• Five •

Catalina Konan

°°°

Naunang umalis sina Sir Claudius at Hailey para sa meeting nila. Samantalang pagkaraan ng ilang minuto ay nagpaalam na rin si Seven. Ang naiwan na lang ngayon ay si Tiara, Zen at Gavin kasama ako at... siguradong aalis na rin sila.

Ending, maiiwan akong mag-isa rito.

Bago pala umalis si Seven, hiniram niya 'yung phone ko sandali at may nilagay na app. Pagtingin ko ay 'CVA room' ang pangalan nito. Bilin niya, eksklusibo raw 'yun para sa mga members lang ng CVA kaya naman doon daw ako makipag-chat sa kanila minsan.

Nilibot ko ang paningin ko sa office. Sa totoo lang, ang ganda rito dahil medyo malawak at may malaki ring bintana kung saan makikita mo ang mga nagtataasang gusali sa labas. Maaliwalas ang paligid, hindi nakakapagod sa mata. Dito nag-o-office dati si Silvanna at Tiara na ngayon... ako naman ang papalit.

Sana lang ay mapantayan ko ang galing nila sa trabaho. Ayoko yata 'yung sinabi ni Sir Claudius kanina...

Bumalik ang tingin ko kay Tiara nang dumapo ang kamay niya sa balikat ko, "I know you can do it. Hindi ka naman mag-iisa, tutulungan ka namin sa mga guests," ngumiti siya.

Tumango at ngumiti sa kan'ya, "Salamat. Pero, iniisip ko kung paano ako makakapag-imbita ng guests. Paano ba?"

Inabot ni Zen ang phone kay Tiara at pinakita ang tumatawag, "Babe, the director’s calling."

Tumango lang si Tiara sa kan'ya at bahagya na siyang tumalikod para sagutin ang telepono. Sumandal naman si Tiara sa sofa at tila nag-isip sa tinanong ko sa kan'ya.

"Hmm... well actually, when I first had a guest, I wasn’t really prepared that time. Akala ko, tamang usap lang tungkol sa charity pero hindi ko napag-handaan ang iba."

Lalo akong tumutok, "Tulad ng...?"

"I didn’t actually know back then that you have to explain in details about the party theme," she said between her laugh, "Place, date, time, benefeciaries... things like that."

"So you failed the first time you had it?"

Gavin suddenly joined, "Betina did an impromptu meeting. She’s so fantastic, I swear. For a beginner? She deserves to get a lot of compliments," then he smiled at her.

Tiara's expression softened, "I heard a lot, Gavin. Thank you."

Napangiti na lang ako sa kanila. Hindi ko alam pero lalo akong na-pressure. Kung sa bagay, halata naman kay Tiara ang pagiging likas na matalino.

"Before you proceed to an invitation with a guest, do an outline of the party. Isipin mo ‘yung theme, kung saan gaganapin, ‘yung oras, kung sino ‘yung paglalaanan ng donations at kung ano pang aasahan nila sa ‘tin. Isipin mo, nagbebenta ka ng isang produkto at ang guest ang customer mo," abiso ni Tiara.

"Uhm... how about the guests? Where could I find them?"

"As I said, we will help you. We’ll suggest a guest, since most of the members with us are influencial--- like Claudius and Zen."

Of course, they were big people from different industries. Kailangan ko 'tong pag-isipan at paghandaan ng maigi.

"Isa pa pala, Konan," usal ni Tiara, "Dahil doon ka na titira sa apartment, bukod sa hindi pwedeng pakialaman ang mga drawer doon, hindi mo rin pwedeng ipagsabi kung saan ang apartment na ‘yon at hindi ka pwedeng magpapasok ng kung sino-sino."

Naalala ko 'yung sinabi ni Hailey kanina, "Tiara, bakit dalawa lang kayo ni Seven na pwedeng pumasok do’n? Paano si Light at ang iba pang members?"

"Si Seven kasi ang nakakaalam ng mga detalye ng apartment na ‘yon," maliit siyang ngumiti, "That apartment is so weird, so be careful not to touch anything. And always call Seven whenever something’s bothering you."

Kinabahan naman ako ro'n. That apartment is so weird? Ano 'yun? Anong mayro'n?

"Ako naman, nakatira kasi ako dati ro’n. Kagaya ng narinig mo, aksidente akong napadpad do’n noong may humahabol sa ‘king mga lalaki. Si Light naman, kahit siya ang may-ari no’n, bilang respeto kay Silvanna ay hindi n‘ya ‘yun pinapasok--- pero alam n‘ya ang address. So, apat lang tayo na nakakaalam ng lugar no’n."

"Alam ko rin kaya," biglang usal ni Zen na ngayo'y tapos na sa kausap niya.

Tumawa naman si Tiara, "Lima pala tayo."

