• Twenty Three •
Catalina Konan
°°°
5:45 ng hapon at magdi-dilim na nang makalabas ako ng office. Sobrang dami kong ginawa ngayong araw dahil nagsunod-sunod ang mga guest ko, which made me really happy. Yey!
"Nasaan ka na? I’m waiting here at the coffee shop. Walk faster but be safe going here," hindi makapag-hintay na bulalas ni Gavin sa telepono.
"Ito na pababa na ‘ko."
"I cooked you a food. Let's share it once we got home."
Hindi na 'ko pinuntahan pa ni Gavin sa office at sinundo rito dahil nanggaling siya sa bahay ng parents niya, bumisita. Dahil sabi ko nga, sobrang clingy niya sa 'kin, nag-alok siya na ipagluluto niya ako ngayong gabi ng pagkain sa bahay niya. Sino ba naman ako para tumanggi? Gusto ko rin namang nakikita siya ng madalas kaya pumayag na 'ko.
Natawa ako, "Ano namang pagkain ‘yan? ‘Wag mo sabihin pakakainin mo ulit ako ng durog-durog na omelette?"
"A-Atleast it tastes good! And it’s not omelette this time!"
"Uhm... sunog na bacon?"
"Konan!"
"Tubig na may halong sinigang?"
"Ughh! Don’t say that! Syempre natural lang ‘yon dahil pinag-aaralan ko palang ang pagluluto ng masarap. Just you wait!"
Lalo akong natawa sa kan'ya. Sa tinagal-tagal namin na palaging magkasama at lumalabas, hindi talaga niya ako binibigong pasayahin lalo na kapag nagpupumilit siyang ipagluto ako katulad ng mga nabanggit ko. Though I appreciate it, still, it's funny. Look how determined he is just to impress me.
Sa totoo lang, kahit hindi niya ako ipagluto, sobrang impress na 'ko sa kan'ya.
I love him.
Umawang ng bahagya ang labi ko at napahinto sa paglalakad nang maabutan ko si Sir Claudius sa lobby. Nagkatinginan kami, may kausap siyang matangkad at napaka gandang babae na nakasuot ng black fitted dress.
Nang makita niya kung saan nakalingon si Sir Claudius, nilingon din niya ako.
Naririnig kong nagsasalita si Gavin sa linya at tinatawag ako pero hindi ako makapag-salita sa hindi ko malamang kadahilanan. 'Yung puso kong normal na tumitibok kanina ay unti-unting bumibilis sa pagtibok.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagkatitigan ni Sir Claudius, napagtanto ko na lang na humarang ang babae sa pagitan namin at hinarap siya.
Binasa ko ang labi ko't nagsimulang maglakad para lagpasan sila. Sa isang iglap, bigla akong tinakasan ng lakas.
"Konan? Konan? Are you still there? Why aren’t you answering me?"
"U-Uhm... y-yeah. Sorry."
"May ginawa ka ba? Bakit hindi ka sumasagot kanina? Tinatanong ko kung nasa’n ka na eksakto. Rush hour na baka ma-traffic tayo."
Muling dumako ang mata ko sa kanila at parang nagsisi ako na ginawa ko pa 'yun dahil muli na namang nagtagpo ang mata namin. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya, sa unang pagkakataon, nakita ko sa mata niya na parang nangu-nguwestiyon ang mga 'yun sa akin.
Agad akong umiwas at tuluyan na silang nilagpasan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Sobra pa sa dalawang linggo ang ginawa kong pag-iwas sa kan'ya, kapag nagtatagpo ang mata namin ay umiiwas agad ako pero... ano na naman 'tong nangyayari sa akin? Ba't parang nanlalambot ako?
Sigurado ako na ayun 'yong babaeng fiancée niya. Siya si Lauren. Pero bakit niya 'ko kailangan tignan ng gano'n gayong wala naman siyang pakialam sa akin?
Bago ako makalabas sa malaking sliding glass door ng building, huminto ako.
And I realized... that I turned my head back and glanced at him for one last time. He's there, still staring at me with those questioning eyes.
Napaka bihira ko lang makakita ng emosyon sa mata niya at... ganito pa.
"Konan!" Gavin yelled over the phone.
"Stay there... I’m coming," I answered quietly.
After those exchanged glances, I finally decided to walked out of the building... with my heart throbbing so loud.
Wake up, Konan. You’re settled with Gavin. Please don't forget that you love him and he loves you. Don't forget... don't ever forget.
Don't let Sir Claudius distract you from Gavin.
' ' '
Halos mangiyak-ngiyak ako habang sunod-sunod na lumalagok ng malamig na tubig. Nagsisimula na ring tumulo ang sipon ko at kahit malamig ang kusina ni Gavin ay walang awat na tumutulo ang pawis ko sa noo.
