CHAPTER 12

Dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ni Bea dahil sa naging sagutan nila ni Liz ay hindi na niya namalayan pang nasa tapat na pala siya ng pinto ng kwarto ng ospital kung saan naka-confine ang kaniyang Papa Henry.

Kahit na nagdadalawang-isip at nagtataka si Bea kung bakit sa ospital siya pumunta sa dinami-rami ng lugar sa Manila ay buong tapang niya pa ring pinihit ang doorknob ng pinto. Pagkabukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniya ang ama niyang mahimbing na natutulog. May ilan itong mga galos at sugat sa braso at tama nga si Liz‚ minor injuries lamang ang natamo nito.

Inilibot ni Bea ang kaniyang tingin sa buong kwarto para tingnan kung sino ang nagbabantay sa kaniyang ama sa mga oras na ito pero wala siyang nakita ni isang bantay. Maging mga kagamitan‚ prutas o pagkain‚ mga damit at kung ano pa ay wala siyang makita sa paligid ng kwarto na inookupa ng kaniyang ama. Nangangahulugan lamang ito na hindi pa rin dumarating ang bagong asawa ng magaling niyang ama at mukhang mauuna pa yatang makarating ang mama niya.

Tss. What a shame. Sila itong pamilya pero kami ang naaabala at umaako ng responsibilidad nila‚ isip-isip ni Bea habang iiling-iling na pinagmamasdan ang natutulog niyang ama.

Dahil walang ibang tao sa silid bukod sa kanilang mag-ama ay malaya ni Bea na napagmamasdan ang ama niyang matagal na panahon na niyang hindi nakikita sa sobrang pagkamuhi niya rito.

Napahugot na lamang si Bea ng malalim na hininga nang makaramdam siya ng pangungulila habang nakatuon ang kaniyang mamula-mula pang mga mata sa natutulog niyang ama.  Parang kailan lang ay hindi pa sila mapaghiwalay na mag-ama. Para na nga silang kambal-tuko noon kung iyong titingnan. Kahit saan kasi magpunta ang kaniyang ama ay palagi siya nitong kasama. Maging sa pagtulog ay ito ang katabi niya. Hindi siya nakakatulog hangga’t hindi siya nito tinatabihan‚ niyayakap at kinakantahan ng lullaby. Tuwing may sakit din siya ay pangalan ng kaniyang ama ang palagi niyang binabanggit.

In short‚ she’s a daddy’s girl. Iyon marahil ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang galit niya sa kaniyang ama at kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap ang pag-iwan nito sa kanila‚ ang pag-iwan nito sa kaniya.

Nangako sila noon sa isa’t isa na kahit anong mangyari ay walang iwanan. Na kahit magdalaga na siya at magkaroon ng sariling pamilya ay nasa tabi pa rin niya ang kaniyang ama at ito ang magiging sandalan niya tuwing panghihinaan siya ng loob. Pero anong ginawa nito? He broke his promise. Iniwan siya nito.

Ramdam ni Bea ang biglang pagkirot ng kaniyang dibdib at ang paninikip nito habang dahan-dahan siyang naglalakad palapit sa kamang kinahihigaan ng kaniyang ama. Habang papalapit siya nang papalapit dito ay unti-unti ring bumabalik sa kaniya ang lahat. Sinariwa ng muli nilang paghaharap ang sakit at pagdurusang naranasan niya noong mga panahong iniwan siya nito.

He was her idol when she was a kid. Ang taas-taas ng tingin niya rito. She thought he’s the best father and husband in the world but she was wrong. Hindi ito nakuntento sa kung anong mayroon ito. Hindi ito nakuntento sa kanila na pamilya nito. Naghanap ito ng iba at bumuo ng bago nitong pamilya kung saan hindi sila parte.

Nang tuluyan nang makalapit si Bea sa kaniyang ama ay hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Naramdaman na lamang niya ang pamamasa ng kaniyang mga mata at pisngi. Hindi niya maikakailang hanggang ngayon ay ang sakit-sakit pa rin para sa kaniya ng mga nangyari. Napakatagal na panahon na ang lumipas pero hindi pa rin mawala-wala ang sakit na dulot ng pag-iwan sa kanila ng kaniyang ama.

