• Fourteen •

Catalina Konan

°°°

May ilang araw din akong binabagabag ng balitang magpapakasal si Sir Claudius sa babaeng pinili ng Papa niya para sa kan'ya.

Hindi ko naman dapat 'yun iniisip pero kusa kasing pumapasok sa loob ko. Tuwing papasok ako sa office, umaasa ako na dadalaw si Sir Claudius pero mukhang naging mas abala sila ngayon sa trabaho. Gusto ko siyang tanongin kung okay lang ba siya pero hindi ko naman siya nakikita.

Saka hindi ako sigurado kung sasagutin niya ba 'yun ng totoo...

Lumabas ako ng convinience store at nilagok ang binili kong canned apple juice mula sa loob. Mariin akong pumikit habang tuloy-tuloy ang daloy ng juice sa lalamunan ko. Baka sakaling sumama rito ang gumugulo sa isip ko. Patahimikin mo na 'ko, please!

"Huh? Konan?"

Dumilat ako at bahagyang nagulat nang makita ko ang dati kong ka-trabaho sa Dwellsmith. Nakangiti siya sa 'kin at parang hindi makapaniwalang muli akong nakita.

"Regine..."

"Long time no see!" bati niya, "Kumusta? May trabaho ka na ba o... nag-a-apply ka palang?" tinignan niya ang formal dress na suot ko.

Nag-a-apply... mukha ba akong nag-a-apply sa itsura ko?

"Sana magkaroon ka na ng stable na trabaho. Miss ka na namin! Alam mo ba ‘yung pumalit sa ‘yo na bagong producer, sobrang istrikta! Kahit one minute late pinapahiya n‘ya! Nakakainis lang na parang hindi siya marunong makisama sa ‘min. Palaging nagsusungit!"

Hindi ako nakasagot agad at ngumiti na lang. Nahihiya ako sa kan'ya sa totoo lang. Alam ng mga dati kong staff ang stress na pinagdadaanan ko noon sa trabaho pero mas pinipili kong 'wag 'yun ipahalata sa kanila dahil ayoko silang mahawa, nakikita nila kung paano ako ipatawag at pagalitan ni Sir Bob pero pagkatapos no'n, niyayaya nila akong kumain para gumaan ang pakiramdam ko. Pero alam mo 'yun? Ngayong tinanggal ako sa trabaho, napagtanto ko sa huli na sila pala talaga ang nagbubuhat sa akin. Ako 'yung producer nila, pero ako 'yung pabigat.

Kaya nahihiya ako ngayon na nagkita kami... kasi sa totoo lang, hindi siya o sila makakaramdam ng inis ngayon kung magaling lang sana ako at nando'n pa rin ako.

"Sana hindi ka na lang natanggal..." usal niya pa.

Huminga ako ng malalim at tinawanan na lamang siya, "Gagi ka ba? Kung nanatili ako ro’n, luging-lugi na tayo sa rate! Kaya n‘yo ‘yan!"

"Pero saan ka na nga ngayon? Anong ina-applayan mo?" tanong niya.

"H-Huh?"

"Wala ka pang trabaho? Gusto mo ba ipasok kita sa HMDC? May kakilala ako ro’n!"

Umiling-iling ako at pilit na tumawa, "A-Ano ka ba ‘wag ka nga mag-abala diyan! Mukha ba talaga akong nag-a-apply?"

Tumawa rin siya, "Oo kaya! Ngayon lang kasi kita nakitang naka-formal dress. Ang cute-cute mo!"

"Woah! I have to agree with yah!"

Awtomatikong kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yun. Lumingon kami ni Regine sa pinanggalingan no'n at nakita ang nakapamulsa at prenteng naglalakad na si Seven palapit sa amin.

Seven...? Bigla-bigla na lang talaga siya sumusulpot.

"Konichiwa, Ma’am Konan!" mataas na bati niya.

Naramdaman kong lumapit si Regine sa akin at bumulong, "Sino ‘yan?"

