CHAPTER 10
Bea can’t believe what she’s seeing before her. They’re disgusting! Hindi niya masikmura na sa dinami-rami ng lugar ay talagang sa banyo pa ng mga babae naisipan ng dalawang taong kaharap niya na gumawa ng milagro. Ang mas nakakapanggigil pa ay ni hindi man lamang nila naisipang i-lock ang pinto kaya malaya siyang nakapasok at nasaksihan ang bagay na ni minsan ay hindi niya ginustong mapanood live.
“What the hell!” hindi na napigilan pang ibulalas ni Bea nang mapansin niyang balak pa sana ni Edward na alisin ang dress ng babaeng kahalikan nito na ngayon ay nakabukas na ang zipper sa may likuran at nakababa na hanggang sa baywang nito.
Natataranta namang naghiwalay sina Edward at ang babaeng kahalikan nito at nagkani-kaniya sila ng ayos ng mga sarili nila nang hindi man lang lumilingon sa direksyon ni Bea.
“Hindi pala kakilala ah? Tell me‚ Edward. Is that how intimate you are to a mere stranger?” Bea asked Edward sarcastically while eyeing the two of them from head to toe which made her wince because of how their clothes were rumpled. Pero ang mas nakakapangilabot ay ang nakabukas na botones ng polo ni Edward at ganoon din ang dress ng babae na nakalimutan na nitong i-zipper ang likuran sa sobrang pagkataranta ng mga ito.
Nabaling kay Bea ang tingin nina Edward at ng babaeng kanina lamang ay kahalikan nito dahil sa tanong niya na puno ng sarkasmo. Biglang naestatwa si Edward sa kaniyang kinatatayuan nang magtama ang kanilang mga mata ni Bea. Ni hindi man lamang nito magawang ibuka ang kaniyang bibig o ang kumurap man lang matapos magtama ang paningin nila ni Bea na matamang nakatingin sa kaniyang mga mata na para bang sinusuri maging ang kaniyang kaluluwa.
“Anong stranger? Saka sino ka ba‚ huh?” iritang tanong ng babae kay Bea na hindi nagustuhan ang salitang ‘stranger’ na ginamit ni Bea para pangalanan ang nasabing babae.
Tumaas ang kanang kilay ni Bea sa narinig. Kung ayaw ng babae na tawagin niya itong stranger, ibig sabihin lamang nito ay magkakilala na talaga sila ni Edward noon pa man. Tss. She’s not surprise anymore. Halata naman sa tinginan ng mga ito kanina at hindi ganoon katanga si Bea para hindi mapansin ‘yon.
“Me?” Hindi makapaniwalang itinuro ni Bea ang kaniyang sarili habang may sinusupil siyang munting ngisi sa kaniyang labi. “You’re asking kung sino ako? Well‚ ako lang naman ang kaibigan ng babaeng nilalandi ng kalandian mo‚” mataray na sagot ni Bea at binigyang diin niya pa ang mga salitang nilalandi at kalandian para ipamukha sa babaeng kaharap niya na hindi lang ito ang nilalandi ng hunyangong si Edward.
“What?” hindi makapaniwalang tanong ng babae saka nito binalingan ng tingin ang kalandian niya na walang iba kundi si Edward. “Babe‚ is it true?”
Muntik naman nang matawa si Bea dahil sa narinig niyang tinawag ng babae kay Edward. Napapaisip tuloy si Bea kung ilang babae ang kalandian ni Edward at kung lahat ba ay pare-parehong babe ang endearment niya sa mga ito para hindi siya malito at hindi mahuli sa kataksilan niya.
“No‚ no. Of course not. Don’t listen to her‚ Hanna. Gumagawa lang siya ng kwento‚” Edward convinced her so-called babe to believe in his lies and yeah‚ she did.
Bea wasn’t surprise anymore upon seeing how the poor girl reacts. Besides‚ she sees her as an idiot who can be fooled easily. She was too blinded by her love for him. E ang tanong‚ mahal din kaya siya ni Edward? Bea wonder if the answer would be yes. Tss! A playboy will always be a playboy and they don’t settle with just one girl. They are collecting girls as if they are some kind of toys or display to protect their pride.