“Bakit? Bakit mas pinili ninyo ang ibang tao kaysa sa akin? Am I not enough? Hindi ko ba deserve na piliin ninyo? You chose your new family over us. Mas pinili mong magpakatatay sa mga anak mo sa babaeng ‘yon kaysa sa akin‚ sa amin ni Cassy. Bakit? Bakit mas pinili mo sila? Hindi ka pa ba masaya sa ‘min? Ayaw mo na ba sa amin ni Cassy?” pagpapaulan ni Bea sa kaniyang ama ng mga tanong na matagal nang gumugulo sa kaniya ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mahanapan ng kasagutan.

Wala na siyang pakialam kung nagmumukha na siyang tanga na panay ang iyak habang kinakausap ang isang taong tulog. Ang tanging mahalaga lamang sa kaniya ngayon ay ang mailabas ang saloobin niya na mahigit apat na taon na niyang kinikimkim. Mahigit apat na taon! Mahigit apat na taon siyang nagtago sa maskara ng Bea na matapang at walang kinatatakutan. Mahigit apat na taon niyang sinarili ang sakit at galit na nararamdaman niya. Mahigit apat na taon siyang nakakulong sa bangungot ng kahapon. Mahigit apat na taon na rin magmula noong huli siyang umiyak dahil sa pag-iwan sa kanila ng kaniyang ama.

Mahigit apat na taon! Mahigit apat na taon ang hinintay at pinalampas niya bago niya pinalaya ang sarili niya sa sakit at bangungot ng nakaraan.

“Ngayon naman pati si Liz ay hindi na pinahahalagahan ang pagkakaibigan namin. Mas pinili niya pang paniwalaan ang Edward na ‘yon kaysa sa akin na kaibigan niya. Bakit? Dahil wala akong pruweba? Lintik na pruweba ‘yan! Kung talagang itinuturing niya akong kaibigan at pinagkakatiwalaan niya ako ay hindi na niya kailangan pang humanap at humingi ng patunay. My word should be enough! Pero hindi e. Hindi buo ang tiwala niya sa ‘kin kaya mas pinili niyang kampihan ang lalaking ‘yon‚” paglalabas ni Bea ng kaniyang saloobin habang walang tigil pa rin sa pagtulo ang kaniyang mga luha.

Magsasalita pa sana si Bea nang marinig niya ang tunog ng pinipihit na doorknob kaya agad siyang napapunas ng kaniyang luha at binura niya lahat ng emosyon sa kaniyang mukha. Nang matiyak niyang wala ng bakas pa ng luha ang kaniyang mukha ay walang emosyon niyang tinitigan ang nakahiga niyang ama na para bang wala lang sa kaniya kahit na nakaratay ito ngayon sa isang hospital bed.

Tuluyan nang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito ang mama ni Bea na may bitbit na mga bag at kung ano-ano pa kasunod si Cassy na may dalang supot na naglalaman ng mga pagkain.

“Rose? Nandito ka pala?” gulat na tanong ni Joanna nang makita niya si Bea na nakatayo sa tabi ng hospital bed.

“Yeah‚” tipid na sagot ni Bea saka niya sinalubong ang mama niya upang ito’y gawaran ng halik sa pisngi habang yakap naman ang isinalubong niya kay Cassy.

Nang humiwalay si Bea sa yakapan nilang magkapatid ay hindi sinasadyang napako ang kaniyang tingin sa kaniyang ina. At habang nakatingin siya sa kaniyang ina na kadarating lamang ngunit agad na dumiretso sa kaniyang ama na dati nitong asawa ay hindi niya maiwasan na mapaisip kung anong nagtulak sa kaniyang ama na maghanap ng iba. Kung iisipin kasi ay wala ka ng hahanapin pang iba sa kaniyang ina dahil bukod sa mahal na mahal nito ang kaniyang ama ay napakaalaga rin nito. In short‚ she’s an ideal wife and a perfect mother figure. Nagawa nga nitong itaguyod silang magkapatid nang walang kahit anong tulong mula sa kaniyang ama na ibang pamilya na ang sinusuportahan.

“Hindi ka man lang nagpasabi. Sana pala ay naibili rin kita ng pagkain mo‚” may pagtatampong wika ni Joanna.

“No need‚ ma. Hindi rin naman ako magtatagal. Dumaan lang ako. I’m on my way home‚” pagsisinungaling ni Bea kahit ang totoo ay wala pa talaga siyang balak umuwi matapos ang naging sagutan nila ni Liz.

