• Twenty •
Catalina Konan
°°°
Mabilis na lumipas ang araw. Madalang na nakakadalaw si Gavin dito sa office dahil malapit na ang finals nila at kailangan niyang mag-aral ng mabuti. Gano'n pa man, hindi naman siya pumapalyang tawagan ako gabi-gabi. Madalas siyang nagtatanong kung kumusta ang araw ko at anong naganap-- pero mukhang mas concern niya si Sir Claudius sa 'kin.
Panay ang tanong niya kung magkasama kami ni Sir Claudius, kung nagkita ba kami, kung anong pinag-uusapan...
Pero panay din naman ang kumpara niya sa 'kin kay Silvanna.
Honestly, what am I suppose to do to prove I am not Silvanna? It's fine to be the same, but Gavin's comparison is too much.
"I traced his route and I think he belongs to the hacker, Betina." Seven on the line stated as we’re speaking over a group call with Tiara.
"So, they sent a spy to me?"
"Surely. Hindi ka pa rin n‘ya tinatantanan. The fact that he’s still keeping an eye on you, for sure he’s also cautious of me."
Narinig naming bumuga ng hangin si Tiara, "But the good thing is, he’s not showing anymore. Siguro nalaman na ini-imbestigahan mo sila kaya tumigil. Pero sana ‘wag nang bumalik. I don’t want that incident to happen again, especially now that I’m living with Zen."
"Worry no more, Bets. The defender of justice is always here," pagmamayabang ni Seven.
Gets ko naman ang pinag-uusapan nila at nagpapasalamat ako na nagawan ni Seven ng paraan ang tungkol sa stalker ni Tiara. Pero... sadyang wala ako sa mood ngayon. Mabuti na nga lang at nakatapos pa ako ng isang guest ngayon, e.
Hindi ko kasi maiwasang mainis ng kaunti kay Gavin. Hindi ko alam kung napapansin niya 'yun sa pangungumpara sa 'kin sa pinsan niya.
"Bets...? You think I like that?"
"But I like that nickname to you. Hahahaha!"
"Whatever. Konan, nabanggit sa ‘kin ni Hailey na pupunta kayo ngayong araw sa arena? Pumunta kayo ng maaga. I’ll save you a seat," bulalas ni Tiara sa 'kin kaya naman naalala kong aalis pala kami ni Hailey.
"A-Ah, oo nga pala. Si Hailey na lang naman ang hinihintay ko rito sa office," sagot ko.
"You’re going to a live show?! I want toooo!"
Natawa ako, "Pwede ka namang sumama sa ‘min, Seven. Ano?"
"Hmmm... I want but I can’t. I’m too busy with my work. But if you really want me to come... hehehe, summon a pringles and I’ll be there!"
"P-Pringles?"
"Yasss! I’ll hear you for a pringles."
"H‘wag kang magpaloko diyan, Konan. Maraming pambili ‘yan ng sitsirya," sabat naman ni Tiara.
"I really hate you, Betina."
"The feeling is mutual."
Alam ko namang naglolokohan lang sila pero pumagitna pa rin ako, "Sometimes, you should take a rest too, Seven. Hindi ka na masyadong nagpupunta rito at madalas ka na lang naka-online. Sumama ka na sa ‘min, let’s have a bond."
"I’d love that but nope, I don’t have time. Lumalabas kaya ‘ko ng bahay! I’m a secret agent, remember?"
Tiara heaved a sigh, "Yeah, so let’s understand his dark world, Konan. Anyway, I gotta hung up. Sumasakit ‘yung tiyan ko."
"Natatae ka?" tanong bigla ni Seven.
"Good gracious, Seven. Alam ko naman kung anong pakiramdam ng natatae sa hindi. Ibababa ko na nga ‘to! Dumadagdag ka pa sa sakit ng tiyan ko. Ewan ko ba ba’t nakikipag-usap pa ako sa ‘yo ngayon sa phone. Sana tinext mo na lang sa ‘kin ang balita mo."
"Huh?! Inaano kita diyan? Ang sungit mo naman!"
"Deserve mo."
"Acckkk! How hurtful!"
"Teka," kumunot ang noo ko, "Nasa arena na kayo ni Zen, ‘di ba? Uminom ka kaya ng gamot."
"I don’t think it’s necessary, I can still hold. Pero hindi ko itatanggi na ilang araw na rin itong sumasakit. Ayokong sabihin kay Zen dahil mag-aalala ‘yun ng sobra."
"What?!" Seven and I exclaimed in chorus.
"What’s with that reaction? It’s okay. I think it’s just my acid."
