Chapter 23
“Ladies and Gentlemen, welcome to the 33th English Festival of Roberto…”
“Good Luck!”
Naibaling ang atensyon ko kay Maegan na ngayon ay ngising-ngisi sa akin. Si Samantha naman na nasa kanyang likuran ay umiirap sa akin.
“Saan mo ba napulot ang boy na iyon, Blaizeree? You know, hindi kayo bagay,” medyo agresibong sambit ni Samantha sa akin.
Hindi ko siya sinagot at ibinalik na lamang ang tingin sa stage ang atensyon.
“Hindi niya iyon napulot, Samantha. Si Zero ang mismong lumapit sa kanya. Classmate daw sila noong elementary…”
“Still, akala ko pa naman mae-enjoy ko ang pagpunta ko rito, Maegan. It looks like the vampire has already found a friend. Not to mention that they are supportive.”
“Duh, Elyka? Just ignore her.”
“Elyka? Was she your friend before?”
“Enemy, bitch.”
“Oh…”
Huminga ako nang malalim. Focus tayo dahil baka malalagot ako nito kay Zero. Kahit malayo siya sa puwesto ko ay ramdam na ramdam ko pa rin ang kanyang nakakamatay na titig. Kinuyom ko ang kamao ko. Paano ko ba pahuhupain ang kaba na ito? Hindi pa nga nagsisimula ay ganito na ang nararamdaman ko. Samantalang si Maegan ay kalmado lang sa kanyang puwesto at nakipagtsikahan pa sa kanyang kaibigan. Ganoon din ang iba, kalmado. Ako lang yata ang hindi mapakali rito.
Isang oras yata ang naging opening ng program dahil may isang speaker na sobrang daldal. Muntik na akong makatulog, mabuti na lang ay natapos na. Hindi ko maiwasan ang pasalamatan ang kung sino man ang speaker na iyon dahil nabawasan ang aking kaba sa dibdib.
“Good luck,” sambit ulit ni Maegan sa akin at plastic siyang ngumiti. “Alam kong kaya mo. Ipakita mo kay Samantha na hindi ka na ’yong dati. Kung kaya mo…” At tumayo na siya sa kanyang kinauupuan.
Huli ko nang na-realize na nagsisimula na pala ang contest at bumalik ulit ang kaba na nabawas sana kanina. Naiwan naman si Samantha na may ngiti na sa labi.
“Kahit lumipat ka pa ng ilang school, wala pa rin talagang tatanggap sa isang bungal,” mahina niyang sambit at saka sumandal siya sa kanyang upuan na may ngiti sa kanyang labi. “Good luck, huwag mo sanang kainin ang mikropono.” At humagikhik siya.
Kumuyom lalo ang kamao ko at hindi na lamang siya pinansin. Huminga na lamang ako nang malalim at saka pilit na ikinalma ang sarili. Sinundan ko ang mga lakad ni Maegan hanggang sa nakatungtong na siya sa stage. Siya pala ang mauuna. Nanlamig lalo ang kamay ko.
“You know, magaling si Maegan. Perpekto at maganda. Tingin mo ay mananalo ka? Masyado kang ambisyosa—”
Hindi natapos si Samantha sa kanyang pagsasalita nang bigla na lamang sumingit si Zero sa harapan namin at siya ang pumalit sa puwesto ni Maegan kanina. Gulat na gulat ang mata ni Samantha at mahinang napaatras.
“Can you stop pestering her?” agresibong tanong ni Zero at diretso ang kanyang tingin kay Samantha.
Kita ko ang takot sa mata ni Samantha at ang ilang beses niya na paglunok. Hindi ko rin magawang sawayin ang lalaking ito dahil sa emcee na nagsasalita na sa harap. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang atensyon ko,kay Zero ba na sobrang sama na ang tingin kay Samantha o sa harapan kung saan magsisimula na. Pero sa huli, pinili ko na lamang na ibaling ang atensyon sa harapan at hayaan si Zero sa gusto niyang gawin.
Ibinigay na ng emcee ang microphone kay Maegan at taas-noo itong humarap sa aming lahat habang may ngiti sa labi. Pinabunot din siya ng papel kung saan ang mabubunot niya ang kanyang ide-deliver.
“You may start now,” sambit ng emcee at saka umatras.
Taas-noo namang binasa ni Maegan ang kanyang nabunot at saka niya ito nilukot sabay harap sa aming lahat.
“Love…”
Umawang ang labi ko at natahimik ang lahat nang nagsimula na siyang magsalita. Wala akong naramdaman na kaba sa kanya at talagang may kompiyansa siya sa kanyang sarili. Love ang kanyang nabunot at nai-deliver niya ito nang walang halong kaba at utal sa loob ng isang minuto. Palakpakan ang namumuo sa bung covered court na nang siya ay natapos. Marami pa ang mga sumali na tinatawag at kinakabahan ako dahil papaubos na sila at matagal pa ang akin. Si Zero ay nanatili lang sa tabi ko habang seryosong nakinig sa mga nagsasalita sa harapan. Si Elyka naman at si Elliot ay nasa puwesto pa rin nila kanina.
“And now, Contestant Number 15, Blaizeree Anastasia Santos…”
Nanlamig ako at halos hindi makahinga. Nang nakatingin na ang iba sa akin ay wala akong magawa kundi ang tumayo. Nang binalingan ko si Zero ay sumenyas siya na magtungo na ako. Napalunok ako at tumango. Huminga ako nang malalim at saka unti-unting umakyat patungo sa stage.
