2

Chapter 2
Missing Piece

My phone keeps on ringing and I have no choice but to answer the call. My head is throbbing in pain because of hangover and I felt like it's going to explode anytime.

"Hello?" I answered the call, my eyes were still closed.

Dammit! I'll never drink again. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko ito pero ginagawa ko pa rin.

"Alani! Are you on your way na ba?" Mylene shouted and I think I just broke my eardrums. She's always loud for Pete's sake!

Kahit hindi naman kailangang sumigaw, sisigaw talaga siya. Katulad na lang ngayon, akala niya yata bingi ako.

"Why? Saan naman ako pupunta?" nagtatakang tanong ko at sinubukang bumangon.

Nasapo ko ang noo ko at sinabunutan ang sarili para mabawasan kahit papaano ang sakit ng ulo ko. Mas lalo itong kumirot. Kailangan ko talaga ng painkillers. Dapat pala naghahanda na ako ng gamot dito sa kuwarto para sa tuwing malalasing ako ay iinom ako agad.

"OMG! Nakalimutan mo? Ngayon ang schedule ng pagpunta natin sa art gallery! Don't tell me hindi ka pa nag-aasikaso?" natatarantang sigaw niya ulit.

Inilayo ko mula sa tainga ko ang phone ko dahil sa lakas ng boses ni Mylene. Lalong sumasakit ang ulo ko at mas lalo lang sumakit nang maalala kong ngayon talaga kami pupunta sa art gallery.

Sumulyap ako sa orasan at nakitang alas-otso na.

Shit!

"This is all your fault! Kung hindi ka nagyayang uminom, hindi sana ako nalasing at nagka-hangover!" paninisi ko habang nagmamadaling kumuha ng damit sa closet. Muntik pa akong matisod sa kumot ko.

"Bilisan mo na! Nine O'clock ang opening dapat nandito ka na!"

Pinatay ko na ang tawag at agad akong naligo. Nabawasan nang kaunti ang sakit ng ulo ko pero kumikirot pa rin ito. Nang matapos akong mag-ayos ay agad akong sumakay sa kotse at nagmaneho patungong art gallery.

The art gallery consists of our own paintings and artworks. Kailangan naroon kami para kapag nagkaroon ng potential buyer ay madali kaming makakausap ng buyer. It is our first art gallery since we never had a chance to have one when we were still freshmen and I'm looking forward for more art galleries soon. Sana nga lang hindi ako ma-late ng dating. Nakakahiya kapag gano'n! Unang art gallery ko tapos late!

"Thank God you're here already. You're almost late," Mylene said before pulling me on our spot.

Mabilis ko siyang kinurot sa tagiliran dahil naiinis ako sa kanya. Sa kamamadali ko ay hindi na ako nakapag-makeup. Ang putla ko tuloy tingnan. Tapos sweater at jeans pa ang suot ko. Nakakainis!

"You're so mean, Alani. Sorry na nga kasi. Hindi ko naman alam na malalasing ka nang sobra," sabi niya pero umirap lang ako.

After five minutes, we officially opened the art gallery and visitors started to come. Nakatayo kami sa tabi ng mga artworks namin at hinintay na may lumapit. Hindi ako makangiti nang maayos dahil nga sumasakit pa rin ang ulo ko. Hindi na ako nakabili ng gamot dahil nagmamadali akong magpunta rito.

Saglit akong umupo sa may gilid at yumuko. I badly need to remove this hangover! This is killing me. Halos maubos ko na rin ang isang boteng tubig ko dahil nanunuyo rin ang aking lalamunan. Dehydrated pa rin ako hanggang ngayon.

"Whose artwork is this?" I immediately stood up when I heard a familiar deep voice. The sudden movement caused my head to hurt more.

Muntik pa akong mawalan ng balanse pero nahawakan ng taong nagsalita ang braso ko. Nagtama ang paningin namin at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang lalaking nasa harapan ko. Siya iyong lalaki sa bar kagabi.

"Sorry. Nagulat ba kita?" tanong niya at agad akong umiling bago umayos ng tayo.

Anong ginagawa niya rito? Sinusundan niya ba ako? O baka naman nagkataon lang? Bakit kailangan ko siyang makita ulit? Kung kailan ganito ang itsura ko. Paniguradong ang pangit ko ngayon.

"As I was asking, sa iyo ba ang artwork na 'to?" tanong niya ulit at iminuwestra ang isa sa mga artworks na naka-display ro'n.

Tumango ako at confident na ngumiti. At least kahit hindi ako nakaayos ngayon, maipagmamalaki ko naman ang gawa ko. Pero hindi ko pa rin mapigilang ma-conscious sa tuwing pagmamasdan niya ako.

"Yes, sir. It is called 'missing piece'. By its name you could already tell the meaning of this artwork," I told him.

The artwork is just like a replica of my tattoo but it is more detailed. It is a heart, formed by puzzle pieces and one of it is missing. The missing piece is held by someone without a face. Iisa lang ang ibig sabihin n'on, ang nawawalang parte ng puso ay nasa iisang tao. At ang taong 'yun ang makakatulong sa kaniya para mabuo.

