CHAPTER 13

“Ma‚ Cassy‚ alis na kami‚” paalam ni Bea sa kaniyang kapatid at ina. Lumapit pa siya sa mga ito at pareho niyang hinalikan ang mga ito sa kanilang mga pisngi.

“Ingat kayo‚ mga ate‚” masiglang sabi ni Cassy na tumakbo pa palapit kay Liz para ito ay yakapin.

“No‚ Cassy‚ dear. Sila ang mag-ingat sa amin. Lalo na ‘yong Ed—”

“Of course‚ Cassy. Kayo rin‚ ingat kayo ni mama kapag pumunta kayo ng ospital‚” mabilis na pagsabad ni Bea bago pa man matapos ni Liz ang sana’y sasabihin nito dahil baka kung saan pa mauwi ang usapan kapag hinayaan niya itong ituloy ang sinasabi nito.

Matapos yakapin ni Cassy si Liz ay agad din itong bumalik sa tabi ng kaniyang ina sa sopa upang manood ng cartoons.

“Sige na‚ anak‚ Liza. Pumasok na kayo at baka mahuli na kayo sa klase ninyo‚” malumanay na wika ni Joanna na nakatuon pa rin ang atensyon kina Bea at Liz.

“Sige po‚ tita. Bye po‚” paalam ni Liz sa kaniyang Tita Joanna at nakipagbeso pa siya rito bago siya bumalik sa tabi ni Bea at mabilis na ipinulupot ang braso niya sa braso nito.

Matapos makapagpaalamanan ay agad nang bumaba ng unang palapag ng gusali sina Bea at Liz. Nang makalabas at makapara ng taxi ay agad na rin silang sumakay ng taxi patungong university.

They are now in good terms like nothing happened. Simula kasi pagkabata ay nakagawian na nilang pag-usapan at ayusin ang anumang hindi pagkakaintidihan sa pagitan nila bago pa matapos o lumipas ang isang araw. Para kasi sa kanila ay mas lalo lang lalala ang hindi nila pagkakakintidihan kung paaabutin pa nila ito ng isang araw. Kaya kagabi‚ saktong pag-uwi ni Bea galing ospital ay inayos na nila ang gusot sa kanilang pagitan.

Sabi nga nila‚ kapag hinintay muna ninyong lumamig ang sitwasyon bago kayo mag-usap nang masinsinan ay pati koneksyon at relasyon ninyo sa isa’t isa ay manlalamig.

Saka wala namang galit o hinanakit na nararamdaman si Bea kay Liz para magmatigas siya. Naiintindihan niya ito. Nabulag lang ito ng pagkagusto nito kay Edward. Saka isa pa‚ alam na ni Liz ang pagkakamali niya at humingi na ito ng tawad sa kaniya. Para sa kaniya ay sapat nang dahilan ‘yon para mapatawad niya si Liz at kalimutan niya ang nangyari.

Nang tumigil ang taxi na sinasakyan nila sa tapat ng kanilang pinapasukang unibersidad ay agad na silang nagbayad ni Liz at lumabas na ng sasakyan. Ngunit hindi pa man sila tuluyang nakakapasok ng gate ng university ay bigla na silang natigil sa kanilang paglalakad nang humarang sa daraanan nila si Edward.

Mabilis na hinawakan ni Bea si Liz sa kamay para iparating dito na nandito lang siya at wala itong dapat na ikatakot o ikabahala. Liz should learn to face her own fears‚ problems and issues. But of course‚ Bea won’t let her face those things alone. She will always be there to support‚ guide and help her conquer her fear and solve her problems and issues in life whatever it is.

“What do you want?” mataray na tanong ni Bea kay Edward na halata sa mukha na wala talaga itong balak na padaanin sila.

Sa halip na sumagot ay tinapunan lamang ni Edward ng malamig na tingin si Bea bago nito binalingan ng tingin si Liz gamit ang kaniyang nangungusap na mga mata.