"But we’re worried..."
"Thanks, guys. But I can handle it. Sige na, tawagin mo na si Hailey para makarating na kayo rito. The concert will start in 2 hours."
"Hey, Betina. Take care of yourself will you? You’re more busy compared to me with your hectic works so you should take it easy. How about tell this to your boyfriend?" suhestiyon ni Seven na bahagyang sumeryoso ang boses.
I agreed, "Yes. Tell Zen, Tiara. Ilang araw mo na palang nararamdaman ang tiyan mo..."
"Guys, it's okay. I’ll tell him but not now. Kung alam n‘yo lang kung gaano karami ang project ni Zen. Ayokong maudlot ‘yun dahil sa ‘kin, ti-tiyempuhan ko kapag medyo gumaan ang schedule niya, okay?" she sighed, "Ibababa ko na talaga ‘to. Thank you for worrying you two."
Sakto naman no'n ay pumasok si Hailey sa office ko kaya naman tumayo ako't nagpaalam na rin kina Seven at Tiara.
"Hailey’s here. See you later, Tiara. Rest if you have time, please. Ikaw din, Seven."
"Yeah. Thanks, Konan. Take care on your way."
"I’ll reserve you a seat."
Nang maibaba ko na ang linya ay sabay na naming tinungo ni Hailey ang hallway at huminto sa tapat ng elevator. Habang nagku-kwentuhan kami, biglang bumukas ito at bumungad ang seryoso at blangkong mukha ni Sir Claudius. May kasama siyang dalawang body guard sa magkabila niyang gilid.
Umawang ang labi ko nang magtama ang paningin namin at lumakas ang kabog sa dibdib ko.
W-What now? Bakit parang first time namin magkatinginan ng ganito?
"Good afternoon, Sir Claudius." bati ni Hailey, "Thanks for letting me out for today. I’ll return to my work tonight as promise."
Lumabas siya at huminto sa harapan namin, "Ipahatid ko na kayo?"
"We’re fine. Thank you for offering. And... I must remind you of some documents I left on your table. I need your approval of signature to be submitted on monday. It's regarding to the meeting last week with the pharmaceutical company."
Sir Claudius just gave Hailey a single nod, then turned his head to me.
I smiled at him and hastily looked away. Habang tumatagal, lalong natataranta ang puso ko kapag tinititigan niya 'ko! Mahirap na namang pa-kalmahin!
"That's not a proper way to fix your tie," he said.
Uminit ang pisngi ko nang mas lumapit siya at hawakan ang suot kong pulang kurbata. Naramdaman kong niluwagan niya 'yun at inayos ang pagkakalagay sa akin.
Halos mapigil ko ang aking hininga sa lapit niya lalo at amoy na amoy ko ang mabango niyang halimuyak.
Shemay... kumalma ka, kalma!
Nang matapos siya ay lumabas ang maliit na ngiti sa kan'yang mapula-pulang labi, "You looked cute in that dress, Konan. I like it."
Nagkatitigan kami at sa papuri niyang 'yun, hindi ko na alam ang dapat kong i-react.
Tumikhim na lamang si Hailey na nasa tabi namin at nang mapatingin ako sa kan'ya, tinanguhan niya ako na sumakay na sa elevator.
"If you don’t mind, Sir Claudius. We’re going," saka ko naramdaman ang kamay ni Hailey sa kamay ko.
"Take care," huling bulalas ni Sir Claudius sa 'min.
Bago tuluyan magsara ang pinto ng elevator, doon ko lang napagtanto na magsalita kay Sir Claudius na nananatiling seryosong nakatingin sa amin.
"C-Claudius! I appreciate what you did so thank you for fixing my tie! Please cheer up! I’m always here for you no matter what!"
At tuluyan nang nagsara ang pinto nito.
Hindi ko na napag-isipan pa ang mga nasabi. Pero lahat ng iyon ay totoo. My heart is racing for him. I like him, I really do.
Narinig ko ang bahagya at mahinang pagtawa ni Hailey. Hindi siya nakatingin sa 'kin nang lingunin ko ito.
"You’re getting close to each other. That’s good to see."
Imbes na sumagot, napangiti na lang ako.
That's right. We're getting close. At hindi ko na hahayaan pang magkaroon ng malaking espasyo muli sa pagitan namin. Nandito na 'ko, napansin na niya 'ko, pinuri na niya 'ko ng ilang beses... ayoko nang bumalik pa kami sa umpisa.
But I can't help to want more. I want more of him. That's one of the things I couldn't understand with myself.
