26
Chapter 26
Engagement
"I love him, dad. I love him so much."
I really love Giovanne. Pero dahil ayaw na niya sa akin, makokontento na ako sa pagtanaw sa kan'ya mula sa malayo.
"Okay, fine. You can go see him," daddy said and I smiled widely at him.
I hugged him. "Thank you, Daddy!"
Agad akong nagbihis at nag-ayos. Nagpahatid ako sa driver namin papunta sa bahay ni Giovanne. Wala ang kotse niya sa garahe kaya sa tingin ko ay umalis siya.
"Miss Alani, saan po tayo sunod na pupunta?" tanong driver ko.
Nag-isip ako saglit. "Sa Casa Zabala po."
Kung wala siya rito sa bahay niya, baka nandoon siya sa bahay mismo ng pamilya nila. Pagkarating doon ay bumaba ako ng sasakyan.
Paano ko siya makikita kung dito lang ako sa labas? Pero baka ipagtabuyan lang ako ng mama niya kapag nakita ako dito.
Sumilip ako sa gate nila Giovanne nagbabakasakaling matanaw ko man lang siya. Pero ilang minuto na akong nakatayo roon ay walang Giovanne na lumabas. Bumuntonghininga ako at tumalikod na para sumakay sa kotse.
"Alani?"
Napahinto ako sa pagsakay sa kotse nang may tumawag sa akin. Nilingon ko iyon at nakita ko ang mama ni Giovanne na mukhang may pupuntahan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko inaasahang magkikita kami ulit.
"What are you doing here? Are you looking for Giovanne? Hindi ba ay hiwalay na kayo?" Kaswal na tanong nito na para bang hindi ako masasaktan sa mga sinabi niya.
Lumunok ako. "Hindi ko naman po lalapitan si Giovanne. Gusto ko lang siyang makita."
She raised her eyebrows on me. I wonder if she remembers my parents whenever she look at me? Ano kayang iniisip niya? Hindi pa rin kaya siya nakaka-move on sa lahat ng nangyari?
"Okay, I'll tell you where my son is. Nasa engagement party siya. Ito ang address." Inabot niya sa akin ang isang card na may address.
Wait...engagement party? Nino? Don't tell me engaged na agad si Giovanne sa iba?
"Oh, what are you waiting for? Baka mahuli ka pa. Go."
Tinitigan ko ang mama ni Giovanne bago ko siya tinalikuran. Sumakay na ako ulit sa kotse at inabot ko sa driver ko ang address na binigay sa akin.
"Manong, pumunta po tayo diyan. Pakibilisan po," utos ko sa driver na agad naming nitong sinunod.
Pinagpapawisan ang kamay ko habang nasa biyahe. Hindi ko mapigilang umiyak kapag iniisip kong may iba na agad si Giovanne. Hindi ko yata matatanggap iyon. Hindi ko kayang makita siyang nasa piling ng iba.
"Miss Alani, nandito na tayo," sambit ng driver ko kaya napatingin ako sa labas.
I took a deep breath before I went out of the car. It is a luxurious hotel and I could see rich and famous people walking in and out of it.
Napatingin tuloy ako sa suot kong damit. Simpleng puting dress lang ang suot ko. Hindi ko naman kasi alam na mapapasugod ako sa isang mamahaling hotel.
Humakbang ako papasok sa hotel pero agad na may humarang na guards sa akin.
"Miss, nasaan po ang invitation mo?" tanong ng isa sa mga humarang sa akin.
Tumanaw ako sa loob at kitang-kita ko ang dami ng mga taong imbitado sa engagement party na 'to.
Umiling ako. "Ahm, saglit lang ako sa loob. May kakausapin lang ako," sagot ko at sinubukang pumasok pero muli nila akong hinarang.
"Hindi talaga puwede, Miss. Mabuti pa umuwi ka na lang bago ka pa namin ipadala sa pulis," banta ng isa.
Natakot ako sa sinabi niya. Ayaw kong gumawa na naman ng eskandalo pero kailangan kong makita si Giovanne.
"Please, papasukin n'yo na ako. Saglit lang naman. Hindi ako manggugulo—Aray!"
Sa pagpupumilit ko ay napalakas ang pagtulak sa akin ng guard at napaupo ako. My eyes became blurry because of tears. I hate them! I hate them!
"Naku, Miss Alani. Tulungan ko na po kayong tumayo," sambit ng Driver ko bago ako inalalayang tumayo.
Nagasgasan ang palad ko at nadumihan ang damit ko dahil sa nangyari. Kung kanina nahihiya na ako sa itsura ko, mas nahihiya na ako ngayon!
"Sinabi ko nang saglit lang, e. Kung ayaw ninyo akong papasukin, palabasin n'yo na lang si Giovann," sabi ko sa mga guwardiya.
Napapatingin sa akin ang mga taong dumarating at lahat sila ay mapanghusga ang tingin. Wala na akong pakealam sa sasabihin nila. Gusto ko lang makita at makausap si Giovanne. Gusto kong malaman kung wala na ba talaga kaming pag-asa.
"Tatawag na talaga kami ng pulis kapag hindi ka pa umalis dito," banta ulit nila sa akin pero hindi ako natinag.
"Hindi ako aalis hangga't hindi ko nakakausap si Giovanne. Sandali lang naman. Bakit ba ayaw ninyong makinig?"
"Did I hear it right? You're looking for Giovanne Zabala?" someone asked.
Nilingon ko iyon at nakita ang isang sopistikadang babae. She is wearing a red deep V-neck long gown. And the way she look at me, it makes my blood boil. Para bang hinuhusgahan niya na ako agad.
