29
Chapter 29
Apologize
"Giovanne! Stay still!" I shouted on him.
It was our third day here and I decided to paint him while we were on the beach. At itong si Giovanne napakalikot. Hindi na nga ako maka-focus dahil naka-topless siya tapos galaw pa siya ng galaw.
"I want to flex my body. Just paint me!" he shouted that caught the attention of other visitor.
I blushed and immediately looked away. Siraulo itong si Giovanne. Ang lakas yata ng tama nito ngayong araw, e. Napansin kong may mga babaeng kulang na lang ay himatayin sa kilig.
Bumalik ako sa pagpipinta at mas mabilis ko na iyong natapos dahil tumigil na siya sa kagagalaw. Napangiti ako habang nakatingin sa gawa ko. Giovanne looked so good with the sea behind him. It looks perfect.
Tumayo ako at hinayaan na munang matuyo iyon. Nilapitan ko si Giovanne na ngayon ay nakatingala na sa akin.
"Langoy tayo," pagyaya ko sa kaniya.
Agad siyang tumayo kaya tinanggal ko na ang cover up. Revealing my black two piece swimsuit.
Giovanne glared at me. "Dapat hindi mo na tinanggal ang cover up mo. You looked hotter now. I hate how those men look at you."
Inirapan ko lang si Giovanne bago hinila papunta sa dagat. Napakaseloso talaga nito kahit kailan, e hindi naman ako lumilingon sa iba.
"Tumigil ka nga, Giovanne. Halika na!"
Lumusong kami sa dagat nang nakabusangot pa rin si Giovanne. Sinabuyan ko siya ng tubig sa mukha kaya nagulat siya at napapikit. Mukhang lalo yatang napikon.
"Huy!" Nilapitan ko siya ulit at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. I pecked his lips once. "Stop being jealous. I love you. I love you. I love you."
He opened his eyes and I almost drowned in it. His arms snaked on my waist to pull me closer.
"I love you. Very much," he whispered before kissing me passionately.
Nagulat ako nang bigla siyang lumubog kasama ako nang hindi pinuputol ang halik. Napakapit ako sa batok niya. I felt him giving me air by his kisses so that I won't drown. Pero imposible iyon dahil sa halik niya pa lang nalulunod na ako.
Umahon din kami upang maghabol ng hininga.
"That was...that was the perfect kiss I've ever had. Underwater kiss," Giovanne said then he chuckled.
Hinampas ko ang dibdib niya.
"Perfect ba 'yon? Lulunurin mo yata ako, e. Sa susunod mag-warning ka naman," sabi ko sa kaniya pero nakangiti rin naman.
I admit, the kiss was perfect. Every kisses I shared with him just felt perfect.
"I don't want to warn you because I love surprising you," he said.
"Hay naku, halika na nga. Kunwari ka pang nagseselos gusto mo lang pala ng halik," biro ko kaya natawa kami pareho.
He smirked. "Well, I just want to show them that you're mine already. At wala na silang chance sa'yo."
I rolled my eyes at him. We decided to go back to our house when the sun sets. Natuyo na rin ang portrait ni Giovanne pero hindi ko pa pinapakita sa kaniya. I am waiting for a special day to give it to him.
Mabilis na lumipas ang ilang araw at ngayon ang pang-anim na araw namin dito. Bukas ay aalis na kami ulit pauwi sa Manila kaya mas sinusulit ko ang mga oras na magkasama kami ni Giovanne.
Kagagaling ko lang sa banyo para maligo bago ako dumiretso sa k'warto. Naabutan ko si Giovanne na may kausap sa phone.
"I'll tell her. Okay. See you," he said before he ended the call.
Napansin niya ako kaya ngumiti siya. Dumiretso ako sa tukador para magsuklay ng buhok. Ayaw kong tanungin siya kung sino ang kausap niya. Sasabihin niya naman iyon sa akin kung gusto niya nang hindi ako nagtatanong.
