8

Chapter 8
House

Agad kong hinawakan ang kamay ni Giovanne para makuha ang atensyon niya. Mukhang nababaliw na siya kaya nasasabi niya ang mga bagay na ito.

"Giovanne, you don't have to marry me okay—"

"Alani, I will marry you and that's final

I looked at him in disbelief. What the hell is he thinking? When he said that he will take full responsibility, I thought he will just give me financial support and not that wedding thing!

"That's great! Mukhang maayos ka talagang pinalaki ng parents mo. Hindi ka tumatakbo sa responsibilidad," puri ni Daddy sa kaniya.

"Masuwerte ka Alani at katulad ni Gio ang nakabuntis sa 'yo. Ayaw ko namang maging disgrasyada ka."Sabi ni Mommy kaya napayuko ako.

They don't want a disgraced daughter that's why they will forced Giovanne to marry me. They are taking advantage of what's happening.

"So, it's final. I will marry her as soon as possible. Kung wala na po tayong pag-uusapan, aalis na kami ni Alani," sabi ni Giovanne at nakita kong nabigla sila mom at dad.

Maging ako ay gulat na tumingin kay Giovanne. Akala ko ay iiwan niya ako rito, isasama niya pala ako? Saan naman niya ako dadalhin?

"I have my own house, don't worry, Alani will be fine there."

Nasunod ang gusto ni Giovanne kaya palabas na kami ng bahay ngayon. Nagulat pa ako nang makitang nakaimpake na ang mga gamit ko. Talagang gusto na akong paalisin ng parents ko ah?

Pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ni Giovanne at inalalayan pa akong pumasok. Sobrang maasikaso niya yata ngayon. Dahil ba buntis ako?

"So, may sariling bahay ka na pala?" tanong ko habang nasa biyahe na kami.

Tumango siya. "That's one of my project. Pero tuwing weekend lang ako umuuwi doon."

It only shows how mature and successful he is. I wonder what he's thinking now that we will live in one roof? Siguro deep inside ay naiinis siya dahil nasira ko ang single life niya.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng itim na gate at may pinindot si Giovanne para kusang bumukas iyon.

Madilim na kaya hindi ko na masyadong makita ang paligid. Tanging ang ilaw lang ng sasakyan ang nagbibigay liwanag. Pero masasabi kong malawak ang harapan ng bahay niya.

Wait, let me rephrase that, it is almost as big as a mansion.

"Let's go," Giovanne said when he opened the car door for me. I nodded before I went out.

Pagpasok sa loob ng bahay ay namangha ako sa sobrang ganda ng interior design. Of course he's an engineer but this really looks great. Titira ba talaga ko rito? Ilang babae na kaya ang nauwi niya rito?

The color is a combination of white, gold and gray. This house looks classy. Pagpasok ay nasa kaliwang parte ang sala. Sa kanan naman ay makikita ang engrandeng hagdanan. Sa pinakagitna ay pasilyo na patungo yata sa may kusina.

"Giovanne, iho. Bakit napaaga ka yata ng uwi? Hindi ba ay sa Sabado ka pa?"

Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko ang isang matandang babae. Napatingin din siya sa akin at kumunot ang noo. Nagmano sa kaniya si Giovanne habang nanatili akong nakatayo sa may pintuan.

"Manang Lolis, si Alani po. Magpapakasal na po kami at dito na rin siya titira," anunsyo ni Giovanne at nasapo ng matanda ang dibdib niya.

Gulat siyang tumingin sa amin ni Giovanne at halos hindi makapagsalita.

"Ako ba'y pinagloloko mong bata ka? Ni wala ka ngang nobya tapos magpapakasal ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Manang Lolis.

Natawa si Giovanne at nilapitan ako. Halos mapasinghap ako nang hawakan niya bigla ang kamay ko.

"Manang, mabilis po talaga ang mga pangyayari pero seryoso po ako. Magpapakasal na po kami ni Alani."

Hindi na nakapagsalita si Manang dahil tumunog ang phone ni Giovanne. Bahagya siyang lumayo sa amin kaya naiwan ako sa harapan ni Manang. Batid kong kinilatis niya ako kaya nahihiya ako.

"Ilang taon ka na ba iha? Alam ba ng mga magulang mo na ikakasal ka?" tanong nito sa akin.

"Nineteen po. At opo, alam po ng parents ko."

"Ay susmaryosep! Ang bata mo pa. Ano bang ginawa ni Giovanne."

Napakamot ako sa noo dahil mukhang mas problemado pa si Manang kaysa sa amin. Ganon daw talaga ang matatanda. At hindi ko rin masisisi kung nabigla siya. Ang sabi nga niya kanina ay walang girlfriend si Giovanne tapos biglang magpapakasal. Nakakagulat nga naman 'yun.

Ilang sandali pa ay bumalik na si Giovanne. Mukhang nagmamadali siya.

"Ah, I still have a client to meet. Aalis na muna ako," sabi niya sa akin kaya tumango ako. "Manang, ikaw na po munang bahala kay Alani."

"O siya, sige. Ingat ka sa pagmamaneho," bilin ni Manang kay Giovanne.

Akala ko ay lalabas na siya ng pinto pero lumapit pa siya sa akin. Akmang hahalikan niya ako sa labi pero mukhang nagdalawang isip siya kaya sa pisngi na lang.

"Sleep early," he said before leaving.

Napabuga ako nang malalim na hininga at tinanaw siya paalis. Nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya. Nakakahiya! Sa harap pa talaga ni Manang Lolis?! Seriously?

"Kumain ka na ba iha?" Napalingon ako ulit kay Manang nang magtanong siya. Tumango ako at ngumiti.

