• Eleven •

Catalina Konan

°°°

Today is the day that I’m going to meet my first ever guest and up until now, I'm still wondering why Gavin’s ignoring me.

Usapan na namin ito na sasamahan niya ako sa unang guest ko pero mukhang malaki ang galit niya sa 'kin para hindi ako pansinin maski sa messenger. Tamang seen siya sa 'kin at hindi ko iyon maintindihan!

Huling message ko sa kan'ya, pumunta siya rito sa office dahil weekends naman at umaga lang ang pasok niya para masamahan niya pa 'ko pero... as usual, hindi siya nagreply.

Malakas akong napabuga sa hangin dahil sa pag-iisip kay Gavin. Gusto ko siyang tanongin kung anong problema pero hindi naman niya 'ko pinapansin. Ilang araw na ang lumipas, wala pa rin ba siyang balak na kausapin ako? Wala naman akong nagawa sa kan'ya, e.

Nandito na ako sa building office ni Sir Dennis at paakyat na ng hagdan nang hindi sinasadya ay may nakabangga akong lalaki na may bitbit na malalaking wooden frame. Ako ang nakabangga sa kan'ya pero ako 'yung natumba sa sahig. Ano ba 'yan nakakahiya!

Agad gumuhit ang sakit sa mukha ko. Hindi biro ang pagkakaupo ko sa sahig.

"M-Miss, sorry!"

Inalalayan ako nitong tumayo. Patuloy siya sa paghihingi ng pasensya.

"Sorry talaga hindi kita napansin. Okay ka lang?"

Napahaplos ako sa balakang ko at pilit siyang nginitian, "O-Okay lang ako. Ako ang may kasalanan, sorry."

"Hindi, sorry talaga."

"Oo sige wala ‘yun," sagot ko na lang.

Nakabaliktad ang suot niyang pulang cup sa kan'yang ulo at nakasuot ng plain white shirt. Dahil sa mga binaba niyang wooden frame, naalala ko ang pinunta ko rito.

"Kilala mo ba si Sir Dennis? May appointment kasi ako sa kan‘ya ngayon," usal ko.

"Ah, si Sir Dennis? Anong appointment ‘yun?"

"Tungkol sa invitation ng CVA fundraising party. Isa akong event coordinator," bulalas ko.

Lumiwanag ang mukha niya sa narinig, "Talaga? Ikaw pala ‘yung sinasabi ni Sir Dennis na magaling daw? Tara, sasamahan na kita."

Gusto ko sana siyang kontrahin sa sinabi niya pero kinuha na ulit niya ang mga wooden frame at tinanguhan ako na sumunod. Napabuga na lang ako sa hangin.

Magaling daw...? Sino namang nagsabi no'n? Si Light?

Habang umaakyat kami ay hindi ko maiwasang kabahan ng sobra. Ilang araw ko na 'tong dala at mas lumala ngayon lalo pa't hindi ko kasama si Gavin! Geez, I really am super nervous right now.

But I practiced this, did I? Pinaghandaan ko 'to kaya wala na akong dapat pang ikatakot. Malalagpasan ko 'to. Ayokong mapunta sa wala ang mga pinaghandaan kong outline at mga pinag-isipan kong salita para kay Sir Dennis, ayokong mapahiya si Light at ayokong madismaya si Sir Claudius.

Kaya mo ito, Konan. Kaya mo ito!

Nang makarating kami sa tamang palapag, kumatok na sa pintuan ang lalaki.

"Sir Dennis, nandito na ‘yung hinihintay n‘yo na event coordinator ng CVA."

Sandali lang din ay bumukas na ang pintuan. Nagpapawis ang kamay ko nang tuluyan ko na siyang makita. Nakasuot ito ng reading glasses, asul na polo at naka-brush up ang kayumangging buhok. Nakaamang ng kaunti ang kan'yang manipis na labi at kumurap-kurap sa akin.

'Yung kaba ko tuloy ay naging triple sa naging reaksyon niya. Bakit parang nagulat siya samantalang may usapan na kami?

Sa kabila no'n, nagbigay ako ng magalang na ngiti, "Good afternoon, Sir Dennis. It’s me the event coordinator, Konan."

"Event coordinator? So you’re not Betina Garrison?" tanong niya nang makabawi.

That made me startled. Did he thought that I’m Tiara in the middle of our exchanged emails? Is that why he looked a bit surprised?

"Huh? Hindi siya ‘yung sinasabi ni Sir Light?" maang na tanong ng lalaking naghatid sa 'kin.

I don't know if it's just me but I saw a glimpse of saddened in Sir Dennis’s eyes. He looked at me from head to my shirt and then gave a single nod, "Mm ‘kay, come on in."