"We will go to Aranda hotel this afternoon. We have unexpected visitors," he told me.
Kumunot ang noo ko. Visitors? Ibig sabihin marami kaming ime-meet doon? Bigla tuloy akong kinabahan at na-excite at the same time.
"Sino-sino naman? Puwede ko bang malaman?" tanong ko.
Ngumiti si Giovanne. "It's a surprise. Just get ready for later."
Bumuntonghininga ako habang iniisip kung sino kaya ang mga taong 'yun? Parents ko ba? Parents niya? Pero bakit naman sila pupunta dito, e uuwi naman na kami bukas.
"Ate Alani, kahit ano naman diyan ang isuot mo bagay sa'yo," sabi ni Rica.
Niyaya ko kasi siya dito sa kwarto para tulungan akong mamili ng isusuot mamaya. Lumabas saglit si Giovanne kaya naman sinamantala ko na.
I am holding two different dresses. On my right hand is a red bodycon dress that ends up on my mid-thigh while on the other hand is a white spaghetti strapped dress that fits my body perfectly.
Hindi ko alam kung sino ang kikitain namin doon kaya gusto kong maging presentable.
"Just help me choose, Rica," I told her.
"Choose the white dress."
Napalingon kami kay Giovanne na nakasandal sa may pintuan. Hindi ko namalayang nandiyan na pala siya. Nakita niya pa tuloy ang pagpa-panic ko sa susuotin ko mamaya.
"Mabuti po nandito na kayo, Kuya Gio, kayo na lang po tumulong kay Ate Alani na mamili ng susuotin," ani Rica at bigla na lang lumabas ng kwarto.
"Why did you choose this white dress?" I asked him.
"You will look more seductive in that red dress. So, just wear the other one. Besides, whatever dress you'll wear will look good on you," Giovanne muttered.
I blushed. "Whatever! Sige na, magbibihis na ako."
Kinuha ko na ang mga isusuot ko bago ako dumiretso sa banyo. Nakaligo na ako kanina bago pa ako mamili ng isusuot kaya mabilis na akong natapos. Pagbalik ko sa k'warto ay si Giovanne naman ang nagbihis habang nag-aayos ako.
I tied my hair into a high ponytail then I put some makeup on my face. Bumalik na si Giovanne sa k'warto at pansin ko ang pagkunot ng noo niya.
"Just let your hair down. Don't expose your sexy neck please," he requested.
I sighed. "Giovanne, dapat sinabi mong ayaw mong ilabas ko ang leeg ko para nag-turtle neck na lang ako."
He chuckled and walked towards me. Niyakap niya ako mula sa likuran at bigla na lang humalik sa leeg ko.
"Hey!" I chuckled because he's tickling me with his nose. "Stop that!"
"Fine, I'll let you with what you want just stay beside me," he said.
I smiled in victory. Hindi niya talaga ako matiis. Ako pa rin lagi ang nasusunod. Gano'n niya ako kamahal.
We left the house at five in the afternoon. Pagdating namin sa Aranda hotel ay agad kaming iginiya sa isang buffet restaurant na naka-reserved para sa amin. Pagpasok namin doon ay may natanaw agad akong pamilyar na mga tao.
Lumapit kami sa table kung nasaan sila.
"Giovanne, Alani, mabuti at nandito na kayo. Umupo na kayo," sambit ni Tito Rio, daddy ni Giovanne.
Yes, Giovanne's family is here. Even Tita Joanne and Gelo. Umupo na kami ni Giovannesa kabilang side ng table.
"Siguro nagulat ka sa pagpunta namin dito, Alani. We have something important to tell you," Tito Rio said. I looked at them confused.
Bumuntonghininga si Tita Joanne bago nag-angat ng tingin sa akin.
"Alani, we're here to apologize. I'm sorry if I hurt you. Hindi kita dapat dinamay sa problema namin ng magulang mo. I just hope it is not too late to apologize. Please, forgive me," she said and I saw how tears fell from her eyes.