"A-Ano, kasama---"

"Ma’am Konan! What are you doing here? Aren’t you busy at work? Inutusan mo na lang sana ako kung ‘yan lang pala ang bibilhin mo," bulalas ni Seven kaya nagtaka ang mukha ko.

Bago pa ako makapag-salita ay nilingon na ni Seven si Regine, "She is our boss. She’s our event coordinator hired by Claudius Lefebre. You know him?" napakamot pa siya sa kan'yang ulo, "Man... he’s looking for you, Ma’am. We should head back."

HUUUH?!

"A-Anong sabi mo?!" bulalas ko.

"I said, the CEO is looking for you. Maybe he would treat you for doing an excellent job? Dunno," nagkibit-balikat siya.

Napasinghap ako at kumurap-kurap sa harapan niya. Tinaasan naman niya 'ko ng isang kilay at parang natatawa sa reaksyon ko. But first... of course my reaction is natural! If you think about it, why would Sir Claudius looked for me?

M-My God. Kinakabahan ako.

"Wait," pagsingit ng nagulantang na si Regine, "Nagta-trabaho ka na sa Protegé Incorporation?! As in kay Sir Claudius directly?!"

Napapahiya akong ngumiti sa kan'ya, "Gano’n na nga..."

"Hindi mo naman sinabi agad! Wow! Sigurado, pahiya si Sir Bob pag nalaman n‘ya ‘to. Ang galing mo, Konan!" pumalakpak pa ito sa tuwa.

Napilitan na lang ako na matawa pero hindi rin nagtagal ay dumako ang mata ko sa naghihintay na si Seven. Nakaunan ang mga kamay niya sa likod ng kan'yang ulo at nang maalala ko ang sinabi niya, kumabog ng malakas ang dibdib ko sa kaba.

"Sige na, hinahanap daw ako. Una na ‘ko ah?" paalam ko kay Regine na agad naman niyang sinang-ayunan.

"See you again next time!" paalam nito.

"Yeah! Good luck!"

Nang makalayo-layo na kami ni Seven mula sa pinanggalingan ay napapaisip pa rin ako kung bakit bigla akong hinahanap ni Sir Claudius. Siguro ito na 'yung pagkakataon na tanongin siya kung okay lang ba siya?

Magsasalita na sana ako para tanongin si Seven tungkol do'n pero bigla na lang itong lumihis ng daan.

"Seven!"

"Hehehe, I’ll be on my own way!" sumaludo siya gamit ang dalawang daliri niya bilang paalam.

Hinablot ko siya sa kan'yang jacket, "Hindi ka pupunta sa office?" saka ko lang naalala 'yung kasinungalingang binanggit niya kay Regine, "And I have something to ask you."

"What?" natatawang anas niya.

Binitawan ko siya, "Where did you come from? How could you lie like that? Saying I’m your boss and I was hired by Sir Claudius?" napahalukipkip ako.

"But you went along with it pretty easily..."

"Kahit na. B-Baka kung ano pang isipin nila sa ‘kin."

"You are working under Claudius and it’s true that you are the event coordinator," he laughed sheepishly, "I was just crossing the streets when I saw you and I thought you were in trouble. Saka sinabi ko ‘yun para maliwanagan siya na hindi lahat ng tao ay palpak ang tingin sa ‘yo--- Iyon ang tingin sa ‘yo ng karamihan, ‘di ba?"

I was speechless for a seconds. Hindi naman gano'n mag-isip sina Regine sa akin pero... na-appreciate ko ang ginawa ni Seven.

"T-Thank you..."

"No don’t thank me because the real lie was about Claudius who isn’t really looking for you. Hahahahahaha!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at mahina siyang tinampal sa braso, "You tricked me?!"

Humalakhak siya lalo, tipong tuwang-tuwa na naloko niya ako, "Para magmukhang close kayo ni Mr. CEO, syempre--- ouch!"

Pinagtatampal ko siya sa braso. Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. I was expecting! Akala ko totoo. May pakaba-kaba pa ako tapos 'yun pala ito 'yong dahilan.