“Liz‚ can we talk?” tila nanunuyong tanong ni Edward kay Liz.

Bago pa man maibuka ni Liz ang kaniyang bibig upang magsalita ay inunahan na siya ni Bea.

“Wala na kayong dapat pang pag-usapan. Napakalinaw ng nakita namin‚” mariing wika ni Bea.

Liz has never been rude to anyone. She’s too kind to do so. Kaya alam ni Bea na kapag hindi siya pumagitna ay maaaring lumambot na naman ang puso ni Liz at agad nitong makalimutan ang panggag*go rito ni Edward.

Tinangka ni Bea na hilahin si Liz upang ilayo na ito kay Edward pero mabilis na kumilos si Edward at humarang ito sa kanilang daraanan.

“Hindi ikaw ang kinakausap ko! Kaya pwede ba‚ manahimik ka!” inis nang sigaw ni Edward kay Bea na hindi na nagawa pang makapagpigil dahil sa pangingialam ni Bea gayong hindi naman ito ang kinakausap niya.

“Aba’t—” Hindi na nagawa pa ni Bea na ituloy ang sana’y sasabihin niya nang maramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Liz sa kaniyang kamay kasabay ng bigla nitong pagsabad sa kanilang sagutan ni Edward.

“Hoy‚ ikaw‚ lalaking painosente! Huwag na huwag mong mababastos ang kaibigan ko!” singhal ni Liz kay Edward habang dinuduro-duro pa ito dahil sa sobra niyang panggigigil dahil sa ginawa nitong pambabastos sa matalik niyang kaibigan na si Bea.

Tila napako si Bea sa kaniyang kinatatayuan matapos niyang marinig ang mga sinabi si Liz. It’s her first time to yell at someone especially after a heartache because Liz is a type of person who can’t face someone who became a part of her life but chooses to leave. That’s why Bea can’t help herself but to ask herself some questions like did she already learned her lesson? Or was she just trying to be strong in front of her?

“Gusto lang naman kitang makausap‚” mahinang tugon ni Edward na halos bulong na lang din sa sobrang hina nito.

“Bakit pa?” mataray na tanong ni Liz habang nakakrus sa harapan ng kaniyang dibdib ang kaniyang mga braso.

Tinangka ni Edward na hawakan ang kamay ni Liz pero mabilis na nakaiwas si Liz.

“To fix everything between us‚” bagsak ang balikat na tugon ni Edward na para bang siya mismo ay nawawalan na ng pag-asang may patutunguhan ang pagharap niyang ito kay Liz.

“Us? Excuse me? As much as I can remember‚ walang tayo. At kahit kailan‚ walang magiging tayo. Sa tingin mo ba‚ mauuto mo pa ako after ng nalaman ko? No way!” Liz answered confidently with her head held high.

Agad na nataranta si Bea nang makita niya ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Edward. Mula sa nagsusumamong mukha nito ay napalitan ito ng nakangisi nitong mukha na tila ba nang-iinsulto.

Oh‚ sh*t! This is not good. I have to do something‚ natatarantang sambit ni Bea sa kaniyang isipan ngunit bago pa man siya makaisip ng gagawin ay nangyari na ang kinatatakutan niya.

“Tss! Ang taas naman masyado ng tingin mo sa sarili mo para magtaray ka ng ganiyan‚” mapang-asar na sabi ni Edward.

“Talaga!” confident pa ring sagot ni Liz.

Sasabad na sana si Bea sa usapan ng dalawa para mapigilan si Edward sa kung anumang pwede pa nitong sabihin at gawin pero huli na. Naunahan na siya nito.

“Bakit? Sino ka ba? Isang hamak na ordinaryong babae ka lang naman. Isang babaeng pinagkaitan ng tamang pag-iisip at mas isip-bata pa sa bata‚” pangmamaliit ni Edward kay Liz na ikinakulo ng dugo ni Bea.

