Chapter 5
"Pumupunta ka pa rin ba roon, hija?"
Ang matamis na boses ni Ma'am Hillary ang umalingawngaw sa loob ng Van. Nagboluntaryo siyang ihatid kaming dalawa ni Melody sa school kahit hindi naman kailangan. Katabi ko si Ma'am at hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa kanya.
"Minsan-minsan na lamang po," magalang kong sagot.
Nakayuko ako. Sa katunayan ay kinakabahan ako sa bagong school lalo na't sa school pala na iyon nag-aaral si Zero. Hindi na niya siguro ako makilala, o kung makilala man ay hindi naman niya siguro ako lalapitan.
Huling kita ko sa kanya ay tatlong taon na ang nakalipas. Pagkatapos no'n ay hindi ko na siya nakita.
Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Ma'am ang baba ko at iniangat paharap sa kanya. Ngumiti si Ma'am sa akin sabay haplos sa pisngi ko. Sumikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Nakikita ko si Mama sa kanya. Naaalala ko si Mama sa kanya. Hindi ko namalayan na nangingilid na pala ang luha sa aking mata.
"Bakit ka umiiyak? Miss mo na ba ang Mama mo?"
Tumango ako sabay punas sa luha ko. "P-Pasensya na po, Ma'am!"
Binitiwan niya ang baba ko sabay haplos sa buhok ko. "Huwag ka nang malungkot. Babalik din ang Mama mo. Sa ngayon, mag-aral ka muna nang mabuti. Huwag mo muna isipin ang nakaraan mo."
Tumango ako. Tama si Ma'am Hillary. Dapat hindi ko muna iiisipin ang nakaraan ko. Hindi ako dapat malugmok doon dahil may present at future pa.
"Saka kapag gusto mong ipaayos mo ang ngipin mo ay sabihin mo lang sa akin para magpa-check up tayo sa dentista, okay?"
Tumango muli ako. Ngumiti siya sa akin bago siya nanahimik. Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka napatingin na lamang sa bintana.
Roberto Academy High School. Ang bagong paaralan ko. Medyo malayo siya sa bahay ni Ma'am Hillary ngunit maganda siya at pangmayaman na paaralan. Hindi yata ako nababagay rito.
Matatayog ang mga building at sobrang ganda ng park nila nang madaanan namin. Malawak ang school at kailangan mo pa yatang sumakay para lang makarating sa ibang department.
I am wearing a white shirt with plain purple tie, dark violet blazer, a purple pleated skirt, long white socks, and black school shoes. Nakalugay ang aking mahaba at straight na buhok. May bangs na rin ako. Bumagay ang kulay ng uniporme ko sa maputla kong balat.
Napalunok ako nang nagsimula na akong ihatid ni Ma'am sa classroom ko.
Nakayuko lamang ako habang magkatagpo ang mga palad. Nasa Hallway na kami at kitang-kita ko kung paano ako tingnan ng mga istudyanteng tumatambay sa labas.
Bumilis ang tibok ng puso ko at napayuko. Nagulat ako nang hinawakan ni Ma'am ang palapulsuhan ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin.
"Relax. I am with you, Blaizeree," she said before she drifted her eyes towards the way.
Nang huminto kami sa isang pinto ay halos maubusan na ako ng hininga lalo na't pinagtitinginan ako ng mga istudyante. Sila yata ang magiging kaklase ko.
"Mrs. Smith! You're here!"
Binitiwan ng guro ang kanyang chalk at saka lumapit kay Ma'am. Abot hanggang tainga ang kanyang ngiti habang kaharap niya si Ma'am Hillary. Mukhang magkakilala sila.
"Thank, Liana. Hinatid ko lang ang alaga ko," she said and looked at me. "Ikaw ang adviser?"
Binalingan ako ng guro bago siya tumango kay Ma'am Hillary.
"Yes, yes!"
Binalingan ako ni Ma'am. "She was my working student back then, Blaizeree. Now, she's a professor in a prestigious school." She smiled.
Umawang ang labi ko at naibaling ko ang tingin ko sa magiging guro ko. Nakangiti na siya sa amin at nagsimula ring mag-ingay ang mga istudyante sa loob, mukhang naiinip na.
"So, I expect you to look after her, Liana. She's an introvert. I hope I will not getting a news of her being bullied."
Tumango ang babaeng guro. "Yes, Mrs. Smith!"
Ma'am Hillary smiled at me again. "I'll see you at home, Blaize. Enjoy your first day."
Tumango ako at saka iginiya na ako ng guro ko na maipasok sa loob. Natahimik ang lahat sa pagpasok ko. Curious ang kanilang mga mata. May iba ay nasiyahan, ang iba ay parang wala lang. Naririnig ko ang sariling puso ko.
"Class, you have a new classmate. Can you introduce yourself?"
Kahit lamig na lamig na ang kamay ko, tumango pa rin ako. Huminga ako nang malalim bago ako humarap sa kanila. Napalunok muli ako.
"I-I'm B-Blaizeree Anastasia Santos. I am fifteen years old. And..." Napasinghap ako nang nakita ko ang pamilyar na mukha. Kahit naka-eye glasses siya, kilalang-kilala ko pa rin kung sino ito. "...that's all."
Agad akong nag-iwas ng tingin nang bahagyan siyang tumingin sa harap. Kaklase ko siya? Kaklase ko si Zero? Napalunok ako at napayuko.
"Thank you, Miss Blaize." Humarap si Teacher Liana sa mga istudyante niya. "I hope you will treat your new classmate well. Blaize, you may sit at the back for a while kasi wala nang magandang puwesto. Hindi ba malabo ang mata mo?"
Nakayukong umiling ako. "Hindi po."
"Alright! You may go to your seat."
Tumango ako at agad-agad nagtungo sa aking puwesto. Para akong pinagpawisan kahit de-aircon naman ang classroom namin. Nakikita ko kasi sa gilid ng mata ko ang kanyang titig. Siguro ay kilala na niya ako. Hindi ko na lamang ito pinansin at ibinaba na lamang ang bag sa upuan ko sabay upo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top