Chapter 17

“Okay ka na ba?”

Tumango ako sabay punas sa aking luha na meron pa rin. Nakaupo na ako sa kahoy na upuan at siya naman ay nakatayo habang nakapamewang.

“P-Pasensya na at nabasa ko ’yong damit mo.”

“Silly. It’s alright, Anastasia.”

Nanindig ang balahibo ko nang tinawag na naman niya ako sa ikalawang pangalan ko. Lumunok ako at saka tumikhim. Nang nag-angat ako ng tingin sa kanya ay agad niyang tinanggal ang kanyang kamay sa kanyang bewang.

“Are you hungry? Bibilhan kita ng pagkain.”

Umiling ako sa kanya. “Hindi na. Hindi ako guto—” Natigil ako sa pagsasalita nang biglang kumalam ang sikmura ko at rinig na rinig iyon ni Zero.

Parang gusto ko na lang magpabaon sa lupa dahil sa kahihiyan lalo na nang mahinang humalakhak si Zero at yumuko upang mai-level ang kanyang mukha sa akin.

“Hindi ka talaga gutom, huh?” He chuckled. Ngumiti pa siya kaya mas lalo lang ako yumuko dahil sa hiya.

“Sige, bibili ako. Don’t worry. Hindi naman ako magtatagal,” aniya.

Tumango lang ako at mariin ko nang kinagat ang ibabang labi ko na halos dumugo na ito. Narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga at ang paglakad niya palabas ng bahay. Nakahinga ako ng maluwag.

***

Habang wala pa si Zero ay naisipan ko na magtungo sa kuwarto ko na may alikabok na rin. Binuksan ko ang ilaw at saka nagpalinga-linga. Ang lungkot. Mag-isa na lamang ako sa bahay na ito.

Dala-dala ko ang envelope na ibinigay sa akin ni Aling Kosing kanina. Dumiretso ako sa may lamesa kung saan may nakapatong na salamin doon. May alikabok na rin ito kaya inilapag ko muna ang envelope sa lamesa at saka lumabas ng kuwarto upang kumuha ng basahan. Bumalik agad ako at sinumulang punasan ang lumang salamin at ang lamesa. Napaupo pa ako nang nakaamoy ako ng alikabok.

Nang nalinis ko na ang salamin ay natulala ako saglit. Mahaba ang buhok ko, may bangs at malungkot ang mukha. Iyon ang nakita ko sa salamin ngayon. Kumirot ang puso ko at unti-unti kong hinila ang stool upang makaupo.

Natatakot ako na humarap sa salamin kasi naalala ko ang mga alaala na pilit kong binabaon sa limot. Yumuko ako at saka nanginginig na hinawakan ang envelope. Ano kaya ang laman nito?

“M-Ma…” Pumiyok ang boses ko at nagsimula na namang tumulo ang luha ko. “Bakit?”

Suminghap ako at saka pinunasan ang luha gamit ang kamay at saka bumuntonghininga. Napalunok ako nang unti-unti kong binuksan ang envelope at halos mahulog ako sa stool na inuupuan ko nang nakita ko kung ano ang laman. Napakurap-kurap ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

“P-Pera…”

Nanginginig ang kamay ko na inilapag ang pera sa lamesa at nakita ko na iilang libo ito. Namilog ang mata ko nang nabilang ko. Twenty thousand?

Ma, saan ka nakakuha ng pera na ito? Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at naghanap pa ako sa envelope at nagbabakasakali na may iba pa siyang inilagay. Natigil ako nang nakita ko ang isang papel. Kinuha ko ito at saka tiningnan. Napalunok ako.

Kahit hinahabol ko na ang sariling hininga ko ay nagawa ko pa ring buksan ang nakatuping papel. Pigil-pigil ang hininga ko dahil natatakot ako sa malalaman. Miss na miss ko na ang Mama ko. Ang mga kapatid ko. Bumalik pala siya rito. Bakit hindi niya ako hinanap? Bakit hindi siya nagtanong kay Aling Kosing kung nasaan ako? Bakit may pera? Ano ang gagawin ko sa perang binigay niya kung wala sila sa tabi ko.

Hindi na ba nila ako miss? Kasi ako, araw-araw ko silang nami-miss. Araw-araw akong nagdarasal na sana magkita na ulit kami. Na sana magkasama na ulit kami. Iyon lang naman ang hinihiling ko, eh. Wala na akong paki kung hindi kami makakakain ng wasto basta magsasama lang kami. Pinunasan ko ang luha sa aking mata bago ko binasa ang nakasulat na nagpasikip sa dibdib ko.

