• Six •
Catalina Konan
°°°
This is just my 2nd day of work as an event coordinator, yet, all of a sudden, I feel much delighted than yesterday.
Why not? The orphanage house I contacted agreed to have a charity partner from us. Kahapon, noong nagbigay ng ideya sa 'kin si Gavin tungkol do'n ay maghapon kaming naghanap ng karapat-dapat tulungan na bahay-ampunan. Hindi rin naman nagtagal ay nakakita agad kami--- ito ang 'Shiloh Orphanage', sa loob ng Montego Hill.
Siguro naman okay lang na maging masaya para sa sarili? Hindi ako ka-galingan sa mga bagay pero para makakuha agad ng benefeciary sa gano'ng kaliit na oras? Achievement ko 'yun!
Thanks to Gavin. If it wasn’t for him, for sure I’m still stuck thinking about it problematically.
Masaya kong sinagot ang telepono ko nang marinig ko 'tong tumunog, "Good mor---"
"CODE NAME SEVEN, EXTREME! Response signal 57024. Respond..."
Awtomatikong nangunot ang noo ko saka saglit na tinignan muli ang screen ng phone ko. Si Seven ang caller pero... ano 'tong sinasabi niya?
"Respond..."
Magsasalita na sana ako nang may sabihin muli siya sa linya.
"Isn’t it working? Is it broken again? Yo, Brod. IT team--- respond..."
"H-Hello?" sagot ko.
"Heeh? What do you mean hello? I’m super sleepy and tired, Brody! This isn’t the time for that. Each minute I’m late, my salary will be reduced by 3%. Have some sympathy, men!" sigaw naman niya, "Give me the boss! I seriously need every minute right now!"
"O-Okay, okay! Please, don’t shout! Relax," saad ko saka bumuntong hininga, "I’m not Brody, it’s me, Konan."
Nanahimik sa linya. Akala ko nga ay hindi na siya magsasalita pero kalauna'y narinig ko rin ito.
"Huh? It’s you? Why are you with boss? OMG?!"
Napakamot ako sa isang kilay ko at nailing na lang, hindi ko rin maiwasang matawa sa kan'ya, "You are mistaken. I think you called a wrong number," sabi ko.
"Phew, I’m sorry, Konan."
"No, it’s okay! Mukhang marami kang pinagkaka-abalahan kaya ka nalito sa tinawagan."
"Yep! God Seven is always busy. But then, let’s chat for a minute then?" anito, "What should I talk about... ah! Si Gavin! Yeah! Balita ko siya ‘yung kasama mo maghapon sa office?"
Tumango-tango ako, "I’m thankful to him because he’s helping me with the ideas. You know that I’m not used to this."
"But yesterday he’s kinda shy to you? Hahaha! I’ve known that guy for so long, so I knew how he was so shy to you. I can see it! What do you think of him? Do you think you could have more fun with him in the future?"
Sumandal ako sa swivel chair at tinanaw ang malaking bintana. I want to have fun with everyone in the future... but for that to happen, I need to do this job excellently.
Ayoko nang ma-terminate... lalo kung si Sir Claudius ang gagawa no'n.
"Why not? I like how charming he is," sagot ko.
"Oh boy!" sigaw niya kaya natawa ako, "I admire your honestly and I will give you ten out of ten with that answer. If ever you take our youngest boy, I’ll respect your amazing hunting skills."
"Anong sinasabi mo?" natatawa kong tanong, "Wala naman ako rito para maghanap ng love life."
"Heeh... that’s why I said if ever, e," humalakhak siya kaya napangingiti na lang ako, "Gavin’s a fun guy so you’ll never get bored with him. I feel like my boredome decreases by 100 when I mess with him."
"Wow, so you like teasing him?"
"Well, I love teasing that kid. Let me change it, not 100... more like 98?"
Kung sa bagay, unang encounter ko kay Seven noong kasama ko si Tiara, halata naman sa kan'ya na mahilig siyang mang-asar. Kahapon palang sa briefing, siya ang may pinaka malakas na tawa at malakas mang-alaska.
"But I must tell you that he kind of tends---" he cut his words and did a long paused.
That got me curious, "Tends what?"
"It’s beautiful to be in a peaceful and normal world. Hahahaha!"
"Seven, what?"
"Adios! Saradaba! Sayonara! Bye!"
At doon na naputol ang linya. Iniwan niya 'kong may pagtatanong sa isip. Gavin kind of tends to what? Is that really important that Seven just hunged his words?
Hindi ko na lang 'yun inisip pa at nagtuloy na sa ginagawa kong plano. Sa totoo lang, nagkakaroon ako ng problema sa party setting. Dahil hindi pa naman ako nakaka-attend ng charity party at wala talaga akong alam kahit maliit doon, nahihirapan akong mag-isip ng theme.
Hindi ko rin alam kung tama 'tong naisip ko. Kasi nang mabasa ko kahapon ang mga documents ng previous party mula kay Tiara, masasabi ko na napaka komplikado no'n para sa 'kin. Kumbaga sa subject, maihahalintulad ko siya sa math polynomials problem solving-- ang hirap basahin, hindi dahil hindi ko maintindihan ang sulat dahil printed 'yun, kung 'di dahil ang lalalim ng salita ro'n ni Tiara.
