Chapter 15

Nang nakarating kami sa paaralan ay halos nagmamadali ako sa paglalakad dahil ayoko na makasama si Zero na kami lang dalawa. Naiilang kasi talaga ako lalo na ngayong padalas na ang kanyang pagngiti sa akin.

“Blaizeree!”

Namilog ang mata ko at natigil sa paglalakad nang nakita ko na tumakbo papalapit si Elyka sa akin. Malaki ang kanyang ngiti at may dala siyang lunch box. Nang nakalapit na siya ng tuluyan sa akin ay niyakap niya ako at saka niyakap niya ang braso ko kalaunan.

“Sabay ulit tayong kakain mamaya, ah?” Ngumiti siya sa akin. “Nagdala ulit ako pero si Mommy na ang nagluluto.”

Tumango ako. Naramdaman ko rin ang presensya ni Zero sa likuran namin.

“Tayo lang dalawa, ah,” parinig ni Elyka. Siguro ramdam niya na nasa likod namin si Zero. “Tayo lang dalawa. Hindi kasi ang iba.”

Umalma si Zero sa likod. “Why? We’re friends, right?”

Ako na ang nahiya lalo na nang umabot sa classroom namin ang kanilang pagbabangayan. Pati ang mga kaklase ko na tahimik lang sa kanilang ginagawa ay natigil dahil sa pagbabangayan nilang dalawa.

“Dalawa lang ang dala ko. Bakit ka makiki-share, ha?”

“Make it three next time.”

“No! Kay Blaizeree lang ito!”

“Unfair!”

“That’s not unfair dahil para kay Blaizeree lang naman ito.”

Nanlumo akong umupo at napayuko na lamang.

“I can’t believe that Elyka and Zero are fighting over a girl, Maegan.”

Napasinghap ako nang narinig ko iyon mula sa kaklase ko na tingin ko ay kaibigan ni Maegan.

“Let them, Christyle. It’s not our business to deal with.”

“Oh, wow. Akala ko ay magagalit ka na niyan. Elyka already found a new friend. Good for her.”

“Shut up!”

Bumunga ako ng hangin at ipinukos ko na lamang ang sarili ko sa pagbabasa ng mga notes.

***

Isang oras yata ang naging bangayan nina Elyka at Zero. Hindi ko akalain na may ganito na side pala si Zero at ayos lang naman. Mas mabuti nang gano’n kaysa sa tahimik siya sa gilid. May pinagdaraanan pa naman ang tao tapos  patatahimikin mo pa.

“Good Morning, Class!” nakangiting bati ni Ma’am Lianah sa amin.

Napansin ko na naka civilian lamang siya.

“Good Morning, Ma’am,” bati namin.

“Hindi ako magtatagal today. I am just going to finalize the list. Where is the secretary? Give me the list.”

Tumayo ang isang babae na kulot ang buhok at ibinigay kay Ma’am ang isang papel. Kumunot ang noo ko. Iyon ba ang mga sasali sa English Festival?

“Thank you.”

Umupo si Ma’am sa kanyang upuan at saka mataman na tiningnan ang papel na may pangalan ng mga kaklase ko na sasali. Tumingin siya sa amin at saka isa-isang binasa ang mga nasa listahan.

“Quiz Bee, Ferolino, Ramos, Curtis…”

Kinalabit ako ni Elyka sa balikat kaya nawala ang atensyon ko sa harap.

“Bakit?” nagtataka ko na tanong.

“Kasali ako sa spelling bee.” Ngumiti siya sa akin. “Sana suportahan mo ako.”

Napakurap-kurap ako at tumingin muli sa harapan kung saan patuloy pa rin sa pagsasalita si Ma’am Lianah.

“For quiz, we have, Shaira, Elyka…”

“See?” She giggled. “Sali ako. Manalo o matalo!”

Tumango ako sa kanya. Hindi ako showy na tao pero plano ko na suportahan at samahan siya sa gusto niyang gawin. Nakakahiya man na sabihin pero kaibigan na rin ang turing ko sa kanya. Kung siguro wala siya rito baka nasa sulok lang ako lagi, nag-iisa at walang pumapansin.

“For impromptu speech, we have Maegan, Vince, Rhejel, Sittie, and…” Umawang ang labi ko nang dumapo ang mata ni Ma’am sa akin. Kita ko na bumaba ang kanyang tingin sa papel at sa akin. “…Blaizeree?”

Namilog ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Kita ko ang gulat sa mata ni Ma’am. Ako rin ay nagulat. Hindi ko natandaan ang sarili ko na nagpalista.