"Yes. So, if you know him kindly tell him that I'm here outside—"
"I can't. He's a very important person here in my party. Hindi ko siya puwedeng palabasin dito. Kaya maghintay ka na lang na matapos ang party," sabi niya bago ako tinalikuran.
Hindi ako agad nakakilos. It's her party so it means, sa kan'ya engagement party 'to? Siya ang ipinalit sa akin ni Giovanne?
Napaupo ako sa semento habang umaagos ang luha sa aking mata. Bakit ang bilis naman niyang maghanap ng iba? O baka naman noong wala ako ay nakilala niya na ang babaeng iyon? At kaya niya lang ako pinauwi ay para talaga hiwalayan ako.
"Narinig mo siya, Miss? Hindi puwedeng lumabas si Engineer Zabala kaya umuwi ka na. Tama na ang paghahabol," sambit ng guard at pinilit akong tumayo.
"Ano ba? Bitawan mo ako!" Nagpumiglas ako sa hawak nito pero malakas siya. Hinila niya ako palayo sa entrance ng building. "Bitawan mo ako sabi!"
"What's happening here?"
Pareho kaming napalingon kay Giovanne na mukhang kalalabas lang. Sumeryoso ang tingin niya nang makita ako. Agad akong napangiti.
"Engineer, nanggugulo kasi ang babaeng 'to. Pinapaalis na ho namin," pagsumbong ng guwardiya kaya agad ko iyong sinamaan ng tingin.
"Hindi ako nanggugulo. Kayo itong hindi nakikinig. Saglit lang naman tapos ayaw ninyo," reklamo ko at agad na iwinaksi ang braso ng guwardiya.
Humakbang ako palapit kay Giovanne at niyakap siya. Damn! I missed hugging him. I missed his scent. I missed him so much!
"Miss, huwag mong yakapin si Engineer Zabala at baka madumihan siya," rinig kong sambit ng guwardiya.
Mas hinigpitan ko ang pagyakap kay Giovanne. Hindi ako bibitaw. Ayaw ko.
"Don't touch her. Ako na ang bahala sa kan'ya," sabi ni Giovanne.
Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko ay hahayaan niyang kaladkarin ako ng guwardiya na 'yon. Tiningala ko siya habang nakayakap pa rin ako sa kanya.
"Giovanne, huwag mo nang ituloy ang engagement please. Huwag mo akong ipagpalit. Hindi ko kaya. Alam kong galit ka sa akin pero sana huwag kang magpakasal sa iba..." Humikbi ako at hinigpitan ang pagyakap sa kan'ya.
I heard him sigh. "What are you talking about?"
"Sabi ng Mama mo at no'ng babae kanina, nandito ka sa engagement party. Kaya hindi mo ako puwedeng kausapin dahil abala ka sa party n'yo."
"My mom said that?" He asked and I nodded. "Let's go home," he whispered before guiding me towards his car.
Pinasakay niya ako sa front seat bago siya umikot sa kabila at nagmaneho. Walang kumibo sa aming dalawa habang nasa biyahe. Nagulat na lang ako nang umuwi kami sa mismong bahay nila.
Pinagbuksan niya ako ulit ng pinto pero hindi ako agad bumaba. Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Ahm, bakit nandito tayo? Baka magalit ang mama mo dahil umalis ka sa party nang dahil sa akin. Paano na iyong fiancee mo? Iniwan mo—"
"Alani..." He cut me off and I stared at him. "I am not getting engaged. Hindi ko alam kung ano ba talagang sinabi ni mama sa'yo pero hindi para sa akin ang party na 'yun. Guest lang ako."
Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kan'ya. Hindi ko maintindihan. Hindi siya ang fiance ng babaeng nakausap ko kanina? Kahit naguguluhan ay nakahinga ako nang maluwag dahil doon.
"Let's go inside. I need to clarify things. May kasalanan ka pa sa akin kaya huwag ka munang matuwa," seryosong sambit niya bago ako hinila papasok sa bahay nila.
Naabutan namin sa sala ang mama ni Giovanne. Lumingon iyon nang marinig ang pagpasok namin sa pintuan. She didn't look shock at all. Like she was expecting me to be here.
"Gio, bakit ang aga mo? Hindi ka ba um-attend sa engagement party?" tanong nito kay Gio.
Giovanne took a deep breath before holding my hand. Nagbaba ako ng tingin sa kamay naming dalawa bago ko siya tinitigan.
"Mama, ano na naman po bang sinabi n'yo kay Alani? You told her that I'm getting engage?" he asked his mom.
Mrs. Zabala got shocked then she glared at me. Bigla tuloy akong kinabahan dahil baka magalit siya.
"I did not say that! I just told her that you went to an engagement party. It's not my fault that she was paranoid—"
"Mom!" Giovanne shouted that almost made me jump.
"What? Now you're shouting me because of her? For Pete's sake she's not your wife anymore! She lost your child because she is stupid!"
"Mom, stop that!"
Napayuko ako sa sinabi ng mama niya. Totoo naman iyon. Nakunan ako dahil pabaya akong ina. Hindi ako karapat-dapat na magkaroon ng anak. Sarili ko lang ang iniintindi ko.
"It's true! Stop defending her! Sa simula pa lang ayaw ko na sa kan'ya dahil pinikot ka lang niya—"
"Is that really the reason, 'ma? Iyon ba talaga?" tanong ni Giovanne na nagpatigil sa mama niya. "Sa tingin ninyo hindi ko alam ang dahilan kung bakit galit na galit kayo kay Alani? It was because of her parents, right?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top