• Nine •

Catalina Konan

°°°

Naging sunod-sunod ang pasok ng guests na aabalahin ko dahil kay Tiara. Nakapag-send na 'ko ng email sa mga iyon at sa ngayon, si Sir Dennis palang talaga ang makakausap ko para sa meeting na mangyayari sa 'min.

Kinakabahan ako kagaya ng mga una kong nararamdaman at... hindi ko rin maiwasang mag-alala ng malala lalo't wala akong makakasama.

Huling kita namin ni Gavin ay 'yung bumisita kami sa Shiloh. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpapakita.

May nasabi ba akong mali? Hindi ko siya maintindihan. Hindi niya ako pinapansin kahit sa messenger...

"Well, I think it’s all good," kumento ni Tiara sa ginawa kong outline, "Sang-ayon din ako sa party setting and maganda ‘yung purpose. You were great to consider a little entertainment, too!"

Ngumiti ako rito, "Salamat."

"Sabi ko naman sa ‘yo, e. Kaya mo ‘to! Maniwala ka magiging successful ‘to."

Habang nakatitig ako sa kan'ya, naiisip ko na gusto ko siyang yayain para samahan ako sa first ever guest meeting ko pero agad na may kumukontra sa isip ko. Ang alam ko ay marami siyang ginagawa, parang si Hailey. Isa pa, dapat palagi siyang nakatutok kay Zen dahil siya ang manager nito.

Saka ayoko namang mapilitan siyang sumama sa 'kin sa kabila ng pagka-busy niya.

Nawala ako sa iniisip nang may kumatok sa pintuan ng office at sumilip do'n ang isang lalaki na sa tingin ko'y body guard na kasama ni Tiara kanina pag-akyat niya rito.

"Ma’am Betina, nandiyan na po si Zen sa baba at hinihintay kayo," aniya.

Tumayo si Tiara sa upuan at nginitian ako, "I gotta go, Konan. Don’t worry, I don’t see any problems with your work."

Tumango naman ako sa kan'ya, "May pa-body guard ka pa ah..." biro ko.

Lumiit ang ngiti sa kan'yang labi at tinungkod ang dalawang kamay sa lamesa ko upang makalapit siya ng kaunti sa 'kin, "Habulin talaga ako ng kapahamakan. Recently, I just got a weird text from someone saying words I don’t understand. Kaya nagpadala ulit ng body guards sa ‘kin si Claudius," anito na siyang kinagulat ko ng bahagya.

Body guards galing kay Sir Claudius?

"T-Talaga? Who could have been?"

"Hindi ko alam. Pero may hinala kami na ‘yung lalaking muntik nang kumuha sa ‘kin dati sa apartment. But don’t worry, I’m sure he will not harm you. It’s me who he wants."

Teka, apartment? Doon sa tinutuluyan ko? May nagtangka sa kan'yang kumuha?

Pagtalikod ni Tiara sa akin ay siyang pagpasok naman ni Sir Claudius. Nagkatinginan sila ni Tiara, napatitig naman ako sa ekspresyon niyang may bahid ng pagka-gulat.

"Betina..."

Huminga ng malalim si Tiara, "I’m sorry for another trouble. Hindi ko akalain na babalik sa ‘kin ang body guards mo."

"No it’s fine," mabilis na sagot ni Sir Claudius, "I wanted to see you, glad I caught you. Are you okay?"

"Of course I am. With your body guards and Zen," nakangiti niyang sagot na dahan-dahan tinanguhan ni Sir Claudius.

Umiwas ako ng tingin at tinuon na lang 'yun sa monitor ko. Hindi ko talaga maiwasang isipin na baka may pagtingin si Sir Claudius sa kan'ya. Hindi sinasadya, bumalik ang paningin ko kay Sir Claudius na marahang nakatingin sa nagsasalitang si Tiara.

From the way he looks at her...

"...I’m happy that Zen is doing his job as a boyfriend. But, are you busy now? I came as soon as Hailey mentioned that you came to visit here. It’s my short break."

To the way he speaks...

"Hmm... Zen is currently waiting for me downstairs. Kailangan ko siyang samahan sa agency ngayon. I’m sorry I need to leave when you just got here."

"No, I understand."

He is distancing himself to other women but... Tiara is different. They really seemed close, he seemed comfortable with her, he seemed worried.

Napaka swerte naman ni Tiara. Nandiyan na nga si Zen, nandiyan pa para sa kan'ya si Sir Claudius.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nalulungkot.

Siguro nakakalungkot lang talaga. Hindi ko na nga maintindihan kung bakit hindi ako pinapansin ni Gavin tapos ito pa 'yung makikita ko ngayon. What is this? A double kill?

"Mauna na ‘ko, Claudius. Mabuti pa, mag-stay ka muna rito kasama si Konan. Have you read her outline? It’s really a good one," rinig kong anas ni Tiara kaya mabilis kong tinanggal sa kanila ang paningin ko.

"I’ve heard about that already."

