22

Chapter 22
Recover

"Iha, dayo ka rito ano?"

Nilingon ko ang isang matanda na nagtitinda ng gulay. Nasa palengke kasi kami ni Rica ngayon para mamili.

Ngumiti ako. "Opo. Bakit po?"

"May narinig kasi ako na mga lalaki kahapon. Nagtatanong sila kung may dayo raw bang babae rito."

Nawala ang ngiti ko sa labi at napalitan ng pagkunot ng aking noo. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla. Ako ba ang hinahanap ng mga iyon? Pero bakit naman?

"Baka po iba ang hinahanap nila. Sige po mauuna na ako," sambit ko at agad na lumayo sa matanda.

Hinanap ko si Rica na nakikipagkuwentuhan sa isang tindera. Luminga-linga ako sa paligid para makita kung may kahinahinalang tao ba.

"Huy!" Napaigtad ako nang gulatin ako ni Rica. "Sino bang hinahanap mo?"

Umiling ako. "Wala naman. Halika umuwi na tayo."

Hanggang sa pag-uwi ay hindi ako mapakali. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng matanda. Sino naman kaya ang magpapahanap sa akin kung sakali? Si Giovanne? Mga magulang ko?

"Ate Alani! Ate Alani!"

Agad akong pumasok sa loob ng bahay nang marinig ko ang sigaw ni Rica. Tumakbo ako paakyat ng k'warto ni mama. Naabutan ko siyang umiiyak kaya kinabahan agad ako.

"Anong nangyari?" tanong ko at nilapitan si mama. Hawak hawak ni mama ang tiyan niya at napansin kong parang namamaga ang kaniyang braso at binti.

"Ate...si Nanay Linda." Humihikbing sambit ni Rica.

May kinuha siya sa ilalim ng kama at nanlaki ang mga mata ko. Mga piraso iyon ng gamot na mukhang iniluwa ni Mama.

"A-Anong ibig sabihin nito? Mama?"

"Hindi iniinom ni Nanay ang gamot niya, Ate Alani."

Napaluhod ako habang pinagmamasdan si Mama. Hindi ko maintindihan. Bakit gagawin ni mama iyon? Bakit siya magsisinungaling? Bakit?!

"Mama..." Humikbi ako at hindi makapagsalita.

Lumingon sa akin si Mama at matamlay na ngumiti.

"Patawad, Alani. Gusto ko nang magpahinga..."

Umiling ako habang walang humpas sa pag-agos ang aking luha. Parang kakapusin ako sa hininga sa sama ng loob ko.

"Mama...nangako ka e! Bakit mo ginawa 'yun?! G-gustong...gusto mo na ba akong iwan?" sambit ko habang humihikbi.

"Halika dito, anak." Sumenyas si Mama na lumapit ako. Umupo ako sa may tabi ng kama niya. Hinawakan niya ang aking kamay. "Patawarin mo ako...ayaw ko lang na mahirapan ka pa sa sakit ko—"

"Ayos lang sa akin iyon, 'ma! Basta dito ka lang...basta hindi ka mawawala."

Ngumiti siya. "Proud ako sa'yo, Alani. At alam kong gano'n din ang Papa mo. Alam kong malakas ka at kakayanin mo kahit wala na ako. Mahal na mahal kita."

Umiling ako dahil hindi ko pa rin matanggap. Bumitaw ako kay mama at nagtungo ako sa labas ng bahay.

Hindi ko kakayanin kapag nawala si mama. Hindi ko kaya. Ayaw ko siyang mawala sa akin. Siya na lang ang mayroon ako.

"Diyos ko...alam kong hindi ako mabuting anak kila Mommy at Daddy. Alam kong hindi ako karapat-dapat na pagbigyan..pero nakikiusap ako. Huwag ninyong kunin si Mama sa akin..please..nagmamakaawa ako..hindi ko kaya."

"Ate Alani." Naramdaman ko ang yakap ni Rica sa akin kaya mas lalo akong humagulhol ng iyak. "Huwag na po kayong magalit kay Nanay Linda. Palayain na po natin siya kung nais na niyang magpahinga. Ilang taon na rin po siyang naghihirap."

Hindi ako kumibo pero hindi maawat ang pag-iyak ko. Hindi madaling magparaya. Makasarili na ako kung makasarili pero ayaw ko pang magpahinga si mama.

"Ate Alani..hinihintay ka ni Nanay Linda sa loob."

Pumikit ako nang mariin. Mabigat man sa puso ko pero sumunod pa rin ako kay Rica. Maaliwalas ang itsura ni mama habang nakatingala sa kisame. Para bang wala na siyang nararamdamang sakit.

"Mama..." sambit ko.

Mabilis akong nagtungo sa kan'ya at niyakap siya. Humagulhol ako sa balikat niya.

"Mama...mahal na mahal ko po kayo. Kahit masakit po para sa akin na iiwan n'yo na ako, tatanggapin ko po. Kasi mahal ko kayo."

"Mahal na mahal din kita anak. Palagi kitang babantayan. Salamat."

Hinaplos ni mama ang aking pisngi kaya napapikit ako. Dinama ko ang palad niya hanggang sa unti-unti iyong bumagsak. Kasabay ng pagguho ng aking mundo.

"Mama!!" Sinubukan ko pa siyang gisingin pero wala na talaga. Wala na si mama. Iniwan na niya ako.