Hindi ko alam kung gusto niya ba 'kong patayin sa anghang o ano, e! Super anghang as in 10x ang impact nitong ginawa niyang noodles!
"K-Konan..." hinahaplos niya ang likod ko.
"Ice cream! Pahinging ice cream!"
"O-Okay, wait!" natataranta siyang tumayo at nagbukas ng ref pero saglit lang ay naiiyak niya akong binalingan para sabihing wala nga pala siyang ice cream.
"GAVINNNN!" sigaw ko sabay labas ng dila, hindi ko na alam ang gagawin.
"S-Sorry naaa! Hindi ko kasi natikman ‘yung luto ko kanina kaya hindi ko alam kasi nagmamadali na akong puntahan ka. Naparami na pala ‘yung... ‘yung spicy sauce. T-Teka, hintayin mo ‘ko!" patakbo siyang lumabas ng kusina.
Kumakain ako ng maaanghang na pagkain pero hindi ako gano'n ka-immune sa anghang. Ni hindi ko nga kayang kumain ng instant noodles in spicy flavor, e. Kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. Isang subo palang 'yun pero ang tindi na. Ang nakakaloka pa, kapag nalunok mo na 'yung noodles, doon mo lang unti-unti mararamdaman ang paghihinagpis.
Shemay naman!
Sumasakit na ang lalamunan ko at nag-iinit ang tenga ko. Saka ko lang naalala na mas nakakapagpadagdag pala ng anghang ang tubig.
Ilang sandali lang ay bumalik na si Gavin na may dalang steralized milk. Kaagad niyang pinasok ang straw do'n at inabot sa 'kin. Dahil lahat gagawin ko para lang matapos na 'to, wala pang sampung segundo, naubos ko na ang gatas.
Parehas kaming napabuga sa hangin. Medyo nawawala na siya.
"Sorry again," mahinang aniya.
"Dahil sa ‘yo hindi tayo nakapag-hapunan," sagot ko naman.
"Promise I didn’t mean to put a lot of spicy sauce! That was an accident! Sakto kasi no’n nag-text ka na patapos ka na kaya nagmadali ako at ayun... sorry po," nguso niya.
Napapunas ako ng mata dahil sa nangilid kong luha habang natatawa sa kan'ya. Lalo siyang sumimangot na parang bata.
"Kung tinikman mo pala ‘yon bago ka umalis e ‘di ikaw ang nakaramdam nito?"
Dahan-dahan naman siyang tumango.
I heaved a long sigh and smiled at him. I pulled at Gavin's sleeve, dragging him into the kitchen. Because he always messed up cooking foods, I got an idea of teaching him.
Nang makarating kami sa kusina, hinanda ko na lahat ng gagamitin namin. Good thing na pinag-aaralan niyang magluto dahil marami akong ingredients na nakikita rito. May nakita akong dalawang apron na nakasabit sa dingding, parehas 'yong kulay puti. Sinuot ko ang isa at isa nama'y sinuot ko sa nakasimangot pa rin na si Gavin.
"Now, the cooking lesson with Chef Konan shall begin!" I exclaimed merily.
I put my hands around Gavin's thin waist to tie the apron straps behind him, being so close to his chest, I could hear his powerful heartbeat.
Kinagat ko ang ibabang labi ko habang tinatali 'yun sa kan'ya. I felt his body stiffen.
"There! Cute mo!" ani ko nang matapos.
He jerked his head sideward, "I’m always wearing this whenever I cooked. Saka mas cute ka," he stared at me from head to toe.
Hindi ako nagpatalo kaya kinuha ko ang puting panyo sa bag na hindi ko pa nagagamit simula kanina, tumingkayad ako at nakangising tinali 'yun sa kan'yang ulo.
Shemaayyy...! With that messy hair, the handkerchief made him looked like a bad boy!
"See? You’re more cuter than me! Cute and handsome!"
Napansin ko ang pagkagat niya sa ibabang labi at pamumula ng tenga. Umiwas agad siya ng tingin na parang nahihiya sa papuri ko. Hindi ko maiwasang matawa sa kan'ya.
"Say you agree!" panunukso ko pa.
Although he looked super shy with my compliment, he looked at my eager eyes and finally nodded, "F-Fine. But don’t forget that you’re cute and beautiful, too."
Sanay na 'ko sa mga papuri niya sa akin mapa-pisikal man o trabaho. Pero kahit naman gano'n, tumatalon pa rin ang puso ko sa saya kapag naririnig 'yun sa kan'ya, hindi ako nagsasawa. Hindi rin niya 'ko binibigo saan mang bagay, palagi niya 'kong pinapakilig at pinapasaya. Kaya naman hindi talagang malabo na mahalin ko 'tong lalaking ito.