' ' '
Sinalubong kami ni Tiara sa mismong entrance ng arena para ihatid sa ni-reserba niyang upuan para sa 'min. Dapat ay sa gitna kami nakaupo ni Hailey dahil 'yun ang ticket na nabili niya pero dahil kay Tiara, napunta kami sa VIP seat na siyang kinatuwa ng kasama ko.
"I’ll be at the backstage, are these seats fine?" tanong ni Tiara sa amin.
"Yes, Betina. Actually you don’t have to do this but I really appreciate it," sagot naman ni Hailey, "In return, let me treat you to a coffee some time."
Bahagyang natawa si Tiara sa kan'ya, "Ano ka ba ‘wag na. We’re friends so it's okay."
"But wait, how’s your stomach?" tanong ko naman.
"Well, it's not in pain anymore. Sabi ko naman sa inyo kaya kong tiisin ‘yun, e."
Kumunot ang noo ni Hailey sa kan'ya, "Are you alright?"
"Umaatake siguro ang acid ko. Pero okay na ‘wag n‘yo nang alalahanin pa. Hindi naman gano’n kalala ‘yung sakit kaya ayos lang ako."
"Pero mas maganda talaga kung malalaman ni Zen ‘to," sabi ko.
Hinawakan niya 'ko sa balikat at napangiti na lang, "I understand you’re concern but... like I said, not now. Knowing him, he’ll get more worried and it may affect his projects. Maybe after this hectic schedule, I’ll open."
"We can accompany you to a check-up," suhestiyon ni Hailey na siyang tinanguhan ko.
"Hindi na kailangan. Pare-parehas tayo may mga ginagawa kaya ‘wag na kayong mag-alala pa. Acid ko lang ‘to, it’s not that serious," tumingin siya sa orasan niya at akmang magpapaalam na, "Pupunta na ‘ko sa likod ah? The show will start in 10 minutes so I must go."
Nagpahabol ako, "Magpahinga ka agad pagkatapos nito ah! O kaya uminom ka ng gamot, o magpa-check-up ka na!"
Nailing siya at natawa na lamang.
Pagkaalis ni Tiara, napabuga ako sa hangin at sumandal sa upuan. Palagi na lang kami pinag-aalala ni Tiara-- una ‘yung tungkol sa stalker, pangalawa ay itong tiyan niya.
Naalala ko sa kan'ya 'yung kaklase ko no'ng high school. Madalas sumasakit ang tiyan niya at dahil kapos sa pera pang-check-up, huli niya na nalaman na may stomach cancer pala siya. Kaya hindi ko maiwasang mag-alala sa kan'ya ngayon. Sana ay wala siyang seryosong sakit.
"Maybe starting tonight, I’ll include Tiara in my prayers," I said in a low voice.
"Go ahead, she's a friend anyway."
I nodded, "Yes. She's our friend that's why I'm concern--- oo nga pala, first time mo bang magpunta sa live show ni Zen? You looked really happy."
Inayos niya ang salamin at ngumiti sa 'kin, "I got to see his shows like this often, but I've never seen one with a friend. This feels different."
"Wow... then I’m glad! And we’re lucky that they’re our friends, too! Biruin mo, kaibigan natin silang dalawa ni Tiara."
Tumawa si Hailey. Sakto naman no'n ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko, nakita ko ang pangalan ni Gavin at binasa ang mensaheng pinasa niya.
From: Gavin
Where are you right now? I came to your office and you’re not there. Remember what I said last time? Let's have a date!
Napasinghap ako. Alam kong niyaya niya ako noong nakaraan pa pero hindi ko alam na ngayong sabado pala niya balak ituloy 'yun. Sa pagkakaalam ko kasi ay may pasok siya sa school nila at linggo ang nasa isip ko na lalabas kami. Hindi ko rin nasabi sa kan'ya na kasama ko si Hailey para sa show ni Zen.
Nagtipa ako ng mensahe at sinabi sa kan'ya kung nasaan kami hanggang sa muli siyang nag-text.
From: Gavin
Ah... really? ;( So we’re not going on a date? Hmp.
Natawa ako sa text niya. Parang nai-imagine ko tuloy ang itsura niya ngayon. Sasagutin ko pa sana ito nang biglang dumilim ang paligid senyales na mag-uumpisa na ang show, umalingawngaw ang malakas na musika.
Lumabas ang ngiti sa labi ko nang magsimula ang paunang palabas. May grupo ng mga kababaihan ang magpe-perform muna sa stage kaya naman tumutok ako dahil na rin sa nakaka-enganyong tugtog nito. It's my first time watching a live show like this so I might as well enjoy it.