Nanginginig ang kamay ko sa kaba lalo na ang mga tao na nasa covered court na ito ay biglang tumahimik at kuryoso akong tiningnan. Tatawanan ba nila ako gaya ng dati? Napalunok ako.
“Go, Blaizeree!” Isang sigaw mula kay Elyka ang nagpagising sa aking kahibangan.
Nang binalingan ko ang kanyang puwesto ay umawang ang labi ko sa gulat nang nakita ko si Ma’am Hillary at saka si Melody sa tabi ni Elyka.
“Kapag hindi ka talaga magsasalita riyan ay hihilain talaga kita pababa,” si Zero na ngayon ay nakabukaka nang nakaupo habang mariing nakatingin sa akin.
Napalunok ako at saka nagbunot na sa bowl.
“Kinakabahan ka ba?” tanong ng emcee. Naka-microphone pa siya kaya naririnig ng lahat ang kanyang tanong. “Normal lang ang kabahan pero huwag na kasi hindi naman nangangagat ang mga tao rito.” At ngumiti siya sa akin.
Nang nakabunot na ako ay umatras na siya. Humarap naman ako sa maraming tao. Tahimik sila habang hinihintay nila akong magsalita. Ibinaba ko ang tingin ko sa papel at nang nabasa ko ito ay umawang ang labi ko at parang sinaksak ang puso ko sa nabasa.
Mother…
“Hija, you may start now. Isang minuto lang…”
Tumango ako at nanginginig na hinawakan ko ang microphone sabay singhap.
“Go, Blaizeree!” malakas na sambit muli ni Elyka sa malayo sabay palakpak. “Kaya mo iyan! Nandito kami!”
“Go, hija!” si Ma’am Hillary habang ang kanyang mga palad ay nasa magkabilang gilid ng kanyang bibig. “Huwag kang kabahan. Diretso lang.”
Parang may humaplos sa puso ko. Ang sarap sa pakiramdam. Parang nabawasan ang kaba ko dahil sa kanila.
“M-Mother…” unang bigkas ko.
Namilog ang mata ni Zero at napaayos pa siya ng upo nang narinig niya ang topic ko. Huminga ako nang malalim, pumikit saglit at saka humarap na sa maraming tao.
“Mother is c-considered as our light in our dark house,” panimula ko, napalunok at pilit na mag-iba ng direksyon ng tingin habang ang aking kamay ay pasimpleng gumagalaw. “They are the one who take good care of us…who feed us…who guide us…who teach us…and who loves their children without limit. They are the best person in the world. Their love for us is irreplaceable. T-They n-never abandoned us.” Napaos ang boses ko sa huli kong sinabi.
Humarap muli ako sa madla at pilit ipinakita ang aking sariling kompiyansa. Wala na akong pakialam. Sumisikip ang dibdib ko dahil naalala ko na naman si Mama.
“I have a Mom…She’s very h-hardworking and she loves us…Despite the fact that she was the only one who took care of us—three children in all, without a husband by her side, she remained strong…I m-missed her and I wanted so bad to see her again.” Namuo ang luha sa aking mata.
Hindi na yata ito impromptu, eh. Pero gusto ko lang maibahagi ang gusto kong ibahagi.
Suminghap ako. “Mother cannot be replaced…and we should not disrespect them. We should love them because they love us. We should not do things that could upset them…”
Tumulo na ang luha sa aking mata pero nagpatuloy pa rin ako. “Ma, wherever you are, I am not mad at you. I will always wait for your return…I will always…” Namilog ang mata ko nang nahagip ko ang pagpasok ng isang babae kasama ang dalawang batang lalaki. Napangiti ako at mas lalong napaluha. Pumalakpak siya nang nakita niya ako sa stage.
“A-And she’s here…” Nagsinghapan ang mga audience. “My Mother is here and…we should not let anyone harm them because they are precious, and I would like to say for the last time that, without a Mom in our home, our home is colorless, and that’s all, thank you.”
Sa pagbaba ko sa aking mikropono, hindi ko akalain na biglaan na lamang silang magtayuan at pumalakpak sa akin. Hindi mawala ang paningin ko kay Mama na umiiyak na habang nasa tabi niya ang mga kapatid ko. Hindi iyon best, pero nagpapasalamat ako kasi naagapan ko iyon.
Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at ibinigay na sa emcee ang microphone.
Hindi na mapawi-pawi ang ngiti sa aking labi dahil sa saya na aking nararamdaman. Nagtagumpay ako…Nagawa ko…
Nang bumaba na ako sa stage ay agad-agad tumakbo patungo kay Mama at niyakap siya ng mahigpit.
“Ma…” Hagulhol ko.
“Anak, proud na proud ako sa iyo. Nagawa mo…Nagawa mo…” Nang kumalas siya sa yakap ay hinawakan niya ang mukha ko. Pareho na kaming lumuluha ngayon. “P-Proud na proud ako sa iyo, anak. Patawarin mo si Mama, ha…”
Tumango ako. “Ma…”
Ngumiti siya sa akin. “Hindi ko akalain na may mabubuti kang kaibigan. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko makita ang anak ko na nasa stage. Ang ganda mo anak…Ngumingiti ka na…”
Pinunasan ko ang sarili kong luha at yumakap muli sa kanya. “Mahal na mahal kita, Mama.”
“Mahal na mahal din kita, anak…”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top