Chapter 11
Halos ayaw ko nang tumuloy sa paglalakad. Nasa hallway pa lamang ako ngunit nakita ko na si Zero na nakasandal sa pader sa labas ng room namin. Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya sa akin kagabi?
Unti-unti kong hinakbang ang aking mga paa at halos mapunit na ang laylayan ng uniporme ko sa sobrang higpit ng pagkahawak ko. Nakatingin sa kawalan si Zero kaya hindi niya napansin ang paglapit ko sa pinto.
“Blaizeree!”
Napapikit ako at mahinang nagreklamo nang sinigaw ni Elyka ang aking pangalan. Naramdaman ko ang kanyang paglapit sa akin at nang nakalapit siya sa akin ay malaki na ang ngisi niya.
“Tabi tayo!”
Kita ko sa gilid ng mata ko ang gulat na pagbaling ni Zero sa amin. Saglit ko siyang sinulyapan bago ako pumasok sa loob ng room na parang walang nangyari. Unang nakita ng mata ko nang pumasok ako sa loob ay si Maegan na naglalagay ng lipstick sa kanyang labi. Hindi ko kilala ang kanyang mga kasama pero tingin ko ay mga kaibigan niya ito. Nang nakita ni Maegan na dumidikit si Elyka sa akin ay napailing siya at halos matawa.
“Elyka, is that your new pet?” natatawang tanong ni Maegan at tumayo siya mula sa kinauupuan niya.
Akmang lalapit na sana siya sa amin ngunit nakita ko na may tiningnan siya sa likod namin kaya hindi siya nagpatuloy at humalukipkip na lamang.
“And, I never thought that I would see Zero here in this class,” umiiling na sambit ni Maegan at umirap. “Akala ko ba ay obsess na obsess ka na ngayon sa basketball? What happened?”
Huminga ako nang malalim at saka umupo na lamang sa upuan ko.
“I am a student, Maegan. What do you expect?” walang ganang sagot ni Zero at naupo na rin sa kanyang upuan.
Umawang ang labi ni Maegan lalo na nang lumapit muli si Elyka sa akin at saka naghila ng upuan.
Ngumiti siya sa akin at halos ayaw na bitiwan ang braso ko. “Dito na ako, ah. Tabi tayo?!”
Napakurap-kurap.
“Wow!” Napailing na lamang si Maegan at tinalikuran kami.
“I brought some snacks!” excited na kuwento ni Elyka sa akin nang nakapuwesto na siya sa tabi ko. “Sinabi ko kay Mom na may new friend ako!”
Umawang ang labi ko at nagtagal ang tingin ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at binuksan ang kanyang lunch box. Naibaba ko ang tingin ko roon at nakita ko nga na may dalawang sandwich. Kumirot ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko. Totoo ba ang lahat ng ito?
“Hey, are you okay?”
Natauhan ako nang tinapik niya ako.
“H-Ha?”
Ngumiti siya muli sa akin at bumuntonghininga siya. “From now on, I am your friend. Your first friend ever.”
Kumalabog ang puso ko sa saya. Parang unti-unting tinupad ng Diyos ang dasal ko. Ang sarap pala sa pakiramdam.
“What are you talking about, Elyka?”
Pareho kaming natigilan at nilingon si Zero na ngayon ay may hawak na notebook. Masama niya akong tiningnan. Ano naman ang ginawa ko sa kanya?
“Ano na naman, Betlog?” mataray na tanong ni Elyka kay Zero.
Medyo natawa ako sa kanyang palayaw. Betlog?
Natigilan sila pareho nang narinig nila ang mahinang tawa ko. Agad kong tinakpan ang bibig ko at yumuko.
“Omg! She laughed! Ang ganda kasi talaga ng Betlog, ano?” natatawang sambit ni Elyka at inaasar lalo si Zero. “So, Betlog? Ano ang problema mo?”
“Tsk.”
Kahit nakayuko na ako ay ramdam ko ang pagtingin ni Zero sa akin.
“You are just the second one, Elyka,” medyo mayabang na pagkasabi ni Zero. “We ate dinner together last night. I offered her friendship. I was the first one!”
Natahimik ang buong klase at narinig ko ang mahinang singhap ng ibang kaklase ko dahil sa kanilang narinig.
“What?!”
Halos mabingi ako sa sigaw ni Elyka. Napaangat ako ng tingin sa kanya nang niyugyog ako. Kita ko sa mata niya ang pagsusumamo.
“Blaizeree, tell me that I am your first friend. Not that guy!” Inis na tinuro ni Elyka si Zero na ngayon ay may ngiti na sa labi. Mukhang nasisiyahan siya sa ganito. “Not him. Hindi siya totoong kaibigan! Walang babae at lalaki na magkakaibigan!”
“Gender doesn’t matter,” resbak ni Zero at tinaasan ako ng kilay. “Don’t be unfair, Anastasia. Itatanggi mo ba ako?”
Namula ang mukha ko sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Mga boses lang nila ang tanging umalingawngaw sa buong classroom.
“Itanggi mo, Blaizeree! Ako ang una mong friend. That guy is not a friend material! Gagawin ka niyang babae niya in the future. Ako ang piliin mo as your first friend, ipapakilala kita sa Kuya ko na ubod ng bait at pogi. Hindi siya laiterong lalaki at matalino rin like me!”
Akmang magsasalita na sana ako upang pigilan silang dalawa ngunit natutop ko ang bibig ko nang biglang dumating ang class adviser namin. Agad kaming tumayo lahat upang bumati.
“Good Morning, Miss Lianah!”
“Good Morning, Class! I hope you are having a great day today.”
