Chapter 14
Nakayuko lamang ako habang pinaglalaruan ko ang mga daliri ko. Nasa iisang upuan lang kami ngunit malayo kami sa isa’t isa. Kaharap namin ang tahimik na dagat. Sea park nga siya. Sa gilid ng park ay dagat. Malinis at ang sarap sa pakiramdam dahil na rin sa hangin.
“Thank you for coming with me,” basag ni Zero sa katahimikan.
Hindi ko siya nilingon at nanatili lamang na nakayuko.
“Siguro ang weird sa pakiramdam mo. We are not close. Wala tayong masyadong memories aside from being classmates before. But I am serious, I want you to be my friend.”
Kinagat ko ang ibabang labi ko.
“You want to visit your old house?” subok niyang tanong dahil ang tahimik ko.
Umiling ako habang nakayuko pa rin. “H-Hindi na. Baka gano’n pa rin. Wala pa rin akong makikita. Hindi ko pa rin madadatnan sina Mama at mga k-kapatid ko.” Nautal ako sa huli kong sinabi dahil parang may pumiga sa puso ko nang naalala ko na naman sila.
“But we will try. Maaga pa naman at may motor nga ako.”
Binalingan ko siya. Nahuli ko siya na nakanguso habang ang nakadekwatro ang kanyang mga paa. Ang kanyang tingin ay nasa kanyang harapan. Nanliit ang mata ko.
“Minor de edad ka pa,” ani ko.
Gulat siyang napabaling sa akin at nang nakita niyang nakatingin na ako sa kanya ay umayos siya ng upo at napakurap-kurap.
“Makukulong ka pa,” dagdag ko sabay iwas ng tingin.
Humalakhak siya. “I am a responsible driver, though.”
“Ayaw ko pa rin.”
“Ayaw mo sa mga nagmo-motor?”
“Oo—Ha?” Namilog ang mata ko at agad siyang nilingon. Nakaangat na ang gilid ng labi niya na parang nasiyahan pa yata siya sa sinagot ko. “Ano ang ibig mong sabihin? Ang sabi ko, ayaw ko magtungo roon.”
Tumango siya pero hindi na mapawi-pawi ang ngiti sa labi. Kunot-noo ko siyang inilingon at nag-iwas muli ng tingin.
“Don’t worry, hindi na ako magmo-motor,” makahulugan niyang sambit at bumuga ng hangin.
***
Wala akong ibang nagawa kay Zero kundi ang pakinggan siya. Kahit mga mayayaman ay may mga problema rin pala sa buhay. Akala ko noong bata pa ako ay wala na silang problema dahil mayaman na sila. At ngayong may napakinggan na ako, alam ko na kahit ang mga mayayaman ay nagkakaproblema rin.
“I heard from Zero that you are getting along with him.”
Natigil ako sa paghahanda ng hapunan sa hapagkainan nang biglang nagsalita si Ma’am Hillary. Nakaupo na siya habang sinisimsim ang hinanda ko na kape kanina.
“Zero is my nephew, hija.”
Nagulat ako sa sinabi ni Ma’am Hillary. Natigil ako sa aking ginagawa at napaangat ng tingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin at ibinaba niya ang kanyang tasa.
Ngumiti siya lalo nang nakita niya ang reaksyon ko. “His father is my brother.”
Tumango ako kahit gulat na gulat pa rin.
“I hope you will help him, Blaizeree. Dinidistansya niya ang sarili niya sa mga tao simula nang magdesisyon na maghiwalay ang parents niya. Nawalan siya ng kaibigan. He shut them off. Palagi rin siyang nanununtok. Umuuwi na lamang na may bugbog sa katawan.”
Umawang ang labi ko lalo. Hindi halata. Ang ganda ng ngiti niya kanina. Parang wala siyang problema.
“Let him fill the gap too. Help him fill the gap. Ang dami-dami niya na ring sinayang. Nalaman ko na lang na nag-back out siya sa basketball team niya sa school.”
“Ma’am…”
Ngumiti siya sa akin. “Make him your friend. He is a good person with a broken heart.”
Kumirot ang puso ko. Paano ko naman siya matutulungan? E, sarili ko nga ay hindi ko matutulungan. Bumuga ako ng hangin at saka nagpatuloy na lamang sa aking ginagawa.
***
Kinabukasan ay sabay kami ni Melody ulit na magtungo sa school. Papalabas pa lamang kami ng bahay at magbu-bus lang kami lalo na’t medyo malayo naman talaga ang paaralan namin kaya kailangan namin maging maaga.
“Ayaw mo talaga sumali?”
