Chapter 4
Until now, my heart is still beating so fast. Napakurap-kurap ako at ilang beses ako nagkawala ng hininga. Si Zero ba talaga iyon? Bakit siya narito? Hindi ba at hindi siya taga rito? Natakpan ko na lang ang mukha ko dahil sa hiya. Nabasa ko siya at kitang-kita ko ang iritado sa kanyang mukha kanina.
He asked me why I didn't attend. Bakit pa niya tinatanong? Maybe that was not for me. My Mom left me alone. Wala na akong lakas para um-attend pa.
"Hija, okay ka lang?" Ma'am Hillary asked. "Parang nakakita ka ng multo."
Her hair was still messy, siguro dahil kakagising niya pa lang. Ang aga niya pa lang magising?
"G-Good Morning po, Ma'am!" bati ko at napalunok. Hindi ko pa nga pala nasara ang tubig ng gripo.
"You're too early, hija! Ni hindi pa nga gising si Melody."
Ah, Melody pala ang pangalan ng isang working ni Ma'am.
"S-Sorry po," agad kong sambit. "N-Nasanay lang po ako na magising nang maaga."
She smiled and nodded. "Since you're here, can you prepare me a cup of coffee? Alam mo ba kung paano gumawa?"
Kalmado ang kanyang boses at tingin ko hindi ko mai-imagine na sumigaw siya dahil sa hinhin ng kanyang boses. Ang swerte ng napapangasawa niya.
"O-Opo, isasara ko muna po iyong gripo," sabi ko.
She smiled and nodded.
Agad akong umalis sa kanyang harapan. Sana hindi ko na makita si Zero ulit. Masyadong nakakahiya. Baka naman may kaanak lang siya rito kaya siya nando'n. Sana may extra T-shirt pa siya para naman hindi na ako masyadong ma-guilty.
Nagpalinga-linga ako bago ako nagtungo sa may gripo. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi ko nakita si Zero.
"Hey!"
Napasigaw ako sa gulat. I even put my hand on my chest. Hinihingal kong binalingan ang may-ari ng boses na iyon.
Sumalubong sa akin ang malamig na tingin ni Zero sa akin. His hair was wet and he already changed clothes. Thank God!
"Um..." I bowed down. "I'm sorry, hindi ko sinasadya..."
"Why are you here?" he asked.
Kinagat ko ang labi ko at hindi ko siya magawang sagutin dahil ano naman ang isasagot ko.
"You were called as the valedictorian pero hindi ka dumating. Such a waste," I heard him say before he turned his back on me.
My chest tightened because of what he said. Masisisi niya ba ako? My mother left me with my siblings. Sobra-sobra na ang natamo ko. Wala na akong ganang um-attend. Walang proud sa akin. Walang palakpak sa akin. Pagtatawanan lang ako dahil sa pangit ang ngipin ko.
My eyes watered pero hindi ko hinayaan na mahulog iyon. Agad ko itong pinunasan at bumalik na sa loob na may dalang bigat sa dibdib.
Marami ang nangyari sa buhay ko. Buwan-buwan, binabalikan ko ang dating bahay namin, nagbabaka-sakali na babalik sila Mama. Nagbabaka-sakali na babalikan nila ako. Umabot ng taon hanggang sa magtatlong taon na ang nakalipas, wala na akong balita sa kanila.
I endured the pain. I closed the gap. Para akong walang buhay habang nag-aaral. sa Tatlong taon, naging mabuti sina Manang Imelda at Ma'am Hillary sa akin. Sa sobrang pag-aalala niya sa akin, inilipat niya ako ng school. Siguro nararamdaman niya na hindi ako masaya at kumportable sa school na iyon.
Paulit-ulit.
Iyon palagi ang binabato ng mga walang ambag sa buhay ko. Ang punain ang kakulangan ko. I clenched my fist as I looked at myself in the mirror.
3 years had passed, wala pa ring ipinagbago, bungal pa rin ako. Ma'am Hillary told me na magpa-postiso ako, pero sabi ko saka na kapag nakita ko ang Mama ko, para siya ang makakita sa unang pagngiti ko.
"Wow, lilipat ka na sa school ko?" maligayang tanong ni Melody sa akin.
Si Melody ay working student ni Ma'am Hillary. Siya ang naging kaibigan ko. Siya ay Grade 11 student sa isang private school sa kabilang bayan.
"Oo..." Natigil ako sa pagpupunas sa bintana. "Lilipat ako."
"Mabuti! Nang may makasama na ako sa pagpasok!" aniya.
Tumango ako at pinagpatuloy na lamang ang aking ginagawa.
"Uy, huwag ka ngang simangot diyan!" Ngumisi siya sa akin. "May bungal din naman ako, Blaize! Binu-bully rin ako dati, pero hindi ako nagpadala. Maganda kaya ako at kahit may bungal ako, puwede pa naman ito maaayos, mga ugali nila, imposible!"
Kumirot ang puso ko. How can I be comfortable with my teeth? It was full of traumatic memories. Naalala ko lang ang dati. It's better to stay this way. It's better to stay away from people. Kahit mabait itong si Melody ay naiilang pa rin ako sa kanya.
I just don't trust people. Sa tuwing may ngingiti sa akin, natatakot ako na baka may masabi sila tungkol sa ngipin ko.
"Hay, makikita ko na naman si Zero bukas," aniya at buntonghininga niya.
Namilog ang mata ko. "H-Ha?" Binalingan ko siya.
Natatawang hinarap niya ako. "Huh? Okay ka lang?"
Napalunok ako at umiwas ng tingin. "S-Sino si Zero?"
"Crush ko!" she giggled. "Player ng basketball sa school ko! Ka-batchmate mo yata at saka 'yong katabi ng bahay ni Ma'am Hillary ay bahay ng Daddy niya!"
Napasinghap ako. Kaya pala...
"Pero nasa ibang lugar sila nakatira. Minsan-minsan lang sila diyan sa bahay ng Daddy niya. Broken family, eh."
Napapikit na lamang ako. Iniiwasan ko ang mga taong isa sa mga naging dahilan ng masamang alaala ko noong elementary. Wala man siyang ginawang masama sa akin noon, hindi pa rin maipagkaila na maaalala ko pa rin iyon. Sana lang ay hindi ko na siya makita pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top