Umupo si Ma’am sa kanyang upuan nang pinaupo niya kami. May dala siyang paper sa kanyang kamay at inilibot niya ang tingin sa lahat.
Tumahimik na rin ang dalawa pero kita ko sa gilid ng mata ko ang masamang tingin ni Zero sa akin. Lumabi rin siya kalaunan at ipinukos na ang kanyang atensyon sa harapan.
“Class, alam ninyo naman siguro about English Festival, right?And our section needs a representative for spelling, quiz bee, extemporaneous speech, impromptu, radio broadcasting and others…”
“Hay, si Maegan na naman halos sasali diyan,” narinig kong sambit ng kaklase kong babae na nasa unahan ko na upuan.
“Oo. Wala na yatang iba. Panalo naman palagi si Maegan dito pero pagdating sa division, wala na.”
“Hay, sana may iba lalo na sa impromptu. ’Yong matalino talaga na kayang mag-isip nang maganda at malinaw.”
Kahit gano’n ang ugali ni Maegan sa akin, hindi ko maiwasan ang malungkot dahil sa mga pinagsasabi ng mga kaklase na nasa unahan ko tungkol sa kanya. Kapag panalo, maraming mga magagandang salita na binabato, pero kapag natalo, maraming disappointed na salita naman ang ibabato.
“Hmm. Sasali ako sa spelling bee,” narinig kong sambit ni Elyka na nasa tabi ko.
Yumuko lang ako. Hindi rin naman ako sasali sa ganiyan at ayaw ko rin. Naalala ko na naman ang dati kong karanasan tungkol sa ganiyan.
2 years ago
“Ma’am?! Bakit ninyo po siya pinili? Baka matalo lang tayo niyan kasi bungal! Baka hindi niya maibigkas nang tama ang mga salita. At saka nakaka-turn off din kaya sa audience!” giit ng kaklase ko na si Samantha.
Si Samantha ay isa sa mga kaklase ko na magaling mag-impromptu. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang pinili ng guro namin sa English, eh, mas lamang naman si Samantha lalong-lalo na sa confidence. Boto rin sa kanya ang mga kaklase ko kaya mas maganda na siya na lang talaga.
“Alam ko kung sino ang pinipili ko, Samantha. Learn to accept my decision,” sambit ng aking guro. “This is for impromptu. Mas bagay ka sa extemporaneous speech, hija.”
“Pero Ma’am! Wala siyang ka-confidence! Hindi naman natin maitatanggi na matalino siya.” Inirapan ako ni Samantha at nagpatuloy. “Pero wala siyang confidence. At totoo naman, Ma’am na bungal siya. Baka pagtatawanan lang siya ng mga istudyante, imbes na dinggin ang kanyang sinasabi!”
Kumirot ang puso ko. Gusto ko. Sa totoo lang ay gusto ko rin sumali sa ganito na contest dahil dito ako naging mahusay. Gusto ko talaga, eh. Kukunin ko na sana iyon kaso ginagawan nila ng paraan para lang na hindi ako tuluyang piliin ni Ma’am. Ginamit nila ang kakulangan ko. Ang ngipin ko na tanging sagabal sa akin.
“I’m sorry, Hija. Gusto talaga kitang isali sa impromptu pero naisip ko rin na baka hindi mo kaya lalo na’t wala kang confidence at mas may karanasan si Samantha kaysa sa iyo. Kaya pasensya na talaga.”
Kumirot lalo ang puso ko. Para akong binagsakan ng lupa at langit. Kahit sinabi ko na hindi dapat ako, handa ko na sanang tanggapin kasi malaking oportunidad na iyon para sa akin.
Yumuko ako at tumango. “O-Okay lang po, Ma’am.”
“But you did a good job, Blaizeree. Maganda ang boses mo at matalino ka. Agad-agad mong nasasagot ang katanungan at magaling ka mag-construct ng sentence.”
Tumango muli ako. “S-Salamat po.”
Marami pang mga oportunidad na dumating sa akin. Balak din sana nila akong isali sa isang beauty pageant ngunit napangiwi sila nang nalaman nila na bungal ako. Sa theatre, kukunin sana ako bilang actress ngunit nawala rin dahil lang din sa ngipin ko. At kukunin sana ako bilang emcee ng isang program ngunit naharangan ako ni Samantha at siya ang pumalit dahil lang din sa ngipin ko na pilit niyang isisira sa akin.
“Hindi need ng kulang na ngipin kapag Emcee, Blaizeree,” si Samantha sabay ngisi sa akin ng nakaloloko. “Hindi bagay sa iyo dahil baka malunok mo ang mikropono.”
“Ang harsh mo naman, Samantha!” natatawang sambit ng kaibigan ni Samantha na si Gracelle.
“Talaga naman! May kilala naman ako na bungal, ah? Pero hindi ganyan kapangit. Hindi feelingera. Nakakahiya nga, eh. Siya ang muse natin! Ang sama talaga ni Roland. Pinag-trip-an ka ba naman. Hindi ka naman maganda para maging muse!”
Buong gabi ako umiyak noon nang ginawa nila akong Muse. Pinagti-trip-an ako ng mga kaklase ko. Wala kasi si Ma’am at ang President ang inaatasan na mag-class nomination. Hindi naging madali ang buhay ko sa dati ko na paaralan. Wala akong naging kaibigan at ako lang mag-isa.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa aking mata. Nataranta ako at agad kong pinunasan ang luha ko. Akmang aayusin ko na sana ang buhok ko nang napansin ko si Zero na nakatingin na sa akin. Salubong na ang kanyang kilay at kunot na kunot ang noo.
Wait? Nakita niya ba iyon?
Mahina akong napasinghap at umiwas na lamang ng tingin sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top