23
Chapter 23
Good
It really hurts losing the people you love. That is why you have to cherish every moment that you're with them. Dahil sa oras na mawala sila, saka mo lang malalaman ang halaga nila.
Ilang linggo na mula nang mailibing si Mama at hindi ko masasabing ayos na ako. Pakiramdam ko nga ay hindi na ako maaayos pa. Bumalik ako sa dati, may kulang sa pagkatao at mag-isa.
Nagtatrabaho na ako sa bakery na sinabi ni Rica. Mabait naman ang may-ari kaya ayos na ako sa trabaho ko. Mag-isa lang akong tindera dito kaya maghapon ako sa bakery. Kapag umaga ay maraming bumibili ng tinapay dahil nga para sa almusal. Sa hapon naman ay bihira lang ang bumibili.
Tinanaw ko ang labas at napansin ko na naman iyong itim na kotse na nakaparada sa kabila. Madalas ko iyong makita diyan tuwing ganitong oras. Pero ni minsan ay hindi bumaba ang nagmamaneho ng kotse na 'yun. May lumapit na customer kaya inasikaso ko muna iyon.
"Singkwenta pesos nga sa kababayan," sabi ng lalaki kaya agad kong binalot ang tinapay na napili niya.
Nang iabot niya ang bayad ay naramdaman ko ang simpleng haplos niya sa kamay ko. Agad ko iyong iwinaksi at sinamaan siya ng tingin.
"Sungit mo naman, Miss," sabi nito bago ngumisi. Lumabas tuloy ang marami niyang sungki at halatang mahilig manigarilyo sa itim ng gilagid niya.
"Kung wala ka ng bibilhin, umalis ka na," sabi ko at tinalikuran na ang lalaki.
Ayaw kong patulan ang mga gano'ng klaseng tao dahil maaapektuhan ang negosyo ng amo ko. Baka matanggal pa ako sa trabaho nang hindi oras.
Lumipas ang maghapon at oras na para isara ng bakery. Inayos ko na muna ang mga gamit bago ako lumabas. Ako na rin ang nagkakandado nito dahil ako lang naman ang tao rito. Alas singko na ng hapon at lalakarin ko lang ang daan pauwi.
Napansin ko agad na parang may nakasunod sa akin kaya lumingon ako ngunit wala naman. Baka napapraning lang ako.
"Ate Alani, gusto mo po bang sumama sa sentro? Fiesta ho kasi dito sa Isla kaya imbitado ang lahat."Bungad sa akin ni Rica.
Kumuha ako ng tubig at ininuman iyon bago humarap sa kaniya.
"Anong oras ba? May trabaho ako at baka hindi ako makapunta."
"Six O'clock naman po ng gabi mag-uumpisa ang party. Huwag mo na ring problemahin ang isusuot dahil may hinanda na po ako."
Mukhang planado na niya ang lahat kaya hindi na ako makakatanggi pa. Ngumiti ako at tumango.
"Sige. Sasama ako."
At gano'n nga ang nangyari kinabukasan. Pagkauwi ko ay nakahanda na ang isusuot namin ni Rica. May taste din naman siya sa pananamit kaya nagustuhan ko. Ako ang nag-ayos sa kaniya dahil dala ko naman ang makeup kit ko.
"Ate ang ganda mo po talaga," puri niya sa akin nang matapos akong mag-ayos.
I was wearing a floral sleeveless dress that reached my knees. While Rica was wearing a yellow off-shoulder dress. Our hair are both in a ponytail style.
"Maganda ka rin, Rica. Halika na," pag-aya ko sa kaniya at sabay kaming lumabas.
Nandoon na ang tricycle na pinatawag namin kanina. I still can't believe how my life turns upside down. Dati nakakotse ako kapag pupunta sa mga parties kasama ang mga kaibigan ko. Ngayon napakasimple na ng pamumuhay ko.
Pagdating sa sentro ng isla o ang plaza ay buhay na buhay ang paligid. May mga banderitas na nakasabit at may kasama iyong mga palawit na ilaw. May tumutugtog na banda sa may unahan habang may nagsasayaw. Ang dami ng tao at sa tingin ko ay mas dadami pa ito mamaya.
"Halika, Ate Alani. Doon tayo sa may mga tiangge," sambit ni Rica. Hinigit niya ako patungo sa mga nagtitinda ng kung ano-ano.
Nasulyapan ko ang tindahan ng mga pambatang laruan kaya natigilan ako. Kung hindi sana ako nakunan, edi sana maibibili ko rin ng mga gamit ang anak ko.
"Magandang hapon sa inyong lahat. Nais kong makuha ang atensyon ninyo sapagkat nandito na ang ating Mayor. Si Mayor Dominique Aranda."
Nagpalakpakan ang mga tao at may umakyat sa stage. Ang mayor at ang kaniyang asawa.