"Teka, may mga lalaking humahabol sa ‘yo noon? Sino at bakit? Saka... bakit bilang respeto ni Light kay Silvanna? Mag-ano ba sila?" nagugulahang tanong ko.

"Light’s ex-girlfriend was my cousin," usal ni Gavin.

Lalo akong naguluhan, "Your cousin? Who?"

"Silvanna."

WHAT? So, ibig sabihin... magka-relasyon sila noong nabubuhay pa 'to at hindi man lang siya pumapasok sa sarili niyang apartment dahil doon nakatira ang girlfriend niya na si Silvanna?

Wait, naiintindihan ko 'yung nirerespeto niya ang privacy ni Silvanna pero... ang labo pa rin.

Siguro nalalabuan ako dahil ang alam ko, kapag magka-relasyon kayo, alam niyo dapat kahit ang privacy ng bawat isa. Hindi naman sa pakikialaman pero parang awareness na lang kung sakaling may mangyari.

"Babe, we need to leave. The director is waiting for us in the studio," litanya ni Zen kay Tiara na agad namang nanlaki ang mata sa narinig.

"Good gracious--- what time is it?"

"9:45 am," Zen chuckled, "That’s right. The meeting is 10:20 and the studio is in the other city, that’s why he called me to remind."

"Shit," tumayo agad si Tiara sa mula sa pagkakaupo at kinuha ang bag, "Konan, I’m sorry but we’re leaving. Alam kong unang araw mo ‘to tapos iiwanan kita pero pass muna ‘ko ah?" nagmamadaling paalam niya.

Tumayo ako at napatango, "O-Oo naman walang problema. Kaya ko."

"Babe," Tiara held Zen's hand, pulling him towards the door, "Let’s go. Nandiyan si Kuya Sony, ‘di ba? Mapapagalitan tayo dalian mo. Konan, Gavin, una na kami. Good luck!"

Tumawa pa si Zen at nagpaalam na rin, "Yeah! Good luck, you two!"

And when the door shut closed, a moment of silence enveloped the room... with only the two of us. I turned to Gavin but he was just staring blanky at the floor.

By looking at him, I know I some kind of felt awkward.

I tried to break the silence, "S-So... it’s only the two of us, huh?" I laughed awkwardly.

He glanced at me and smiled, "Yes you’re right."

Tumayo ako at lumapit sa magiging table ko. Naghanap ako ng pwedeng gagawin. Sa pagmamadali ni Tiara, wala tuloy siyang nasabi kung anong uunahin ko. Pero baka naman bago ako tuluyan magsimula, pwede ko naman siguro makita 'yung ibang documents ng mga nakaraang party, 'no?

Tama! 'Yun na muna ang gagawin ko para kumuha ng ideya.

Pumunta ako sa book shelf at tinignan ang label ng mga folders hanggang sa nakita ko ang isa doon na may nakalagay na, '16-20'. Sa tingin ko ito ang pinaka latest mula kay Tiara.

"Do you want me to help you?"

Bahagya akong nagulat nang may magsalita sa likod ko. Maliit ang ngiti ni Gavin nang tignan ko siya na nasa likuran ko na pala.

"G-Gavin... no it’s okay. Trabaho ko ‘to kaya ‘wag ka nang mag-abala," usal ko.

Lumakad ako sa sofa bitbit ang folder at doon 'yun tinignan. Naramdaman kong tumabi sa 'kin si Gavin at naki-tingin sa ginagawa ko. Hinayaan ko na lang at nagpokus pero... sa kasamaang palad, hindi ko ma-gets 'tong mga nakasulat.

"The mission and values of Charity Vision Association is to share the belief system of organization, providing insight on how we are working towards the mission... this scheme provides free health care to uninsured whose income is up to 200% of the federally designated poverty line; a special fund was designed to compensate the health care provider--- which may have furnished either inpatient or outpatient services... it also provide free or low cost health care to uninsured patients...."

Mariin akong pumikit at bahagyang hinilot ang sintido ko. Ano 'tong pinagsasabi ni Tiara sa document na 'to? Kailangan ba na mayro'ng eksplenasyon talaga?

Narinig kong mahinang natawa si Gavin kaya napadilat ako't tinignan siya.

"Betina is full of words. I’m not surprise, though. Reading this document makes me wanna nod at how smart she is," anito.

Napangiti ako at tinignan muli iyon, "I wish I was good as Tiara and Silvanna so that I can make an execllent job," natawa ako sa sarili, "I don’t want to get terminated again..."

"You won’t."

Natigil ako at napatingin kay Gavin. Oh no, did I just say terminated again?!

"I’ll do my best to help you today."

"You’re really gonna help me with today’s work even if I don’t know how to start?" tanong ko habang nakatingin sa mata niya.

He smiled genuinely and nodded, "Of course, Konan. It’s expected to each member to help each other."

Nilapag ko ang folder sa maliit na table na nasa harapan namin at kumuha ng notebook. Pabagsak ko 'yung nilagay sa ibabaw at tinignan siya ng mataman, may malaking ngiti sa labi ko.

