• Ending Part One •
Catalina Konan
°°°
Naunang lumabas si Sir Claudius para puntahan si Mr. Lefebre na nasa garden area raw ayon kay Frederick. Dahil hindi na naman namin inasahan ang pagdating ni Mr. Lefebre, hindi namin napapunta ang personal chef ng bahay kung kaya't nagsabi ako kay Sir Claudius na ako na ang gagawa ng tanghalian.
Kasama ko si Frederick sa kusina habang nagluluto ng masasarap na putahe.
"Masama ang mukha ni Mr. Lefebre kanina," bulalas bigla ni Frederick habang naghihiwa ng gulay.
"Sanay na ‘ko," sagot ko.
"Feeling ko iba ‘yung dahilan ngayon. Ang itim ng eyebags n‘ya, e."
"Ano namang connect no’n?" natatawa kong tanong.
"Habang kasama ko siya kanina, may kinakausap siya sa phone. Si... Anastasia po ba ‘yon? Basta gano’n ‘yung pangalan. Para siyang nakikiusap na ewan. Ang tagal n‘yo kasing lumabas ni Sir Claudius kanina. Nag-ayos ba kayo ng gamit?"
Natigil ako't pekeng natawa sa hula niya. Tatlong oras din naghintay si Mr. Lefebre sa 'min...
"G-Gano’n na nga."
Nangunot pa ang noo ko nang bumungisngis ito. Hindi ko alam pero feeling ko may alam siya. Pabiro ko siyang binato ng bawang.
"Ma'am!"
"Anong tinatawa-tawa mo?! Ang dumi ng utak mo ah!"
Binaba niya ang kutsilyo at hinarap sa 'kin ang dalawang palad niya, "Wala akong narinig. Wala talaga, promise! Hindi ko po kayo narinig na umuu---"
"Ahh! Frederick!" sigaw ko sabay takip ng tenga.
Shemay. Pakiramdam ko bigla akong namula sa pinagsasabi niya. Kung ganito ang sinasabi niya, ibig sabihin narinig niya 'yung... u-ungol namin sa loob? Waaahh!
"Kaya naiintindihan ko kung bakit kayo nagtagal kanina ni Sir. Hahahaha!" pang-aasar niya pa.
"Stop it, please!"
Hindi na niya dinagdagan pa 'yun pero patuloy pa rin siya sa pagtawa habang tinutuloy ang gawain.
Hmph!
Matapos ang ilang minuto, natapos din kami sa pagluluto ng pagkain. Sabay naming nilabas ni Frederick ang mga hinanda namin. Syempre, hindi mawawala ang paborito ni Sir Claudius na red wine.
Naabutan namin silang patuloy pa rin sa pag-uusap. Si Sir Claudius ay nakahalukipkip habang seryoso ang tingin sa ama, samantalang si Mr. Lefebre naman ay... bagsak ang mukha sa hindi ko malamang kadahilanan.
Tama nga si Frederick. Mukha ngang may something na nangyari.
"Sorry to interrupt but today’s meal, we prepared creamy garlic tuscan salmon, wild rice and mushroom soup, creamy drilled cucumber salad and lastly, merlot red wine," pagpapakilala ni Frederick sa mga hinain naming pagkain.
Magalang itong yumuko habang nakalagay sa likod ang isang kamay, "Please enjoy your meal."
"Thank you," pormal na sagot ni Sir Claudius.
Sinenyasan ako ni Sir Claudius na maupo sa tabi niya kaya naman wala na 'kong nagawa kundi sundin 'yun. Medyo nakakailang man dahil pakiramdam ko malalim ang pinag-uusapan nila, binati ko pa rin si Mr. Lefebre.
"Good afternoon, Mr. Lefebre."
Nagsalin ng wine si Frederick para sa amin ngunit hindi 'yun pinansin ni Mr. Lefebre. Ngayon lang namin napansin na may iniinom na pala silang red wine-- marahil bitbit ni Mr. Lefebre.
Uminom siya no'n at mabilisan inubos ang isang baso saka ako tinignan ng malalim. Napalunok ako. Baka kung ano na naman ang sabihin niya sa 'kin...
"How did you ever make him fall for you this hard, Konan? I had figured he is not at all interested in entertainment," anito sa 'kin.
"P-Po?"
"Why... do they always breaks my heart? I guess Claudius is really lucky to found you."
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Did something happened to him and his fiancée?
"Did you know? Anastasia--- my ex-fiancée, cheated on me? I didn’t know that she has a husband. And here I thought she loves me with all her heart. Ridiculous."
What?
