CHAPTER 16
Pagka-dismiss na pagka-dismiss sa kanila ng teacher nila sa General Mathematics ay agad na nagpaalam si Bea kay Liz na may dadaanan lang siya saglit kaya pinauna na niya ito sa cafeteria. Nang mawala na sa paningin niya si Liz ay saka lamang siya kumilos upang lumabas ng silid.
Saktong paglabas ni Bea ng kanilang silid-aralan ay may humarang sa kaniyang isang lalaking estudyanteng nakasuot ng makapal na salamin na sa tingin niya ay mula sa hanay ng mga STEM student. Nasabi niyang isa itong STEM student dahil pamilyar ito sa kaniya at sa tingin niya ay nakita na niya ito sa kung saan kasama ng ibang STEM students.
“H-Hi. Be-Bea‚ right?” the guy asked while stuttering.
“Yes. And who are you?” nakataas ang kilay na tanong ni Bea sa lalaking kaharap niya.
The guy smiled at Bea showing his teeth with braces.
“I’m Derrick. I came here because someone asked me to give this to you‚” wika ng binata sa mahinang boses saka niya iniabot kay Bea ang isang palumpon ng puting rosas na tinapunan lamang ng tingin ni Bea.
Tamad na sinenyasan ni Bea si Derrick na ilayo sa kaniya ang bulaklak na hawak nito.
“Sorry but I don’t entertain suitors. And for your info‚ I am not fond of roses. So don’t bother giving me flowers anymore‚” walang pakundangang sabi ni Bea na hindi alintana kahit pa masaktan ang kausap niya sa pagiging straightforward niya.
Nakita ni Bea kung paanong gumuhit ang sakit sa mukha ng lalaki dahil sa mga sinabi niya pero hindi siya nagpaapekto. It’s better this way. Mas mabuti na iyong maaga pa lang ay malaman na nitong wala itong aasahan sa kaniya para hindi na ito masaktan at umasa pa sa wala.
“I-It’s not what you think. Hey‚ look. I-It’s not mine. I was just asked by someone to give this to you‚” Derrick denied which made Bea roll her eyes.
Kahit ano pang sabihing palusot ni Derrick ay hindi niya magagawang paniwalain si Bea na hindi sa kaniya galing ang bulaklak. It’s so obvious that he’s just making excuses.
“And that someone is you‚ am I right?” Bea asked with a smirk on her lips.
“N-No. Of course not‚” tanggi pa rin ni Derrick na ayaw patinag sa nanghahamong tinging ipinupukol sa kaniya ni Bea.
Napailing-iling na lamang si Bea nang mapansin niya na wala talagang balak umamin ang kausap niya. Marahil ay gusto lamang nitong ibigay sa kaniya ang bulaklak at wala sa plano nito ang magtapat. Malas lang nito at hindi niya gusto ang bulaklak na binili nito para sa kaniya. And even though he’ll give her tulips‚ she won’t still accept it to avoid giving him false hope and getting herself into trouble.
“Oh‚ come on. I know your style. And besides‚ it’s not my first time to receive a flower from a guy like you who keep on insisting that he was just asked to deliver the flower‚” Bea said nonchalantly.
Bea wasn’t boasting. It’s just her way to get off the hook. It’s the only way to make a guy like him stop.
Malalim na napabuntong-hininga si Derrick bago niya matapang na sinalubong ang nanghahamong tingin ni Bea.
“Fine. It was really me who’s behind this and I wasn’t just a delivery guy. Now‚ will you consider accepting this bouquet?” napipilitang pag-amin din ni Derrick sa huli.
Bea smiled devilishly because it’s now over. When Derrick admitted the truth‚ he had also admitted his defeat.
“Sorry but my answer would still be the same. And if I were you‚ I would stop what you were doing. You’re just wasting your money‚ time and effort. Geh. I have to go. Just take your bouquet with you and put it in a vase instead. Ciao!” nagmamadaling paalam ni Bea saka agad na niyang nilampasan si Derrick at iniwan itong nakatanga at hindi makapaniwala sa pagiging straightforward niya.