Umiyak ako nang umiyak sa tabi ni Mama. Sumikip ang dibdib ko na parang kinakapos sa hangin. Hanggang sa nawalan ako ng malay.

Nagising ako at katahimikan ang sumalubong sa akin. Nasa kwarto ako at nang maalala ang nangyari ay napabalikwas ako ng bangon. Nananaginip lang ba ako?

Agad akong bumaba ng hagdan at nang makita ang puting kabaong ay wala akong nagawa kung hindi ang mapaluhod na lang at umiyak.

"Hindi ito totoo..panaginip lang 'to!" sigaw ko at pilit na ginigising ang sarili mula sa bangungot na ito. Napalingon sa akin ang ilang bisita na hindi ko kilala.

"Ate Alani, tumayo ka diyan. Ate..." Inalalayan ako ni Rica paupo sa upuan at inabutan ng tubig. "Ate Alani, may masakit ba sa'yo? Kinabahan ako nang buong araw kang walang malay kahapon. Inasikaso ko na ang libing ni Nanay Linda dahil alam kong hindi mo pa kaya."

Hindi ako kumibo. Tanaw ko ang kabaong ni Mama at ang litrato niya. Nilapitan ko ang litratong iyon at niyakap.

"Mama ko."

"Alani?" Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita si Mylene. Tinakbo ko ang distansya namin at niyakap siya.

"Mylene...wala na si Mama. Wala na siya," sambit ko habang umiiyak sa balikat niya.

Natigilan si Mylene. "Nakikiramay ako, Alani. Nandito lang ako para sa 'yo," bulong niya at niyakap din ako.

Sinama ko siya sa likuran ng bahay para makausap. Kailangan ko ng kaibigan ngayon. Baka mawala ako sa katinuan dahil sa nangyari.

"I'm sorry ngayon lang ako nakapunta.. Sana inagahan ko ang pagpunta," sabi ni Mylene kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Si Mama na ang may gusto na magpahinga. I'm still thankful that you're here. I don't really know what to do now." I shook my head.

Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Saan mag-uumpisa at paano? Parang nawala sa akin ang lahat. Nagpunta ako dito dahil gusto kong makasama si mama pero binawi rin naman siya kaagad sa akin. Ang sakit. Para akong pinapatay nang paulit-ulit.

"Take a break, Alani. Alam kong napakarami mong pinagdaanan. You need to rest. Tutulungan kita sa libing ng Mama mo."

Ngumiti ako. "Salamat, Mylene."

At gaya ng kagustuhan ni Mylene ay nagpahinga muna ako. Pero sa tuwing matutulog ako ay mapapanaginipan ko si Mama at magigising akong umiiyak.

I don't know if I will ever recover from all of these. I lost my baby and now I lost my mother. Wala ba akong karapatang maging masaya? Hindi ba puwedeng makasama ko nang matagal ang mahal ko sa buhay?

"Alani, I just want to ask something. May balak ka pa bang bumalik sa Manila?" tanong ni Mylene habang sabay naming pinagmamasdan ang kalangitan.

Wala ng mga bisita at kaming tatlo na lang ni Rica ang nandito sa bahay.

Yumuko ako. "Ewan ko. Part of me wants to go back. Pero sino namang babalikan ko?"

Mylene sighed. "You still have Giovanne. Asawa mo siya. Hindi naman siguro tamang habambuhay mo siyang pagtataguan."

"Hindi ko siya pinagtataguan. Gusto kong malaman kung hahanapin niya ba ako. Pero ilang buwan na ako rito at wala pa rin. Ibig sabihin, wala talaga siyang pakealam," saad ko at mapait na ngumiti.

Noong bagong dating ako rito, umaasa akong isang umaga, may kakatok at darating si Giovanne para sunduin ako. Pero sa tuwing iniisip ko kung gaano siya nasaktan sa mga nangyari ay nawawalan ako ng pag-asa.

"E, paano na 'yan? Dito ka na lang? Ayaw mong mag-aral ulit?" tanong ni Mylene.

"Balak kong mag-aral ulit kapag nakaipon na ako. Kaya nga maghahanap ako ng trabaho dito," sabi ko at nakita kong naaawa si Mylene sa akin. "Huwag kang mag-alala sa akin. Kakayanin ko naman...siguro."

Mabilis na lumipas ang araw at ililibing na si mama. Itinabi ko sa puntod ni Papa ang puntod ni Mama. Para kahit sa libingan ay magkasama silang dalawa. Nakakalungkot nga lang na hindi ko na sila makakasama pa.

"Alani, I need to go home already. If you need anything, just call me okay? Take care," Mylene said then she hugged me.

I sighed. "Thank you. See you soon."

Tinanaw ko ang papalayong van na sinasakyan ni Mylene bago ako pumasok sa loob ng bahay. Napabuntonghininga na lang ako.

"Ate Alani, diba po kailangan n'yo ng trabaho?" tanong ni Rica sa akin.

"Oo, sana. Kahit ano basta iyong makakaipon ako."

"Doon kasi sa may bakery sa may kanto, nangangailangan ng tindera. Four hundred po kada araw ang suweldo."

Napaisip ako doon. Siguro makakaipon naman ako kahit papaano. Magtitipid na lang ako para hindi ako maubusan ng pera. Nagpipinta rin kasi ako at ibinebenta ko online. Sapat na siguro iyon para makaraos sa araw-araw.

Kailangan ko lang tatagan ang loob ko. Hindi ako susuko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top