“Stop it!” pigil ni Bea kay Edward bago pa man umabot sa kung saan ang walang kuwentang usapang nina Liz at Edward.

“Bakit‚ Bea? Ayaw mo bang marinig ng kaibigan mo ang totoo? Na kaya lang siya nilalapitan at nililigawan ng mga lalaki ay dahil sa pagiging inosente niya sa maraming bagay?” nakangising tanong ni Edward at binigyan ng mapang-asar na tingin si Liz habang nakangisi naman niyang tinapunan ng tingin si Bea na para bang sinasabi niyang hindi siya kayang pigilan ni Bea at nagkamali sila ng taong binangga.

Sa halip na makipag-away at makipagbangayan pa si Bea kay Edward ay mas pinili niya na lamang na magtimpi at pigilan ang sarili niyang palalain pa ang sitwasyon. Nagtitimpi siya at hindi niya pinapatulan si Edward hindi dahil sa takot siya. She’s trying to control her emotion because she don’t want Liz to get hurt. May panahon para sa pagiging war freak niya. Pero ngayon ay mas mahalaga ang kapakanan ni Liz. Hindi niya pwedeng pairalin ang galit niya. Not now. Not in this kind of situation.

Alam ni Bea na nasasaktan na si Liz sa mga panlalait na lumalabas sa bibig ni Edward kaya hangga’t maaari ay gusto niya na itong ilayo sa lugar na iyon.

“Enough‚” mariing sabi ni Bea bago niya binalingan ng tingin ang katabi niyang si Liz. “Liz, don’t listen to him. Tara na.”

Sinubukan ni Bea na hilahin si Liz palayo pero nanatili lamang itong nakatayo sa kinaroroonan nito habang may naiiyak na ekspresyon.

Oh‚ sh*t! She’s about to burst into tears‚ hindi na mapakaling sigaw ni Bea sa kaniyang isipan.

“To tell you frankly‚ kaya lang naman ako nagsayang ng oras diyan sa kaibigan mo dahil buong akala ko ay magiging mas maganda ang laro kung isang isip-bata at inosenteng katulad niya ang paglalaruan ko. But I was wrong. Being with her has no thrill at all. Ang boring‚ alam mo ‘yon? Biruin mo ba namang sa kainang pambata ako dinala at pinakain pa ako ng spaghetti na hindi ko naman masikmurang kainin. Saka ni hindi man lang marunong sa fashion. Kababaeng tao pero hindi marunong mag-ayos ng sarili‚” walang pakundangang sabi ni Edward na para bang wala si Liz sa tabi ni Bea na mas lalong nagpatindi ng galit na nararamdaman ni Bea para dito.

“Pwede ba? Tama na! Ayoko nang marinig ang mga panlalait mo! Leave me alone!” umiiyak na awat ni Liz kay Edward bago siya nagmamadaling tumakbo palayo habang nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha niya.

Saglit na natigilan si Bea nang makita niya ang luhaang mukha ng kaniyang kaibigan. Ni hindi man lang niya napansin na bumuhos na pala ang mga luha nito dahil sa sobrang pagka-hook ng utak niya sa pagpipigil ng galit niya at pagpapakalma ng sarili niya para hindi siya makagawa ng kahit anong gulo na maaaring ikalala ng sitwasyon.

Tinapunan muna ni Bea ng nakamamatay na tingin si Edward bago siya nagsimulang tumakbo palayo para habulin si Liz.

“Liz!” pagtawag ni Bea kay Liz habang nakasunod pa rin siya rito.

Agad namang tumigil si Liz nang makarating sila sa school garden kaya nakahinga naman si Bea nang maluwag at agad niyang nilapitan si Liz na ngayon ay nakaupo na sa damuhan upang ito’y kausapin.

“Liz‚ ayos ka lang ba?” puno ng pag-aalalang tanong ni Bea habang hinahagod niya ang likod ni Liz para hindi ito mahirapang huminga sa kabila ng walang tigil nitong pag-iyak.

