• Three •
Catalina Konan
°°°
Ilang ulit ko pinag-isipan ang trabahong alok sa akin ni Tiara. Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung kaya ko ba maging event coordinator o magkakalat lang ako ro'n, ilang beses ko ring sinabi sa sarili ko na, "hindi, charity organization 'yon at nando'n si Sir Cladius. H'wag mong ipahiya ang taong 'yon."
Napabuga ako ng hangin at sumandal sa sofa na nandito sa aming salas. I've made my decision. Whatever it may be, I just hope I don't regret this sooner or later.
"Hindi na ba magbabago ang desisyon mo, Ate?"
Lumipat ang mata ko sa 'king katabi na si Katie. Nasa mukha niya ang pag-aalala.
"Katie, 'wag mo na akong tignan at tanongin ng gan'yan at baka magbago pa ang isip ko. O-Okay na ako," natawa ako sa sarili.
Sabi nga ni Sir Claudius, bibigyan daw nila 'ko ng 24 hours para mag-isip. Ngayong tapos na ang oras, ayoko silang paghintayin ng matagal at magpaka-importante. Mamaya ay magkikita kami ni Tiara para sabihin ang pinal kong desisyon.
But before that, I have discussed this with my sister. For sure our parents won't care but Katie's different so I already told her my decision.
"Kung diyan ka sasaya. Alam mo namang gusto ko lang na masaya ka, e. Ang panget naman kung malungkot ka na nga rito tapos... panget pa 'yung desisyon mo," ika niya, "Basta palagi mong tatandaan na susuportahan kita kahit anong mangyari. K-Kahit w-wala ka na rito sa..." lumukot ang mukha niya at para bang naiiyak na.
Kaagad ko siyang dinikitan at niyakap. Natawa pa nga 'ko pero sa totoo lang, naiiyak na rin ako sa kan'ya.
"Katie..."
"Ateeeee!" at tuluyan na siyang humagulgol sa 'kin.
Pinigilan kong maiyak kaya naman natawa na lang ako sa inaakto nito. Sa totoo lang, nakaka-touch na naiiyak pa siya sa akin dahil aalis na ako rito-- oo, lilipat na ako sa apartment na tinutukoy ni Light at... tinatanggap ko nang maging isang event coordinator.
At some point, Tiara's words lift up my confident. Saka, parang ayoko rin siyang hindian dahil sa mga sinabi niya sa akin.
Can you believe that? You can only count on your fingers the times we've met, yet, she's trusting me already-- and that's rare for the people around me. Usually, Katie's the only person who would give me courage because she knew what I'm going through.
"Bakit ka ba umiiyak? Gusto mo rin akong paiyakin?" natatawang bulalas ko.
Naramdaman ko siyang umiling, "W-Wala na kasi akong kasama rito, e..."
"Anong wala? E, anong tawag mo kina Mama?" kumalas ako sa yakap at mataman siyang tinitigan, "Favorite ka nga nila, e. Tapos sasabihin mo wala? E, lagi ka nga nilang hinahanap. Saka, magkikita pa tayo. Ang OA mo ah!"
"Pero..." yumuko ito at suminghot, "Gusto kong mag-sorry sa 'yo, Ate."
Hindi ako sumagot at nginitian lang siya.
"K-Kasi... pinapakitaan ka ng hindi maganda ng magulang natin. Pinapakita nila sa 'yo na mas pabor sila sa akin por que may karangalan ako sa school. Nagkakamali rin naman ako---"
"Pero mas madalas akong magkamali kaysa sa 'yo," putol ko sa kan'ya na kinatigil niya.
Nagpatuloy ako, "Kung tutuusin, lahat na nga nasa 'yo, e. Siguro 'yun 'yong dahilan kung bakit paborito ka nila. You should be happy! You're lucky. But don't get me wrong, I'm not jealous of you, just... a little?" sinabayan ko ito ng tawa, "But honestly, parang hindi ko yata mas maaatim kung ikaw ang nakakaramdam ng nararamdaman ko. So, cheer up! Don't mind too much of your sister."
Lalo siyang naiyak sa sinabi ko, "Ate...!"
"Katie...!" ginaya ko siyang ngumawa kaya naman imbes na mas lumalim ang pag-iiyakan, natawa na lang kami sa panggagaya ko rito.
'Yung pagiging malapit namin ni Katie sa isa't-isa... 'yun 'yong isa sa mga hindi napapansin ng magulang namin. Patuloy ang pagku-kumpara nila-- pero ang maganda ro'n, walang inggitan sa pagitan naming dalawa.
The funny thing is... why and how would she feel envy when in the first place, I don't have anything special in me?
I'm not rich, I'm not that pretty, I'm not smart, I'm not skillful, I'm clumsy, I'm slow.
Sa pag-aayos ko nang gamit ay siyang pagdating ng parents namin sa bahay. Dahil kasama ko si Katie na tinutulungan ako, hinanap agad nila ito at pinasok ang kwarto ko.
"Welcome home po," bati ko sa kanila na hindi nila pinansin.
"Katie, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Mama kay Katie saka ito nilapitan.