Sir Claudius heaved a sigh, "What did I tell you, father? That woman were just using you because of your money. You may be competent in several aspects, but you do not know how to make a person stay with you for as long as they can. Worst, the woman you had chose were cheating on you from the very beginning."
Pagak na natawa si Mr. Lefebre rito, "But how can you be so sure Konan wouldn’t leave you?"
"I am confident," saka niya 'ko nilingon, "I hope you would not even think of leaving me, Konan."
"O-Of course, I won’t."
"I love you."
Napakurap ako sa kan'ya ng ilang beses. Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko. N-Nahihiya akong sagutin 'yan dahil sa tingin ng tatay niya!
Bago pa ako makapagsalita, sumingit na si Mr. Lefebre.
"I guess, I must apologize to you, Konan. I’d been harsh to you whenever you try to approach me. Forgive me," aniya.
"T-That’s---"
"So you told her harsh words, father?"
"That’s because I didn’t like her before. But now, I can say that she’s really a good girl. And she is different from the women I had before."
"Of course she is. Hindi naman siya mukhang pera kagaya ng mga naging babae mo."
"But---" umayos ng upo si Mr. Lefebre bago dukutin sa loob ng coat niya ang makapal na tseke. Sinulatan niya 'yun at inabot sa 'kin, "How about it? 1 billion pesos will be yours if you break up with my son?"
"Father!"
Napatitig ako sa tseke na 'yun. Aaminin ko, nakakasilaw ang isang bilyon. Hindi mo na kailangan magtrabaho, mabibili mo lahat ng gusto mo, mayaman ka na in an instant. Pero... hindi ba malinaw kay Mr. Lefebre ang sinabi ko dati?
Tumayo ako at yumuko bilang paggalang. Saka ko siya nginitian ng matamis.
"Handa kayong magbuwis ng isang bilyon para lang saktan si Claudius? Pasensya na po pero hindi ko po ‘yan matatanggap. Wala akong interes maging mayaman sa ganitong paraan."
"So you’ll reject it?"
I nodded earnestly, "Yes, I will. I love your son more than anything else. I don’t know why are you doing this but I'm not a gold digger. Hindi po ako nagkagusto kay Claudius dahil sa yaman," I answered.
Sandali pa siyang nakipagtitigan sa 'kin bago ibaba 'yun at ibalik sa kan'yang coat, "You’re persistent."
"I am not. I’m just being true."
Bumuntong hininga si Sir Claudius. Nasa mukha niya ang pagtitimpi, "What the hell has gotten into you, father? Konan is different," nilingon niya ako, "I am terribly sorry, Konan."
Umiling naman ako, "It’s okay. I wanted him to know how much I love you, Claudius."
Halatang natigil siya sa 'kin.
"Mr. Lefebre," determinado ko siyang tinignan, "Hindi lahat ng babae, pera ang habol sa isang lalaki. Hindi po ako nabibili ng pera--- at nako-kontrol ng pera. Hindi ako magsasawa ulit-ulitin sa inyo na mahal ko si Claudius mayro’n o wala man siyang yaman. Mahal ko po siya, mahal na mahal. Kaya nga gusto ko ring mapalapit sa inyo dahil mahal ka n‘ya. Have you heard the saying... love the family of your loved ones? Kahit masakit kayong magsalita, gusto ko kayong mahalin dahil mahal kayo ni Claudius."
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko habang sinasabi ang mga 'yun.
"I did everything to be loved by my own parents. Pero anong napala ko? Wala akong maalala na niyakap nila ‘ko o pinuri man lang. S-So... I’m trying to be close to you. Baka sakaling maramdaman ko sa inyo ang pagmamahal ng magulang."
"Konan..." tawag ni Sir Claudius. Hindi ko siya pinansin.
Umiling-iling ako at nagpunas ng luha, "But it’s okay. It’s okay. Hindi ako magsasawang mag-effort sa inyo hanggang sa matanggap n‘yo ako. Gusto ko lang sabihin na kahit magkano pa ang ialok n‘yo sa ‘kin? Hindi ko po ‘yan matatanggap."
"Ma’am Konan," inabutan ako ni Frederick ng puting panyo pero nginitian ko lang siya.
Sa oras na tanggapin ko 'yun, alam kong mas maluluha lang ako. Nakakainis nga, e. Ayoko na may nakakakita ng umiiyak ako pero hindi ko na napigilan pa ngayon.
Baka mapangitan pa sa 'kin si Mr. Lefebre.
Natahimik ang lahat matapos kong sabihin ang mga 'yun. Ewan pero bigla akong nahiya, parang gusto kong pumasok sa loob at iwan sila.