Matapos makalayo ni Bea kay Derrick ay agad na siyang tumuloy sa GAS classroom. She’s on her way to the GAS classroom‚ not to make a scene like what she did yesterday but to confront someone from that class.
Nang sandaling marating ni Bea ang kaniyang sadya ay agad sana siyang papasok ng silid ngunit bago pa man niya maihakbang ang kaniyang paa papasok ng silid ay may humarang na sa kaniya sa may pinto pa lang.
“Woah! Miss‚ hindi ka pa ba nadadala at talagang bumalik ka pa rito para manggulo?” manghang tanong ng lalaking humarang kay Bea na kaparehong lalaking naabutan din ni Bea kahapon na nakasandal sa gilid ng pinto.
Hindi ni Bea pinansin ang sinabing iyon ng lalaki. Sa halip ay nagpumilit pa rin siyang pumasok. Iyon nga lang ay ayaw talaga siya nitong papasukin ng silid.
“Get out of my way‚” malamig na utos ni Bea sa humarang sa kaniya na ngayon ay nakahawak na sa kaniyang magkabilang braso upang siya’y pigilang makapasok ng silid.
“Miss‚ umalis ka na lang. Baka mas malala pa ang abutin mo kaysa sa nangyari sa ‘yo kahapon. Kahit babae ka ay papatulin ka pa rin ni Edward. Kaya mabuti pa ay umalis ka na lang at huwag nang babalik pa rito‚” babala ng lalaki kay Bea at sinenyasan pa si Bea na umalis.
Halos malaglag ang panga ni Bea sa kaniyang narinig. Seriously? Sa tingin ba talaga ng lalaking kaharap niya ay ganoon na siya kagaga para muling gumawa ng gulo at sumugod sa isang giyera na minsan niya nang ikinapahamak? And besides‚ why would she even get herself involved with that bastard when in fact‚ she was thankful with his absence in their life... especially on Liz’s life which he once tried to ruin.
“And who the hell told you that I’m here for that f*cking bastard? I’m here to talk to someone and that someone is not him. I’m done with that assh*le. So‚ will you step aside and let me in?” inis na tanong ni Bea sa lalaking nakaharang sa daraanan niya at pinagtaasan pa ito ng kilay bago niya marahas na binawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito.
Muling tinangka ni Bea na pumasok ng silid ngunit mabilis na humarang ang lalaking kausap niya na daig pa ang guwardiya kung bantayan ang pinto.
“Wait. Sabihin mo muna sa akin kung sino ang pakay mo. Baka mamaya nagpapalusot ka lang para makapasok ka‚” paniniguro pa ng lalaki na ikinaikot ng mata ni Bea sa sobrang pagkainis niya sa dami ng tinatanong nito magmula pa kanina.
“Tss. Fine. I don’t know his name but he was the one who saved me yesterday.” Biglang napatigil si Bea sa pagsasalita nang may maalala siya. “Oh‚ wait. I remember someone calling him Emman. Now‚ are you satisfied‚ Mr. Security? Do I now have the right to enter this f*cking classroom?” Bea asked the guy with full of sarcasm in her voice.
Nagpakawala pa ng malalim na buntong-hininga ang lalaking kausap ni Bea bago ito tuluyang tumabi. Pero bago pa man maihakbang ni Bea ang paa niya papasok ay bigla ulit nagsalita ang lalaki na siyang ikinalaglag ng panga niya.
“You can’t. Emman is not here. He’s in the gymnasium‚” the guy informed her.
Inis na binalingan ni Bea ng tingin ang binata dahil sa sinabi nito. “So all this time‚ I’m just wasting my time here?” dismayadong tanong ni Bea dahil sobrang tagal umalis ng lalaki sa pagkakaharang nito sa pinto tapos wala naman pala sa loob ang taong hinahanap niya.
“My apologies‚” paghingi ng paumanhin ng lalaki.