"Opo, magpapahinga na po ako," sabi ko.

"Halika at ihahatid na kita sa k'warto mo," sabi ni Manang at iginiya ako paakyat sa ikalawang palapag.

Pag-akyat ng hagdanan ay may dalawang pasilyo ulit. Sa gitna ay may malaking glass door na sa tingin ko ay patungong veranda. Lumiko kami ni Manang sa may kanang pasilyo.

Nahinto lang kami nang makitang nasa hallway pa ang mga gamit ko at nakatayo doon ang isang maid. Siya yata ang nag-akyat ng mga ito.

"Bakit hindi mo pa ipinapasok sa loob ang gamit ni Alani?" tanong ni Manang sa katulong.

"Bilin po ni Sir Giovanne na siya ang papiliin ng kwarto niya."

Nilingon ako ni Manang gamit ang nagdududang tingin. Lumunok ako at nagkunwaring hindi siya napansin.

"Ah, sige sa guestroom na lang ako. Ako na ang bahala sa mga gamit," sabi ko at binitbit ang isang bagahe ko. Ramdam ko ang paninitig ni Manang pero binalewala ko iyon.

Tumikhim siya. "Kung magpapakasal na nga kayo ni Giovanne, bakit sa guestroom ka matutulog? Dapat sa master's bedroom ka."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi bago hinarap si Manang Lolis.

"Manang, ayos lang ba sa inyo na sa isang kwarto kami ni Giovanne?" tanong ko sa kaniya.

Huminga nang malalim si Manang bago tumango. Napangiti ako sa pagpayag niya dahil hindi ko talaga gustong makasama sa iisang kwarto si Giovanne. I mean, it is already awkward that we're living together and it will be more awakward if we are going to share in a room.

"Sige, pero iyong guest room sa tabi ng master's bedroom na lang ang gamitin mo," bilin niya at iyon ang sinunod ko.

Hindi na pumasok si Manang sa loob ng kwarto kaya mag-isa na lang ako. Maaliwalas ang kwartong 'to dahil na rin siguro sa kulay. The wall is coated by creame white color and the furnitures are mixed of brown and white color. It is very pleasant in my eyes.

I sat down on the soft bed and sighed. Dito na talaga ako maninirahan at sa oras na ikasal kami ni Giovanne, nakatali na ako sa kaniya.

Naisipan kong libutin ang buong kwarto. May tatlong pinto sa harapan ng kama kaya binuksan ko muna ang pinakamalapit. Iyon pala ang banyo at may kumpleto nang toiletries.

"Wala namang gumagamit ng kwartong 'to pero bakit kumpleto ng gamit?" nagtatakang tanong ko sa sarili at lumabas na ng banyo.

Ang sunod na pintuan ay ang walk-in closet na walang laman kundi ang mga bagahe ko. Ang pangatlong pintuan ang nagpabigla sa akin. It is a door connected to the master's bedroom. Now I know, why Manang wanted me to stay here. Hayst. Hindi na ako pumasok doon at bumalik na ako sa kwarto ko.

Nagbihis na ako ng pantulog bago humiga sa kama at sinubukang matulog. Hindi na ako puwedeng magpuyat ngayon lalo pa at buntis ako. Pero ilang oras na yata ang lumipas at dilat na dilat pa rin ako.

Kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto. Hindi naman siguro masamang maglibot dito sa bahay? Tutal magiging asawa na ako ni Giovanne.

Hayst. Hindi pa ako sanay na banggitin ang salitang iyon.

Patay na ang ilaw sa hallway pero bukas ang ilaw sa nag-iisang pintuan sa dulo nito. Ano kayang meron doon? Dahil sa kyuryosidad ay nagtungo ako doon at pumasok. Napaatras ako nang makita si Giovanne na nagtitipa sa laptop. Opisina niya yata itong napasok ko.

"Ah, nakauwi ka na pala. Sorry hindi ko sinasadyang pumasok," sabi ko nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Sumulyap siya sa relong pambisig niya at kumunot ang noo.

Tumayo siya. "It's late already. Bakit gising ka pa?"

I pouted. "I can't sleep. Namamahay yata ako."

He closed his laptop then he approached me. Tumingala pa ako dahil sa katangkaran niya. Nahigit ko ang aking hininga nang hawakan niya ang kamay ko at iginiya palabas ng opisina. Sa kusina kami nagtungo at pinanood ko siyang magsalin ng gatas sa baso.

Wait... Is he going to drink a milk? Why the hell he brought me here?

Inilapag niya sa harapan ko ang baso kaya nagtataka ko siyang tiningnan.

"Drink that," he ordered.

"No way! I hate drinking milk," I said and I crossed my arms. Ano ako bata para painumin ng gatas?

He sighed. "Milk is good for pregnant women. And it will also help you to sleep better."

I rolled my eyes. Bakit ko ba nakalimutan na siya pa rin ang masusunod? Kaya wala akong choice kundi inumin ang gatas na 'yun. Pagkatapos ay padabog akong umalis ng kusina iyon nga lang hinila ako ni Giovanne pabalik.

"Will you stop stomping your feet? Buntis ka kaya dapat mas maingat kang kumilos ngayon," sermon niya sa akin.

I'm still adjusting with this pregnancy thing. Sometimes I tend to forget that I'm pregnant that's why.

"Okay, I'm sorry. I'll be careful from now on," I told him.

Ngumiti siya at pinisil ang ilong ko. Hinampas ko ang kamay niya kaya siya natawa. His laugh is like music to my ears. I wish to hear it all the time. Damn! What is this I'm feeling?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top