Kaya ngayong binabasa ko ang documents ni Silvanna, kumpara kay Tiara, mas magaan ito.
Sinulat ko sa notebook lahat ng naisip kong ideya. Gumawa ako ng outline mula schedule at date na siyang blangko pa hanggang sa speech kung saan talagang dumudugo ang isip ko kakaisip.
Hindi ba pwedeng tagalog na lang pati sa invitation? Does it have to be in full english?
Of course, Konan. This is a private charity party. Influencial people has to be expected from influencial members. Hays...
' ' '
Umunat ako mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair nang matapos ko ang outline sa notebook ko. Tinignan ko ang phone ko at nakitang nalipasan na pala ako ng tanghalian. 1:30 na ng hapon, hindi ako makapaniwalang ang tagal kong ginugol ang oras ko rito.
Kung sa bagay, ayoko kasing mapahiya kay Tiara at Sir Claudius. Ayokong ma-terminate ulit...
Tumayo ako at kinuha ang wallet ko sa bag. Bibili muna 'ko ng pagkain sa labas at saka na lang babalik dito para i-finalize ang mga nasulat ko. Kailangan, bago ako makatanggap ng guest, tapos ko na 'to.
Muntik na kaming magka-banggaan ni Gavin nang pagbukas ko ng pinto, nando’n siya sa tapat at nakatayo. Base sa postura niya, mukha naman siyang walang balak kumatok o pumasok?
Nanlaki ang mata niya sa 'kin dahil sa gulat. Parehas kaming natigil at nagkatitigan.
Recovering from my daze, I asked, "A-Ano... what are you doing there?"
Seeing me, Gavin lowered his head and subconciously rubbed the back of his neck, "I was about to open the door when suddenly you came out..."
Kahit diretso lang talaga siyang nakatayo sa pinto kanina? Nagda-dalawang isip ba siya?
I crept a smile and tapped his shoulder, "Then you go ahead inside. I’m going to buy foods. Have you eaten already?" I asked.
"You skipped your meals?"
"Nakalimutan ko lang. Abala kasi ako sa paggawa ng outline ko. Tinatapos ko talaga bago pa may mai-rekumendang guest sa ‘kin," nilagpasan ko siya, "Wait for me."
"Teka---!"
Huminto ako at maang siyang tinignan. Sandali muna siyang hindi nagsalita bago bumuga sa hangin at ngitian ako, "I have food here, it’s good for two. Wanna share it with me?"
Napangiti ako ro'n, "So, hindi ka pa rin kumakain?"
He shook his head as response. We stayed like that for seconds, personally, it's because I don’t know if I'm going to go along with his suggestion or I'm still gonna insist to buy my own food. Medyo nakakahiya kasi kung magsha-share kami sa pagkain niya.
Hindi pa 'ko nakakapag-desisyon nang hawakan niya 'ko sa kamay para hatakin, "Come on, I don’t mind sharing it with you," nakangiting aniya.
"Huh? What?"
"Saka gusto ko ring matikman mo ‘to. I cooked this, you know."
Nang makapasok muli kami ng office, dumireto agad kami sa sofa at magkaharap na umupo ro'n. Nilabas niya ang malaking itim na lunch box, kasabay ng paglabas niya sa mga kutsara't tinidor. Inabot niya pa sa 'kin ang isa.
Sa pagbukas ng lalagyan ay agad na umalingawngaw ang bango ng pagkaing nasa loob. Lalo tuloy kumalam ang tiyan ko, mukhang mainit-init pa, e.
"You cooked these?" I asked in surprise.
"Yep! Could you believe that?" he gave out a short laughed, "I’m practicing to cook, ever since. So, forgive me in advance if this would ruin your taste."
Kumuha ako ng kapiraso ng manok na nasa ibabaw ng fried rice at pinagsabay tikman ang dalawang 'yun, "What is this called...?"
"Uhm, that’s garlic butter chicken while the rice is called parmesan cauliflower rice. It’s a bit hard making that but... I’m hoping it's worth it," natawa siya at mas tinutukan ako, "Say something. How is it?"
Natawa ako sa kan'ya habang ngumunguya ng pagkain. Ayoko siyang bolahin, dahil ang totoo lang, masarap talaga 'yung gawa niya. Naalala ko rito 'yung isa kong ka-trabaho sa Dwellsmith, mahilig magluto 'yun at madalas kaming dinadalhan sa office. Ganitong-ganito 'yung lasa no'n, magkaiba nga lang ng itsura.
Tumango-tango ako at kunwari'y nag-iisip pa, "Ahh... hindi ko gusto, e. Medyo maalat? Bakit kaya?"
Nawala ang ngiti sa labi niya at napaatras, "Maalat? Talaga?"
"Oo maalat at hindi masarap--- sa kabaliktaran," saka ako tumawa sa harapan niya. Imbes na sigawan ako dahil sa ginawa ko, sinimangutan lang niya 'ko.
