• Twenty Eight •

Catalina Konan

°°°

Ngayon lang yata ang ma-swerteng araw na hindi nagpunta si Gavin dito sa office. Masaya niyang binalita sa akin na kasama ang guild niya sa darating na tournament at-- ngayong araw iyon gaganapin.

Sa kabilang banda, punong-puno siya ng pagpapaalala sa akin na 'wag akong pupunta kay Sir Claudius dahil magseselos daw siya. Sa totoo lang, hindi naman niya malalaman kung bibisitahin ko ang isa, ang problema nga lang ay paano mangyayari 'yun kung hindi ko ma-contact si Sir Claudius. Ayoko namang pumunta na lang do'n nang walang pasabi.

Panay din ang text at tawag sa akin ni Gavin, katulad ngayon.

"I’m kind of nervous right now. This is the first tournament I’ll ever join! I hope we could win," anito sa kabilang linya.

"Nandiyan ka na, e. Kaya mo ‘yan," bulalas ko na lamang habang tinitignan ang mga na-kumpleto kong email sa computer.

"Hey."

"Bakit?"

"Cheer for me, Konan."

"I’m... I’m cheering for you spiritually," sagot ko.

"Yeah?" tumawa siya, "I miss you already. I really want to be with you all the time. You’re like a drug, I’m so addicted to you, you know that?"

Tumigil ako sa ginagawa ko. Ano ba ang dapat kong isagot? Nitong mga nakalipas na araw, hindi ko na alam kung paano rumespunde sa mga ganitong salita niya. Hindi na 'ko sanay, hindi katulad ng dati na kinikilig pa ako.

"A-Ano... uhm..."

"I understand you’re speechless. I love you," anito dahilan para lalo akong hindi makasagot.

Kung kasalukuyan ko pang niloloko ang sarili ko, malamang sinagot ko na ito ng 'I love you, too.' Pero sa kaso namin ngayon, wala akong ibang maramdaman kundi pagka-ilang sa kan'ya.

Wala akong lakas ng loob para tanongin siya kung bakit siya nagkaganito bigla. Napaka layo na niya sa dating Gavin na kilala ko.

Nang dahil lang sa pagpapaka-totoo ko sa kan'ya noong nakaraan, ito ang naging dulot.

"Hey... answer me," malalim na tugon niya nang hindi ako magsalita.

"W-What should I say?" bahagya akong kinabahan.

Sandaling natahimik sa linya. Pagkatapos ay narinig ko ang malalim na pagtawa niya, "Am I making you nervous? We’re sweet, right? Hindi ako sanay na gan‘yan ka sa ‘kin. Nakakatampo."

"G-Gavin..."

"Are you going to oppose that? Don’t, Konan. I’m a man of my words, I am willing to die for you if you want to."

"Stop saying that, Gavin." bigla akong nainis nang banggitin niya 'yun. Hindi ko alam kung totoo o hindi, pero kilala ko siya, gagawin niya ang anumang sabihin niya.

"I said if you want to."

"Why would I want---"

"Because I’m yours and you’re mine. Dapat, kung anong sabihin ko, ‘yun lang ang gagawin mo. Kung anong sabihin mo, ‘yun lang ang gagawin ko. Fair, yes?" he continued, "So please behave for my sake. I’ll get jealous."

"Sabi mo hindi ka makikipag-kumpitensya kay Sir Claudius? Why does it sound different?" I can't help but asked.

"Eeh...? Yeah I said that. Bakit naman ako makikipag-kumpitensya sa kan‘ya e akin ka nga ‘di ba? I’m not considering him as my rival because from the very beginning, you already made me feel that you are mine. Ahh, pwede mong sabihin na pinagseselosan ko lang siya dahil ayoko ng may kaagaw."

