30
This will be the last part of Fight For Your Love. Thank you po sa pagsama ninyo sa journey nila Giovanne at Alani. Stay safe and healthy!
Chapter 30
Heart
I took a deep breath the moment I opened my eyes. This day will be the most memorable day in my life. Ngayon ang opening ng art gallery ko na ilang taon ko ring pinaghirapan.
Tumunog ang phone ko at nakita kong tumatawag si Mylene. Agad ko iyong sinagot.
"Alani!! I'm so excited! Baka ma-late ka ah. Sige ka, ako na mismo ang magbubukas ng art gallery mo kapag wala ka pa," bungad nito sa akin kaya natawa ako.
"Mylene, it is still 6:30 in the morning. Nine pa ang opening ng gallery ko. Hayaan mo muna akong makapag-ayos," sabi ko sa kaniya.
Tinulungan ako ni Mylene sa mga dapat gawin sa gallery. Mas nauna kasi siyang naka-graduate sa akin kaya naman mas may oras siya noong nag-aaral pa ako.
"Okay, fine. I'll just wait for you there. See you!"
"See you soon." I ended the call already.
Bumaba ako ng kama at nag-stretching bago dumiretso sa banyo para maligo. After showering, I just put on my bathrobe then I went out. I will fix my hair first before I put on some makeup.
After fixing myself, I wore my white camisole underneath my red blazer. I matched it with my red wide-leg pants that reached my ankle. I slipped on my white platform heels before spraying some cologne. Then, I'm off to go.
Kinuha ko ang bag ko bago lumabas ng kwarto. Nasa sala ang parents ko at mga nakabihis na rin. Pupunta sila sa gallery ko pero mauuna na ako sa kanila para masiguro kong maayos ang lahat.
"Alani sweetheart, I want to congratulate you now. I'm so proud of you," daddy said before hugging me.
"Thank you, daddy, Mommy. For the support," I told them.
Hindi ko naman magagawa ito kung hindi nila ako sinusuportahan. Maraming beses ko nang sinukuan ang pangarap ko na magkaroon ng art gallery pero lagi nilang pinapaalala sa akin na hindi dapat sinusukuan ang pangarap.
"We know that you can do it. You deserve it, Alani," mommy told me.
I smiled at my parents. We hugged each other for one last time before I went out of our house. Sumakay ako sa kotse namin at nagpahatid na sa venue.
Pagdating doon ay nandoon na nga si Mylene at may mga ilang bisita na rin. Ang iba sa kanila ay schoolmates namin at ang iba ay si Mylene lang talaga ang nag-invite.
"Great! You're here already! I'm so excited," she told me.
Pinanliitan ko siya ng mga mata dahil parang sobrang excited naman yata niya. Pakiramdam ko tuloy may ibang mangyayari bukod sa opening ng art gallery ko.
"Samahan mo nga muna ako sa restroom. Kinakabahan ako dito lalo e," sabi ko at hinatak si Mylene.
"Ano ka ba? Don't be nervous. For sure, successful ang opening nito at may bonus pa."
My forehead creased. "Bonus? Ano naman 'yon? Don't tell me may after-party tayo?"
Ngumisi lang si Mylene at umiling. Ngayon kumpirmado ko nang may mangyayaring hindi ko alam mamaya.
Hindi ko na kinulit pa si Mylene dahil alam ko namang hindi niya sasabihin sa akin. Lumabas na kami mula sa restroom para i-check kung dumating na ba ang ibang guest.
This art gallery is a collection of my masterpieces that I made since I started to draw. May mga gawa rin dito sila Mylene na isinama ko na rin dahil kasama ko naman silang bumuo ng gallery na 'to. Other pieces are for sale while others are not.
Visitors started to come and the venue was already half-full before I knew it. Nang mas dumami pa sila ay umakyat na ako sa mini-stage na nasa gitna. May hawak akong mic at pinagmasdan ang mga tao.
"Good morning, ladies and gentlemen. First of all, I would like to thank you all for coming here in our art gallery. Now, I will do the honor to do the ribbon-cutting," I announced then someone gave me a scissor.
Humarap ako sa may ribbon na naghaharang sa mga artworks mula sa amin. Ginupit ko iyon kasabay nang pagkislap ng camera mula sa photographer namin.
Pumasok na ako sa loob at sumunod ang mga tao. Muli akong humarap sa kanila dahil may sasabihin pa ako.
"Everything you will see here is a work of art straight from the heart. I am now officially opening this gallery for everyone. Feel free to roam around."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay isa-isa nang lumapit ang mga tao sa mga naka-display na paintings. Natanaw ko sila mommy at daddy kaya nilapitan ko sila.
"Alani, I invited some of our co-doctors. Nandyan na sila," sabi ni Daddy.