Hindi pa siya handang harapin si Liz. Baka kung anong pang lumabas sa bibig niya na maaari niyang pagsisihan. She have to cool down first.

“Ganoon ba? Mabuti pa ay sabay-sabay na tayong umuwi sa apartment. Papunta na rin naman dito sina Dianne kasama ang mga kapatid mo‚” suhestiyon ni Joanna na ikinataas ng isang kilay ni Bea.

“A reunion‚ huh? Sounds great‚” sarkastikong sabi ni Bea sa kaalamang darating na pala ang bagong pamilya ng magaling niyang ama.

“Bakit‚ ate? Hindi ka ba masaya na makita sina Zia at Renier?” malungkot na tanong ni Cassy nang mabakas niya ang sarkasmo sa boses ni Bea.

Malapit si Cassy sa mga kapatid nila sa bagong asawa ng kanilang ama. Minsan lang sila magkita-kitang magkakapatid pero palaging kausap ni Cassy sina Zia at Renier sa telepono kaya hindi na nakapagtataka ang closeness ng mga ito.

“Masaya‚ of course‚” Bea answered nonchalantly which is partly true.

Kahit papaano naman ay masaya rin si Bea na makikita niya na ulit ang mga kapatid niya makalipas ang mahabang panahon. Iyon nga lang ay pinapaalala ng mga ito sa kaniya ang lahat ng masasakit na alaala niya sa nakaraan at pinamumukha ng mga ito sa kaniya na mas mahal ng kanilang ama ang mga ito kaya nga ang mga ito ang pinili ng kanilang ama.

“Ganoon naman pala e‚” nakangiti nang sabi ni Cassy na ayaw na ayaw na itinatrato ni Bea na iba sina Zia at Renier.

“But I don’t like the presence of that b*tch‚ Dianne. It irritates me‚” pag-amin ni Bea.

Isa pa si Dianne sa dahilan kung bakit maging sa telepono ay ayaw ni Bea na makausap ang mga kapatid niya sa ama. Madalas kasi itong sumisingit sa usapan na akala mo naman ay close sila.

“Rose‚ ang bunganga mo‚” pagsaway ni Joanna kay Bea saka biglang lumihis sa gilid ni Bea ang kaniyang tingin. “Henry‚ pagpasensyahan mo na itong anak mo‚” pagkausap ni Joanna sa dati niyang asawa nang mapansing niyang gising na pala ito.

Salubong ang kilay na nilingon ni Bea ang kamang kinahihigaan ng ama niya at ngayon niya lamang napansing gising na pala ito at tahimik lamang itong nakikinig sa usapan nila ng mama niya.

“It’s okay‚ Joanna. I understand.” Her oh-so-faithful father gave her mom a reassuring smile.

“What? I'm just being honest here. She’s really a b*tch‚” Bea defended herself.

“That’s enough‚ Rose. Matuto kang respetuhin siya. Kung hindi man bilang asawa ng ama mo‚ respetuhin mo man lamang sana siya bilang isang babae o bilang isang tao‚” pangangaral ni Joanna kay Bea na ikinaikot ng mata ni Bea.

“Babae? Yeah. Babaeng malandi at mang-aagaw‚” Bea said while rolling her eyes in so much irritation.

“Rose‚ I said enough!” bulyaw ni Joanna kay Bea na mas lalo lang ikinasasama ng loob ni Bea dahil maging ang mama niya ay mas kinakampihan ang ibang tao kaysa sa kaniya na sarili nitong anak.

“Tss! Bakit ba ninyo ipinagtatanggol ang babaeng ‘yon?” inis na tanong ni Bea sa kaniyang ina.

“Ate‚ tama na‚” pigil din ni Cassy kay Bea habang nakakapit siya sa braso ng kaniyang ina upang pakalmahin ito.

“It’s okay‚ baby. Mabuti pa ay sa labas ka na muna at salubungin mo sina Tita Dianne mo. Mag-uusap lang kami ng ate mo‚” pagkausap ni Joanna kay Cassy sa malumanay na boses.

“Okay po‚” tipid na sagot ni Cassy at hinalikan niya muna ang mama niya sa pisngi bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.