"It’s great, right?" humarap muli sa akin si Tiara, "Hey, Konan! I’ll leave now for sure. Do your best! Bye!"

"Ingat ka---" hindi ko na naituloy 'yun nang tuluyan na siyang tumalikod at umalis.

Kaya naman... kaming dalawa na lang ni Sir Claudius ang narito. This is the first time, so it feels kind of awkward.

Pinilit kong ngumiti ng malapad kay Sir Claudius na siyang seryosong nakapamulsa at nakatingin sa akin. Hindi tulad kanina, bumalik na sa pagiging seryoso ang mukha nito.

What should I say? Should I greet him? But it's too late for that! Uhm... should I ask how his day? Tsk!

Tama. I think I should ask his day so far.

"S-So how was your---"

"How about you? You don’t feel any strange at your apartment? Do you as well recieved suspicious text or calls from someone? If yes, then tell me right away so I can provide you a body guard," seryosong bulalas niya.

Napalunok at napatitig sa kan'ya. I'm sure he's not concern of me. He's just being attentive.

Umiling ako, "Wala naman. Sabi ni Tiara, ‘wag daw akong mag-alala dahil siya lang naman daw ang habol no’n. I bet something happened before," panghuhula ko.

"Unfortunately, yes." bumuntong hininga siya, "It’s the other hacker who led her to that apartment--- and I feel sorry about what happened."

"Isn’t that solved yet?"

"Light and Seven are still investigating about that guy. No need to further explain more since it’s in the past already."

"O-Okay..."

Even though he's here, talking alone with me, I really do feel the distance between us.

Nakita kong hinilot niya ang kan'yang sintido at pumikit. Sandali lang din ay lumakad siya papunta sa malaking bintana at sumulyap sa nagtataasang gusali na nasa harapan nito.

What's bothering you, Sir? You sure are stress at work-- and at the same time, worried of Tiara. Do you like her...?

Kumuyom ang kamao ko at napatitig na lang sa lamesang nasa harap ko. Bakit ba ako nag-iisip ng mga ganitong bagay? E, ano naman kung may pagtingin siya kay Tiara? Maganda si Tiara, matalino at mabait. Hindi naman 'yun ka-kwestiyon-kwestiyon.

But...

Why do I have to feel a strong urge to do everything until he notice me? Isn’t all I want is to impress him with my work? Why do I feel like I want to him to look at me the way he looked Tiara?

Bakit, Konan? Bakit?

"Sir Claudius."

Bumalik ako sa wisyo nang marinig ang boses ni Hailey na nakapasok na pala ng opisina. Agad humarap si Sir Claudius sa kan'ya.

"Yes?" mababang sagot nito.

Inayos ni Hailey ang suot na salamin, "Mr. Lefebre wants to have dinner with you tonight. I just checked your schedule and I don’t think there will be a problem."

"Again?"

"Yes, Sir Claudius."

He heaved a deep sigh. He stared blanky at the window for a seconds and faced Hailey once more.

"Hailey," maotoridad niyang tawag, "I’ll head to Slobbovia in the afternoon. Book my tickets right away," utos niya.

Kumunot ang noo ko nang marinig 'yun. Slobbovia? That place is too far from here.

"Today? Why would you---"

"Two tickets. I’ll take Elizabeth with me."

"But how about the dinner plans with Mr. Lefebre?"

"I’d like to go to Slobbovia. Isn’t that possible?"

"Sir, the meeting is all set," kontra ni Hailey. Bakas ang pagtataka sa kan'yang mukha.

Hindi ko na mapigilang magtanong, "Claudius... are you alright? Is there anything bothering you? Is it about Tiara?" bulalas ko na parehas nilang kinatingin sa akin.

Matagal siyang nakatitig sa 'kin kaya naman medyo nailang ako.

"I think it isn’t about Betina," saad ni Hailey, "Betina has Zen and those body guards. Are you avoiding Mr. Lefebre, Sir Claudius?"

Sir Claudius just stood there with a grim, worried expression-- seriousness is still visible, "Nothing is going the way I want it to and strange things keeps happening."

"Strange things... did something happen?" kunot noong tanong ko.

Again, he heaved a sigh and lightly shook his head, "Nothing. Nothing happened. But I feel like Elizabeth will be in danger--- maybe I’m just overreacting."

Elizabeth... his cat?

"Sir Claudius, relax. Who would harm Elizabeth? She’s just a cat. And for sure it’ll be a problem to book your tickets now that the dinner is decided by your father," ani Hailey.

Hindi nagsalita si Sir Claudius, akala ko nga ay may sasabihin pa siya pero matapos niyang luwagan ng kaunti ang kan'yang kurbata, lumakad na ito at umalis ng walang pasabi sa 'min.

"Sir Claudius?" habol ni Hailey pero hindi siya nito nilingon.

