Chapter 8
Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Zero. Alam ko na tama siya, pero masisisi niya ba ako? Kung tanggap lang nila ako. Kung hinayaan lamang nila noong una pa lang. Hindi sana bababa ang tingin ko sa sarili ko.
Marami akong pangarap. Marami akong gustong abutin. At dahil sa sobrang baba ng tingin ko sa sarili ko, tinanggihan ko lahat ng oportunidad na lumalapit sa akin noon. Parang may bumubulong sa akin na huwag tanggapin kasi hindi karapat-dapat iyon sa akin.
Gusto ko lang ay makapagtapos, makabawi kay Mama at sa mga kapatid ko. Pero nasaan sila? Nagtatago sa akin.
Nang makabalik ako sa classroom namin ay pag-irap ni Maegan ang bumungad sa akin. Natigilan ako saglit bago ako nagpatuloy sa pagpasok at saka umupo sa aking upuan.
Huminga ako nang malalim at inayos ang blazer at yumuko na lamang.
**
“Uy!”
Humigpit ang kapit ko sa notebook ko nang may kumalabit sa akin. Nang binalingan ko ito ay naibaba ko ang tingin ko.
“Takot ka ba sa akin?” May lungkot sa kanyang boses nang tinanong niya iyon. “Hindi naman ako nangangagat.”
Napalunok ako lalo na nag naglahad siya ng kamay sa akin.
“Ako nga pala si Elyka.”
Ngumiti siya sa akin. Umawang ang labi ko at saglit na napatingin sa kanyang gummy smile at putting-puti na ngipin. Napalunok ako.
“Hi!” Sinilip niya ako. “Okay ka lang?”
Nasa may hallway kami at kami lang dalawa ang nakatayo rito.
I am not comfortable. Hindi ako sanay na may tumatrato sa akin nang mabuti. Bukod kay Ma’am Hillary at sa iba pa na nasa bahay ay wala na.
Humigpit lalo ang hawak ko sa notebook ko.
Malungkot siyang lumabi. “Pasensya ka na, ah. Wala naman akong masamang balak sa iyo. Pasensya na talaga kay Maegan at sa iba pang kaklase. Mas mabuting huwag mo na lamang sila papansinin.”
Napalunok muli ako.
Nang nakita niyang hindi ko tinanggap ang kamay niyang nakalahad ay unti-unti niya itong binaba at napakamot siya sa kanyang buhok gamit ang isang kamay.
Bigla akong nakonsensya. Gustong-gusto kong tanggapin pero natatakot ako.
Ngumiti siya sa akin at tumikhim. “Sama ka ba sa akin sa canteen?”
Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Nakita ko na mas lalo siyang ngumiti.
“Ako lang naman mag-isa,” agad niyang sabi.
Akmang tatanggi muli sana ako ngunit nagulat na lamang ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at bahagyang niyugyog. Ngumuso siya.
“Sige, na. Hindi mo naman ako kaaway. I want to be your friend.”
Napalunok ako.
Naalala ko tuloy ’yong makulit na babae noong elementary. Pareho sila ng ugali. Pareho silang makulit.
“Sige na…” pamimilit niya pa. “I am not going to do anything. And Zero is with us…”
Natigil ang isang lalaki na lalagpas na sana kami at gulat kaming nilingon. Umawang ang labi ko nang napansin ko na naka-jersey lang siya.
“What?” Palipat-lipat ang kanyang malamig na mata sa amin. Napayuko agad ako nang sa akin na siya nakatingin. Naalala ko ulit ang kanyang mga sinabi kanina. “I am busy, Elyka.”
“Please, Zero! I want to be her friend. You know her, right?”
Kumirot ang puso ko. Bakit ko ba pinipigilan ang sarili ko sa lahat? Kasi na-trauma na ako.
Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Zero. “Alright.”
“Yay!” tili ni Elyka at umaasang napatingin sa akin. “Sama ka, ah?”
Wala na akong magawa kundi ang magpahila sa kanya.
**
The school never disappoint the students. Ang ganda lalong-lalo na ang canteen nilang sobrang lawak at linis.
Ang aking mata ay nasa sahig lang ang tingin dahil sa pinagtitinginan na kami ng ibang istudyante. Siguro nasa isip nila, bakit may kasama silang weirdo?
Kinagat ko ang ibabang labi ko at bumuga ng hangin.
Nang nakarating na kami sa isang vacant table ay nagulat pa ako nang pinaghila ako ni Elyka ng upuan.
Ngumiti siya sa akin bago siya naunang umupo. Narinig ko ang mahinang reklamo ni Zero bago siya umupo sa tapat ni Elyka. Pareho silang tumingala sa akin.