“Hanna? Hmm... nice name. It suits you. Hanna short for... Hannaconda. Wagas makalingkis e. Daig mo pa ang ahas na nakalambitin sa puno‚” nang-uuyam na komento ni Bea saka nang-iinsulto niyang pinasadahan ng tingin si Hanna mula ulo hanggang paa na may kasama pang pagngiwi para ipakita ang pandidiri niya rito.
“You‚ b*tch!” Hanna hissed at Bea while shooting daggers at Bea’s direction through her glaring eyes.
Sa halip na mainsulto o mainis ay mas lalo pang ngumiwi si Bea na nauwi sa pagngisi dahil sa kaniyang narinig. B*tch‚ huh? She still have the guts to call her such name after what she just witnessed? What a shame.
“Wait. B*tch? Are you referring to yourself? Sorry‚ Miss Hannaconda but I’m not a mirror. I’m a human too. Saka napakalayo ko naman sa ‘yo para mapagkamalan mo akong salamin‚” pigil ang tawang sagot ni Bea habang pinakatitigan niya ang mukha ng kausap na hindi niya malaman kung mukha ba ng tao o mukha ng isang clown. Iyong mukha kasi ni Hanna ay para ng clown sa kapal ng makeup. Idagdag pa ang lipstick nito na lumagpas na sa kaniyang labi dahil sa pakikipaghalikan kay Edward.
“How dare you!” nanggagalaiting sigaw ni Hanna at akmang sasampalin niya si Bea pero bago pa man lumapat sa pisngi ni Bea ang makati niyang kamay ay mabilis na itong nahawakan at napigilan ni Bea.
Sa inis ni Bea ay halos durugin niya na ang mga buto ni Hanna sa kamay sa higpit ng hawak niya rito.
“Next time‚ kung gusto mong manampal ng tao‚ be quick. Ang bilis-bilis mong maghubad tapos pagdating sa sampalan‚ wala ka palang binatbat‚” pang-iinsulto ni Bea kay Hanna at muli itong hinagod ng tinging puno ng pandidiri.
Bea doesn’t care if she’s being rude to both of them. They deserve it after all. An innocent girl like Liz doesn’t deserve to be part of his collection and be played with. But he still did it‚ that’s why she will also make fun of them. In that way‚ Bea can call it even.
Pilit na binabawi ni Hanna ang kamay niya mula kay Bea pero hindi niya magawa dahil sa higpit ng hawak ni Bea rito. Bahagya na rin siyang napapangiwi at mariing napapapikit sa sakit.
“Ano ba? Get off me!” naiinis na sigaw ni Hanna para itago ang sakit na nararamdaman niya sa higpit ng hawak ni Bea sa kamay niya.
Sa halip na patulan pa ang higad na kaharap niya ay binalingan ni Bea ng tingin si Edward at binigyan niya ito ng malamig na tingin.
“And for you‚ Edward. You played with the wrong person. Liz will never be one of your girl collection. Keep that in mind‚” Bea confidently said with her head held high.
After what Bea saw‚ she will never allow Liz to get close to him nor see him. At para tapusin na ang walang kwentang usapan na mayroon silang tatlo‚ pabalya niyang binitiwan ang kamay ni Hanna kaya napasubsob ito sa lababo na malapit sa kanila.
“Wish granted. Malaya ka na‚” puno ng sarkasmong sabi ni Bea at nanunuyang nginisihan niya si Hanna bago niya taas-noo itong tinalikuran.
Matapos ni Bea talikuran sina Edward at Hanna ay nagsimula na siyang maglakad palayo sa mga ito. Pero nang malapit na siya sa mismong pinto ay muli siyang lumingon sa kaniyang likuran.
“Bye. Enjoy your meal‚” paalam ni Bea sa dalawa bago siya tuluyang umalis at iniwan ang mga itong nakatanga pa rin hanggang ngayon.
Napailing-iling na lamang si Bea habang naglalakad pabalik sa pinag-iwanan niya kay Liz nang may maalala siya. Busog daw ang hunyango kaya ayaw kumain. Iyon pala ay gusto lang nitong tumikim ng ibang putahe.