“Rose‚ anak‚ alam kong nasaktan ka sa nangyaring pag-iwan sa atin ng ama mo. Pero huwag mo namang idamay ang Tita Dianne mo at ang mga kapatid mo sa galit mo sa kaniya. Hindi nila kasalanang sila ang pinili ng ama mo‚” pakiusap ni Joanna kay Bea sa pag-asang magagawa pa niyang mabago ang pagtingin at pagtrato ni Bea sa bagong pamilya ng dati niyang asawang si Henry.

Mapait na napangiti si Bea sa kaniyang narinig. “Hindi kasalanan? E iyong panglalandi niya kay papa? Hindi ba kasalanan ‘yon?” walang pagdadalawang-isip na tanong ni Bea.

“Anak‚ hindi ako nilandi ng Tita Dianne mo‚” pagtatanggol ni Henry sa asawa niya na nagpakulo ng dugo ni Bea sa pinaghalong galit at frustration dahil sa mga sagot na nakukuha niya sa mga magulang niya.

Inis na binalingan ni Bea ng tingin ang kaniyang ama dahil sa sinabi nito. “Then tell me what really happened! Nagmumukha na kaming tanga ng kapatid ko. Mahigit apat taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin namin alam hanggang ngayon ang totoong nangyari. Kailan ba ninyo balak sabihin sa amin ang lahat? O baka mas tamang itanong kung may balak pa ba kayong ipaalam sa amin ang totoong nangyari?” sumbat niya sa kaniyang ama na may kasamang pang-aakusa.

“Anak‚ mas makabubuting hindi mo na malaman ang totoo‚” nakatungong sagot ni Henry na hindi na magawa pang tingnan si Bea.

Why? Why can’t I get the answer that I’ve always wanted? Do I have no right to know the truth? Or is there something in the past that they don’t want me to find out? naitanong na lamang ni Bea sa kaniyang sarili dahil sa frustrations na nararamdaman niya.

“Bakit? Ano bang ayaw ninyong malaman ko? Na hindi mo talaga kami minahal una pa lang kaya ka naghanap ng ibang pamilya?” pagsasatinig ni Bea sa tanong na kanina pang naglalaro sa kaniyang isipan.

Mabilis na nag-angat ng tingin si Henry at sinalubong niya ang malamig na tinging ipinupukol sa kaniya ng kaniyang anak na si Bea. “Anak‚ hindi totoo ‘yan. Mahal kita. Mahal ko kayo ng kapatid mo.”

“Then why?” halos pasigaw nang tanong ni Bea

“Rose—” Bago pa man makapagsalita si Joanna ay agad nang sumabad si Henry na para bang sinasadya nitong pigilan si Joanna na ituloy ang sana’y sasabihin nito.

“Naiintindihan ko kung galit ka sa ‘kin. Kamuhian mo ako hanggang gusto mo. Pero huwag mo sanang idadamay sa galit mo sa akin ang mga kapatid mo. Kadugo mo rin sila. Mahal na mahal ka ng mga kapatid mo‚” pakiusap ni Henry kay Bea na dumagdag lamang sa frustration na nararamdaman ni Bea.

“At mahal na mahal mo rin sila kaya mas pinili mo kaming iwan. Mas mahal mo sila kaysa sa amin‚ tama ba?” malungkot na pagtanggap ni Bea sa katotohanang pilit niyang tinatakasan.

“Anak—” Hindi na naituloy pa ni Henry ang sasabihin sana niya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang bago niyang pamilya.

“Ate!” tuwang-tuwang sigaw ng kapapasok lang na si Renier at patakbo itong lumapit kay Bea.

Mabilis namang itinukod ni Bea ang kanang tuhod niya sa sahig para magpantay silang dalawa ni Renier. Sinalubong niya ito ng mahigpit at mainit na yakap na tumagal lamang ng ilang segundo dahil kaagad na kumalas sa yakap si Bea.

Pinagmasdang maigi ni Bea ang maamong mukha ng kaniyang kapatid na si Renier nang sandaling magkaroon ng distansya sa kanilang pagitan. At habang pinagmamasdan niya ito ay hindi niya mapigilang mapangiti nang mapait.

Magkapatid nga sila. Walang duda. They are a carbon copy of each other. They inherited their father’s facial feature: heart-shaped face‚ natural red thin lips‚ greek nose and tanned skin. Ang pinagkaiba lang nila ni Renier ay medyo may pagkasingkit ang mata nitong kulay kayumanggi na namana nito kay Dianna habang iyong sa kaniya naman ay medyo bilugan at itim na itim na namana niya naman sa mama niya.