"I’m going to start to think of an outline of our party! But then I have to decide on the theme first... wait, I’ll go research."

Akmang lalapit ako sa computer nang maglabas ng suhestiyon si Gavin, "Konan, would you like it if I suggest an orphanage leavers? What do you think? I have this classmate who’s an orphan and the idea just came to my mind."

Sino ba naman ako para artehan 'yun 'di ba? Unang-una ay wala akong malay pagdating sa ganitong bagay.

"I like that idea! Great! Let’s do that," natutuwa kong bulalas saka 'yun sinulat sa notebook.

"R-Really...?"

Nakita ko siyang umiwas ng tingin at maliit na napangiti. Ewan ko pero nacu-cutan ako sa inaakto niya. Para siyang bata!

"Oo naman ‘no! Sa tingin ko talaga matutulungan mo ‘ko pero--- ako nang bahala mag-isip ng iba pa. ‘Yung ideya mo na ‘yun, malaking tulong na ‘yon!" usal ko, "Now before anyone would suggest a guest... siguro kailangan ko muna ng date at place?"

"But the schedule cannot be decided until Light appeared again," aniya.

"Kung gano’n ay hindi muna ako magsasabi ng schedule?"

Tumango ito, "That’s what Betina did. It’s really annoying how Light went away again without planning to help us. Ginawa n‘ya na ‘yun kay Betina--- gagawin n‘ya pa ulit sa ‘yo," sumimangot ito at nawala ang ngiti sa labi.

"Hindi siya tumulong?" tanong ko.

Humalukipkip ito at kinagat ang ibabang labi niya, "He didn’t. Feels like he’s distancing himself to us--- except to Seven and Claudius."

Huminga ako ng malalim at binaba ang hawak kong notebook, "Maybe he’s like that because he lost his loved ones? Especially when it’s still fresh, the wound is still there, of course it’s hard to move on. Maybe because Seven and Sir Claudius was there when he needed someone to cry on?"

Umiling ito na parang kinokontra ang sinasabi ko, "Parehas kayo ng sinasabi ni Betina. But actually, what you said about Seven and Claudius... we all cried in pain--- except Light," saad niya, "He didn’t even shed a tear! It feels something wrong. Silvanna passed away one year ago and I can tell that he never grieve for her."

Nawalan ako ng salita sa kan'ya.

"I feel like... he’s hiding something. He’s very suspicious. Claudius and the others might not suspecting him but I know something is not right. Light is very mysterious so I can’t help it," napahilamos siya sa kan'yang mukha, "I don’t want to feel this but to be honest, I can’t understand Seven either. He seems to be really close to Light but he also seems to do everything himself. I’m not sure if he’s just too free-spirited or---"

"Gavin..." natigil siya sa pagsasalita nang hawakan ko ito sa balikat. Hindi ko mapigilang mag-alala sa lagay niya.

Hindi ba maganda ang relasyon nila ni Light para pag-suspetsahan niya ito?

"Are... you okay? Why are you so worked up?"

His mouth hunged opened but quickly, his expression changed as if he realized something, "Shit, what did I just say?" he muttered, "I’m sorry---! I... I got carried away with my emotions. Sorry, forget what I said."

I gently patted his shoulder to help him cool down, "It’s fine. I understand."

Pinatong niya ang dalawang siko sa kan'yang mga tuhod at naihilamos ang palad sa mukha, saka siya lumingon sa 'kin at bahagya ngumiti. Ngumiti naman din ako pabalik.

"I just don’t like Light, that’s why I said that. H‘wag mo rin sanang isipin na may tampo ako kay Seven. That guy is my buddy, what I said was just my observation," he honestly uttered.

I nodded gently at him, "Hindi ko alam kung anong puno’t dulo kung bakit ayaw mo kay Light pero handa akong makinig sa kwento mo. Isa pa, wala ka namang masamang sinabi kay Seven kaya naiintindihan kong wala kang tampo ro’n. It’s just that you can’t help but to overthink. But as long as Seven’s not doing anything wrong with you or with anyone, don’t let your mind overthink of something strange to him."

He paused a moment, I gave him a cheerful smile.

"Alright, Gavin? Because you gave a bright idea about the possible benefeciaries... I’ll lend you an ear--- my ears is all yours. I will listen," ani ko pa.

Hindi naman siguro weird 'tong ginagawa ko 'di ba? Since I am now their co-member and I want to be friends with everyone, I think, lending him my ears will be a good start of our friendship.

I will do my best to my job and I will make an effort to be friends with the CVA members.

Hindi ko alam kung imagination ko lang pero nakita kong namula ang tenga ni Gavin sabay iwas ng tingin sa 'kin. Napanguso tuloy ako.

Napahiya ko ba siya o hindi niya gusto 'yun?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top