Agad na dumiretso si Bea sa Every’s Restaurant kung saan niya iniwan si Liz para sabihin dito ang nalaman niya. Hindi na niya kailangan pa ng pruweba para patunayan ang bagay na isisiwalat niya dahil kilalang-kilala na siya si Liz. She’s not a story maker nor a liar. Lahat ng lumalabas sa bibig niya ay pawang katotohanan lamang at ipinapaalam lamang niya sa iba ang anumang nalaman o natuklasan niya kapag tiyak na niya na ito’y totoo.
“Oh? Bea‚ nandito ka na pala. Pupuntahan na sana kita e. Akala ko na-flush ka na sa toilet‚” pabirong sabi ni Liz pagkabalik ni Bea sa mesang inookupa nila.
“Liz‚ let’s get out of here‚” tanging sabi ni Bea saka niya kinuha ang shopping bags na naglalaman ng mga pinamili ni Liz at agad na siyang lumabas ng restaurant habang nakasunod naman sa kaniya si Liz.
“Bakit? May nangyari ba?” naguguluhang tanong ni Liz habang nakasunod siya kay Bea.
“Let’s go home first. I’ll explain everything to you later‚” Bea answered without even looking at Liz.
Dire-diretso lang si Bea sa paglalakad at ganoon din si Liz. Ngunit nagulat na lamang si Bea nang bigla siyang higitin ni Liz sa kamay‚ dahilan upang mapatigil siya sa paglalakad at bigyan niya ng nagtatanong na tingin si Liz.
“E paano ‘yan? Iiwan na lang natin si Edward? Hindi man lang ba natin siya hihintayin para makapagpaalam tayo sa kaniya?” nababahalang tanong ni Liz.
Lihim na lamang na napaikot ng mata niya si Bea sa narinig.
“No need. He’s busy with his monkey business. We can’t disturb him‚” malamig na tugon ni Bea at akmang tatalikuran na niya si Liz nang bigla itong magsalita na nagpatigil sa kaniya.
“Anong monkey business?” naguguluhang tanong ni Liz na ngayon ay salubong na ang kilay at kunot na kunot na ang noo.
“Let’s go home first. We’ll talk about it later‚” pag-iwas ni Bea sa tanong ni Liz.
Hangga’t maaari ay ayaw ni Bea na manatili pa nang matagal sa lugar na iyon kung saan ay naroon din ang hunyangong si Edward at ang kalandian nito. Natatakot kasi siyang magkrus ang landas ng mga ito at ni Liz at mahuli ito ni Liz sa akto ng pakikipaglandian. Tiyak na masasaktan lang ang kaibigan niya at manliliit ito sa masasaksihan nito at iyon ang ayaw niyang mangyari.
“E sabihin mo kasi muna sa akin kung ano ‘yong monkey business na tinutukoy mo‚” maktol ni Liz na siyang dahilan para mapapikit nang mariin si Bea.
Liz leave her no choice but to tell her the truth. Pero kung sabagay‚ sasabihin din naman niya rito kaya bakit pa niya patatagalin? Kahit naman ngayon o mamaya niya sabihin dito ang nalaman niya ay pareho pa rin ang magiging kalalabasan. Masasaktan at masasaktan pa rin ito.
“Fine. Since you are so persistent‚ I’ll tell you what’s happening.” Bea sighed and paused for a while before telling Liz everything that she saw. “I saw him with that girl who’s wearing a red fitted dress. They were making out at the women’s comfort room. That’s why I’m telling you that he’s just making fun of you. He’s a jerk! Kaya ngayon pa lang ay layuan mo na siya habang hindi ka pa tuluyang nahuhulog sa manlolokong ‘yon‚” walang paligoy-ligoy na salaysay ni Bea sa kaniyang nasaksihan.
Inaasahan ni Bea na mangingilid ang luha sa mga mata ni Liz matapos marinig ang kaniyang kwento ngunit hindi ganoon ang nangyari. Sa halip na manubig ang mga mata nito ay nagsalubong ang kilay ni Liz at puno ng pagtatakang tiningnan siya.