In fact, mahal ko na siya-- my wish granted. Thanks to all his efforts.
"These are the recipe and the ingredients. Sweet and sour ribs and shredded pork with garlic sauce. Buti na lang at kumpleto ang ingredients mo, Gavin. Let’s try these tonight, okay?" turo ko sa mga putaheng nasa ibabaw.
"Yes, Chef Konan."
Sinabi ko na sa kan'ya ang mga gagawin. Hindi ako propesyonal sa pagluluto pero atleast, hindi gaya niya ay kayang-kaya ko naman. Una kong pinagawa sa kan'ya ay ang pagpapalambot ng karne, saka ko siya tinuruan maghiwa ng maayos ng mga gulay.
Habang ginagabayan ko siya, nagkaka-kwentuhan at nagtatawanan din kami sa mga bagay-bagay. Lalo na 'yung mga past experience niya no'ng high school, kasama niya raw si Seven noong bumibili sila sa tindahan ng stick-o, tapos tinanong daw ni Seven sa matandang tindera kung ilang piraso na lang, binilang naman ito ng tindera, "37 na piraso pa," tapos ang sagot ni Seven, "Ah sige pabili po ng dalawa tag-isa kami."
'Yun ang naging dahilan para ma-blocked sila sa tindahan ng matanda.
Ang lakas ng tama ni Seven.
After a moment, the ingredients needed for the dishes were neatly lined up.
"Wow!" pumunta ako sa likod niya at hinawakan siya sa dalawang balikat para tignan ang mga natapos niya, "You’re actually good at chopping. Okay then, put the ingredients in order to that pot and add seasoning."
Sinunod naman niya ang inutos ko. Tumayo ako sa tabi niya at nakangiti siyang pinapanuod.
"How much salt should I sprinkle in? This much?"
"Uhm... more. Ah! Not that much! Tama na ‘yan!"
"How about the soy sauce?"
Kinuha ko ang recipe book na siyang gamit niya bilang gabay saka 'yun binasa. May recipe book nga hindi naman niya masyadong tinitignan.
"Mga ano... kalahating kutsara. Tama kala---" natigil ako nang makita ko siyang ginamit ang soup ladle pang-tantiya sa toyo, "Uy ano ‘yan---" pero huli na dahil nabuhos niya na 'yun sa kumukulong tubig.
Realizing something was wrong from my expression, his forehead creased in worried.
"O-Oh no..."
Bumuga ako sa hangin at nginitian na lang 'yun, "It’s alright. Kung masyadong maalat, dagdagan na lang natin ng tubig."
While waiting for it to cooked, we moved on to the next dish. Sweet and sour ribs. Compared to the other one, this one’s simple so I handed him the book recipe to follow the instructions.
Tumunog ang cellphone ko na nasa bag kaya naman nagpaalam ako na sasagutin muna. Bago ako makalabas ng kusina, tinawag ako ni Gavin.
"Is that... Claudius?" he asked hesistantly.
I checked the screen and shook my head, "No, don’t worry. It's a guest."
As if naman tatawagan ako no'n. Simula nga nang umiwas ako sa kan'ya, hindi na 'yun tumawag, e. Ni text wala. Pero unang-una, bakit naman niya ako tatawagan? Wala naman 'yun pakialam sa 'kin.
Kahit pa gano'n siya makatingin kanina... alam kong wala lang 'yun.
Matapos kong makausap ang guest na tumawag regarding sa iuusod naming meeting, napagpasyahan kong bumalik na ng kusina para alamin kung ano nang ganap do'n.
Pero wala pa ako sa kusina nang makaamoy na ako ng hindi maganda... amoy sunog.
Nagmadali ako. I saw Gavin who was cooking when I left, was now standing in front of the sink, rubbing his eyes.
"Gavin?"
He turned around and I found tears in his eyes, "Sorry..."
Lumapit ako para makita ang nangyari. Umuusok ang kawaling nasa lababo habang tuloy-tuloy ang agos ng tubig mula sa gripo, 'yung ilalim ng kawali, kulay itim na dahil sa sunog.
"N-Nasunog... mo?" hindi makapaniwalang tanong ko kahit kita naman ang ebidensya.
Patuloy siya sa pagkusot ng mata, "Yes, my eyes were irritated by the onions just now, and I forgot to attend to the dish in the pan, so... I’m... I’m sorry I made a huge mistake."
Although it was a disaster, when I pictured Gavin was standing helplessly in front of the little onions with the kitchen knife in his hand, it seemed cute.