Hanggang sa bumuga sa hangin si Mr. Lefebre at sa unang pagkakataon, nginitian niya 'ko.
"I’m sorry. I was just testing you."
"Father!" hindi na nakapagpigil pa si Sir Claudius, "Such show is very childish. ‘Yan ba ang dinulot ng paghihiwalay n‘yo ng Anastasia na ‘yun?"
"Claudius, like I said I was just testing her. In fact, I feel she’s really sincere."
"Of course she is! Father, if you don’t support us, then don’t. What matters to me is her--- only her. I feel sad about your break up, I comfort you with that. But I hope someday you can find something that can fulfill your heart. So please if you’re done, you can leave."
"Claudius my son... I now accept her. I realized that before coming here today."
"Then why did you---"
"Like I said, I was just testing her. Alam ko naman na hindi n‘ya ‘yun papatulan. Pero mas lalo akong nagulat sa mga sinabi n‘ya. You know, I’ve never heard a girl say such romantic words like that. Atleast to me."
Doon ako mas nahiya. Pero at the same time, hindi ko mapigilang mapangiti ng totoo. He... finally accepted our relationship.
Naiyak ako sa narinig kaya naman yumuko ako kay Mr. Lefebre at nagpasalamat, "Thank you! Thank you so much! Thank you! Thank you! Thank you for finally accepting me! Thank you!" tumutulo ang luha ko habang sinasabi 'yun. Parang ayoko na nga iangat pa ang ulo ko, nakakahiya na siguro ang mukha ko.
"Son, you’re future wife is such a crybaby," kumento niya sabay natawa sa 'kin.
"Konan," tawag sa 'kin ni Sir Claudius. Pinaharap niya ako sa kan'ya, "Hey, stop that. Don’t cry."
"B-But... I’m just t-thankful! M-My parents hasn’t accept me but Mr. Lefebre... h-he... he just..." halos hindi ko na matapos ang sasabihin ko. Hindi ko maintindihan ang damdamin ko.
Nasasaktan ako... na natutuwa.
"Baby, please," marahan niyang pinunasan ang pisngi ko at tinignan sa mata, "Yes, my father accepted you so from now on, expect his support. Gan‘yan lang siya pero masasabi ko na mabait ‘yang tatay ko."
"Konan, I’m very sorry for everything I said," usal ni Mr. Lefebre saka kami nilapitan.
Umiling ako sa kan'ya, "H-Hindi po. Wala akong sama ng loob sa inyo."
He smiled, genuinely, "Then it’s me who should thank you. Thank you for being with my son, for giving him love, for making him realized what love truly is. I hope you stay by his side for the rest of your life."
"I will! I will," lumuluha kong sagot.
Bumalik siya sa pagkakaupo at halata man ang pagod sa mukha niya dala ng nangyari, inalok niya akong kumain na, "Let’s eat. Ngayon ko lang matitikman ang luto mo."
"Okay lang po ba kayo?"
"Why are you asking? Of course not, but I must since it has been done already," tinawag niya ang atensyon ni Sir Claudius, "Son, what are you waiting for?"
"I would like to do it here."
Nangunot ang noo ko. Nakatitig ng seryoso si Sir Claudius sa lamesa, parang malalim ang iniisip. Tatanongin ko na sana siya nang tignan niya ako sa mata.
"Konan, let’s get married."
Lumuhod siya gamit ang isang paa at naglabas mula sa kan'yang bulsa ng isang maliit at kulay pulang box ng singsing. Binuksan niya 'yun at sinalubong ang mata ko ng kumikinang na singsing mula ro'n.
Napatakip agad ako sa bibig, "Claudius..."
"From this day forward, you shall not walk alone. My heart will be your shelter and my arms will be your home. I love you endlessly. Will you marry me?"
Hindi ako nakasagot agad dahil bigla na lamang bumagsak muli ang luha ko habang nakatitig sa kan'ya. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko, pumipintig ito sa masarap na paraan.
Nariyan din ang kantyaw ni Frederick sa amin at mula sa periphical vision ko, nakita kong nakangiti sa amin ng totoo si Mr. Lefebre.
Hindi ko ma-absorb agad. Parang kanina lang, pinag-uusapan namin ang paghihiwalay nina Mr. Lefebre at Anastasia, parang kanina lang sinusubukan niya pa ang determinasyon ko para kay Sir Claudius tapos ngayon... ngayon sa isang iglap, narinig kong tinatanggap na 'ko ni Mr. Lefebre at...
Inaalok na 'ko ng kasal ni Sir Claudius.
"...I do. I will marry you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top