“What? Ano bang pinagsasabi mo? Nababaliw ka na ba? Bakit naman siya makikipaglandian sa babaeng ‘yon? Ni hindi niya nga ‘yon kilala‚ hindi ba?” hindi makapaniwalang tanong ni Liz na halos magdikit na ang mga kilay sa sobrang pagkalito.
“And you really believe that good-for-nothing jerk? He’s just toying you. Gusto ka lang niyang idagdag sa collection niya ng mga babaeng napaglaruan at napaikot niya. And this is his way of getting you. To play innocent. Liz‚ ano ba? Wake up! Niloloko ka lang ng lalaking ‘yon. He’s having an affair with that girl while making you fall for him and you fell into his trap‚” dismayadong tugon ni Bea.
“Do you have any proof that will prove your accusations against me?” someone asked from behind.
Bea was caught off guard when she heard Edward’s voice coming from behind. But she still managed to face him with her head held high‚ showing him that she’s not threatened with his mere presence and the way he looks at her right now which tells her that he has nothing to be afraid of because he can easily get off the hook.
“I don’t need a d*mn. Come on‚ Edward. Let’s end this sh*t. Sabihin mo na kay Liz ang totoo. Will you?” Bea challenged him.
“Edward‚ maaari mo bang sabihin sa akin kung anong nangyayari?” naguguluhang pagsabad ni Liz habang palipat-lipat ang tingin niya kina Bea at Edward na parehong masama ang tingin sa isa’t isa.
“Wala akong sasabihin dahil lahat ng ipinakita ko sa inyo ay totoo‚” Edward answered in a firm voice.
Lihim na lamang na napaikot ng mata si Bea sa kaniyang narinig. Balak pa yata ni Edward panindigan ang pagsisinungaling nito hanggang huli. Kung ganoon ay hindi niya ito tatantanan hanggang sa ito na mismo ang madulas at aminin nito ang mga kalokohang pinaggagagawa nito kay Liz.
“Oh‚ really? So it means na pati iyong nakita kong ginagawa ninyong milagro ng Hanna na ‘yon ay totoo rin?” nanghahamong tanong ni Bea.
Napangisi na lamang si Bea nang mapansin niya ang biglang pagbabago ng emosyon sa mukha ni Edward. Ngayon ay hindi na ito mapakali at natitiyak niyang mapapaamin na rin ito nang wala sa oras. Pero kung hindi man ito kusang umamin‚ sisiguraduhin niyang mapapaamin niya ito nang hindi nito namamalayan.
“Sino naman si Hanna?” inis nang tanong ni Liz na hindi na maipinta ang mukha dala ng labis na pagkalito sa mga nangyayari at sa kaniyang mga naririnig.
“Hindi ko alam kung sino ang Hanna na binabanggit ninyo‚” mariing sagot ni Edward upang pabulaanan ang sinabi ni Bea. “You can ask your friend instead. She’s the one who’s making stories here anyway.”
“Wow! Just wow! Making stories? Oh‚ come on‚ Edward‚ my dear. I’m not a writer and I don’t know anything about making such stories nor lies. Baka ikaw?” Bea teased him.
“I’m not—” Before he could even finish the lie that he was about to say‚ Bea cut him off in mid-sentence.
“And since you mentioned earlier that Liz should ask me about that girl named Hanna‚ I’ll gladly answer that for you‚” sansala ni Bea sa iba pang sasabihin ni Edward saka taas-noo niyang binalingan ng tingin si Liz na naguguluhan pa rin sa mga nangyayari. “Hanna’s the one he was making out with. Remember the girl wearing a red fitted dress?”
“Yeah. What about her?” kunot-noong tanong ni Liz.
“That’s Hannaconda. Isang ahas na nahuli kong nakalambitin at nakalingkis sa lalaking inaakala mong inosente at hindi gagawa ng kasalanan pero iyon naman pala ay isang dakilang manloloko‚” diretsahang sagot ni Bea at tinapunan niya ng nang-aasar na tingin si Edward na hindi na magkandaugaga makahanap lang ng palusot.
