Chapter #12

Davian's P.O.V

Pagkahinto ng kotse ay napalingon ako kay Astoria. I'm worried about her. Nagising siya kanina sa isang panaginip. Sa tingin ko ay hindi maganda ang kaniyang napanaginipan.

Sumisigaw kasi siya. kanina pa rin siya walang imik. Hinawakan ko ang kaniyang kamay para makuha ang kaniyang atensiyon. Mukhang natauhan naman siya. Agad siyang napatingin sa akin saka sa kaniyang paligid. 

"We're here?" wala sa sarili niyang sambit.

She unbuckle her seatbelt. 

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko.

She smiled at me. 

"You can stay at home today. Get some rest." I added.

"I am fine, Love. Mabobore lang ako sa bahay." nakangiting tugon niya. 

"Are you sure? You know that I can't leave you like this." I stated. 

Lumapit siya sa akin and kissed my lips. She smiled at me.

"Don't worry, I am really okay. I'm going and you should go too. You're getting late." malambing niyang wika. 

Binuksan niya ang pinto ng kotse. Hinawakan ko muli ang kaniyang kamay para pigilan siya sa kaniyang paglabas. Muli siyang napalingon sa akin. 

"I am really okay." saad niya, 

Tiningnan ko siya at sinuri nang mabuti. Napansin niya siguro ang pagsuri ko sa kaniya. Binitiwan niya ang pinto ng kotse saka muling lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa labi. 

"Salamat sa pag-aalala pero okay na ako. Always be careful, okay. Message me kaagad kapag nakarating ka na sa Sane's Airport." malambing niyang paalala. 

Wala na akong nagawa pa. Hinalikan ko muna siya sa kaniyang noo bago ko binitiwan ang kaniyang kamay. Binuksan na niya ulit ang pinto ng kotse. Tumingin siya ulit sa akin.

"I love you." saad niya na ikinangiti ko. 

"I love you too." mabilis kong tugon. 

Mas napangiti ako nang mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan ako ulit. 

"I'm going," pagpapaalam niya.

May ngiti sa labing tumango ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng sasakyan. Sumilip siya sa bintana saka kumaway pagkatapos ay lumakad na pero muli siyang lumingon sa akin saka nakangiting kumaway ulit. I wave back. Nang makita ko siyang nakapasok na sa S&S Fashion ay binuhay ko na ang engine saka marahang pinaandar ang kotse at umalis na. 

******* 

Pagka-park ko ng kotse sa parking lot ay lumabas na ako sa kotse. Kinuha ko ang cellphone ko saka tinawagan ang sunshine ko. 

"Love," mabilis na bungad niya sa akin pagkasagot niya ng tawag ko. 

Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapangiti. Ang marinig araw-araw ang kaniyang boses ay ang siyang nagkokompleto ng araw ko. Hindi ako sanay na hindi naririnig ang kaniyang boses. I'm addicted to her sweet voice. 

"Nasa Sane's Airport ka na?" tanong niya.

"Just arrived, Sunshine." sagot ko. 

Narating ko ang lugar kung saan naroon ang mga eroplano. Dumeritso ako sa airplane na gagamitin ko ngayong araw. Sanay ako na laging chine-check ng personal ang eroplanong aking gagamitin. Kahit na maraming nagsusuri nito. I still double-check the entire airplane. 

"Alright, I won't disturb your work." wika niya,

 "Don't work too much. Rest if you are not feeling well." paalala ko. 

"Yes and noted, Captain. I love you, and see you!"  Pagkatugon ko sa kaniya ay pinutol na niya ang linya. Naiiling na napatingin ako sa phone screen at lalong napangiti nang makita ko siya. Siya ang screen wallpaper ko. 

Tinago ko na ang cellphone ko saka humarap sa eroplanong nasa harapan ko. Umakyat ako sa hagdan saka pumasok sa loob.

"Mr. Winslow?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. 

Nang makompirma niya na ako nga ang Winslow na kilala niya ay agad siyang lumapit sa akin. 

"Hi, I'm Evan, the technician here." maikling pakilala niya. 

"Captain Davian Winslow," pakilala ko rin sa aking sarili. 

"The rumour about you being here is right. Everyone is waiting for you."  saad niya,

"Really?" tanging tugon ko habang naglilibot ang aking tingin sa buong paligid. 

"Hmm, iwan muna kita. Mayroon pa akong ido-double check." saad niya, 

"Nice to meet you, Capt. Winslow." dagdag niya pa. 

Pagkaalis niya ay nagsimula na akong mag-check mula sa mga passenger seat hanggang sa buong area ng airplane. Pinalipad ko rin ng ilang minuto ang eroplano para mas makasiguro sa system. Nang makatiyak ako na maayos na ang lahat.

Tumungo naman ako kay Mr. Robert Agustin, the Chief Pilot. Hindi ko siya naabutan sa kaniyang office. Mayroon daw siyang meeting ngayon kaya sa Pilot Area na lang ako pumunta upang tingnan ang rota ko ngayong araw at kung ilang flights ba mayroon ako. 

Pagpasok ko pa lang ay sa akin napunta ang kanilang mga tingin. Hindi ko sila pinansin, nagtungo ako sa computer at agad na enenter ang pangalan ko. Nang makita ko ang aking titingnan ay agad akong naglog-out sakto namang mayroong tumawag sa akin. 

"Capt. Winslow," Tumingin ako sa tumawag sa akin. 

"Come. Let me introduce you to your new team." wika niya, 

Sumunod ako sa kaniya. 

"Let them stare at you. They are just glad that you are here as their co-pilot." biglang sambit niya. 

"You're wife finally shows up in public." pagbago niya ng topic. 

"She did. Everyone praised her for being gorgeous." proud kong tugon. 

My wife hates public.  

"Anyway, congrats. Your company received again a lot of rewards." sambit niya pa.

"Thanks to my wife. She's good at handling our company." I quicky responsed. 

"Indeed," tanging naitugon niya.

Actually, he is my uncle. He is my mother's brother. 

This airport is also mine. Maliban sa close relatives ay walang nakaaalam na ako ang may-ari ng Airport na ito. Mas prefer ko na kilala lamang ako bilang pilot at chef. At sa real relationship namin ni Uncle Robert ay wala ring nakaaalam. Kapag nasa labas kami ay para lamang kaming non-relatives. I treat him as higher than me. 

At ang alam din ng lahat ay single man ako. Walang nakaaalam na kasal na talaga ako. Pinanatili naming lihim ang aming kasal ni Astoria. Pareho naming gusto ang tahimik na kapaligiran. 

"We're here," Rinig kong wika ni Uncle. 

Binuksan niya ang pinto saka pumasok sa loob ng isang silid. Pumasok din ako. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang mga stewardees at iba pang makakasama ko sa paghatid ng mga pasahero sa kanilang destination. Napansin ko ang mabilis nilang pag-ayos sa kanilang sarili nang makita nila ako. 

TheKnightQueen 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top