“Yeah. Whatever‚” tanging sagot ni Bea bago niya tinalikuran ang lalaking kaniyang kaharap upang tahakin ang daan patungong gym.
Papasok pa lamang si Bea ng gym nang makasalubong niya ang lalaking umawat kay Edward kahapon na sa tingin niya ay kaibigan ni Emman.
“Hey. Hindi ba ikaw ang babaeng sumugod sa classroom kahapon?” tanong ng kaibigan ni Emman at sinuri pa nito ng tingin si Bea na para bang sinisiguro niya kung si Bea nga ang babaeng sumugod sa kanilang silid-aralan.
“Yeah‚ it’s me‚” walang ganang sagot ni Bea na may kasama pang pag-irap.
Bigla namang lumambot ang ekspresyon ng mukha ng kaibigan ni Emman matapos niyang makumpirmang si Bea nga ang babaeng sumugod sa kanilang silid-aralan. May pag-aalalang lumipad ang tingin niya sa kaliwang kamay ni Bea na may nakataling puting panyo saka niya muling sinalubong ang malamig na tinging ipinupukol sa kaniya ni Bea.
“Are you okay? I heard you were hurt‚” tanong ng binata.
May pag-aalalang nababakas si Bea sa boses ng kaniyang kausap pero hindi ito ang umagaw ng kaniyang atensyon kundi ang tanong nito mismo.
‘And who the hell told him?’ naitanong na lamang ni Bea sa kaniyang sarili.
Napailing na lamang si Bea dahil sa sarili niyang katanungan. Bakit pa ba niya tinatanong? E obvious naman nang iyong Emman na ‘yon ang nagsabi rito dahil ito lang naman ay may matabil na bunganga na gusto pa yatang ipangalandakan sa lahat ang ginawa niyang gulo.
“I’m fine‚” wala pa ring buhay na sagot ni Bea.
“By the way‚ why are you here?” biglang pag-iiba ng usapan ng kaibigan ni Emman kasabay ng pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Mula sa nag-aalala nitong mukha ay napalitan ito ng nagtatakang ekspresyon.
“I’m looking for your friend. Is Emman here?” walang pagdadalawang-isip na sagot ni Bea sa tanong ng kaniyang kausap para makaalis na siya bago pa mainip si Liz sa paghihintay sa kaniya at bago pa nito maisipang sundan siya na hindi pupuwedeng mangyari.
“Yeah. He’s inside‚” sagot ng kaibigan ni Emman at ngumiti ito nang makahulugan na hindi na pinansin pa ni Bea.
“Thanks‚” tipid na tugon ni Bea bago siya magpaalam sa kausap.
Matapos makapagpaalam at makapagpasalamat sa kaniyang kausap ay agad nang pumasok si Bea sa gym para puntahan ang taong ipinunta niya roon. Nakahinga naman siya nang maluwag nang sa wakas ay makita niya na ang taong kanina niya pang hinahanap na mag-isang nakaupo sa isa sa mga bleacher na nakapalibot sa buong gym. Mukhang tamang-tama rin ang dating niya dahil tumayo na ito at sa direksyon niya ang punta nito kung nasaan ang entrance at exit.
Hindi na hinintay pa ni Bea na makalapit si Emman sa kinatatayuan niya at mas pinili niya na lamang na salubungin ito. Nang sandaling makalapit siya rito ay agad gumuhit ang masayang ngiti sa labi nito sa hindi malamang dahilan.
“Hey. Let’s talk‚” walang paligoy-ligoy na sabi ni Bea nang sandaling magkaharap sila ni Emman.
“About what?” inosenteng tanong ni Emman na animo’y wala siyang kahit anong ideya kung bakit siya sinadya roon ni Bea para lamang kausapin.
“Tungkol sa pagiging madaldal mo‚” Bea answered as she gave him a cold stare.
“What do you mean?” painosente pa ring tanong ni Emman na balak pa yatang panindigan ang kunwaring pagiging walang alam niya.
“I’m here because of that d*mn flower of yours‚” mariing tugon ni Bea na kanina pa nagpipigil na singhalan ang kaniyang kaharap.