“Anong nakalambitin? At anong manloloko? Bea‚ ito ba ang paraan mo para ma-turn off ako kay Edward? Bea‚ naman! Nag-usap na tayo‚ hindi ba? And I thought you’re okay with it. But why are you making a fuss?” dismayadong tanong ni Liz.
Natulos sa kaniyang kinatatayuan si Bea dahil sa kaniyang narinig. Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa sinabi ni Liz. Siya pa ngayon ang lumalabas na masama? For goodness sake‚ she’s doing all these sh*ts because she care for Liz. And now‚ what? Is this what will she get after all the things that she have done for her? This is bullsh*t!
“What? I’m not making a fuss. And besides‚ I’m not doing this for you to turn him down. I’m just doing the right thing because I believe that you have the right to know what he’s been doing all along‚” Bea defended herself.
“E ano ‘yong ginawa mong pang-i-interrogate sa kaniya kanina habang namimili tayo ng mga damit?” nang-aakusang tanong ni Liz‚ dahilan upang umakyat lahat ng dugo ni Bea sa kaniyang ulo.
“That has nothing to do with this f*cking issue!” naiinis nang sigaw ni Bea.
Bea can’t believe it. Hindi niya matanggap na naniniwala si Liz na magagawa niyang manira ng tao para lang sa isang mababaw na rason. Pero kung ganoon talaga siya kababaw na tao‚ sana una pa lang ay ginawa niya na lahat ng alam niyang paraan para hindi na sina Liz at Edward nagkapalagayan pa ng loob. But she didn’t. Hindi niya ginawa ‘yon kahit pwedeng-pwede niya namang siraan kay Liz si Edward una pa lang dahil ayaw niyang may matapakan siyang ibang tao para lang maprotektahan niya ang taong mahalaga sa kaniya.
“It has! All of this is your way to slander him para ma-turn off ako sa kaniya at mapilitan akong layuan siya‚” giit ni Liz na mas lalong ikinasama ng loob ni Bea dahil kahit anong gawin niyang paliwanag at pagtatanggol sa kaniyang sarili ay ayaw pa rin siyang pakinggan ni Liz.
“What? Seriously? You think I’m doing this because of that d*mn reason? Come on‚ Liz. I’m way better than that. You know me‚ hindi ko ugali ang manira ng tao at gumawa ng kuwento‚” giit din ni Bea sa pag-asang malilinawan din si Liz at magagawa nitong makita ang katotohanang pilit pinagtatakpan ni Edward.
“Oo‚ kilala kita‚ Bea. Kilalang-kilala kita magmula pa pagkabata. Pero ngayon sa ginawa mo? Hindi ko na alam. Hindi na kita kilala. Ibang-iba ka na sa Bea na nakilala ko‚” dismayadong tugon ni Liz na may kasama pang pag-iling na tila ba hindi siya makapaniwalang magagawa ni Bea na magsinungaling para lang masunod ang nais nito na layuan niya si Edward.
Dahil sa mga sinabi ni Liz ay tuluyan nang nanlambot ang mga tuhod ni Bea. Ramdam na ramdam na rin niya ang pamumuo ng mga luha niya dahil sa mga masasakit na salitang binitiwan ni Liz na hindi niya inakalang maririnig niya mula mismo sa bibig ng kaniyang matalik na kaibigan.
Bea heaved a long sigh to calm herself and to restrain herself from saying anything that would hurt Liz’s feelings. Kahit naman nasasaktan na siya sa mga pinagsasabi ni Liz ay hindi niya pa rin maaatim na saktan din ito. Naiintindihan niya naman na ginagawa lang ito ni Liz dahil hindi nito alam ang totoong kuwento at hindi nito batid kung sino ba talaga sa kanila ni Edward ang nagsasabi ng totoo. She knows that Liz was just confused of what and who to believe.
“Liz‚ stop‚” pigil ni Bea kay Liz sa mahinang boses na halos bulong na lang sa hangin.
