Chapter 12
Nang nakaalis na si Ma’am ay nag-uusap ang mga classmates ko tungkol sa mga sasalihan nila. Si Elyka ay mukhang sasali rin kasi nagpalista siya sa secretary namin. Hindi ko maiwasan ang manibaguhan dahil sa dating paaralan ko ay pagpipilian, dito naman ay malayang makasali. Kahit sino, kahit ilan pa kayo sa spelling bee.
Hindi ko maiwasan ang mailang dahil nakatingin pa rin si Zero sa akin. Para niya akong sinusuri. Siguro ay nagtataka siya kung bakit ako lumuluha.
“May sasalihan ka ba, Blaizeree?” tanong sa akin ni Elyka nang nakalabas kami sa classroom. Hinila niya ako patungo sa canteen. Si Zero naman ay nasa likuran namin, parang may malalim na iniisip.
“H-Huh? W-Wala…”
Ngumuso siya at mas lalong niyakap ang braso ko sa kanya. “Okay lang iyan. Kapag sasali ka, isa ako sa magch-cheer! Saan ka ba magaling o mahilig?”
Nasa hallway pa rin kami ay pababa na kami ng hagdan.
“W-Wala akong hilig—”
“She’s quite good at public speaking,” pagsabat ni Zero sa likod namin.
Napasinghap si Elyka at nilingon si Zero sa likod namin. “Ang unfair! Ang dami mong alam sa kanya, ah! Pero it doesn’t change the fact that I am her first friend!” Tumingin si Elyka sa akin. “Magaling ka sa public speaking?”
Yumuko ako. “H-Hindi…”
“Pero baka gusto mo e-try, wala namang mawawala, eh!”
Umiling ako at pumikit. “H-Hindi na.”
“Bakit?” Malungkot niya akong tiningnan. “Takot ka ba?”
Hindi ako umimik.
“Competitive si Maegan pero tumatanggap naman iyon ng pagkatalo. Balak sumali ulit ni Maegan sa impromptu, eh. Titingnan niya raw kung nag-improve na raw siya.”
Umawang ang labi ko. Sa isip ko, iniisip ko na si Maegan ay si Samantha na dati kong kaklase. Sa sinabi ni Elyka sa akin, na-realize ko na magkaiba sila. Si Maegan, tumatanggap ng pagkatalo, si Samantha na kaklase ko ay hindi.
Nagmulat ako ng tingin at binalingan si Elyka. “Nandito lang ako para mag-aral.”
Umawang ang labi niya at hindi na nagsalita pa. Ayoko na ulit maranasan ang gano’n. Gusto ko ng tahimik na buhay kaya mas mabuting huwag na lang sumali sa kahit ano’ng sasalihan para naman maprotektahan ko ang sarili ko sa panghuhusga.
***
Sa ilang araw ko sa bagong paaralan ko ay wala naman akong narinig na panlalait o nam-bully sa akin. Masaya ako na gano’n dahil wala silang pakialam sa akin. Si Maegan ay umiirap lang sa akin kapag nakita niyang nakadikit sa akin si Elyka pero kapag hindi ay wala naman siyang paki sa akin.
Hanggang sa umabot ang ilang linggo…
“Blaizeree,” tawag sa akin ng aming class adviser na si Ma’am Lianah.
Napalingon lahat ng mga kaklase ko nang tinawag ako.
“P-po?”
Tumayo ako.
“Come here.” Ngumiti siya sa akin.
Napalunok ako at kinabahan. Pero kahit gano’n, humakbang pa rin ako patungo sa harapan.
“Bakit po?” tanong ko, nakayuko na dahil sa sobrang kaba. Ang aking kamay ay magkatagpo at malamig ito. Siguro dahil kinakabahan ako.
“I saw your grades from your previous school,” panimula niya.
Napalunok ako.
“You’re smart, Blaizeree. Baka naman gusto mong sumali sa English Festival.”
Kinagat ko ang ibabang labi ko. “H-Hindi na po.”
“Why?”
Umiling lang ako at humakbang ng isang beses paatras. “Ayaw ko lang po.”
Umawang ang labi niya. “Bakit? I think it’s nice to try. Manalo o matalo.”
Umiling muli ako. “Pasensya na po, Ma’am. H-Hindi po talaga kasi ako mahilig s-sumali po.”
Malungkot niya akong tiningnan pero kalaunan ay tumango siya sa akin at pinabalik ako sa aking kinauupuan. Nanahimik na lamang ako buong klase. Napansin din yata ni Elyka ang pananahimik ko kaya nang mag-uwian ay kinukulit niya ako.
“Uy, ang lungkot ng mukha mo. Kanina ka pa, ah. Simula nang kinausap ka ni Ma’am Lianah,” nag-aalalang sambit sa akin ni Elyka.