“Why? What’s the problem? Don’t you like it?” salubong ang kilay na tanong ni Emman.
‘At talagang tinanong niya pa ah. Isn’t it obvious?’ naiinis nang tanong ni Bea sa kaniyang sarili ngunit kung mukha niya ang pagbabasehan ay wala pa ring pagbabago sa kaniyang ekpresyon.
Pinagkrus ni Bea ang kaniyang mga braso sa harapan ng kaniyang dibdib saka taas-noo niyang sinalubong ang tingin ni Emman.
“Honestly‚ no. But that’s not the reason why I’m here. It’s about the letter. May plano ka bang ipaalam sa lahat ng kaklase ko ang nangyaring gulo kahapon?” nang-aakusang tanong ni Bea kay Emman at pinaningkitan pa niya ito ng mata para basahin ang ekspresyon sa mukha nito.
“Of course not. Why would I let them know that you got into a fight and that you were hurt when in fact‚ I’m the one who covered your wound?” Emman defended himself.
What Emman said makes sense. But it doesn’t change the fact that Liz nearly found out what she did because of his d*mn letter.
“If that’s the case‚ then what’s with the letter?” inis nang tanong ni Bea at bahagya na ring tumaas ang kaniyang boses dahil sa sagot ni Emman na nangangailangan din ng isa pang sagot.
“I just want to make sure that you’re fine‚” agad na sagot ni Emman na bigla na lang sumeryoso.
Mariin na lamang na napapikit si Bea upang kalmahin ang kaniyang sarili. Nang medyo humupa na ang inis niya ay saka lamang siya nagmulat ng mata at muling sinalubong ang tingin ni Emman.
“Is that all? Then‚ now that you’ve seen me in good shape‚ will you stop bothering me and will you keep your mouth shut before anyone finds out that I made a scene yesterday?” pagsasatinig ni Bea sa talagang dahilan kung bakit niya gustong makita at makausap si Emman.
“Ang lakas ng loob na sumugod at gumawa ng gulo‚ takot naman palang malaman ng lahat ang ginawa niya‚” mahinang bulong ni Emman na malinaw pa ring narinig ni Bea.
“I’m not afraid. Wala akong pakialam kahit malaman pa ng lahat ng estudyante sa university na ito ang ginawa ko‚” pagtatama ni Bea sa pinaniniwalaan ni Emman na dahilan ng inis niya.
“Then why are you making a fuss over?” Emman asked with a frown.
“Dahil hindi pwedeng malaman ni Liz ang tungkol sa nangyari. So keep your mouth shut and keep everything a secret if you don’t want to get into trouble‚” Bea warned him so he wouldn’t do anything that will make things more complicated.
“Tingnan mo ‘to. Ikaw na nga itong humihingi ng pabor‚ ikaw pa itong may ganang magbanta‚” hindi makapaniwalang sambit ni Emman.
“Why? Are you threatened?” mapang-asar na tanong ni Bea habang may sinusupil siyang ngisi sa kaniyang labi.
“I’m not threatened. Baka ikaw‚” nakangising tugon ni Emman na ikinakunot ng noo ni Bea.
“And why would I be threatened?” kunot-noong tanong ni Bea.
“You see‚ I’m in power. You’re asking me a favor. So‚ you owe me‚” Emman proudly answered.
“What the heck! It’s not like I’m asking you to give up your life or do something huge. It’s just a little favor for God’s sake!” Bea blurted due to her dismay.
Napamura na lamang sa kaniyang isipan si Bea dahil sa kaniyang pagkadismaya. Hindi niya alam na biglang mababaliktad ang sitwasyon nila ni Emman. Ang plano niya ay pagbantaan at takutin ito para mapasunod sa gusto niya‚ hindi iyong siya ang mapapasunod nito.
“Still‚ you should give me something in return. Or else‚ sasabihin ko sa kaibigan mo ang lahat ng nangyari sa classroom‚” Emman threatened her which made the latter glare at the former.