Naitikom ko ang bibig ko. Kaysa makipag-argyumento, hindi ko na lang 'yun sinagot dahil alam kong hahaba lang. Hindi ito ang tamang oras para makipag-away kay Gavin lalo at may tournament siya-- at hinihintay ko lang din na umayos na ang sitwasyon kay Sir Claudius.

Hindi ko rin ma-gets si Gavin. Ano bang pinagkaiba ng ginagawa niya sa salitang pakikipag-kumpitensya? But maybe I agree, he probably not competing, because he's being greedy.

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang suot kong bracelet na galing mismo sa kan'ya. Ayoko man suotin, pinilit naman niya ako.

"What time is the start of your tournament? They probably need you for pep-talk," ani ko na lang.

"We’re done doing that. Sayang, wala ka rito."

Bago pa ako makasagot ay bumungad na sa akin ang nakasimangot na si Hailey. Nakalagay ang salamin niya sa kan'ya ulo at may mga bitbit na papel sa kamay. Lumapit siya agad sa akin at walang anu-anong nagsalita.

"Konan, I have a favor. Please hear me out."

"W-What is it, Hailey?"

"Huh? Is Hailey there?" tanong ni Gavin.

Magpapaalam na sana ako kay Gavin na mamaya na kami mag-usap pero agad siyang nagsalita, "Don’t hung up, I want to listen."

Being as suspicious as him, of course he would not let me to just hung up after knowing Hailey's presence.

"Help me, Konan. Alam mo bang ilang araw nang hindi pumapasok sa office si Sir Claudius? Galing ako sa mansion n‘ya kani-kanina lang at halos ayaw n‘ya akong papasukin. Lalong naging mahigpit ang security ng bahay n‘ya. He’s having a difficult time from the recent events so much that he cannot even work, which is very unlikely him."

Napanganga ako. At hindi na rin kami nag-uusap sa phone simula no'n kaya wala akong kaalam-alam na hindi na pala siya pumapasok.

What's happening to him?

"Hindi ko na kaya ang ibang meeting ni Sir Claudius. Napaka daming problema ang nangyari simula nang hindi na siya pumasok at ngayon ni ayaw n‘ya akong papasukin sa bahay n‘ya para sa mga dokumentong ‘to," pagtukoy niya sa hawak na mga papel, "The board of directors were looking for him, even his business partners. There was a meeting that I cannot attend because the one that must attend was him and not me. If this continues, the company will be in big trouble."

"I’m sorry to ask this so suddenly but maybe if you come to see him, he’ll come to his senses. Konan," hinawakan ni Hailey ang isang kamay ko, "Could you please come to his address today? I’ve already talked to Seven and he’ll be the one to pick you up. Actually, he’s on his way here."

Nagulat ako ro'n. Nabuhay ang galak sa loob ko na muli kong makikita si Sir Claudius para makausap pero agad 'yun nabawi nang marinig ko si Gavin sa linya.

"Konan... I don’t feel well. I’ll leave the tournament, come to my house instead," saad niya.

"Please, Konan. I need you to visit Sir Claudius today. He’s not the type of person to just ditch work and hide. I've never seen him so... vulnerable. I’m asking this because I need him to come back at work. Bukod sa marami akong hawak na trabaho, kailangan ko pang bantayan ang galaw nina Anastasia at Lauren. Hindi ko masasabi kung may balak na naman silang manggulo sa ‘kin o sa kumpanya lalo’t wala si Sir Claudius," bulalas naman sa akin ni Hailey.

Humigpit na lamang ang pagkaka-kapit ko sa aking cellphone. Hindi ko alam kung sino ang pupuntahan ko. Si Gavin ba o si Sir Claudius?

Kapag si Gavin ang pinuntahan ko, para ko na ring hinayaan ang pangalan ng Protegé. Kapag naman si Sir Claudius ang pinuntahan ko, hindi ako sigurado sa gagawin ni Gavin.

Shit, Konan. You're doomed. Lahat nang nangyayari ngayon, kasalanan ko. Sa akin lahat nag-umpisa 'to, anong gagawin ko ngayon?