“Bakit‚ Bea? Nasasaktan ka? Sa tingin mo ba ay hindi nasasaktan si Edward sa ginagawa mong paninira sa kaniya? Ni naisip mo man lang ba kung anong nararamdaman o mararamdaman ni Edward? Wala na ba talagang ibang mahalaga sa ‘yo kundi ‘yang sarili mo? Hanggang kailan mo ba paiiralin ‘yang galit mo sa mga lalaki? Hanggang kailan mo ba balak ibunton sa iba ang galit mo sa ama mo?” sunod-sunod na tanong ni Liz na tila punyal na tumarak sa dibdib ni Bea.
Mas lalo pang bumigat ang dibdib ni Bea dahil sa mga binitiwang salita ni Liz. Hindi niya lubos na maisip kung bakit pati ang isyu niya sa papa niya ay nadamay. Alam naman ni Liz na ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ang taong nang-iwan sa kanila pero inungkat pa rin nito ang nakaraan na matagal na niyang naibaon sa pinakasulok ng kaniyang isipan.
“Liz‚ stop. Please...” pakiusap ni Bea kay Liz habang mariin na siyang napapapikit sa sobrang pagpipigil niyang tuluyang tumulo ang mga luha niyang kanina pa nagbabadyang bumuhos.
“Liz‚ it’s okay. Hindi mo na kailangang awayin si Bea‚” pigil ni Edward kay Liz na trying to be nice ang drama na mas lalong nakapagpatindi ng galit ni Bea dahil hindi maubos-ubos ang kasinungalingan ni Edward.
“No!” bulyaw ni Liz kay Edward bago muling tumuon kay Bea ang kaniyang atensyon. “Hindi ako titigil hangga’t hindi ka rin tumitigil diyan sa kahibangan mo. Bea‚ naman. Hindi mo pwedeng ibunton sa lahat ng lalaki sa mundo ang kasalanan ng ama mo.”
Mariing naikuyom ni Bea ang kaniyang kamao dahil sa labis na pagpipigil na huwag tuluyang kumawala ang emosyong pilit niyang ikinukulong sa kailaliman ng kaniyang puso. But she can’t take it anymore. Sobra na. Hindi niya na kayang magtimpi.
“I said stop! Okay‚ fine! Ipinagtatanggol mo ‘yang lalaking ‘yan? Mas pinaniniwalaan mo siya kaysa sa ‘kin? Then go! Magsama kayo!” nanggagalaiting sigaw ni Bea kay Liz.
Biglang nabaling kay Edward ang tingin ni Bea nang mapansin niya ang bigla na lang nitong pananahimik magmula nang may mamuong tensyon sa pagitan nila ni Liz.
“O ano‚ Edward? Masaya ka na? Masaya ka nang ikaw ang mas pinaniwalaan ni Liz kaysa sa akin na kaibigan niya?” sarkastikong tanong ni Bea kay Edward pero wala siyang narinig na kahit ano mula rito kaya muli niyang ibinaling ang atensyon niya kay Liz. “At ikaw naman‚ Liz. Sana hindi mo pagsisihan ang naging desisyon mo. Sana hindi mo pagsisihang mas pinili mo ang ibang taong nito mo lang nakilala kaysa sa kaibigan mong kasa-kasama mo mula pagkabata‚” huling sinabi niya kay Liz saka mapait siyang ngumiti. Ngiting punong-puno ng sakit at frustration dahil sa naging desisyon ni Liz.
Hindi na kinaya pa ni Bea na tumagal sa lugar na ‘yon habang tila pinagkakaisahan siya ng mundo kaya mas pinili niya na lamang ang umalis. Pero hindi niya inaasahang susundan siya ni Liz hanggang sa labas ng mall.
“Bea‚ sandali!” pagtawag ni Liz kay Bea pero binalewala lamang ito ni Bea.
Sa halip na tumigil ay mas lalo pang binilisan ni Bea ang kaniyang paglalakad patungong kalsada para mag-abang ng taxi. Nais niyang umalis na ng mall upang pumunta sa isang lugar kung saan maaari siyang umiyak at ilabas lahat ng frustrations niya. Gusto niyang ilabas ang halo-halong emosyong nararamdaman niya upang bigyang-laya ang sarili niya. Pero hindi niya iyon magagawa sa mismong lugar na kinaroroonan niya kaya nais niyang makaalis na sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon habang nakokontrol pa niya ang sarili niyang emosyon at habang hindi pa tuluyang bumubuhos ang luha niya sa mismong harapan ng taong dahilan ng pagluha niya.