Kasabayan namin ang iba naming kaklase na papatungo sa gate. Dismissal na kasi at kailangan ko pang maghintay ng bus para makauwi.
“W-Wala lang ito.”
Ngumuso siya. “By the way, masarap ba ’yong sandwich na binigay ko kanina? Bagong flavor iyon at ako ang gumawa.”
Tumango ako. “Masarap siya.”
“Talaga?” Nagliwanag ang mukha niya at mas lalo lamang siyang dumikit sa akin. Para niya akong pinanggigigilan. “Bukas ulit. Bigyan kita!”
“H-Hindi naman kailangan—”
“Ano’ng hindi?! Dapat meron kasi nasarapan ka!”
Napapikit ako. Nahihiya ako na magsabi sa kanya ng totoo. Sa katunayan ay medyo matabang ang kanyang sandwich pero kinain ko pa rin para hindi siya malungkot. Siya lang naman ang bukod tanging naging kaibigan ko sa school na ito bukod kay Melody.
“S-Sige…”
Nang nakalabas na kami ay binitiwan na niya ako lalo na nang dumating na ang van na susundo sa kanya. Kumaway siya sa akin at pumasok na sa loob. Bumuga ako ng hangin at inayos ko ang pagdala sa bag ko bago ako naglakad patungo sa may side walk.
Nang medyo humangin ay natigil ako sa paglalakad dahil gumulo ang mahaba kong buhok. Natakpan pa ang mukha ko kaya agad akong kumuha ng pantali sa bag at tinali ang buhok ko at saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
“Bolaga!”
Napatalon ako sa gulat at napaatras nang biglang sumulpot si Zero sa harapan ko. Seryoso ang kanyang tingin habang nakapamulsa. May head phone na nakasabit sa kanyang leeg at naka-eyeglass.
“Uhm…” Yumuko ako. “A-Ano ang kailangan mo?”
“Samahan mo ako,” aniya at agad kinuha ang palapulsuhan ko at akmang hihilain ako ngunit pinigilan ko siya.
“T-Teka…” Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahawak sa palapulsuhan ko. “S-Sandali lang.”
Masama niya akong binalingan. “What?”
“Bakit ka ba nanghihila?” mahinahon ko na tanong. “A-At hindi mo naman siguro birthday para s-samahan pa kita.”
Nag-iwas agad ako ng tingin matapos ko iyon sabihin.
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. “May motor ako. Sasamahan kita sa dati ninyong bahay. Narinig ko mula kay Tita Hillary na bumabalik ka raw roon kasi nagbabakasakali ka na bumalik pamilya mo.”
Kumirot ang puso ko at napatingin sa kanya nang tuluyan.
“Hindi ba at gusto mo ulit magtungo?” tanong niya. “Sasamahan kita, basta pagkatapos ay sasamahan mo rin ako.”
Kinagat ko ang ibabang labi ko at biglang nagtaka sa kanya. “Bakit mo ba ito ginagawa?”
Nakita ko na natigilan siya. Kita ko na lumunok siya at nag-iwas ng tingin. Binitiwan niya rin ang palapulsuhan ko at bumuntonghininga.
“I just want you to know that I am not like my friends back then,” pag-amin niya. Nagulat ako sa kanyang sinabi. “I think you don’t want to bond or friends with me because you remembered Paulo.”
Bigla akong na-guilty.
“I…I have no intention on hurting you. In fact, I want you to be happy. To feel confident. Napapansin ko rin na naiilang ka pa rin kay Elyka.” Bumaling siya sa akin. “Kilala ko si Elyka. Hindi ka niya sasaktan. She’s a kind person. She doesn’t have a lot of friends.”
“I also want to clear my name,” dagdag niya pa. “Paulo is not my friend anymore at nasa ibang bansa na siya. I hope you will open your heart to everyone especially to Elyka. I also don’t want you to think that I am a bad person.”
Huminga ako nang malalim at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Nagulat ako nang bigla siyang naglahad ng kamay sa akin. “Can you come with me? I need a friend.”
Huminga ako nang malalim. “S-Saglit lang, ah? At saka ayoko sumakay ng motor. Baka mapagagalitan ako ni Ma’am Hillary.”
Tumango siya. “Sure.”
Hindi ko tinanggap ang kanyang kamay at yumuko na lamang. Hindi lang naman kasi kami ang tao. May mga istudyanteng dumadaan at minsan ay napasusulyap pa sa amin.
Narinig ko ang kanyang paghinga at nagulat ako nang hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Napaangat ako ng tingin sa kanya.
Ngumiti siya. “Let’s go.”
At hinila niya ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top