Gustong-gusto kong... sundin ang puso ko. Pero kapalit no'n ay ang konsensya ko.

' ' '

"You sure about this, Konan?"

Pikit-mata akong tumango ng paulit-ulit sa pangatlong tanong na iyan ni Seven. Kagaya ng sinabi ni Hailey kanina, nakarating nga si Seven dito sa Protegé building para sunduin ako. Kinuwento ko sa kan'ya ang nangyayari sa 'min ni Gavin at Sir Claudius.

Kinabit ko ang seatbelt sa katawan ko at huminga ng malalim. Nang tignan ko si Seven, nag-aalala ang mukhang pinapakita niya sa 'kin.

"S-Seven, ‘wag mo ‘kong tignan ng gan‘yan," mahinang bulalas ko.

He heaved a sigh, "I was surprised with Gavin’s actions towards you. But I know, that attitude, he can really be a yandere sometimes."

"Yandere?"

"Hm-mm. Yandere means, a person that is often sweet, caring, gentle and innocent before switching into someone who displays an extreme obsessive level of devotion to their love interest."

Bahagya akong napanganga sa kan'ya. He's right. Gavin's being obsessive these days.

"Matagal ko nang napapansin ‘yung pagtingin n‘ya sa ‘yo kaya nga babalaan sana kita noon tungkol sa ganitong ugali ni Gavin pero hindi ko na nagawa dahil baka matakot ka. Before Silvanna died, I saw a glimpse of him being an obsessive guy. He was really devoted to his cousin before, like he was willing to do everything for Silvanna. After that, Gavin hated everyone especially Light. He changed a lot when she died."

That answers to why he was not accepting Silvanna’s death even after knowing she threw herself in a wide ocean. Kung hindi sila mag-pinsan, iba ang maiisip ko.

But I chose to understand Gavin. Like he said, Silvanna listens to him, she used to support him and took interest in every possible way. Kaya naman naiintindihan ko kung bakit gano'n na lang siya mag-react sa pagkamatay ni Silvanna.

"When I told you advice last time, I thought that if you choose Claudius and leave him, he would be very, very sad, cry a lot and be heart broken. But what you told me earlier made me think that I am right about him--- being a yandere," aniya pa.

"Kung gano’n anong gagawin ko? Nagpaka-totoo na ‘ko, sinabi ko na hindi totoo ang nararamdaman ko sa kan‘ya noon at si Sir Claudius ang mahal ko pero imbes na palayain ako, ito ang ginagawa n‘ya," hinarap ko ng maayos si Seven, "Please help me. N-Natatakot ako na kapag pinilit ko siyang layuan, baka magpakamatay nga siya."

Seven looked taken aback, "He... what?"

"He told me, Seven. He told me that he don’t care about his life anymore and he’s willing to commit suicide if I leave him," I said as my tear rolled down my face.

Iyon ang pinaka rason kung bakit kahit kaya ko siyang iwan-- ay hindi ko magawa. Hindi ko 'yun tinignan bilang isang biro dahil kahit biro 'yun, hindi 'yun nakakatuwang pakinggan kaya pinili ko 'tong seryosohin. Base sa mukha ni Gavin noon, hindi rin siya mukhang nagbibiro.

"W-What the heck is wrong with that boy..." he almost couldn't believe it.

"Seven, please... do something," pakiusap ko pa.

Umiling-iling siya at lalong kumunot ang noo, "You know what, I thought he was instead willing to kill for you rather than kill himself."

"Killing someone or commiting suicide for me is same as commiting a crime! Is... is that part of being a yandere?"

"Unfortunately, yes." he answered, "Since I foresee his yandere character, I assumed that he was willing to kill someone he loves the most. But, I never thought he can kill himself instead."

So, because he has this yandere character, means that he's somewhat close being a psychopath?

"Is... he a psychopath or papunta palang do’n?"