Wala ako sa posisyo para makaramdam ng ganito pero bigla akong nag-aalala para sa kan'ya. Sigurado, iniisip ni Sir Claudius na tungkol sa babae na naman ito ng papa niya, sa kabila no'n ay iniisip niya pa ang kan'yang pusa. Pero... paano naman nasabi ni Sir Claudius na maaaring mapunta sa kapahamakan si Elizabeth?

I want to help him... but, how? Ngayon ngang hirap akong makuha ang papuri niya, dito pa kaya sa ganitong sitwasyon na hindi ko alam ang gagawin?

I really hope I could help him.

And I have decided to do everything-- to notice me, to know more about him, to praise me, to help him.

' ' '

Habang naglalakad palabas ng building ay hindi pa rin mawala sa isip ko si Sir Claudius. Naiinis na nga ako, e. Bakit ba pasok ng pasok sa isip ko ang tungkol sa pagtingin niya kay Tiara? Samantalang dapat ay wala naman akong pakialam do'n-- ibig kong sabihin, pwede namang mayro'n. Kaibigan ko si Tiara at may boyfriend na siya, 'yun 'yong pwede kong maging pakialam.

Mabuti na lang at naka-set na ang dinner ni Sir Claudius sa papa niya mamayang gabi. That way, he wouldn't have to leave for Slobbovia.

Thinking the fact that I would not be able to see his face for how many days or weeks will definitely put me in a fit of the sulks.

Wait, what again?!

Inis akong napakamot sa ulo ko at mariing napapikit sa inis na nararamdaman ko. Anong pinagsasabi ko sa isip ko? E, ano naman kung umalis siya ng ilang araw? Hindi naman sa kan'ya nakasalalay 'yung mood ko ah!

"Ni hindi ka nga mapuri kahit kaunti, mangitian kahit maliit, tapos ‘yan pa iniisip mo?" mahinang asik ko sa aking sarili.

At imposibleng tignan ka niya kagaya kapag tinitignan niya si Tiara... kung ikukumpara mo ang sarili mo sa kan'ya, walang-wala ka. Para ka lang dandruff sa maganda at mahabang buhok ni Tiara!

...'yun ay kung mayro'n siya no'n.

Biglang may tumikhim sa likod ko kaya naman napaayos ako ng tayo at hinarap 'yon.

"Who are you talking to, Konan?" ngisi ni Seven.

"S-Seven..."

Narinig niya ako?!

Suot ang isang dilaw na jacket at puting shirt sa loob, maong pants at puting chucktaylor-- nakita ko si Seven na nakapatong ang isang siko sa malaking front desk dito sa lobby, hawak niya sa isang kamay ang kan'yang phone at nakasuot din siya ng round eyeglasses na bumagay sa magulo niyang buhok.

Lalong lumaki ang ngisi sa kan'yang labi bago ako lapitan, "I can portray the guy that you like as long as I knew him. Tell me the name," anito.

Napaatras ang isa kong paa sa gulat, "A-Anong pinagsasabi mo?"

"Letter A; Gavin. Letter B; Light. Letter C; Claudius," bulalas niya na lalo kong kinagulat. Nakatingin siya sa mata ko na parang inaalam do'n kung sino ang babanggitin ko.

Ngumuso ako, "You didn’t hear me, do you? Paano kung wala diyan?"

"Oh men," nilagay niya ang isang kamay sa kan'yang baba, "Don’t tell me it’s me, Konan? I’m flattered but I don’t prefer being in a relationship so I’m gonna have turn you down," bahagya pa siyang natawa.

Natigil ako at napatitig sa nakangiti niyang mukha. Turn me down... is this what I'm going to hear from him?

Dahil sa pagtitig na ginagawa ko, kinunutan ako ni Seven ng noo at kinaway ang isang kamay sa tapat ng aking mukha, "Konaaan? You there? Did I say something offensive?"

Knock it out, Konan. This isn't the time for that!

Saka bakit bigla ko 'yun naisip? Wala naman akong gusto sa kan'ya. Kahit naman may gusto ako sa kan'ya, hindi rin ako aamin 'no! It's... very clear who he really likes.

Umiling ako sa kan'ya at pilit na ngumiti, nagsimula akong maglakad na siyang sinundan ni Seven, "May naalala lang ako. Pero wala ‘yun, kalimutan mo na, sorry."

"Huh?"

Nilingon ko siya at hindi na 'yun nilinaw, "Bakit ka nga pala nandito? Gabi na ah?"

"Hehehe. This is about my work as an agent and I’m actually done. Tara, ihahatid na kita."

Hindi na ako kumontra pa at pumayag na lang dahil isa naman si Seven sa mga nakakaalam at pwedeng pumunta sa apartment. Habang magkasama kami, kung anu-ano ang kinu-kwento niya. Pilit ko naman 'yun sinasabayan pero maya-maya, babalik din sa akin ang mukha ni Sir Claudius.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Noong una, gusto ko lang naman makarinig ng puri sa kan'ya. Pero ngayon, gusto ko nang makuha ang buong atensyon niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top