Ramdam kong seryoso siya sa mga sinabi niya. Ngumiti ako.
"Hindi naman po ako galit sa inyo. Naiintindihan ko po na nasaktan kayo sa ginawa ng mga magulang ko kaya galit po kayo sa akin. Sa totoo nga po, gusto kayong makausap ulit ni mama kaya lang wala na siya. Pero may iniwan po siyang sulat para sa inyo."
"Kung hindi sana ako nilamon ng galit, baka nagkausap pa kami ni Linda. I just hope she forgave me already," Tita Joanne said.
Alam kong hindi sinasadyang saktan nila mama at papa si Tita Joanne. Love ruined their friendship. Gano'n naman talaga, palaging may masasaktan sa oras na magmahal ka.
"Alani," Gelo said and I looked at him. "I know I said it already before but I still want to say sorry. Hindi ko sinasadyang masagasaan ka noon. Hindi ko sinasadyang mapatay ang baby ninyo ni Kuya. I'm sorry. Sa'yo rin Kuya Gio. I hope you will forgive me."
Humigpit ang paghawak ni Giovanne sa kamay ko kaya nilingon ko siya. Nakaiwas siya ng tingin sa amin. Hindi niya pa pala napapatawad ang kapatid niya sa nangyari noon.
"I've already moved on from what happened. S'yempre masakit pa rin sa tuwing naalala ko pero wala na akong galit sa'yo Gelo," sabi ko.
"Salamat, Alani. Kuya Gio, sana mapatawad mo na ako,", sambit ni Gelo.
Hinawakan ko ang braso ni Giovanne kaya napatingin siya sa akin. I smiled at him.
"Forgive your brother, Gio. It was an accident. Walang may kasalanan," sabi ko kay Giovanne.
Matagal niya pa akong tinitigan bago bumuntonghininga. Tumingin siya kay Gelo.
"I'm not mad at you anymore, Gelo. But, we still have to settle this on our own way. Alam mo na kung anong ibig kong sabihin," sabi ni Giovanne.
Napangiti naman si Gelo. "I know, kuya. Salamat."
Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang may pagkakaintindihan naman na sila. Alam ko namang hindi matitiis ni Gio ang kapatid niya. Kahit pa malaki ang kasalanan nito, hindi niya ito magagawang talikuran.
"Everything is settled already. We can now start over again," Tito Rio said.
I smiled. Nakakagaan talaga ng pakiramdam ang pagpapatawad. Lahat naman kasi ng tao nakagagawa ng mga pagkakamali pero ang importante ay alam niyang itama iyon.
"So, what are your plans now? Do we hear wedding bells again?" Tito Rio asked.
I smiled. "I want to study again, Tito. Maybe after I graduate, let's see if we will hear the wedding bells."
Maayos na natapos ang pagkikita namin ng pamilya ni Giovanne. Iyon nga lang nakabusangot itong lalaking nasa tabi ko habang pauwi kami.
"Ano na naman bang problema, Giovanne?" tanong ko sa kaniya.
He sighed. "Do I really have to wait until you graduate before I could propose to you? Puwede ka namang mag-aral kahit kasal na tayo—"
"Bakit? Hindi mo kayang maghintay? Natatakot kang makahanap ka ng iba?" pang-aasar ko sa kaniya.
"Tss. That's not the reason! Paano kung ikaw ang makahanap ng iba? Paano na ako?"
I held his cheeks. "Trust, Giovanne. Trust our love to each other. Kapag nagmamahal ka dapat may tiwala. Besides, bakit pa ba ako maghahanap ng iba? E, nasa 'yo na ang lahat ng tipo ko sa isang lalaki."
Napangiti siya at mukhang napanatag. We both have doubts but we only need assurance. An assurance that we will only love each other and no one will ever separate us.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top