“Sit down,” ani ni Elyka sabay tapik sa upuan.
Tamad namang umiwas ng tingin sa akin si Zero.
“Sit down or I will drag you myself.”
Umawang ang labi ko. Napakurap-kurap naman si Elyka at napatingin siya kay Zero.
“You will do that, Zero?” hindi makapaniwalang tanong ni Elyka. “How harsh.”
Bumuntonghininga na lamang ako at hindi na mag-inarte. Ngayong araw lang naman siguro ito. Hindi naman ito palagi.
“Tsk.”
Nang nakaupo na ay yumuko ulit ako.
“Chin up, please!” narinig kong sabi ni Elyka.
“Stop it, Elyka. She’s like that because of her teeth.”
Namilog ang mata ko sa diretsahang sabi ni Zero. Hindi makapaniwalang nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatingin na siya sa akin at wala akong nakikitang pagsisisi sa kanyang mga mata.
Narinig ko ang mahinang pagsinghap ni Elyka. Akala ko ay tatawa siya o huhusgahan niya ako, pero hindi. Nagulat na lamang ako nang inusog niya ang kanyang upuan at binigyan niya ako ng isang yakap.
Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa kanyang ginawa. Bumigat ang puso ko dahil sa gaan ng kanyang yakap. Nanubig ang mata ko dahil sa kakaibang nararamdaman.
“Are you shy because of that?” mahinhin niyang tanong habang yakap-yakap pa rin ako. Nakita ko na ngumiwi si Zero at nag-iwas ng tingin. “You think I will bully you because of that?”
Napapikit ako nang tumulo ang luha ko.
“It’s just a teeth. It can be fix, you know,” patuloy niya. “You’re a great person.”
Pinunasan ko agad ang luha ko nang kumalas siya. Ngumiti siya ng malaki sa akin at bumalik sa kanyang puwesto. Binalingan niya si Zero.
“So, what about it, Zero?” tanong ni Elyka at nagtaas ng kilay. “Wala namang perfect sa mundo. Kung gano’n ang ngipin niya, hindi problema ng iba iyon. At…” Nagulat ako nang hinawakan muli ni Elyka ang kamay ko. “Learn to accept your imperfection. Kapag natanggap mo na ganiyan nga, kahit ano pa ang sasabihin ng iba, hindi ka matitibag.”
Natahimik ako.
“Look at me.” Tinuro niya ang kanyang sarili. “Mukha ba akong perfect?”
Napatingin ako sa kanya nang matagal. Wala namang masama sa kanya, ah.
Nagulat muli ako nang inangat niya ang isa niyang kamay.
“Anim ang daliri ko sa isa kong kamay.” She grinned.
Napasinghap ako at pasimpleng binilang at nakita ko na anim talaga. Napalunok ako.
“I was bullied before back when I was in elementary,” pagkuwento niya sabay baba sa kanyang kamay. “I cried a lot. Ang sabi ng Mommy ko ay magpapa-surgery kami. Ipapatanggal.”
Nakinig ako sa kanya at nagtagal talaga ang tingin ko sa kamay niya na hindi niya tinatago.
“Pero hindi ako pumayag.” Ngumiti siya sa akin. “Kilala mo si Maegan, right? She used to bully me before. Kaklase ko siya noong elementary. Eleven fingers tawag niya sa akin noon. Naapektuhan ako sa sinabi niya noon, pero ngayon, wala nang epekto sa akin. At bakit? Because I accept myself.”
“And I slammed those people with achievements! But I never bragged about it. Kahit ganito kamay ko, I accepted as pianist,” dagdag niya. “Our imperfection will never be a hindrance if we accept who and what we are. Kapag natanggap mo na sarili mo, you will find peace.”
Parang tumatak na sa isip ko ang kanyang mga sinasabi. Nakaka-proud. Ang lakas niya. Magagawa ko rin kaya iyon?
“Hala, ngumiti!” tili ni Elyka at namimilog ang mata. “Ang ganda!”
Namula ang buong mukha ko at napayuko na lamang. Ngiti iyon na tipid. Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako.
“Omg! Smile like that! May dimples ka pala!” puri niya.
Smile iyon na hindi kita ang ngipin.
“Hey, Zero. Did you see it? She smiled! What the fuck? Omg!”
“Tsk…” At tumayo si Zero kaya pareho kaming natigilan ni Elyka. “Let’s now order. May practice pa kami.”
At hindi man lang niyang hinintay magsalita si Elyka at nauna na siyang pumila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top