Umiling ako. “Hindi naman ako magaling.”
“Hoy, gaga! Narinig kita. 2 years ago yata iyon! Narinig kitang nagpa-practice sa kuwarto, ah!”
Uminit ang pisngi ko.
“Try mo kaya sumali. Wala namang paki ang mga tao sa paaralan na iyon sa physical na anyo basta magaling lang magsalita. Hindi hindrance iyon, uy!”
Napailing na lamang ako at naunang lumabas sa gate. Nang nakalabas ako ay hinintay ko rin siya. “Hindi na kasi—” Natigil ako sa pagsasalita at napasinghap nang nakita ko si Zero na nakasandal sa may gate ng bahay nila.
“Sige na—Omg!” Napatili si Melody nang paglabas niya ay nakita niya si Zero sa gilid. Agad siyang lumapit sa akin at pinisil ang aking tagiliran. “Omg! Ang crush ko.” Sumiksik sa likod ko si Melody.
“Um, Zero…”
Nakuha ko ang atensyon ni Zero at napaayos siya sa kanyang pagtayo nang nakita ako. Hinubad niya rin ang kanyang head phone at napatingin sa amin. Nagulat kaming dalawa ni Melody nang ngumiti siya sa amin.
“Good Morning,” bati niya.”
“Omg!” tili ni Melody na ikinakunot ng noo ni Zero.
Binalingan ko si Melody na pulang-pula na ngayon. Para siyang natatae sa kanyang hitsura. Nilakihan niya pa ako ng mata.
“Ipakilala mo ako,” aniya sa maliit at paipit niya na boses.
Napakurap-kurap ako at ibinalik ang tingin kay Zero na nakakunot pa rin ang noo.
Tumikhim ako. “Uh, Zero. Si M-Melody pala. Melody si Zero…”
“Hello,” ani ni Melody sa pabebe na boses sabay kaway. “N-Nice to meet you.”
Tumango lang si Zero at bumaling sa akin. “Pupunta na kayo?”
Tumango ako at nag-iwas ng tingin. “Oo. Sasakay kami ng bus.”
“Great! Ako rin.”
Umawang ang labi ko at halos pigain na ako ni Melody sa sobrang paggigigil niya. Nasa balikat ko kasi ang kanyang kamay.
“H-Ha? H-Hindi ba may motor ka?”
Nag-angat siya ng kilay sa akin. “Hindi ba sabi mo ay ayaw mo sa naka-motor?”
Namilog ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko sa kanyang sinabi. Si Melody ay mahinang tumili-tili at pinisil-pisil ang braso ko. Napapikit ako sa kahihiyan.
“W-Wala akong sinabi na gano’n.”
“Pareho pa rin naman iyon.”
Narinig ko na bumuntonghininga siya. Nang inimulat ko ang aking mata ay nakita ko na kay Melody na ang kanyang tingin.
“You’re Melody, right?”
Lumabas si Melody sa lungga niya at matapang na tumango-tango. “Oo. Ako si Melody. Crush kita!”
Namilog ang mata ko at parang ako pa ang nahiya para kay Melody lalo na nang dumaan ang isang Mama na naglalakho yata. Humakbang ako paatras ng isang beses para hindi masali sa kahihiyang ginawa ni Melody.
Nakita ko na namilog ang mata ni Zero sa sinabi ni Melody.
“Well…” Ginalaw-galaw ni Melody ang kanyang katawan habang ang kanyang mga kamay ay nasa likuran niya, magkatagpo. “Crush lang naman, Zero. Pero hindi naman ibig sabihin no’n na gusto na kita maging boyfriend. Ang gwapo mo talaga kaya kita crush, eh. Mga tatlong taon na rin!”
Grabe, ang tapang niya.
“Uh…” Dumapo ang mata ni Zero sa akin at tumagilid ang ulo niya lalo na nang nahuli niya akong humakbang muli paatras. Sinamaan niya ako ng tingin bago niya harapin ang aking kaibigan. “Thank you. But I think we should go because your friend is escaping!”
“Omg!” tili muli ni Melody. “Salamat, Zero. Akala ko ay nakatatakot ka. Nag-confess lang naman ako pero hindi ako mangungulit, ah. Salamat talaga. Kung gusto mo naman si Blaizeree, aba’t ayos lang naman. Marami akong crush. Pangatlo ka sa listahan ko.” At tumawa pa pagkatapos.
Tumango si Zero at humakbang na siya patungo sa akin. Napalunok ako lalo na nang itinagilid niya muli ang ulo niya upang silipin ako. “Let’s go, Anastasia.”
Napalunok ako at tumango na lamang sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top