“Ate‚ umiyak ka ba?” nag-aalalang tanong ni Renier habang marahan niyang hinahaplos ang magkabilang pisngi ng kaniyang Ate Bea.

“Hindi. Napuwing lang si ate‚” pagsisinungaling ni Bea para hindi na magtanong pa si Renier. And besides‚ masyado pa itong bata para maintindihan ang mga nangyayari.

“Ganoon ba? Gusto mo‚ ate‚ hipan ko ang mata mo para mawala iyong nakapuwing sa ‘yo?” masayang tanong ni Renier na lihim na ikinatuwa ni Bea.

Noon pa man ay sadyang malambing na si Renier kaya nga napapaisip si Bea kung kanino nito namana iyon gayong ipinaglihi sa higad ang mama nito na sobrang kati.

“No need. I’m fine. I just need to go home to put some ointment on it‚” muling pagsisinungaling ni Bea para hindi na mag-alala pa ang kapatid niya sa kaniya at para magkadahilan siya para umuwi.

Ayaw ni Bea sa ambiance ng ospital dahil nasasakal siya rito lalo pa’t magkasama sa isang kwarto ang dalawang pamilya ng kaniyang ama kaya hangga’t maaga ay nais na niyang umalis.

“Uuwi ka na po agad? E kararating pa lang po namin‚” malungkot na tanong ni Renier at bahagya pa siyang ngumuso sa harapan ni Bea.

“Hindi ka ba rito matutulog‚ ate?” dagdag pa ni Zia na nakatingin na rin sa direksyon ni Bea.

Nakagat na lamang ni Bea ang ibabang labi niya para pigilan ang sarili niyang magtaray nang dumako kay Zia ang tingin niya. Sa kanilang dalawa ni Renier‚ kay Zia lang naman siya mataray at walang amor dahil sa itsura nito. She hates her at kahit anong pilit niya sa sarili niya ay hindi niya ito magawang tanggapin bilang kapatid niya dahil sa mukha nitong parehong-pareho sa mama nito. She hates Zia’s mother and her face which looks exactly like her mother makes her hate her as well.

“I want to. Pero marami akong homeworks na kailangang tapusin‚” walang kagana-ganang sagot ni Bea kay Zia saka muli niyang ibinaling ang tingin niya kay Renier.

Hinalikan ni Bea si Renier sa noo bago siya umayos ng tayo para maghanda na sa pag-alis niya ng ospital.

“Mag-iingat ka‚ Rose. Delikado na sa daan‚” may pag-aalalang bilin ni Dianna kay Bea.

Napaikot na lamang ng mata niya si Bea dahil sa pag-aalalang mababakas sa boses ni Dianna.

“I will‚” Bea answered while rolling her eyes.

“Sige‚ ma‚ una na ako. Magkita na lang tayo sa apartment‚” paalam ni Bea sa mama niya at ginawaran niya ito ng halik sa kaliwang pisngi nito.

“Mabuti pa ay isama mo na rin pauwi si Cassy para makapagpahinga na siya. Masyadong mahaba ang naging biyahe namin at makakasama sa kaniya kung magpupuyat pa siya‚” malumanay na sabi ni Joanna habang ginugulo ang buhok ng katabi niyang si Cassy.

Tipid lamang na ngumiti si Bea sa mama niya bago niya ibinaling ang kaniyang tingin sa katabi ng mama niya na si Cassy.

“Cassy‚ let’s go‚” yaya ni Bea kay Cassy at nauna na siyang maglakad patungong pinto at doon na lamang ito hinintay.

“Ma‚ pa‚ alis na po ako‚” paalam ni Cassy sa kaniyang mga magulang at isa-isa niyang hinalikan ang mga ito sa kanilang pisngi.

“Ingat kayo‚ anak‚” bilin ni Henry na ikinaikot ng mata ni Bea.

“Opo‚” nakangiting sagot ni Cassy bago ito lumapit sa kinaroroonan ni Bea.

“Ate‚ tara na‚” yaya ni Cassy kay Bea nang tuluyan siyang makalapit dito kaya umalis na rin sila ng ospital at dumiretso na sila ng uwi sa apartment para makakain at makapagpahinga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top