang naibigay. If you don't like it. You can throw it away, but to inform you. It's came from my collection. Nangangahulugang wala nito sa kahit saang stores." I said.
Tumayo na ako saka kinuha ko ang purse bag.
"Thanks for today. I enjoy our meeting. Have a nice day." nakangiting sambit ko.
Lumakad na ako at tinungo ang counter.
"Can I get the bill from the 49?" saad ko,
"It's already paid, ma'am." sagot sa akin ng nasa counter.
Natigilan ako sa pagkuha ng ATM card saka napatingin sa kaniya at sa table kung nasaan sila Ada.
"Paid? By them?" saad ko habang tinutukoy ko sina Ada.
Nakangiting umiling siya.
"Then who?" I asked.
"Mr. Winslow, ma'am." sagot niya ng mayr'ong ngiti pa rin.
Winslow? Davian?
Napangiti na lamang ako at napailing.
"Oh!" tanging naitugon ko sa kaniya.
Nagpasalamat na lamang ako. Alam ni Davian na makikipag-meet ako sa dalawang Mrs. Cañete? Itong restaurant kasi na kinatatayuan ko ay pagmamay-ari ni Davian. Kaya nga napangiti at napailing ako ng dito ang lugar na sinend ni Ada na location para sa meeting namin.
Sa lahat ng lugar ay sa asawa ko pang lugar.
"Ay, Ma'am!" Nahinto ako sa aking paglalakad at napalingon sa babaeng nasa counter.
Mabilis siyang tumungo sa akin.
"May nagpapabigay po nito." wika niya sabay lahad ng isang itim na sobre.
Kumunot ang aking noo. Sa klase pa lang nito ay alam ko na kung saan at kanino ito galing. Kinuha ko ang inaabot niya. Agad siyang umalis sa aking harapan at bumalik sa puwesto niya.
Mabilis na inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid. Agad akong bumaba at lumabas sa restaurant.
"Nick, let's go." ani ko kay Nick na nakasandal sa kotse.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok ako sa loob sabay tago ng sobreng natanggap ko.
"Saan tayo, Madam?" Rinig kong tanong ni Nick.
Pinakalma ko ang aking sarili at hindi pinahalata na nagpapanik ako.
"Company," tipid kong sagot.
Fucked!
They found me!
Damned it!
🍀 TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top