"Oh? Aalis ka, Konan?" pagpansin ni Papa sa mga inaayos naming dadalhin ko.
Napaayos ako ng upo at nginitian sila, "U-Uhm... gano'n na nga po. Gusto ko po sana kayong makausap tungkol sa bagong trabahong nakuha ko. Ano, magiging event coordinator na po ako ng isang charity organization."
Napatingin si Mama sa gawi ko at ngumisi, "Bakit? Natanggal ka na naman sa restaurant?"
"Actually---"
"Tara na, Katie. Bumili ako ng pizza pie, 'di ba nagsasabi ka no'ng isang araw?" baling niya sa kapatid ko saka ito inakay patayo, binalik niya ang tingin sa 'kin, "Gawin mo kung anong gusto mo. Malaki ka na, may isip ka. Basta 'wag mo lang kami idadamay kapag may nagawa kang katangahan diyan sa bago mo na namang trabaho."
Kaagad may pumitik sa puso ko pero hindi ko na lang 'yun pinansin. Yumuko ako at pinilit ipakita ang ngiti sa labi ko.
"I-Isa pa po... lilipat na rin po akong apartment dahil..."
Ano nga bang dahilan kung bakit ako lilipat ng apartment? Parang hindi ko yata naitanong kay Tiara 'yan ah? Hay, tignan mo, ang tanga ko talaga para hindi kwestiyunin 'yun.
"Dahil malayo po---" muli na naman akong natigil nang magsalita si Mama.
"Ano pa man ang rason mo, ikaw ang bahala. Siguraduhin mo lang na may pakinabang ka sa trabaho mo na 'yan. Madala-dala ka naman at nakakahiya ka na kung mapapalayas ka ulit diyan. Ewan ko na lang talaga."
"M-Mama..." pagtawag ni Katie rito.
Bumuga naman sa hangin si Papa at tumingin sa 'kin, "Kailan ang alis mo?"
Nilaro ko ang mga daliri ko sa kamay, "Mamaya po..." mababang sagot ko.
"Mag-ingat ka na lang ha?"
Pagkatapos no'n ay sabay-sabay na silang umalis sa kwarto ko at naiwan akong mag-isa. Tanging malakas na pagtibok lang ng puso ko ang maririnig, tumitibok ito sa makirot na paraan.
Bakit ko ba naisip na magagalit sila kapag nalaman nilang titira ako sa iba? Sa pinapakita nila... para na talaga silang walang kapaki-pakialam sa 'kin. Ni hindi man nila ako tinanong ng mga ka-plastikang tanong tulad ng 'bakit kailangan mo pang umalis?' 'malayo ba iyon?' 'Paano kung mapaano ka sa lilipatan mo?' 'Paano na ang pagiging waitress mo?'
Pero sa tingin ko, ayos na 'yun. Una palang naman, hindi naman sila plastik sa akin, e.
Sa sobrang totoo nga nila, nakakasakit na.
' ' '
Masakit na parang wala lang sa mga magulang ko ang pag-alis ko sa bahay. Isipin mo, permanente na 'kong aalis do'n para tumira sa apartment na hindi ko pa nakikita-- 'yun ay kung magtatagal ako-- pero hindi ko na 'yun pinagtuunan pa ng nararamdaman kasi sa totoo lang, mas kabado ako sa paglipat ko.
Alas sais ng gabi nang makarating kami ni Tiara sa apartment na siyang tutuluyan ko. Hindi kami nag-iisa, may isa pa kaming kasama na... Seven yata ang pangalan?
"So let me tell you this, newbie..."
Natigil ako sa pagmamasid dito sa loob ng apartment nang magsalita 'yung Seven. Nakapamulsa siya at nakaupo sa swivel chair.
"It is forbidden to open any drawer in here. Wondering why? Because it has a lot of classified information that has to be kept," aniya.
"What... kind of classified information?" I asked in confusion.
"That classified information contains a lot of information from different companies that cannot be publicly released. Those information was Silvanna's guests and she kept it in hard and soft copy to keep in these drawers--- though they were locked, still you cannot just try open any of them."
Tiara raised an eyebrow at him, "But I remembered I did try to opened this?" she pointed the drawer near at sofa.
Seven laughed humorlessly, "Yeah and you almost took me in trouble back then. Since you left, Light went here with me and he put a lock on those drawers."
"Hmm... I see. Funny, he should've done that from the start," Tiara chuckled.
"Well, we didn't expect you to come!"
"But the fact that there are a lot of classified information in this room, you should've consider something like that especially that those documents were really important."
"Why me?" Seven's face contorted into wry, "I'm just a poor slave of Light! But oh, even in my slavery status... I'm still God Seven," he spoke mischievously and laughed harshly.
"Here we go again..."
Am I existing?
Napakamot na lang ako ng batok at pilit na ngumiti sa kanila. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila. Slave of Light? Classified information? Silvanna? God Seven? Napukaw niya ang kuryosidad ko... kailan pa nagkaroon ng God Seven dito sa lupa?
Saka, mukhang maraming sikreto 'tong apartment ni Light. Medyo kinakabahan ako, paano kung makasira ako? Tsk!