Aww. Sa lahat ng nakasimangot, si Gavin ang pinaka cute na itsura.
"Konan---! Why did you---"
"Because it's delicious, Gavin! I wanna see your reaction if I say something unpleasant," tumawa pa 'ko, "You’re frowning face looks so cute!" bulalas ko at dahil do'n, huli na nang mapagtanto ko na tumalsik 'yung kanin sa pisngi ni Gavin.
S-Shemay, nakakadiri ka girl!
Naitakip ko 'yung kamay ko sa bibig at nanlalaki ang mata na pinanuod siya tanggalin 'yun gamit ang daliri niya. Nang matanggal ay nakangiwi niya 'kong tinapunan ng tingin.
"Sorry---"
At bigla siyang tumawa ng malakas dahilan para maudlot ang pagso-sorry ko.
"Hahahahahaha! Hilarious! Hahahaha!"
Nilunok ko nang tuluyan ang pagkain at tinignan siya ng masama. Sabi ko na nga ba, e. Pagtatawanan niya 'ko. Nakakahiya pa sa parte ko dahil natalsikan ko siya mula sa bibig ko.
Argh! Nakakainis isipin! You're so unlady, Konan!
Hanggang sa nagulat na lang ako nang ilapit niya sa 'kin ang isa pang kutsara na may lamang pagkain. Nakatutok 'to sa bibig ko habang siya ay may bakas pa rin ng ngiti sa labi.
"Here, eat this. Dahil tumalsik sa ‘kin ‘yung isang kanin, palitan natin ‘yan ng bago," usal niya.
Gusto ko sana 'yong tutulan dahil sa hiya ng nangyari pero sa huli, binuka ko ang bibig ko at sinubo 'yun. Gumilid ako ng tingin. Ano 'to? Pampalubag-loob dahil tinawanan niya 'ko? Hmp!
"But you know, Konan... I would feel really sad if ever you didn’t really like the food."
Bumalik ang tingin ko sa kan'ya. May magandang ngiti sa kan'yang labi. Sino ba namang matutuwa kung may magsasabing ayaw nila sa ginawa mong pagkain, 'di ba?
I swallowed the food and took another spoon, "Believe me, it’s delicious. I appreciate your effort into making this, it’s not easy, right? But even still, whether it’s not good or taste bad, I’ll still eat it. We don’t wanna waste food here!" I beamed at him.
His face became more brilliant than before, "Really? I'm glad, Konan. Thank you."
"Pero sinadya mo ‘to para sa ‘ting dalawa? Sabi mo hindi ka pa kumakain, e. Saka paano pala kung maaga akong kumain?"
"E ‘di, kainin natin as meriyenda," kumuha siya sa lalagyan ng pagkain, "Nahihiya kasi ako kanina sabihin na nagluto ako para sa ‘tin kaya... m-medyo matagal din ako sa labas."
Pinanlakihan ko siya ng mata, "So kanina ka pa nga nakatayo ro’n? I knew it!"
"I-It’s not that long! Mga 30 minutes lang."
So that's the reason why he seemed to be standing there like a post.
Nawala ang atensyon namin sa isa't-isa nang biglang tumunog ang phone ko. Mayro'n nag-text kaya naman inabot ko 'yun at tinignan. Nakita kong may mensahe mula sa Shiloh Orphanage na nagsasabing...
Omg, what?!
Napasinghap ako at tinakip ang kamay sa bibig ko. Hindi ko akalain na isang araw palang ang nangyayari magmula nang kontakin ko ang Shiloh Orphanage pero heto at nagsend na sila ng schedule sa 'kin para sa formal negotiation! Mangyayari ito sa darating na huwebes.
Hindi ko 'to inaasahan. Kinakabahan ako na na-e-excite. 'Yung tipong tapos na ang outline ko para sa party tapos mayro'n na ring benefeciary. Thank goodness.
"Konan, what is it?" tanong ni Gavin na ngayo'y katabi ko na pala, nakisilip siya sa screen ko.
"The Shiloh Orphanage! They made a schedule regarding the formal negotiation! I’m happy, Gavin!" tuwang-tuwa kong bulalas, nakita ko namang lumabas din sa ekspresyon niya ang tuwa.
"Really? When?"
"This coming thursday," saad ko at hinawakan siya sa dalawang balikat dahilan para lalo kaming magkaharap, "You have to accompany me, alright? I need someone to come with me and I want it to be you!"
He paused and blinked for a moment. Parang nagulat siya na niyaya ko siya ng gano'n kaya bahagya akong nahiya bigla.
Binawi ko ang kamay ko at pahiyang ngumiti, "I---I mean, it's okay if you’re not---"
"Of course I will," salita niya bigla saka gumuhit ang maliit na ngiti sa labi, "If it’s with you... then I would accompany you as long as you please."
Sandali akong natahimik do'n. Kailangan ko pa bang usisain ng mabuti ang salitang 'yun? He's such a sweet guy. Bumalik ang malaking ngiti sa labi ko at binigyan siya ng magkakasunod na tango.
"It’s settled. Accompany me, then."
A great satisfaction was visible in his eyes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top