Hindi ko na lang pinahalata pero ang totoo, nasaktan ako ng kaunti sa paraan ng pagtingin niya. Para bang na-dismaya siya na hindi pala ako 'yung iniisip niyang makakausap. Para bang doon palang, iniisip na niyang hindi ko 'to magagawa ng maayos.

Tiara is so lucky. They always think she's incredible. To witnessed how they are expecting from her, means she's really a remarkable woman.

Pero ba't gano'n? Hindi man nila sabihin sa 'kin... nararamdaman ko naman na tinitignan palang ako, iniisip na nilang palpak ako.

People... let me prove I'm not worthless, please.

Pinaupo niya ako sa isang itim na sofa. Doon naman siya umupo sa harapan ko. Hindi ko maiwasang kabahan sa kan'ya habang magkaharap kami, 'yung tripleng kaba ko ay mas nadagdagan pa sa naging reaksyon niya kanina at masungit na mukha niya ngayon.

He blew a sighed, "Light never mentioned that the coordinator changed. He just told me about his deceased girlfriend--- Silvanna and the new coordinator--- Betina. Why is it so fast to replaced her? What happened to Betina?"

"Ano... marami na po kasing trabaho si Tiara--- I mean, Betina. She’s the manager of Zen and at the same time, a veterinary doctor."

"Ahh... I see," he slowly nodded, "I was told she was an excellent coordinator. I was kinda hoping to meet her but... oh well, since you’re here, Konan. Might as well we start?"

"Y-Yes!"

Dumating ang lalaki kanina at naglagay sa ibabaw ng mesa namin ng dalawang baso ng tsaa. Pagkaalis niya, doon na ako nagsimulang magsalita.

Sinimulan ko ito mula sa benefeciary hanggang sa mabubulaklak na speeches, hanggang sa impormasyon tungkol sa CVA at sa mga dati nitong nagawa. Nakatitig lang siya sa 'kin at tinatanguhan ako sa bawat impormasyon na sinasabi ko. Unti-unti, nararamdaman ko na mapapa-payag ko siya dahil nakikita ko ang pagka-kuntento sa kan'yang mukha. Kinakabahan man ay pilit ko 'yun isinantabi dahil ayokong makalimutan ang mga pinaghandaan ko, ayokong mautal at ayokong mabigo.

"...we are currently diligently preparing to hold a great party and would be ecstatic if you could join too, Sir Dennis."

Pagtatapos ko sa aking mga sinabi. Hindi siya nagsalita at humigop lang sa kan'yang tsaa. Basang-basa ang palad ko sa pawis dahil sa nerbiyos sa kung anong isasagot niya.

Hanggang sa binaba niya ang tasa sa mesa at diretso akong tinignan sa mata.

"Hmm... is that all?"

I swallowed hard, "P-Po...?"

Shemay! Hindi ko pa pala nababanggit 'yung party theme!

Gumuhit ang ngisi sa kan'ya at mahinang bumuga sa hangin, "I didn’t think you’d come without having anything prepared. Did you really come over here just to explain it with words? Without bringing any documents to introduce the party?"

Hindi ako nakapag-react agad sa sinabi niya.

"Who are the benefeciary again?"

Lumapat ang aking mga labi, "I-It’s a support party for orphanage leavers--- Shiloh Orphanage."

Tumango ito, "What kind of concept was chosen to set the mood of the party?"

"U-Uhm... ano, I’m thinking of warm and cute decorations that suit children."

"A cute concept, huh?" tumango-tango pa siya na parang iniisip ang salitang 'cute', hanggang sa matawa siya.

Samantala, halos gusto ko nang magpalamon sa lupa. Naguguluhan ako sa reaksyon niya. Is there something wrong with the concept? I mean I was wrong to not bring any documents but... was I wrong with my chosen concept?

"Konan, are you planning to gather children and play house? It seems you haven’t understood the guests that are attending the party. It's the sponsors, not the children." malumanay ngunit bakas ang pagka-sarkasmo sa kan'yang tono.

"Sir---"

Tumayo siya at nginitian ako, "I’ve heard enough. Let’s end the meeting here."

' ' '

Wala akong kagana-gana nang makabalik ako sa Protegé building. Nandito na 'ko at nakatayo sa tapat ng office ko pero hindi ko magawang pumasok sa loob. Para akong naduwag na pumasok pa dahil sa nangyari, parang hindi talaga ako pwedeng maging event coordinator ng CVA, para akong biglang nahiya ng malala, parang biglang naglaho ang mga inipon kong kumpiyansa sa sarili nitong nakaraan.

My first ever guest... rejected me.

Lugmok na lugmok ako kanina nang umalis sa building ni Sir Dennis. Habang nasa byahe ako ay iniisip ko kung bakit hindi niya 'yun tinanggap? Panget ba? Hindi ba 'ko magaling magpaliwanag?

