27
Chapter 27
Confession
Maging ako ay napasinghap sa sinabi ni Giovanne. Ibig sabihin, alam niya rin ang tungkol doon? Alam niya ang tungkol sa nakaraan ng mga magulang namin?
His mom's eyes widened. "W-what are you talking about, Giovanne?"
Giovanne smirked sarcastically. "You know what I'm talking about, Ma. Hindi ka pa rin nakaka-move on sa ginawa ng totoong magulang ni Alani sa'yo. Kaya kay Alani mo ibinubunton ang galit mo—"
"Shut up! You don't know what happened in our past. Hindi mo alam kung gaano kasakit pagtaksilan ng kaibigan at ng taong mahal mo! Her parents were the reason why I became miserable! Dahil malandi ang mama niya at mang-aagaw! Katulad niya!"
"So, hanggang ngayon hindi ka pa rin talaga nakaka-move on sa nangyari? It's been years, Ma. Can't we just forget about it? Hindi kasalanan ni Alani ang kasalanan ng mga magulang niya."
Tumulo ang luha sa mga mata ng mama ni Giovanne. Maging ako ay hindi mapigilang umiyak. My parents had hurt her that much. Maiintindihan ko kung hindi niya na ako matatanggap kahit kailan.
"I'm sorry, Gio. I can't. And I want you to choose. Stay here with us or leave with that woman?" his mom asked.
Kumabog ang dibdib ko at napatingin kay Giovanne. Umigting ang panga niya habang nakatitig sa kaniyang ina. Pinapapili siya ng mama niya at malabong ako ang piliin niya.
"Giovanne, you don't have to choose. Aalis na lang ako—"
"Mama, I respect you but I want you to accept that Alani is the woman I love. I am choosing my happiness, Ma. I'm choosing Alani," Giovanne said that made me gasped in shock.
Did he really choose me? Am I dreaming? At anong sabi niya? Mahal niya ako? Mahal niya rin ako?
"Fine. Kung iyan ang desisyon mo, umalis ka na rin. Sana hindi ka magsisi," seryosong sambit ng mama ni Giovanne bago ito umalis.
Bumuntonghininga si Giovanne at tumingala bago pumikit nang mariin. Naiipit siya sa sitwasyon namin. Alam kong ayaw niyang iwan ang mama niya pero ako pa rin ang pinili niya.
Tumingin siya sa akin at pumungay ang mga mata.
"Let's go home. Para magamot ko na ang gasgas mo sa kamay," sambit niya kaya tumango ako.
Alam kong may mga problema pa kaming dapat ayusin. Hindi pa kami nakakapag-usap nang maayos tungkol sa mga nangyari.
Umuwi kami sa bahay ni Giovanne at agad kaming sinalubong ni Manang Lolis. Siguro nagsasawa na siya dahil paulit-ulit akong bumabalik dito tapos aalis din naman. Kahit ako nagsasawa na. Nakakapagod na ang mga nangyayari.
"Iha, sana naman huwag ka nang umalis ulit. Kulang na lang ay itali ko kayong dalawa ni Giovanne para lang magsama na kayo nang tuluyan," sabi ni Manang nang puntahan niya ako rito sa kwarto namin ni Giovanne.
Katatapos ko lang maligo at magbihis. Mabuti na lang at may naiwan akong damit dito noong umalis ako.
Ngumiti ako. "Hindi na po ako mangangako, Manang. Pero sana nga po hindi na ako umalis kaya lang kailangan ko pong umuwi, e. Baka hanapin ako ng parents ko."
"Natutuwa ako na tinanggap ka na ulit ng mga magulang mo. At sana, matutunan din ni Joanne na tanggapin ka."
Sana nga. Sana mapatawad niya na ang mga magulang ko lalo pa at pareho naman na silang namayapa na.
Pumasok si Giovanne sa k'warto kaya napatayo sa Manang mula sa kama.
"Sige, iwan ko muna kayo at nang makapag-usap kayong dalawa," paalam ni Manang bago lumabas ng kwarto.
Bumuntonghininga ako at pinagpatuloy ang pagsusuklay habang nakaharap sa salamin. Kitang-kita ko ang paglakad palapit sa akin ni Giovanne kaya hindi ko maiwasang kabahan.
Tumayo siya sa may likuran ko habang pinagmamasdan din ako sa salamin. Dahil sa kaba ay inilapag ko ang suklay habang nanginginig ang mga kamay ko.
"Can I see your hand?" he asked and I nodded then showed him my palm.
May gasgas iyon mula sa pagkakatumba ko kanina dahil sa mga guwardya. Kinuha ni Giovanne ang first aid kit na dala niya pala pagpasok dito. Marahan niyang ginamot ang palad ko na halos hindi ko maramdaman ang haplos niya.
Siguro ito na ang tamang oras para makapag-usap na kami.
