Chapter 6
Nakayuko lang ako buong klase habang nakikinig sa mga guro. Nararamdaman ko kasi ang mariing tingin ni Zero sa akin. The way he stares at me, it looks like he is accusing me of something. More like, ano ang ginagawa mo rito? You don't belong in here.
Napabuntonghininga ako.
"Hi, new classmate!"
Bahagyan akong napalingon sa bandang gilid ko. Nakita ko ang isa kong kaklase na nakangiti habang ang siko ay nasa kanyang lamesa. Kinakaway niya ang kanyang magagandang daliri sa akin.
Napawi ang ngiti niya nang napagtanto niya na saglit lang akong tumingin at hindi man lang ngumiti. Ngumuso siya at ibinalik na lamang ang tingin sa ibang bagay. Kinagat ko ang ibabang labi at biglang nakonsensya.
Grade 10 na ako. Kailangan ko pa ng dalawang buwan upang makalabas sa buhay high school. Titiisin ko na lamang ang mga panghuhusga at pambu-bully. Sana wala iyon dito. Iyon lang ang tanging hinihiling ko sa panginoon sa tuwing ako ay manalangin. I prayed to him to give me a peaceful school year. Kahit hindi na kaibigan.
"Hi!"
Nang akmang lalabas ako ng classroom, napaatras ako nang bigla siyang sumulpot sa harap ko. Siya 'yong babaeng kumaway sa akin kanina. Nakangiti siya sa akin at wala siyang blazer. Mukhang hinubad niya. Medyo pareho kami ng mata dahil singkit ako. Mas maputi nga lang ako sa kanya at chubby cheeks siya. Makintab at maikli ang kanyang straight na buhok at medyo malapad ang noo. Over all, maganda siya.
Nang akma akong iiwas ay ngumuso siya at sinilip mukha ko. Napalunok ako.
"Uy, bakit hindi ka namamansin?"
Maliit at cute ang kanyang boses. Bagay na bagay sa boses at personality niya.
"Hindi ka rin masyadong nagsasalita," dagdag niya. "Okay ka lang ba?"
Nang bahagyan ko siyang tiningnan, kitang-kita ko ang concern sa kanyang mata. Hindi ko maiwasan ang mabaguhan. O baka pakitang-tao lang din ito gaya ng mga naging kaklase ko noon na mabait lang sa una?
"Elyka! Come here! Just ignore her!" sigaw ng isang maarteng babae na mapula ang labi. Nasa hallway na ito at mukhang inip na inip na.
Nilingon niya ito. "Just a minute, Dyea! I am trying to talk to her, okay?" Ibinalik niya ang tingin sa akin. "I am Elyka."
Umawang ang labi ko nang inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Napalunok ako at napatitig sa kanyang malinis at magandang kamay.
"Damn!"
Hindi ko pa nga tinatanggap ang kanyang kamay ay hinila na siya ng kanyang kaibigan papalayo sa akin. Kinagat ko ang labi ko at napayuko na lamang.
"Still the same?"
Napaangat ako ng tingin. Pareho na kaming nakaharang sa pinto ngayon. Umawang ang labi ko nang maharap ko si Zero. Ang laki ng ipinagbago niya. Tumangkad siya. May eye glasses siya, may head phone na nakasabit sa leeg niya at naka-uniporme siya.
Nag-iwas agad ako ng tingin. Hindi naman kami close para kausapin pa. At kaibigan niua si Paulo. Malay ko bang baka narito rin si Paulo. Nakakatakot.
"Are you still afraid?" He chuckled. "You can't gain friends if you are always like that, Anastasia."
Umawang ang labi ko nang sinambit niya ang ikalawa kong pangalan.
"You will never be able to fill the gap if you are always like that. It's been three years. Same problem, hmm?"
Nagbibinata na rin ang kanyang boses. At saka bakit niya ba ako kinakausap?
"You couldn't smile because of your teeth, right?"
Kumirot ang puso ko.
"That's why you're afraid," he concluded. "You're afraid that it will be the same thing as before."
Nanatili lang akong nakayuko. Tagos na tagos hanggang puso ang kanyang mga salita.
"There are still people who are still nice and accept whoever you are. You are just closing your door. You are just closing your heart for them. Anlayo mo. Teeth can be fixed. Good experience is a life time memory. Hinding-hindi masisira gaya ng ngipin mo ang magandang memorya. Good memories will remain good memories because you experienced it, and bad memories can be changed to good memories if you will work for it. Just like your teeth, it can be fixed."
That was the last thing he said before he walked away from the classroom. I closed my eyes and sighed.
Wala naman bullying na nangyayari sa unang klase ko. Katabi ko sa ibang subject ang babae at palagi niya akong kinakausap kahit hindi ko naman siya sinasagot.
"Bye, Blaizeree!"
Natigil ako sa paglalakad papalabas ng gate nang natanaw ko ang kaklase ko na si Elyka na nasa loob na ng Van. Nang nakita niyang tumingin ako, kinaway niya ang kanyang kamay bago niya isinara ang bintana.
Bumuga ako ng hangin at napailing na lamang.
***
"How is your first day?" tanong ni Ma'am Hillary nang nakauwi ako.
"Okay lang po..."
Nanliit ang kanyang mata. "You gained friends?"
Kinagat ko ang labi ko at hindi agad nakasagot. Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Ma'am.
"I told you, ipapa-check up na natin iyang ngipin mo para magkapostiso ka na."
"Saka na lang po."
Buntonghininga muli si Ma'am ngunit hindi na siya nagsalita. Dumiretso na ako sa kwarto ko upang makapagbihis na ng pambahay.
"Kaklase mo pala si Zero?" usisa sa akin ni Melody nang pareho kaming nasa kusina.
Ako ay naghuhugas ng pinggan at siya ay nagpupunas sa lamesa. Mahina akong tumango at sinara ang gripo.
"Talaga? Ang suwerte mo naman!" Humagikhik siya. "Pero, crush ko lang naman siya. Kung crush mo rin, okay lang para dalawa na tayo."
Bahagyang namilog ang mata ko. "H-Hindi ko siya gusto."
"Sus! Gwapo nga ni Zero, eh. Daming nagkagusto no'n kahit higher level," pagkuwento niya.
"Alam mo ba na napapasaya ko mga kaklase ko nang dahil sa ngipin ko?"
Natigilan ako at binalingan si Melody na nakangiti na ngayon habang nagpupunas sa lamesa. Nang napansin niyang nakatingin na ako sa kanya ay itinigil niya ang pagpupunas at nag-angat ng tingin sa akin.
Ngumiti siya sa akin. Kitang-kita ang kakulangan sa ngipin niya at namamangha at naiinggit ako na kaya niyang ngumiti ng ganiyan.
"Itong bungal sa gitna ko?" Tinuro niya ang ngipin niya. "Nagpapatawa ito ng tao. Hindi ako nahihiya, Blaize. Ginagawa kong entertainment ngipin ko kahit minsan masakit din masabihan na bungal, pangit, bampira, pero sanay na ako. Minsan kasi may purpose kung bakit may tao na nagkaganito."
Napatango ako. Pero paano ako? Ano ang purpose kung bakit ako nagkaganito? Nang dahil sa ngipin na ito, bumaba ang tingin ko sa sarili ko.
Bilib ako sa kanya kasi ang taas ng kompiyansa niya sa sarili niya. May confidence siya at hindi siya natatakot. Sana...Sana gano'n na lang din ako. Sana ang dali lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top