"Hey, Konan..." pagtawag sa 'kin ni Tiara, "You okay?"
I smiled widely at her, "Y-Yeah! Though I have some questions--- I mean, a lot of questions."
"Don't worry, newbie, your questions will be answered by tomorrow at your office," Seven said, "So just make sure to come, we'll all be there."
All? I can't help but to think how many members they have. Of course, Sir Claudius will be there too...
"O-Okay!"
Binagsak ni Tiara ang sarili sa sofa at tinignan ang phone niya, "I'm hungry... do you wanna eat?" tanong nito sa 'kin.
Sasagot palang sana ako nang umentrada na si Seven.
"Me! Me! I'm hungry! I want to eat a pringles! Treat me, Betina!" nakataas pa ang kaliwang kamay niya na animo'y nasa recitation.
Inikutan lamang siya ng mata nito, "Why would I treat you? I don't want."
"Eeeh? I gave you a ride!"
"Because it's your job to drive us here."
"Betina is so unkind to me."
Ngumuso ito at napatingin sa 'kin. Bahagya akong nagulat do'n kaya ngitian ko siya agad.
"How about you, Konan? Will you treat me for driving you here?" tumaas ang gilid ng labi niya. Medyo nataranta ako dahil hindi ko alam ang isasagot.
Should I say yes? Or no?
Will I sound mean if I said no? Kasi may point naman siya sa paghahatid sa 'min, e.
"Ano..." nahihiya ako, "S-Sige! Ano bang gusto mong kainin? Saan nabibili 'yung pringles---" hindi pa ako natatapos nang makita kong lumawak ang ngiti niya at tawagin siya ni Tiara sa nanenermong tono.
"Seven!"
"What? Hahahaha! She's so kind, I like her!"
A-Ano?!
Tumayo si Tiara at nagpunta sa kusina. Gumalaw siya ng mga gamit do'n, "Anong gusto mong kainin, Konan? Anything you want? We have ingredients here--- thanks to our sponsor--- Seven," saka niya ito nilingon at ngumisi.
"I thought we're gonna buy something outside," usal ni Seven.
Nagkibit-balikat lamang si Tiara saka dumako ang paningin sa 'kin, "What do you want?"
Nahiya naman ako, "Uhm... kahit ano."
"Ah---! I feel like I want something bitter taste? Like... sautèed lemony spinach? Is that fine?"
"Vegetable?" tanong ni Seven.
"I made my mind!"
Nagsimulang maghanda si Tiara sa kusina ng mga lulutuin. At dahil hindi ako papayag na tumunganga lang, lumapit ako para tulungan siya. Habang si Seven naman ay tumalikod sa 'min at kinalikot ang laptop.
"What can I help?" tanong ko kay Tiara.
"Ito, hugasan mo 'yung gulay at ako nang bahala maghiwa. Teka, kumakain ka ba nito?"
"Oo naman! I'm not a picky eater."
"Good. Nasanay na rin kasi akong kumain ng gulay. Simula kasi no'ng naging kami ni Zen, puro healthy foods lang ang kinakain namin. Like, no to junk and process foods," kwento niya.
Mahinhin akong natawa, "No wonder you're both perfectly gorgeous."
Natigil siya at natawa siya sa sinabi ko, "Well, maybe gorgeous, but not perfectly so drop that word."
"But for me, you are."
Tiara blinked at me, it's as if I got her amazed. Katunayan, totoo naman ang sinabi ko. Una palang, gandang-ganda na 'ko sa kan'ya. Parehas sila ni Zen.
Hindi na siya nakapag-react sa sinabi ko kaya naman napangiti na lang siya at umiling habang patuloy sa paghahanda. Napanguso tuloy ako ng wala sa oras. Did I embarrassed her?
"Gahh~ pringles, or a honey chip. I want..."
Napatingin ako sa direksyon ni Seven na siyang nasa swivel chair pa rin at busy sa laptop, nakaunan ang dalawa niyang kamay sa kan'yang ulo.
Bumalik ang tingin ko kay Tiara, "Saan ba nakakabili ng pringles? Baka naman pwede ko siyang bilhan, dinala n'ya naman tayo rito, e." bulong ko na siyang kinakunot ng noo nito sa 'kin.
"Konan, 'wag ka maniniwala sa mga hirit niyan. I'm telling you, he's richer than us. He can buy that junk food in a wholesale."
Namangha ako sa narinig saka tinignan muli si Seven. Kung titignan mabuti, hindi halata sa kan'ya na mayaman siya-- ibig ko sabihin, para kasing ang humble ni Seven sa paningin ko. Kahit na wala pa akong alam tungkol sa kan'ya hindi gaya ni Tiara, ramdam ko ang pagka-lowkey niya.
Hindi kagaya ni Sir Claudius. Sumisigaw ng karangyaan ang buong pagkatao niya sa isang tingin lang.
I smiled cheerfully at Tiara, "Really? How awesome."
Will I be able to satisfy these people? I feel nervous. I want to give myself a try but the negativity is pulling me down.
Sana lang ay hindi ko maipahiya si Tiara sa grupo lalo na kay Sir Claudius.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top