Tumagal ng ilang oras ang live show at sobrang pokus kami ni Hailey sa napanuod. Hindi ko maitatanggi na sobrang galing na aktor talaga ni Zen. Magaling siyang sumayaw, kumanta at umarte. Plus the fact that he is naturally sexy and handsome. Most of his fans are ladies, everytime the live show ends, or Zen will sing a song, they’ll scream and shout how they idolize him.
Nadadala rin tuloy ako sa pagsigaw nila kaya naman napapasigaw rin ako ng, "Kaibigan namin ‘yan! We’re proud of you, Zoro!"
Habang si Hailey, susuwayin ako at tatawanan lang.
Alas kuatro ng hapon nang matapos ang live show. Halos matulak kami ni Hailey sa mga nagmamadaling babae na gustong ma-meet si Zen ng harapan. Mayro'n kasi siyang autograph signing at bilang mga fans, natural lang na makipag-siksikan sila. May mga ilan pa nga na nagbibigay sa kan'ya ng regalo.
Hindi na kami lumapit pa ro'n ni Hailey. Kung gusto namin ng signature niya, pwede naman naming hilingin 'yun sa gusto naming araw. Perks of having a celebrity friend...
"He's so popular," I commented.
"Because he is such an amazing and very down to earth actor," Hailey replied whilst watching Zen from afar, "Have you watch one of his famous movie? It’s an adaptation from a book. He played a character that was absolutely on uncovering the murderer, even in suffocating moments when he could be the one to get murdered, it’s breath taking. Zen is pretty amazing in this industry."
Namamangha akong tumingin kay Hailey. Bakas ang pagkinang ng mata niya habang pinagmamasdan si Zen. Kitang-kita ko sa kan'ya ang matinding paghanga.
"You’re really a fan, Hailey."
Ngumiti siya at inayos ang kan'yang salamin bago ako harapin at yayain nang lumabas, "I’m his number 0 fan. I support him in whatever will make him happy."
"Yay! That’s my Hailey! Ako rin ‘no! Since that couple is our friend, I’ll support them! I’m a fan of Zen, too!" masayang bulalas ko habang naglalakad kami palabas ng arena.
"Then, are you in for next time? Let’s binge watch Zen’s movies."
"Oo naman! Kailan ba?"
"Well, kapag niluwagan ulit ni Sir Claudius ang schedule ko. I’ll do what it takes."
"Then I'm in! H‘wag kang mag-alala. Pinagdarasal ko na maging maayos na ang sitwasyon ni Sir Claudius," humina ang boses ko sa huling linya, "Sana lang ‘wag na siyang pilitin ng tatay niyang magpakasal sa iba..."
Hailey suddenly let out a small laugh, "Don’t worry. Sir Claudius won’t marry Lauren. You can relax."
She heard!
"H-Hindi ‘yun kagaya ng iniisip mo ah! Baka iniisip mo concern ako kung magpapakasal siya sa iba. P-Parang gano’n na nga pero... ano... hindi ako ano, walang..."
"What? Naguguluhan ako sa sagot mo, Konan." natatawa niya pang usal.
Mabilis kong nilapat ang dalawang kamay ko sa magkabila kong pisngi at pumikit sa hiya, "Hindi ko rin naintindihan ‘yung sinabi ko kaya kalimutan mo na ‘yon---"
"Konan!"
Dumilat ako at napahinto kami sa paglalakad nang mamataan namin si Gavin na tumatakbo palapit sa 'min. Teka, Gavin?!
"You don’t have classes?" tanong ni Hailey.
"I came from school," sagot niya nang huminto sa harapan namin, tinignan niya 'ko at malawak na ngumiti, "Looks like the live show was over. Then, can we go on a date?" diretsang tanong niya kaya naman mabilis akong namula at napatingin kay Hailey na siyang tumaas ang kilay.
"G-Gavin...!" suway ko pero imbes na sumagot, dumako ang mata niya sa suot kong kurbata. Iyon 'yung inayos ni Sir Claudius kanina.
Nagulat ako nang hawakan niya 'yun at haplosin. Iniisip ko na baka nalaman niyang inayos ni Sir Claudius 'yun kanina at tanggalin niya para siya ang mag-ayos pero bakit naman? Maayos ang ginawa ni Sir Claudius at imposibleng malaman ni Gavin 'yun. Depende na lang kung may nagsabi.
But because it's impossible, instead, he uttered a line that quickly sets off again my mood.
"Silvanna used to wore a tie like this... it suits her, as well as it suits you, Konan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top