“Pa-Pangit ba talaga ako? Am I not worth the love and respect that I am longing for?” umiiyak pa ring tanong ni Liz na siyang dumurog sa puso ni Bea.

Bea have seen her cry for so many times already but she never belittled herself. This one is different. It hurts seeing your friend cry. But it hurts the most hearing how she belittle herself and losing her confidence little by little.

“Of course not! You’re beautiful inside and out. And we all deserve to be loved and to be respected. Huwag mo nang dibdibin ang mga sinabi ni Edward. It’s all nonsense‚” pang-aalo ni Bea kay Liz sa pag-asang magagawa niya pang pigilan ang tuluyang pagkawala ng confidence nito.

“But he has a point. I’m childish‚ ugly and stupid. I’m of no good. I’m just a toy for them. Matapos nilang paglaruan ay basta na lang nilang babalewalain at kalilimutan‚” malungkot na sambit ni Liz na muling dumurog sa puso ni Bea.

No one deserves to be played especially women. They should be treated with full respect. Not just because they are women but because they are also human. They have feelings. They’re not a toy nor a barbie to be kept as a collection and be thrown away after they get the entertainment they want from them. They are not born to entertain their opposite sex nor be one of their toys.

“That’s not true. Yes‚ you are childish but you’re not ugly and stupid. You are beautiful in your own way. At hindi katangahan ang umibig. To be honest‚ I envy you‚” pag-amin ni Bea.

Maybe it’s now time to tell her what she really feels. Not to bother her nor make her feel superior but to boost her confidence and to make her realize that she almost has everything a woman can dream of and that she should be proud of it.

Wala sa sariling napatigil si Liz sa kaniyang pag-iyak dahil sa huling sinabi ni Bea at panay pagsinghot na lamang ang kaniyang ginawa. Nang matiyak niyang hindi na muling tutulo pa ang kaniyang mga luha ay binigyan niya si Bea ng nagtatanong na tingin at naguguluhang ekspresyon.

“Bakit ka naman maiinggit sa ‘kin? E ang ganda-ganda mo nga. Tapos ang dami pang nagkakagusto sa ‘yo. Palagi ka ring nasa Top 10 at nagagawa mong ipagtanggol ang sarili mo sa kahit kanino‚ mapababae man o lalaki. Pati bakla hindi mo rin inuurungan‚” mahabang saad ni Liz na bahagya pang natawa sa huling sinabi niya kaya kahit papaano ay gumaan na rin ang loob ni Bea.

“But despite of all the things that I’ve achieved‚ I still can’t have the happiness that I’ve always wanted. I’m not as lucky as you na may buo at masayang pamilya‚” malungkot na sagot ni Bea na saglit na ikinatahimik ni Liz bago ito muling nagsalita.

“Iyon lang ba? Buo pa naman ang pamilya mo ah. Nandiyan pa ang papa mo. Ikaw lang naman itong ayaw siyang tanggapin ulit sa buhay ninyo‚” tugon ni Liz sa nang-aalong boses.

Liz has a point. Ilang beses na siyang sinubukang kausapin ng papa niya. Sinubukan din ng papa niya na bumawi sa kanilang magkapatid at ipakita sa kanilang hindi sila nito kinalimutan. Pero siya itong nagbubulag-bulagan at hindi bininigyan ng halaga ang lahat ng ginawa ng papa niya. Para kasi sa kaniya ay kahit anong gawin nitong effort para lang mapatawad at matanggap nila ito ulit bilang kanilang ama ay hindi pa rin sapat iyon para maibalik ang lahat sa dati.

Mahirap magpatawad lalo pa’t sariwa pa rin sa puso’t isip niya ang ginawang pag-iwan ng ama nila sa kanila. Bumawi man ito sa kanila‚ hindi pa rin nito mapupunuan ang kaniyang mga pagkukulang. At kahit anong gawin nito‚ hindi pa rin nito mabubura at mapagtatakpan ang katotohanang iniwan niya ang mga anak niya para ipagpalit sa bago niyang pamilya.