I blew a sigh, "If you want to prevent tears, you can cut them in the cold water. Sorry, hindi rin kita napaalalahanan agad," I may sound apologetic but deep inside, I'm holding my laughter.
Pasensya naman, nacu-cutan ako, e! Para siyang hindi college.
Pero mukhang napansin niya 'yun sa 'kin kaya sumimangot ito, "W-What?"
I walked towards him and stood tiptoe to wipe his tears. He blinked and cough softly.
"Anong oras na hindi pa tayo nakakakain," ani ko, "Assist me. I’ll finish this quickly."
Nilinis niya ang ibang kalat, samantala inulit ko naman ang pagpi-pritong ginawa niya. Ilang minuto rin ang nakalipas at habang naaamoy namin ang nalulutong pagkain, hindi na talaga namin mapigilang magutom at maglaway.
Pumwesto na kami parehas sa lamesa para maghanda kumain. I picked up the piece of rib with fork and blew on it, then fed it to Gavin.
"Try it," I said.
He bent down and took a bite on it.
"Tell me, delicious isn’t it?"
Bahagya siyang natawa, "You better not eat it."
Gavin swallowed it willingly but gave me an unexpected answer. What?!
Kumuha ako ng isang piraso ng rib at tinikman 'yun. Bumagal ang pagnguya ko nang unti-unti ko nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin.
The ribs were not fresh...
'Yung totoo? Saan ito nabili ni Gavin? Hindi kaaya-aya ang lasa.
Uminom ako ng tubig at kumuha ng plastic para itapon doon ang mga natitirang karne. Nanghihinayang man, wala akong magagawa dahil hindi rin naman namin makakain ito. Baka sumakit lang ang tiyan namin.
All our efforts were wasted. Pero hindi, may soup pa kaming ginawa-- I mean, ni Gavin.
Looking at the stove, I silently prayed for our last hope. Please be delicious! Please be tasty! Please let us eat!
"It smells nice, but it doesn’t look good," ani Gavin.
"L-Let's taste it anyway! It's just the two of us. It doesn’t matter how it looks," sagot ko naman saka kumuha ng kutsara.
"How about let’s add more green onions? Wait, I’ll sprinkle it," kinuha ni Gavin ang natitirang green onions sa chopping board at hinalo sa soup. Kinuha niya ang kutsara sa kamay ko at hinipan ang soup mula ro'n, tinapat niya ito sa bibig ko.
Walang pagda-dalawang isip ko naman 'yung tinikman. The delicious aroma of mushrooms filled my mouth and rescued my taste buds which was poisoned by the strange tasting ribs.
"Mmm! Excellent!"
Hearing my exaggerated response, Gavin laughed, then lowered his head and had a mouthful as well using the same spoon he fed to me.
Sa wakas, makakakain na rin!
Gano'n pa man, hindi ko maiwasang mahiya sa kan'ya. Ang dami kong alam kanina. Chef Konan? Teach him how to cook properly? Pero kung ano pa 'yung niluto ko, 'yun pa 'yung hindi namin nakain at sa kan'ya pa 'yung masarap. Kasalanan ng karne 'to, e. Hmph!
Habang patuloy kaming kumakain, napapansin ko ang paglalagay naman ni Gavin ng pagkain sa plato ko. Papunta na 'ko sa tatlong pinggan dahil sa mga nilalagay niya.
"G-Gavin!"
"You’ve been working all day, so you need to eat more."
Before I could say anything, I burped. A loud and clear burp.
I saw him stopped and looked at me, pretended like he doesn't hear anything as he asked with great concern, "A-Another serving?"
Masungit akong humalukipkip, "Balak mo ba ‘kong patabain? And I’m full."
"You didn’t eat much at all."
"I just burped and you call that ‘didn’t eat much’? You’re doing this on purpose, right?"
"Haha! That was cute! Hindi ko na-record, isa pa."
"R-Record my burp?!"
Napuno muli ng kwentuhan at tawanan ang pagitan namin sa pagkain. I can say na... sa lahat ng gawin namin, talagang hindi na nawawala ang masayang tawanan namin. It made us both more comfortable with each other.
As the night was getting dark, we finished everything. Even the most annoying cleaning work became a little interesting because of the fun dinner.
This ordinarily ordinary moment seemed extra precious now and I want to save it as a treassure in my memory.
Matapos kong maghugas ng pinggan, tinaas ko ang dalawang kamay ko para umunat. When suddenly, I felt Gavin hugged me from behind. His arms snaked into my waist as he lowered his head to my shoulder.
My hand which was stretched, froze midair. He whispered in my ear.
"I enjoyed our home dinner date together, Konan. It seems to be right next to you. Sana maulit ‘to at hindi ka magsawang makasama ako. I love you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top