Pero sa kabilang banda, bakit pa ba ako nagtatanong? He answered my stupid questions, right? Lack of documents to introduce, childish party concept... it's all accountable when you think about it.

"Kung sa bagay, mahina ‘yang utak mo, e. Ano pa bang aasahan namin? Bakit kasi hindi mo namana ang talino namin. Hindi rin kami gano’n ka-tanga gaya mo pero bakit ganito?"

"Okay lang ‘yan, Katie. ‘Wag ka mag-alala sa Ate mo. Hindi naman nakakagulat na pinalitan siya, e? Mayro’n bang nakakagulat?"

"Gawin mo kung anong gusto mo. Malaki ka na, may isip ka. Basta ‘wag mo lang kami idadamay kapag may nagawa kang katangahan diyan sa bago mo na namang trabaho."

Hindi ko namalayan na humigpit na pala ang pagkakakapit ko sa aking bag habang pumapasok sa isip ko ang mga linyang 'yan na galing kay Mama. Ngayong muli na naman akong kinakain ng pagka-negatibo ko, hindi ko na naman mapigilan ang puso kong masaktan.

Siguro, kung naging sing-talino ko si Katie o si Tiara ay hindi mangyayari 'to. Siguro nakangiti sana 'ko ngayon. Pero... hindi gano'n, e.

Nakakahiya. Nakakahiya ako. Nakakahiya na nadismaya ko si Light at Tiara. Nakakahiya na ang lakas ng loob kong pahangain si Sir Claudius pero dito palang, bagsak na ako.

Sobrang nakakahiya ang pagiging palpak ko.

Bago pa sila may masabi, siguro kailangan na ako na ang kusang umalis sa grupo...

Humugot ako ng malalim na hininga bago sinubukang pa-kalmahin ang sarili. Lumunok ako at bahagyang inayos ang buhok ko. Tama 'yang naisip mo, Konan. Umalis ka na bago pa na sila ang magpaalis sa 'yo.

Pinihit ko ang pintuan at pagbukas ko, natigil ako sa taong naro'n sa loob. Nakaupo ito sa sofa at nang mapansin ako ay saka siya tumayo.

"Konan..."

I bit my lower lip. I'm trying my best to not shed a tear in front of him but...

"Y-You’re here, Gavin."

Kumuyom ang dalawang palad ko. I don't understand myself but I can't take it anymore. I don't know but seeing him makes my heart throb in pain from what had happened. It... makes me wanna cry.

Bakas sa mata niya ang pagtataka, pag-aalala at pangamba. Hindi niya siguro maintindihan kung bakit ganito ang itsura ko-- mukhang pinag-bagsakan ng langit at lupa.

The way he looked made me really feel how pathetic I am as a person. My poor self is reflecting in his deep black eyes.

"Anong nangya---"

Hindi ko na kinaya pa. Tumakbo ako sa kan'ya at sinalubong siya ng yakap. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero ayokong makita niya na sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ko.

Bahala na muna kung anong isipin niya. Basta ganito kami, ganito muna, please...

"Konan...?" mahina at nag-aalala ang boses niya.

Umiling ako at mas hinigpitan ang yakap, "Stay still, please. Just for a minute," sinikap kong 'wag humikbi.

"What happened?" saka ko naramdaman ang magaan niyang kamay sa likod ko.

Pero hindi ako sumagot at nanatili lang na umiiyak sa balikat niya. Hindi ko na kaya pang sumagot, ayokong iparinig sa kan'ya ang paghikbi ko, ayokong makita niya kung gaano ako ka-pangit kapag umiiyak.

Makalipas ang ilang segundo ay humaplos ang kamay niya sa aking buhok, tila naiintindihan niya na ayokong magsalita.

"Hindi na ako bata, Konan. I’m 21 years old and I know what I’m doing. I think like a man, I’m an adult, I’m not a child anymore. It’s acceptable if anyone thinks I’m still a boy, but... not with you. Anyone, but not you," mahinahong bulalas ni Gavin sa akin.

I shut my eyes closed. Whatever he's talking about, I'm sorry. I'm sorry. I really am.

"Hey," muli niyang tawag, naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tenga, "I’m sorry if I was ignoring you. And I’m sorry if I didn’t make it to accompany you."

"Gavin," mahinang usal ko.

"Yes what is it?"

Dumilat ako at bahagyang niluwagan ang pagkakayakap sa kan'ya. Gayunpaman ay nasa gano'ng posisyon pa rin kami.

Since I'm more calm than lately, thanks to his embrace, I tried to speak.

"Thank you for your kindness but... I’ll... leave the CVA. I’m resigning."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top