"Psychopaths hurt people for fun while yandere hurt people physically or emotionally for personal gain. Psychopaths hasn’t have a conscience, if he kills someone, he wouldn’t remorse. Yandere, is an obsessive personality with his love interest, their purely admiration, love and devotion to the loved ones becomes feisty and stubborn. Yandere start out nice, but do the crazy things once they feel devotedly attached."

"Depende kasi ‘yun sa tao. A yandere sometimes tends to kill someone if they feel like losing--- or they might have been kill their object of desire to avoid losing them. Example, if Gavin can’t really have you, then no one will. Gavin might kill you instead," dagdag niya pa kaya naman mariin akong napalunok ng laway sa takot.

Iniwas ko ang tingin sa kan'ya, "T-That’s scary. Walang gan‘yan, please."

"Don’t worry. Sa tingin ko naman hindi gano’n kalalim si Gavin para gawin ‘yun. He maybe a yandere, but we can take care of it immediately. We’re here to help you."

Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay biglang tumunog ang cellphone niya. Tinignan pa ako ni Seven at base ro'n, alam kong si Gavin ang kausap niya.

"Gavin, bro."

Humigpit ang pagkaka-kapit ko sa aking bag habang nakatitig ng mariin sa paanan ko. Hanggang ngayon ay nasa parking lot pa rin kami ni Seven at hindi pa nakakaalis dahil sa seryosong pag-uusap namin. Bigla tuloy akong kinabahan sa isiping baka puntahan ako ni Gavin dito at maabutan niya ako.

Simula nang matapos ang usapan namin kanina ni Hailey, buo na ang desisyon kong piliing puntahan si Sir Claudius. Nagbigay mensahe ako kina Tiara at Zen na samahan muna si Gavin dahil natatakot ako sa maaaring mangyari.

Gaya ng sabi ko, hindi ko alam kung nagbibiro lang siya sa pagpapakamatay o hindi. Pero para maka-sigurado, nanghingi na lang ako ng pabor kina Tiara.

Bumalik ang paningin ko kay Seven nang magtanggal ito ng seatbelt. Agad akong naalarma.

"Bakit?"

"Nandito si Gavin. Pupuntahan ko lang."

"A-Ano?" so tama nga ang iniisip ko.

"Dadalhin ko muna siya sa taas. Zen texted me that they’re half-way here so I must tell Gavin that I already dropped you off to Claudius’s."

"Hindi mo sinabing kasama mo pa ‘ko?"

"I didn’t answer him yet. Hindi ko rin siya pwedeng pabayaan na lang ngayong nandito siya. Baka bigla na lang ‘yun pumunta kay Clau---" parehas kaming nagulat at natigil ni Seven nang makita naming kumatok sa bintana niya si Gavin.

Alam kong tinted ang bintana ng sasakyan ni Seven pero kinakabahan talaga ako ng malala na baka nakita ako ni Gavin. Lalo kapag binaba ni Seven ang bintana.

Hindi kaagad naka-respunde si Seven. Tinignan niya ako na parang nagtatanong.

Umiling-iling ako, "S-Seven..."

"Listen, I don’t know why he got here that fast but since he’s outside, talk to him. Akong bahala, ano man ang mangyari, ihahatid kita kay Claudius," paninigurado niya sa 'kin.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko! Ilang beses na akong nag-explain!"

"Once I opened down this damn window, he will still see you. Even if you go at the back," pagtukoy niya sa upuang nasa likod, "He’ll still smell you. He’s addicted to you, remember? Ang lakas kaya ng pabango mo, Konan."

Napasulyap ako sa likod na upuan. Sportscar ang gamit ni Seven. Kung titignan mo mula sa labas, dalawa lang ang bintana ng sasakyan na 'to kaya may punto siya.

"Gavin can’t drive, so don’t worry," aniya pa.

Hindi pa ako nakakasagot nang buksan na ni Seven pababa ang bintana at kaswal na batiin si Gavin na ngayo'y nakatitig na sa 'kin.