Bea’s face lit up when she saw a cab from afar. Agad niya itong pinara at nang akmang bubuksan niya na ang pinto ng kotse ay may bigla na lang humigit sa kamay niya kaya hindi niya na natuloy ang pagbukas nito.
Inis na binalingan ni Bea ng tingin ang taong may hawak sa kaniyang kamay ngunit agad ding nawalan ng emosyon ang kaniyang mukha nang magtagpo ang mga mata nila ng may-ari ng kamay na nakahawak pa rin sa kaniya na walang kundi si Liz. Nang makita niyang si Liz ang may hawak ng kamay niya ay agad niyang binawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito.
Tatangkain sana ulit ni Bea na buksan ang pinto ng kotse nang muling higitin ni Liz ang kaniyang kamay.
“Bea‚ ano ba! Mag-usap nga tayo!” inis na singhal ni Liz kay Bea.
“Mag-usap? Para saan pa?” malamig na tanong ni Bea na ngayon ay mas kalmado nang magsalita kaysa kanina ngunit sa loob-loob niya ay hindi pa rin nababawasan ang kaniyang galit at frustrations.
“Let’s fix this‚” mahinang sagot ni Liz.
Walang buhay na tumawa si Bea dahil sa sinabi ni Liz. “Para saan pa? E sarado na ‘yang utak mo. Saka kahit ano namang paliwanag ko‚ siya at siya pa rin ang paniniwalaan mo. Kaya ba’t pa ako magsasayang ng laway ko?” puno ng sarkasmong tanong ni Bea.
“Bea‚ please—”
“Saka hindi ba ikaw na rin ang nagsabi? Puro paninira lang ang lumalabas sa bibig ko kaya mas mabuti pang balikan mo na lang iyong Edward na ‘yon at siya ang hingan mo ng paliwanag dahil sa kaniya ka naman nakikinig. Para sa ‘yo‚ siya ‘yong nagpapakatotoo at siya ‘yong saglit mo pa lang nakikilala ay buo na agad ang tiwala mo. Kaya sige na‚ bumalik ka na ro’n bago pa siya mainip at bumalik doon sa Hanna na ‘yon‚” pagtataboy ni Bea kay Liz saka niya kinuha ang kamay ni Liz at pinahawak dito ang shopping bags na kanina pa niya bitbit. “Here. Ikaw na ang magbitbit nito. Baka kasi sirain ko rin.”
“Bea—”
Sa muling pagkakataon ay hindi ni Bea hinayaan na matapos si Liz sa sana’y sasabihin nito. Sobra na siyang nasaktan at hindi niya na gugustuhin pang makarinig ng anumang masakit na salita mula sa matalik niyang kaibigang higit pa sa kapatid ang kaniyang turing.
“I’m sorry if I made a fuss. You can now go back to your date‚” paghingi ni Bea ng tawad kay Liz bago siya nagmamadaling pumasok ng taxi at iniwan na ito.
“Saan po tayo‚ ma’am?” magalang na tanong ng driver nang sandaling makapasok si Bea ng taxi.
Hindi alam ni Bea kung epekto ba ito ng mabibigat niyang paghinga o talagang ayaw lang niyang magkita sila ni Liz sa apartment kaya nasabi niya ang lugar na kailanman ay hindi niya pinangarap na puntahan.
“Kheinetic Hospital‚” Bea uttered absentmindedly.
Nang sandaling umandar ang kotseng sinasakyan ni Bea ay agad na nag-unahan sa pagtulo ang mga luha niya na kanina pa niyang pilit pinipigilan. Buong biyahe ay wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak upang ilabas ang lahat ng sama ng loob niya at lahat ng sakit na naipon sa dibdib niya.
A/N: Sorry for the bad words. Hindi talaga maiwasan lalo pa’t nagkakainitan na sila😂 Anyway‚ feel free to leave your comments below. At kung nagustuhan ninyo ‘tong chapter na ‘to‚ click the vote button😉 Kamsahamnida💕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top