"Giovanne, hindi mo ba ako tatanungin tungkol sa mga nangyari noon?" alanganin kong tanong sa kaniya.
Tinapos niya ang paggamot sa kamay ko bago iniligpit ang first aid kit.
He stared at me. "I've been waiting for your explanation. Hinihintay kong maging handa ka nang sabihin sa akin ang lahat."
Huminga ako nang malalim. I don't want to keep everything in myself. I want to clarify whatever happened before.
"That day, when I went to our house, narinig kong nagtatalo ang parents ko. Nalaman kong ampon lang ako kaya nagkasagutan kami ni Mommy. I was hurt and devastated that time. Hindi ko na naisip na buntis ako. Naging makasarili ako." I bit my lips before continuing. Seryoso lang na nakikinig si Giovanne. "Umalis ako sa amin. Umuulan no'n kaya hindi ko napansin na may paparating na kotse. Nabangga ako...nagising na lang ako na wala na ang baby ko. Ang baby natin."
Suminghap ako kasabay nang pagdaloy ng luha ko. Masakit alalahanin ang lahat pero kailangang malaman ni Giovanne kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko. Baka sakaling mapatawad niya ako nang tuluyan.
"Yet, you didn't tell me sooner. Si Gelo pa mismo ang nagsumbong sa akin," sabi ni Giovanne.
Yumuko ako. "I told you already, I was scared that you'll left me. Natakot akong magalit ka at iwan ako. At anong nangyari nang nalaman mo? Hindi ba umalis ka? Iniwan mo nga ako...sobrang sakit para sa akin na mawalan ng anak tapos pati ikaw nawala sa akin."
Humikbi ako sa sobrang sama ng loob ko. Alam ko namang mali ang ginawa ko pero mali rin naman na iwanan niya akong mag-isa.
"I didn't leave you. Umuwi ako at pagdating ko dito wala ka na. I was devastated also that I don't know what to do. Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang hanapin dahil umalis ka na. Nag-iwan ka pa ng sulat, 'di ba?
Huli na ng matauhan akong hindi ko kaya nang wala ka—"
"Pero hindi mo ako hinanap agad ibig sabihin wala akong halaga sa'yo. At hindi lang kita iniwan dahil gusto ko, iniwan kita dahil gusto kong mahanap ang totoo kong magulang. God knows how much I prayed that one day you will find me... Umaasa ako na kakatok ka sa bahay namin at susunduin ako pero hindi nangyari... Wala ka."
He took a deep breath to calm himself. I looked away.
"I admit, I don't have plans to look for you because I thought I could live without you. Akala ko hindi kita kailangan. But I just found myself looking for you everyday. Hinahanap ka ng sistema ko. How I wish I realized sooner that I have feelings for you. You took my heart, Alani. Then you ran away."
I was speechless. This is an unexpected confession from him. Hindi ko akalaing gano'n ang naramdaman niya nang umalis ako. Akala ko ay balewala lang sa kaniya ang lahat ng pinagsamahan namin.
"It doesn't matter now. Nandito ka na at hindi na kita pakakawalan pa, Alani. If you want to run away, I will run with you. Please don't leave me again," he begged and I cried.
Am I dreaming? Is this true? Sinabi niya ba talaga iyon?
Sobrang saya ng puso ko at kulang na lang ay lumabas iyon sa sobrang lakas ng kabog nito. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabing kinuha ko ang puso niya samantalang ako ang nakaiwan ng puso ko sa kaniya.
"I want to meet your biological parents, Alani. I want to thank them for bringing you here in this world."
Natigilan ako sa sinabi ni Giovanne. Hindi ko pa pala nasabi sa kaniya ang tungkol doon.
"Gusto rin kitang ipakilala sa kanila, Giovanne. Pero hindi na puwede..."
"What do you mean? Hindi mo ba sila nahanap?"
"Hindi na puwede kasi...wala na sila. They were already resting in peace. Hindi ko nakita ang papa ko dahil patay na siya bago pa ako pinanganak. Si mama lang ang naabutan ko na agad din naman akong iniwan."
Pumikit ako nang mariin dahil nagbabadya na naman ang luha na tumulo. I felt Giovanne hugged me and I hugged him back.
"I'm sorry. I should have been there...dapat nadamayan kita. I'm sorry. I felt useless and stupid." He whispered while caressing my back.
I hugged him tightly. I missed being this close to him. Hindi ko na gustong bumitaw dahil baka mawala na naman siya. Hindi ko na kakayanin. Hindi ko na kayang mahiwalay kay Giovanne.
"I promise, I will never leave you again. I promise. Forgive me, please. I love you so much," he muttered.
I nodded. "Hindi na rin ako aalis, Giovanne. At hindi na rin ako maglilihim sa'yo. Mahal na mahal kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top