“Isa pa ‘yan sa bagay na kinaiinggitan ko sa ‘yo‚” wala sa sariling sambit ni Bea habang inaalala pa rin niya ang ginawang pag-iwan sa kanila ng kaniyang ama.

“Ang alin?” naguguluhang tanong ni Liz.

Bea was brought back to her senses when she heard Liz’s voice.

“Ang pagiging optimistic mo. You always view things in a positive perspective. Never kang nagpadala sa problema‚ takot at sakit na nararamdaman mo. Iiyak ka lang‚ magmumumukmok‚ and after that‚ muli kang babangon at haharapin ang bukas ng may ngiti sa labi mo. Patuloy ka pa ring nagmamahal kahit ilang beses ka nang nasasaktan. Nagagawa mo pa ring magtiwala at magmahal nang buong-buo despite of the pain. Hindi ka nauubusan ng pagmamahal para sa ibang tao. Unlike me na maging ang tiwala ay hirap pang ibigay‚” mahabang pahayag ni Bea.

Lahat ng sinabi ni Bea ay totoo. Maging sarili nga niya ay tinatanong niya na rin sa bagay na iyon. Kung bakit ang hirap-hirap para sa kaniya ang magtiwala at magpatawad. Maybe because she was really hurt? Or is it just because she can’t accept the fact that her father chose his new family over them?

“That’s because you are in so much pain‚” Liz answered in a comforting voice as she held Bea’s hand to comfort her.

“Yeah. I guess so.” Bea just nodded and gave Liz a bitter smile.

“Ano ba ‘yan! Inaagawan mo naman ako ng moment e‚” nakangusong reklamo ni Liz‚ trying her best to lighten up the mood to repel the bad vibes that surrounded them.

Napailing-iling na lamang si Bea habang nagpipigil ng tawa dahil sa sobrang bilis ni Liz na mag-iba ng mood. Halata pa sa mukha nito ang natuyo nitong luha pero nagagawa na nitong ngumiti ulit. That's what she loves about her. She’s very optimistic and cheerful. Lahat ay idinadaan nito sa ngiti at tawa.

“Ang pangit mo kasing umiyak. Hindi bagay sa ‘yong magdrama. Para kang si Bakekang‚” biro ni Bea kay Liz.

“Ay‚ ang sama. Kanina lang sabi mo ang ganda ko‚” nakapamaywang na sabi ni Liz na ngayon ay nakatayo na sa harapan ni Bea at tinatarayan ito.

“Kanina ‘yon. Nang hindi pa tumutulo iyong sipon mo‚” muling biro ni Bea kay Liz.

“Oy‚ hindi sipon ‘yon ah. Luha kaya ‘yon‚” mariing tanggi ni Liz.

“Oo na. Binibiro lang naman kita‚” natatawang sabi ni Bea dahil sa mukha ni Liz na hindi na maipinta.

Katulad ni Liz ay tumayo na rin si Bea mula sa pagkakaupo niya sa damuhan at pinagpag niya ang likod ng kaniyang uniporme.

“Tara na‚ pasok na tayo‚” yaya ni Liz at inilahad pa niya sa harapan ni Bea ang kaniyang kamay.

“Mauna ka na. Punta lang akong cr‚” nakangiting tugon ni Bea.

Agad namang napasimangot si Liz sa sagot ni Bea.

“Bilisan mo ah‚” mahaba ang ngusong bilin ni Liz kay Bea.

“Yes‚ ma’am.” Pabirong sumaludo si Bea kay Liz na pareho na lamang nilang tinawanan.

Hinintay muna ni Bea na makaalis si Liz bago siya umalis ng hardin... hindi para pumunta ng banyo kundi para harapin ang taong may utang sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top