“Omg! Kasali ka?” Niyugyog ako ni Elyka.

Hinihingal na ako dahil sa sobrang kaba at nanginginig na rin ang kamay ko. Naghahanap ako ng tao na puwedeng ilista ako hanggang sa dumapo ang tingin ko kay Maegan na ngayon ay may pang-aasar na ngiti na sa akin. Namutla ako lalo na nang kumaway siya sa akin.

“Good Luck!”

Napasinghap ako at sumikip ang dibdib ko. Ang kanyang mga ngiti. Naalala ko si Samantha sa kanya. Naging balisa ako at hindi na halos mapakali lalo na nang hindi ako tinanong ni Ma’am. Siguro ang akala niya ay nagbago ang isip ko. Bakit hindi man lang ako nagsalita?

“Hey…”

Napatalon ako sa gulat nang hinawakan ni Zero ang aking balikat. Napatingin ako sa kanyang kamay na nasa aking balikat bago napatingin sa kanya.

“Are you okay?” Umupo siya sa katabing upuan ko. “If you don’t want to join, please don’t force yourself. Nanlalamig ka.” Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko at piniga ito. “Inhale and Exhale, Anastasia.”

“Ano ang nangyari?” nag-aalalang tanong ni Elyka at inayos niya ang buhok ko. “Ayaw mong sumali? Akala ko ay inilista mo ang sarili mo, Blaize.”

Parang pinipiga ang puso ko. Nataranta ako dahil naalala ko na naman ang dati.

“Inhale and Exhale, Anastasia,” pag-uulit ni Zero nang hindi ko siya sinunod.

“Ang OA mo naman, Blaizeree.”

Natigilan kaming lahat nang lumapit si Maegan sa amin na nakahalukipkip. Nakataas na ang kanyang kilay at ngumiti.

“Tatalunin mo lang naman ako, eh,” aniya sabay tawa. “Ako ang nagpalista sa iyo. Kilala mo si Samantha?”

Mas lalo lamang akong namutla.

“She’s my friend. She told me na magaling ka raw sa impromptu at natalo mo raw siya.”

Napayuko ako. Bakit ba ang liit lang ng mundo? Samantha?

Marahas na tumayo si Elyka at matapang na hinarap si Maegan. “Hindi mo alam kung ano ang ginagawa mo, Maegan. You are desperate!”

Napasinghap kaming lahat. Naibaling naman ni Maegan ang kanyang atensyon kay Elyka na ngayon ay galit na ang mukha at nakakuyom na ang kamao. Umawang ang labi ko.

“Desperate?” Humalakhak si Maegan. “Ikaw ang desperada. Alam ko naman na ayaw mong maging kaibigan ang babaeng iyan. You, eleven fingers. So sad, ’no? Wala kang friends. Tanungin mo nga ang so called friend mo kung friend din ba ang tingin niya sa iyo?”

Natigilan ako. Humigpit din ang pagkahawak ni Zero sa kamay ko na malamig pa rin hanggang ngayon.

“Bakit ko naman siya tatanungin, ha? At oo, eleven fingers nga. Wala akong pakialam kung eleven fingers pa ako. Ako naman ang gusto siyang maging kaibigan ko. Hindi naman pinipilit ang pagkakaibigan. Hindi ba, Maegan? Tingin mo ay kaibigan talaga ang turing sa iyo ng mga alipores mo?”

Napawi ang ngiti ni Maegan.

“You are a loser. Sisiguraduhin ko na tatalunin ka ni Blaizeree. You will taste your own medicine at magsisisi ka na nilista mo siya,” mariing sambit ni Elyka. “Don’t you dare underestimate people. Hindi mo alam, baka si Blaizeree lang pala ang magdadadala sa school natin sa finals!”

At pagkatapos sabihin iyon ni Elyka ay lumabas siya ng classroom. Nangilid ang luha sa aking mata. Naiiyak ako. Ang bait na tao ni Elyka at ang tapang niya. Pinagtatanggol niya pa ako. Naniniwala siya na matatalo ko si Maegan kahit sobrang imposible no’n.

Tumulo ang luha sa aking mga mata nang hindi ko namalayan. Akmang pupunasan ko na sana nang maunahan ako ni Zero. Natulala ako nang pinalis niya ang luha sa aking mata gamit ang kanyang kamay at saka bumuntonghininga siya sa akin.

“Sundan natin si Elyka,” aniya at binitiwan na niya ang kamay ko.

Tumango ako at tumayo na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top