NAKAKAINIS SI SEVEN!

Masungit akong humalukipkip at inunahan na siya sa paglalakad. Wala, e. Kahit ilang beses ko pang paghahampasin si Seven, naloko na niya ako.

Ano bang reaksyon ko kanina? Hindi naman ako namula, 'di ba? Ano, nagulat lang ako.

Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad. Akala ko pa naman makakausap ko na si Sir Claudius. I really want to know his feelings... alam kong hindi siya pumayag at nilulublob niya ang sarili sa trabaho pero kahit paano, gusto kong malaman kung kumusta ang pakiramdam niya.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ganito ako.

Naramdaman kong humabol sa 'kin si Seven, "But speaking of that guy... isn’t too surprising that all of a sudden, he has an instant fiancée and soon get married? I mean, I can’t even imagine."

Alam na ng buong CVA ang balitang ipapakasal si Sir Claudius. Binalita ito ni Hailey sa group chat na siyang kinagulat ng lahat. Natural lang 'yun dahil alam ng lahat na may malaking espasyo sa pagitan ni Sir Claudius at ng mga babae.

I heaved a sighed, "Marrying a woman is not a problem, the arranged married part is."

"Gahh~ I thought Claudius was gonna marry Elizabeth so I considered and hired an italian wedding planner. But seeing how things are going, I don’t think I can ever use him."

Pinanlakihan ko siya ng mata sa sinabi niya, "Seven, are you okay? Him and his cat? Marrying each other?"

"Hahahaha! Why, he was so in love with her! I was in love with her too but it’s a forbidden love," napahawak pa siya sa dibdib niya na akala mo'y nasaktan, "I can never be with her!"

"Y-You’re crazy..."

"Imagine this, during the wedding when Claudius and Eli face each other, I was going to yell, ‘I OBJECT!’ and then walk and scream, ‘THIS MARRIAGE IS NOT GONNA HAPPEN!’ and hold Eli’s hands--- Eli’s paws--- Eli’s hand paws, and take her out of there. Happy ending," he said with full actions.

That made me cringe, "Are you even for real?"

Huminto siya at bigla na lang nagningning ang mga mata habang nakatingin sa taas, tinuro niya 'yun gamit ang kan'yang hintuturo, "Look at that! It’s a shooting star!"

Tumingin ako ro'n at nakita ang tinutukoy niya. Halos mamangha ako. Akala ko, tuwing gabi lang ito lumalabas pero ito ang patunay na maaari pa rin itong makita kahit maliwanag.

At sa totoo lang, hindi pa ako nakakita ng shooting star sa tanang buhay ko.

"Make a wish! Make a wish!" bulalas ng isa.

Natawa naman ako sa kan'ya, "Totoo ba ‘yun?"

"And what if it’s not? Malay mo naman magkaro’n ng himala at magkatotoo, ‘di ba?"

Tinaas ni Seven ang isang kamay niya at tinutok 'yun sa dumaang shooting star, tipong para niya itong inaabot, "My wish is... give Eli a power that will turn her into a real woman. Or... just turn me into a black cat so that I can communicate with her."

Hindi ko mapigilang matawa at mailing sa hiling niyang napaka labong mangyari. Gano'n ba siya kapatay na patay sa pusa ni Sir Claudius o nagbibiro lang siya?

Well, if you will make a wish... even if the shooting star wouldn’t make it come true-- let's go to a possible wish instead.

And my wish would be...

"Please let it all go away so that Sir Claudius doesn’t have to suffer," I muttered while staring at the shooting star.

I felt Seven glanced at me, "Woah. You’re making a wish for Claudius?"

"He doesn’t have to say because for sure he’s having a hard time with that matter."

Hindi siya sumagot at muli na lang sumulyap sa itaas. Parehas kaming nanahimik, at sa pananahimik namin na 'yun ay ramdam at rinig ko ang pagtibok ng puso ko... wala naman akong problema kung gusto ni Sir Claudius ang magpakasal pero sa kaso niya ngayon, base sa mga sinasabi ni Hailey, halatang hindi niya gusto ang ideyang 'yun.