Hija, anak. Kumusta ka na. Siguro ang laki at ang ganda mo na ngayon. Siguro marami ka nang kaibigan at sigurado ako na nakakain ka nang wasto ngayon. Anak, pasensya na sa pag-iwan. Hindi ko hinihiningi ang kapatawaran mo pero paulit-ulit akong magso-sorry. Ang dami kong pagkukulang. Kinailangan kitang iwan dahil para sa kaligtasan mo na rin naman ito. Anak, wala akong magawa. Ipinakasal ako sa isang Amerikano at nasa iisang bubong na kami. Binayaran niya ang utang natin at mabuti siyang tao. Anak, siguro galit ka na sa akin, o naiinis. Pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita. Hindi ako magsasawang sabihin iyon sa iyo kahit sa sulat man lang ito. Kahit hindi mo ramdam ang pagmamahal ko, paulit-ulit kong isusulat na mahal na mahal kita at proud ako sa iyo.

Anak, iyang pera na iyan. Gusto ko ulit makita ang mga ngiti mo. Gusto kong maging masaya ka at gusto ko na hindi na mahihiya. Gamitin mo ang pera na iyan sa sariling kasiyahan mo, anak. Wala pa akong lakas ng loob na harapin ka pero kapag may lakas na loob na ako, babalikan kita at yayakapin ng mahigpit. Sa ngayon, kaunting tiis muna anak. Pasensya na. Sana sa pagkikita natin, suot muna ang napakaganda mong ngiti sa iyong labi.

Nagmamahal,

Mama

Napatakip ako sa aking bibig matapos kong basahin ang nasa papel. Tumulo ang luha ko sa papel kaya nabasa ito. Dahil ayokong mabasa ang papel ay tinakpan ko na lang ang mukha ko at tahimik na humahagulhol.

Nagpakasal siya sa isang Amerikano? Saan niya nakilala iyon? Napilitan ba siyang magpakasal o mahal niya talaga? Mama naman, eh…

Nang humina na ang pag-iyak ko ay humarap ako sa salamin. Gulong-gulo na ang buhok ko at buong mukha ko ay basa dahil sa luha na tumutulo. Naaawa ako sa sarili ko. Sinubukan kong ngumiti. Nanginginig ang bibig ko dahil hindi ko talaga kayang ngumiti sa harap ng salamin. Huminga ako nang malalim.

Face your fear, ika nga nila.

Pumikit ako saglit at nang magmulat ay ngumiti ako na may luha pa rin sa aking mga mata. Ang pangit talaga ng ngipin ko at ang pangit ko talaga. Akmang ititikom ko na ang bibig ko nang nahagip ng aking paningin si Zero sa salamin. Napasinghap ako at gulat na bumaling sa kanya. Seryoso ang mukha ni Zero habang nakasandal sa may pintuan. May plastic siya na dala habang ang kanyang mata ay nakatingin sa kanya.

“K-Kanina ka pa riyan?” nauutal ko na tanong.

Hindi siya nagsalita. Napalunok ako at nakaramdam ng hiya sa sarili.

“You are so pretty,” seryoso niyang sambit na ikinalaglag ng panga ko. “If you keep on smiling like that. I don’t mind at all. I will pay for its talent fee. May talent fee ba ’yang ngiti mo para makita ko naman palagi?”

Napasinghap ako. “A-Ano ba ang sinasabi mo?” Pinunasan ko ang mga luha na tumutulo pa rin. “P-Pasensya na at naabutan mo pa akong umiiyak.”

Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya at saka tumayo na. Ibinalik ko sa envelope ang pera at ang sulat.

“You are always crying. It’s not good for the health, Anastasia.”

Tiningnan ko siya. Nakataas na ang isang kilay niya sa akin. “What?”

Umiling ako. “Wala. Maglilinis na ako. Mauna ka nang kumain.”

“Hindi puwede iyon.”

Sinundan niya ako nang lumabas ako. Inilagay ko sa cabinet ang envelope at akmang kukuha sana ako nang walis nang hinawakan ni Zero ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya. Napalunok ako.

“B-Bakit?”

Binitiwan niya ang kamay ko. “Kain muna tayo.” Inangat niya ang dala niyang plastic.

“Mamaya na—” Natigilan ako nang tumunog ang sikmura ko.

“Mamaya na?” pang-aasar na. “Kain na tayo.” Ngumisi siya at saka nagtungo na sa hapagkainan namin. Napailing na lamang ako bago sumunod sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top