"Yeah. It was easily understood but I want to know why you paint something like this?" he asked again.

I stared at my artwork and forced a smile. "Because...I feel incomplete. And I know that someone can give me the missing piece of my soul," I answered.

Nakita ko sa sulok ng mga mata ko ang paglingon niya sa akin. Hindi ko siya tinignan pabalik. Baka makitaan ko pa siya ng awa na hindi ko naman kailangan. Sabi nga nila, napakasuwerte ko kaya ano pang hahanapin ko sa buhay? Iyon din naman ang tanong ko, ano pa bang hinahanap ko? Ano pa bang nawawala sa akin?

"I will buy it," he said, which made me look at him. At first I thought he was joking but when he smiled, I knew that he was serious.

"Really?" I asked again and he nodded. "Thank you."

Binalot ko agad ang artwork at kumuha ako ng greeting card. Magsusulat na sana ako pero hindi ko nga pala alam ang pangalan niya.

"Ahm, what is your name sir?" I asked before biting my lip. This is so embarrassing. Baka akala niya paraparaan ko lang 'to. He didn't say anything and just showed me his identification card.

Engineer Giovanne Zabala. Wow. He has a nice name. Engineer pala siya. I wonder kung ilang taon na kaya ang lalaking 'to? Ngumiti ako at agad na isinulat iyon sa card.

Engr. Giovanne Zabala,
May you remember me whenever you look at this painting. Thank you.

Alani Mireille Tejada, Artist.

Nang matapos ay ipinasok ko sa loob ng paperbag ang card bago ko inabot sa kanya. His hand slightly touched mine and I blushed for no reason.

Inabot niya sa 'kin ang ATM card niya kaya kumunot ang noo ko.

“Sir, hindi po ako tumatanggap ng ATM card, wala po akong pag-wi-withdraw-han dito sa gallery," sabi ko.

Mukhang na-realize niya rin iyon at bahagya siyang natawa. Napangiti rin ako dahil mas lalo siyang gumwapo.

“I forgot, sorry. Here.” Kumuha siya ng pera sa wallet at iyon ang iniabot sa akin.

"Thank you, Sir," I told him.

"I gotta go. See you around," he said before he left.

Hindi ko mawaksi ang ngiti sa labi ko habang iniisip na binili niya ang isa kong artwork. Sana talaga hindi niya ako makalimutan. Kahit yata hindi mabili lahat ng gawa ko ay ayos lang. Babalik pa kaya siya?

"Huy, para kang baliw diyan. Ngiti ka nang ngiti," sita sa akin ni Mylene nang mapansin niya ako.

Inirapan ko siya. "Mylene, I think I found the one."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at bigla na lang akong hinampas sa noo ng papel. Bumalik na naman tuloy ang sakit ng ulo ko.

"The one? The one who will pop your cherry?"

This time it's my turn to smack her forehead using my hand. She glared at me and I glared back.

"Siraulo ka. The one who will buy all my artworks! That's what I mean," I told her.

Bigla tuloy akong napaisip sa sinabi niya. A man like Giovanne is undoubtedly a womanizer. Baka papalit palit ng babae ang isang iyon. Porke't gwapo, balak nang kuhain lahat ng babae sa mundo.

"Naku Alani, in love ka na yata sa lalaking 'yun. So, sino ang masuwerteng lalaking nakabihag sa 'yo?" tanong ni Mylene.

Mabilis akong umiling bilang pagtanggi. Hindi pa ako in love, 'no!

"In love agad? Hindi ba puwedeng infatuation muna?"

Mylene shook her head before she left me there. I am not in love with that man. I am not. And I will never be.

Tumunog ang phone ko at may mensahe akong natanggap mula sa unregistered number. Binasa ko iyon.

Unregistered number:
You said you feel incomplete, maybe I have the missing piece of you.

Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa nabasa. Nakalimutan kong nakasulat din pala sa greeting card ang number ko kaya nalaman ni Giovanne iyon. Naku! Hand written pa naman iyon baka isipin niya sinadya kong isulat. Nagdalawang-isip ako kung mag-re-reply ba ako o hindi kaya sa huli ay hinayaan ko na lang. Baka isipin niya may gusto ako sa kanya.

But wait...he said that maybe he has the missing piece of me. Ano namang ibig sabihin n'on? That he'll complete me? How?

Nag-pop-up sa isip ko ang paulit-ulit na sinasabi ni Mylene sa akin.

"No no no! Erase erase! You will not ask him to pop your cherry. Never! Argh!"

Naiinis na sinabunutan ko ang sarili ko. Bakit ba ako nagpapadala sa sinasabi ni Mylene eh puro kaharutan ang alam ng babaeng 'yon? Basta, sana hindi ko na makita ang Giovanne na yun. Sana hindi na! Pero gusto ko rin siya makita ulit.

Ano ba! Hindi ko na alam. Bahala na. Ginugulo niya masiyado ang isip ko samantalang kagabi ko lang siya nakita. Ah! I hate this!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top