Sino nga ba naman kasi ang matutuwa kung ipagkakasundo ka ng tatay mo sa babaeng hindi mo naman mahal, 'di ba?

And... personally, for some reason, I really don't like the idea of him-- rashly getting married.

' ' '

Inaantok na 'ko pero kahit anong gawin kong posisyon sa kama, hindi talaga ako makatulog. 8:30 nang maisipan kong matulog pero mag-a-alas diyes na ng gabi at mulat pa rin ako. Kaya naman sumalampak na lang ako sa sofa at kumuha ng sitsirya para kainin.

Nakakainis. Kung nakatulog na 'ko kanina pa e 'di sana hindi na ako nagutom pa.

Napabuntong hininga ako at tumulala sa malaking bintana. Siguro kaya hindi ako makatulog ay dahil kay Sir Claudius... sabi ko nga, ilang araw na 'kong binabagabag ng ideyang 'yun. Idagdag pa na hindi ko makausap si Katie sa phone. Mukhang nagiging busy na siya sa nalalapit niyang graduation.

Mula sa pagkakatulala ko, narinig kong tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Gavin. Buti naman at magkakaro'n na 'ko ng kausap!

"Gavin!"

"Hello. It's good you’re not sleeping yet," aniya sa mababa at kalmadong boses.

"Yeah. I can’t sleep."

He laughed quietly, I find that cute, "Kakatapos ko lang maglaro ng LOL. Niyayaya pa ako ng mga ka-guild ko pero bigla kong naalala na gusto kong marinig ‘yung boses mo."

"W-What?" I shook my head as I chuckled, "Why do you want to hear my voice? Madalas naman tayong magkasama."

"Well, your voice over the phone is quite relaxing and sweet..."

I can't help but smile, "Thank you."

"I’m looking at the night sky over my window... I, uh..."

Kinuha ko ang unan sa tabi ko at niyakap 'yun habang nakatingin sa labas ng bintana, "May sasabihin ka?"

Hindi siya sumagot pero narinig ko siyang napabuntong hininga. Dinapuan tuloy ako ng kuryosidad-- at naalala ko pa ang nangyari noong nakaraang araw...

"I like you, Konan."

Mariin akong napapikit nang mabilis na nag-init ang pisngi ko. Shemay! Tapos na 'yun ano ba! N-Nakakakilig pero tapos na 'yun!

"I... have been thinking about this for a long time... hindi ko rin alam kung bakit ganito ‘yung nararamdaman ko pero..."

Napadilat ako. Nagsimulang mag-ingay ang puso ko sa loob ng dibdib ko.

What is this? Another confession?

"Konan," pagtawag niya.

"Y-Yes?"

Nanahimik si Gavin sa linya. Pati tuloy pagnguya ko ng pagkain ay bumagal dahil sa paghihintay ko sa susunod niyang sasabihin. Kinakabahan ako, e! Minsan, may ganitong hobby si Gavin na bigla-bigla na lang manggugulat sa sasabihin o sa i-a-aksyon.

Hanggang sa muli na siyang nagsalita...

"You... and Silvanna were really alike--- not in physical, but with spirits. I’ve thought this many times and yes, I can tell that you and her were like one. It’s normal, right? Even when you are like my cousin, it’s normal to like you, right?"

Ako at si Silvanna? Hindi ko alam ang ire-react ko kaya naman hindi ako sumagot sa kan'ya.

"She always took interest in me, even with the tiniest things. You talked like her, Konan," he heaved a sighed and continued, "Sometimes, I’m under the illusion that you two are the same person. You listen to what I have to say, you’re kinda sweet like her. I... can’t think about you without thinking her. You two are so similar..."

"Gavin... what are you talking about?" I asked in confusion.

"It’s acceptable if ever she was really dead and her spirit’s inside you... it’s like, she is alive again thanks to your body."

"Hindi kita maintin---"

"I really like you, Konan. Please, stay that way."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top