“Don’t you dare‚” mariing banta ni Bea at mas pinanlisikan pa niya ng mata si Emman.
“I dare you‚” nakangising sagot ni Emman na mas lalong nagpakulo ng lahat ng dugo ni Bea sa katawan.
“Jerk! I’m done here! Dare your ass!" galit na sigaw ni Bea at nagpupuyos sa galit na tinalikuran niya si Emman.
Tatangkain na sana ni Bea na umalis nang biglang magsalita si Emman mula sa kaniyang likuran.
“Ano nga ulit ang pangalan ng kaibigan mo? Oh‚ I remember it. It’s Liz‚ isn’t it?” nang-iinis na tanong ni Emman na mas lalong ikinasiklab ng galit ni Bea.
Emman is really teasing her. Kung tama rin ang hinala ni Bea ay tiyak na hindi siya nito tatantanan hangga’t hindi nito nakukuha ang gusto nito.
‘Fine! For Liz’s sake‚ I’m going to deal with this bastard‚’ pagsuko rin ni Bea sa huli dahil wala naman na siyang pamimilian.
Inis na hinarap ni Bea si Emman at mas lalo lang nadagdagan ang inis niya rito nang makita niya ang ngiting-tagumpay sa labi nito.
“Oh. I thought you’re leaving‚” nanunuyang sabi ni Emman habang may sinusupil siyang ngiti sa kaniyang labi at umakto pa siyang nagulat sa biglang pagharap ni Bea sa kaniya.
Pakiwari ni Bea ay talagang ginagalit siya ni Emman. Pasalamat lang talaga ito at may hawak ito laban sa kaniya. Kung hindi ay baka kung ano na ang nagawa niya rito.
“Cut the crap. Just get to the point. What is it? What do you want me to do in exchange for the favor I’m asking?” walang paligoy-ligoy na tanong ni Bea habang pilit niya pa ring kinakalma ang kaniyang sarili.
“Dinner tonight‚” tipid na sagot ni Emman na halos ikalaglag ng panga ni Bea.
“What? Seriously? Are you asking me to go on a date with you? You’re unbelievable!” hindi makapaniwalang bulalas ni Bea.
“Yes‚ and I don’t take no for an answer‚” mariing tugon ni Emman na may tono ng pagbabanta sa kaniyang boses.
As if she have a choice. Kahit naman gustuhin niyang tumanggi ay wala rin siyang magagawa dahil ito na lang ang tanging paraan para manahimik si Emman. And besides‚ it’s just a date. Nothing more. After this‚ she will get off the hook and she can live peacefully without a bothersome.
“As if I have a choice‚” Bea muttered while rolling her eyes in irritation.
“5:00PM. After class hours. I’ll fetch you—”
“No. Let’s just meet here‚” putol ni Bea sa iba pang sasabihin ni Emman.
Wala sa plano ni Bea ang magpasundo kay Emman at kahit anong mangyari ay hinding-hindi niya ito hahayaan na sunduin siya sa classroom nila. Never. He’s not her boyfriend nor her friend so why would she let him?
“Okay. But can I get your number at least so I would know if you’re on your way here?” Emman asked and he was about to get his phone in his pocket but before he could even get it‚ Bea stopped him.
“There’s no need for that. I will be here on time. I have to go. Make sure na wala ng iba pang makakaalam ng gulong nangyari kahapon. Once Liz finds out‚ the date is off‚” Bea warned him just to make sure that her secret will be safe.
“Of course. Walang kahit sinong makakaalam ng nangyari lalong-lalo na ang kaibigan mo. So rest assured‚” Emman assured her.
“Then‚ we have a deal. Bye‚” paalam ni Bea saka inis niyang inirapan si Emman bago niya ito tinalikuran.
“Bye. See you later‚” pahabol pa ni Emman na hindi na pinansin pa ni Bea.
A/N: Are you excited for their date which is obviously Bea’s first date? Then what are you waiting for? Click the vote button and then proceed right away to the next chapter😉
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top