"Yo, ‘lil bro," bati ni Seven na sinaluduhan pa gamit ang kan'yang dalawang daliri.

"So, that’s why you didn’t answer my question, Seven..."

Seven laughed carelessly, "Sorry. I was told to bring her to Claudius’s place and for your both safety, I must follow. Are you mad? Don’t be. I still love you, my Gavin."

"Konan, get out of there," utos ni Gavin.

"Wrong," sagot ni Seven, "Instead, I will get out so the you two can talk more privately."

Bumaba si Seven ng sasakyan at bahagyang yumuko para silipin ako, "I’ll give you 15 minutes to talk. I’ll return at exactly 3:40."

Nang makaalis si Seven, nanatiling nakatayo sa labas si Gavin at nakikipag-titigan lang sa upuan. Dahil sa mga napag-usapan namin ni Seven, mas lalo akong natakot kay Gavin. Pero ayoko siyang kalimutan na lang ng gano'n, kahit paano, may pinagsamahan kami at hindi dapat ako magpadala sa takot.

Nandito ang CVA para sa akin-- para sa amin ni Gavin.

Makalipas ang ilang segundo, pumasok din si Gavin at sinara ang pintuan. There's an awkward silence between us.

"Ano, Gavin---"

"Even though I told you I don’t feel well, you still chose Claudius," Gavin whispered, "You really don’t like me..."

"H-Hindi sa gano’n. Pero kasi, kapag ikaw ang pinili ko, paano naman ‘yung nararamdaman ko para kay Sir Claudius? Gusto mo bang niloloko kita kagaya ng dati? Kasi ako ayoko na. Ayaw na kitang saktan pa kaya nagpaka-totoo na ako," sagot ko naman dito.

"Bakit sa kan‘ya ka pa pupunta? ‘Di ba sinabi ko sa akin ka lang? Bakit ba palagi mong sinasaktan ‘yung puso ko, Konan?"

"Nasasaktan ka kasi ayaw mo pa akong pakawalan. ‘Yun ang dahilan kung bakit ka nakakaramdam ng gan‘yan. Just let me... go. And I’m really sorry that this happens to us."

"No," umiling siya at hinawakan ang kamay ko, "You’re my world why I let go of you?! Sumama ka na sa ‘kin."

Pilit niyang tinatanggal ang pagkaka-seatbelt ko sa upuan pero pinipigilan ko 'yun sa abot ng aking makakaya, "G-Gavin, listen to me, listen to me."

"No! Come with me, Konan!"

"Gavin, please listen!" hinawakan ko siya sa dalawang pisngi niya at tinutok sa mukha ko, agad kong nakita ang namumuong luha sa nasasaktang mata niya.

Parang piniga ang puso ko. Kahit para akong sinasakal ni Gavin, hinding-hindi ko yata magagawang kamuhian siya.

"I-I know you’re not a bad person. You won’t hurt me or anyone, right? You won’t hurt yourself either. You’re a good person, Gavin. I liked you for that. But... we have to be true to ourselves. Hindi ikaw ‘yung mahal ko at kahit ikulong mo pa ako sa bahay mo, mag-effort ka ng sobra o manakit ng ibang tao--- hindi magbabago ang paningin at damdamin ko sa ‘yo. Ikaw pa rin ‘yung Gavin na inosente, pala-ngiti, tampuhin, seloso, childish sa paningin ko. H-Hindi kita kayang mahalin kagaya ng pagmamahal ko kay Sir Claudius. Tanging pagkakaibigan lang ang kaya ko ialay sa ‘yo, Gavin... I'm sorry."

Wala siyang naisagot. Bagkus, sunod-sunod na pagpatak lamang ng luha niya ang nakita ko. His eyes is full of emotions-- pain, sadness, fear.

Seeing him cry like this, makes my heart shattered in pieces.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top