"Una sa lahat, salamat at nakiisa ulit kayo sa ating fiesta. May mga palaro po tayo mamaya at malalaki po ang premyo. Galing sa ating mga butihing sponsors." Pumalakpak ulit ang lahat nang umakyat sa stage ang mga sponsors. "Unfortunately, mahuhuli ng dating ang isa po nating sponsor. In ten seconds, mag-uumpisa na ang ating kasiyahan!"
Naghiyawan ang mga tao kasabay ng pagbibilang. At pagtapos ng sampung segundo ay lumipad sa langit ang iba't ibang paputok.
"Ate Alani, sumali ka doon! Kung sinong pinakamaraming maisasayaw, mag-uuwi ng papremyo!" Natutuwang sabi ni Rica habang itinuturo iyong booth na nasa pinakagitna.
Kumunot ang noo ko bago ako umiling. Baka mamaya may mga manyak pa akong makasayaw.
"Ayaw ko. Sa iba na lang, Rica. O kaya ikaw na lang ang sumali doon," sabi ko at siya naman ang nanlaki ang mga mata kaya natawa ako.
"May sasali pa ba? Dalian ninyo hanggang may slot pa!" Anunsyo ng nagmamanage doon sa booth na tinuturo ni Rica.
Nagulat ako nang bigla akong hilain ni Rica papunta roon.
"Siya po! Sasali po siya!" sabi ni Rica at bahagya pa akong itinulak papunta sa gitna.
Pinagtitinginan ako ng mga tao kaya napayuko ako. Pasaway talaga itong si Rica. Sinabi ko ng ayaw ko e.
"Alright! Kumpleto na ang ating mga contestants. So, paramihan lang ng magsasayaw na lalaki ang labanan dito. Alam n'yo ba kung magkano ang premyo? Five thousand pesos!"
Naghiyawan ang mga nanonood at kitang-kita kong dumami ang mga lalaki sa harapan.
"Bago tayo magsimula, ipapakilala muna natin ang ating mga contestant. Mag-umpisa tayo kay ate dahil siya naman ang huling sumali." Nagulat pa ako nang itapat sa akin ang mic. "Mukhang anak mayaman si ate. Ate, anong name mo?"
"Alani Cruz," sambit ko. May kung ano pang sinabi ang babae bago lumagpas sa akin.
Matapos magpakilala ang lahat ng kalahok ay inumpisahan na ang contest. May tumugtog na musika at mayroon lamang limang segundo ang bawat lalaki na maisayaw ang babae. Sa loob ng dalawang minuto, ang may pinakamaraming naisayaw ang panalo.
Napasinghap ako nang wala pang ilang segundo ay mahaba na agad ang pila sa harapan ko. Hindi ako nagsalita at isinayaw na lang ang mga lumalapit. May mga lalaking hindi marunong sumayaw. Ilang beses pa akong natapakan.
"Time's up!" Someone announced and the music stopped. Pakiramdam ko sumakit ang paa ko sa kasasayaw. "Mukhang hindi na natin kailangan magbilangan dahil halata naman kung sino ang may pinakamahabang pila ng naisayaw! Our winner is Miss Alani Cruz!"
Narinig ko ang pagsigaw ni Rica kaya napailing na lang ako. Pinaakyat ako sa stage at doon ibinigay sa akin ang premyo. May picture taking pa nga kasama si Mayor.
"Miss Alani, I think I know you," Mayor Dominique said.
I smiled. "I don't think so, Mayor. Ngayon lang po tayo nagkaharap."
"Yes, I know. Pero parang kamukha ka ng asawa ng kaibigan ko. Actually, parating na siya baka gusto mong makita?"
Kinabahan ako dahil doon kaya agad akong umiling. Bumaba ako ng stage at hinanap si Rica. Nang makita ko siya ay hinila ko agad.
"Teka, uuwi na ba tayo? Pero kauumpisa lang ng piyesta!" reklamo ni Rica. "Saka, gusto kong makita ang isa pang sponsor. Balita ko guwapo raw."
Napairap na lang ako sa kakulitan ni Rica. May dumating na sasakyan at nahawi ang mga tao dahil doon. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako nang sobra.
"Dumating na ang isa nating sponsor! Let's all welcome, Engineer Giovanne Zabala!"
Tuluyan akong nanlamig at para akong nabingi sa kaba. Pinagmasdan ko ang paglabas ni Giovanne mula sa sasakyan. Napalunok ako nang makita siyang muli.
I missed him. I missed him so much. He looked good. Still good as always. Emotions rushed inside my chest and tears started to fall.
Hindi ko na tinawag pa si Rica at umalis na ako. Hindi ako puwedeng makita ni Giovanne. Ayaw ko nang gumulo ang buhay niya. Mabuti pang tapusin na namin ang lahat. Kaya ako na lang ang lalayo.
Pagkauwi ay agad kong inimpake ang mga gamit ko. Kailangan kong makaalis agad dahil sa oras na masabi ni Mayor ang tungkol sa akin ay tiyak akong malalagot ako. Baka kung ano pang gawin sa akin ni Giovanne.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top