Ngumiti ako. "Salamat po, Dad. Sana po magustuhan nila ang mga paintings na narito."
"I'm sure they will. Napakagaling mo kaya," sagot ni Mommy.
May sasabihin pa sana ako nang biglang namatay ang ilaw. Agad akong kinabahan dahil baka magkagulo sa gallery ko pero wala naman akong narinig na nagsisigawan o nag-pa-panic.
"Mommy? Daddy? Nasaan kayo? What's happening? Sinong nagpatay ng ilaw!" sigaw ko pero wala akong narinig ni isang tunog.
Oh God! Did someone raid my art gallery? Nasaan ang mga tao?
"Alani."
Napalingon ako sa nagsalita at napasinghap nang makita si Giovanne. May bitbit siyang isang bungkos ng bulaklak at nakangiti sa akin. Agad ko siyang nilapitan.
"What is this? Ano ba itong plano mo, Giovanne?" tanong ko sa kaniya.
Inabot niya sa akin ang bulaklak at saka bumukas ang ilaw. Nasa harapan na namin lahat ng tao na pawang nakangiti.
Wait, something's wrong here.
Biglang lumuhod sa harapan ko si Giovanne habang hawak ang isang maliit na kahon na may lamang singsing. Natutop ko ang bibig ko sa gulat.
"Alani, you told me that when you finish your study, I can already propose to you. Ngayong naka-graduate ka na, mayroon ka pang sariling gallery, I want to ask this now. Will you marry me, again? This time, we will do it right. Just be with me," Giovanne said.
Tumulo ang luha ko at agad ko iyong pinunasan. Nilingon ko ang parents ko na pawang naluluha. Katabi nila ang pamilya ni Giovanne na ngayon ko lang napansin.
"Oh God, I can't believe this is happening," I told him due to nervousness.
"Baby, you're taking too long. I'm waiting for your answer."
I bit my lips and nodded. "Yes, Giovanne. I will marry you, again."
He slipped the ring on my finger before hugging me tightly. Around of applause echoed inside the gallery.
Humarap kami ni Giovanne sa mga tao na nakangiti sa amin.
"Thank you for the cooperation everyone. You may now go back to your businesses," Giovanne announced.
Tiningnan ko si Giovanne at kinurot siya sa tagiliran. Napangiwi siya at nagtatakang tumingin sa akin.
"What was that for?" he asked.
"Kinasabwat mo pa ang mga bisita ko. Kaya pala parang may kakaibang mangyayari, mag-po-propose ka na pala. E, kung hindi ko kaya tinanggap ang proposal mo? Edi napahiya ka?" sabi ko sa kaniya.
Bigla siyang ngumiti na parang hindi man lang naapektuhan sa sinabi ko.
"Kahit hindi mo tanggapin ang proposal ko, asawa pa rin kita."
My forehead creased. "What do you mean?"
"Hindi ko naman ipinasa ang annulment papers natin kaya kasal pa rin tayo. Ikaw naman kasi sineryoso mo agad iyong binigay ko sa'yo. Halatang gustong-gusto mo nang humiwalay sa akin."
Mas lalong kumunot ang noo ko. Hinintay kong sabihin niyang nagbibiro lang siya pero hindi nangyari iyon. Nang mapagtanto at maintindihan ko ang lahat ay saka ko siya pinagkukurot.
"Baliw ka, Giovanne! All this time akala ko hiwalay na tayo tapos malalaman kong trip mo lang 'yon? Alam mo bang grabe ang iniyak ko dahil doon!"
"Aray! Ouch! Stop it. I'm sorry."
"Gan'yan na ba ang mga bagong engaged ngayon? Nagbubugbugan pagkatapos?"
Napalingon kami ni Giovanne kay Daddy na hindi namin napansin na lumapit na pala kasama si mommy at ang pamilya ni Giovanne.
Pumulupot sa beywang ko ang braso ni Giovanne bago ako hinalikan sa pisngi.
"Ito po kasing anak ninyo, masyado akong pinanggigigilan. Gano'n po siya maglambing sa'kin," sabi ni Giovanne kaya siniko ko siya.
"Alani, stop hurting Giovanne. Baka humanap ng iba 'yan," pananakot naman ni Mommy kaya napasimangot ako. Natawa sila sa reaksyon ko.
I looked at Giovanne who is laughing also.
"Really? You will find another woman? Can you really do that?" I asked him.
Umakto siyang nag-iisip pa kaya muli ko siyang siniko. Nakakainis! Pinag-isipan pa talaga.
"Of course not. Nahirapan na nga akong maghanap sa'yo tapos hahanap pa ako ng iba. Huwag na lang," sagot niya na nagpangiti sa akin. "I love you, my artist."
"I love you too, my engineer."
A/n:
The next part will be the epilogue! It's time for Giovanne's POV! Brace yourselves!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top